You are on page 1of 20

1

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 11:
Pagpapalit at Pagdaragdag ng mga
Tunog Upang Makabuo ng Bagong
Salita

CO_Q2_Filipino 1_Modyul 11
Filipino – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 11: Pagpapalit at Pagdaragdag ng mga Tunog Upang
Makabuo ng Bagong Salita
Kompetensi: Napapalitan at nadaragdagan ang mga tunog upang makabuo ng
bagong salita.
Competency Code: F1KP-IIi-6, Quarter 2 Week 9
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Editha G. James, Aprilyn F. Kimmayong
Editor : Romeo A. Bugayong Jr.
Tagasuri : Ronald T. Bergado, Rozen D. Bernales
Tagaguhit : Romeo A. Bugayong Jr., Julious A. Perucho
Tagalapat : Jay Lord B. Gallarde
Tagapamahala: Estela L. Carino
Octavio V. Cabasag
Rizalino G. Caronan
Roderic B. Guinucay
Jorge G. Saddul, Sr.
Felimendo M. Felipe
Fe G. Buccahan

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region 02

Office Address: Regional Government Center, Carig Sur,


Tuguegarao City, 3500
Telefax: (078) 304-3855
E-mail Address: region2@deped.gov.ph
1

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 11:
Pagpapalit at Pagdaragdag ng mga
Tunog Upang Makabuo ng Bagong
Salita
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa
tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila
upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat
ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang
SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan.
Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad
sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa para sa batang


katulad mo na nasa unang baitang upang maisagawa
ang pagpapalit at pagdadagdag ng mga tunog upang
makabuo ng bagong salita. Ang mga gawaing
matatagpuan sa modyul na ito ay inaasahang
makatulong sa iyo upang makapagpalit at
makapagdagdag ng mga tunog upang makabuo ng
bagong salita.

Ang modyul na ito ay tumutugon sa:

 Pagpapalit at pagdaragdag ng mga tunog upang


makabuo ng bagong salita.

Pagkatapos ng mga Gawain sa modyul na ito, ikaw ay


inaasahang:

 Makapagpapalit at makapagdaragdag ng mga


tunog upang makabuo ng bagong salita.
 Naisasagawa ang pagpapalit at pagdaragdag ng
mga tunog upang makabuo ng bagong salita
nang may kagalakan.

CO_Q2_Filipino 1_Modyul 11
1
Subukin
Magulang: May dalawang larawan akong ipapakita sa
iyo. Pakinggan ang pangalan ng unang larawan. Tingnan
ang ikalawang larawan. Palitan o dagdagan nang isang
tunog ang naunang salita upang mabuo ang pangalan
ng ikalawang larawan. Isulat ang tunog sa patlang.

1.

bato ba__o

2.

gata __ata

CO_Q2_Filipino 1_Modyul 11
2
3.

ilog i__log

4.

baha baha__

5.

ubo __ubo

CO_Q2_Filipino 1_Modyul 11
3
Balikan
Kilalanin ang mga tunog na bumubuo sa pantig ng mga
salita sa bawat larawan. Isatunog ang mga ito.

1.

pu - sa

2.

ba - ka

3.

tu- ta

CO_Q2_Filipino 1_Modyul 11
4
4.

ma - nok

5.

i - bon

CO_Q2_Filipino 1_Modyul 11
5
Tuklasin
Makinig sa kuwentong babasahin sa iyo.

Maglaro Tayo
Ni: Aprilyn F. Kimmayong, T-III, VHSES, Maddela I

May mga bagong laruan si Dina. Ang mga laruang


ito ay kuwadradong kahoy na may nakaukit na mga letra
na tinatawag ding wooden blocks. Iba-ibang kulay ang
mga ito kaya nakawiwili sa mata.
Tuwang-tuwang tinawag ni Dina si Dino, ang
kaniyang kapatid. “Dino, halika at maglaro tayo,” aya ni
Dina kay Dino. “Ano ang lalaruin natin Dina?”, tanong ni
Dino. “Bubuo ako ng salita gamit ang mga wooden
blocks. Mula sa salita, bubuo tayo ng iba pang salita sa
pamamagitan ng pagpapalit ng isang letra o
pagdagdag ng isa pang letra. Paramihan tayo ng
mabubuong salita. Salitan tayo sa paggawa nito. At kung
sino ang may pinakamaraming mabuo, siyempre, siya
ang panalo,” ang mahabang paliwanag ni Dina.
Nagsimula nga sina Dina at Dino sa paglalaro.
Unang salita: bata
Dino: bato

CO_Q2_Filipino 1_Modyul 11
6
Dina: batas
Dino: butas
Dina: bantas
Tuwang-tuwa sina Dina at Dino sa paglalaro at
walang gustong magpatalo sa kanila.

Sagutin nang pasalita ang mga sumusunod na


katanungan:
1. Ano ang bagong laruan ni Dina? _________________
2. Ano ang mga nakaukit dito? _____________________
3. Paano nilaro nina Dina at Dino ang mga wooden
blocks? _________________________________________
4. Paano bumuo ng bagong salita sina Dina at Dino
mula sa unang salita? ____________________________
5. Sa iyong palagay, kaya mo rin ba ang ginawa
nina Dina at Dino sa pagbubuo ng mga salita? ___
6. Halimbawang ikaw ang matatalo sa laro, ano ang
gagawin mo? __________________Bakit?
7. Halimbawang ikaw naman ang mananalo, ano
ang gagawin mo? __________________Bakit?

CO_Q2_Filipino 1_Modyul 11
7
Suriin
Pag-aralang mabuti ang sumusunod na pares ng mga
salita. Suriin kung ito ay nadaragdagan o napalitan. Isulat
ang simbolong + kung ito ay nadagdagan at x kung
napalitan. Isulat ang sagot sa patlang.
1. bata – bato = ________

2. bata – batas = ________

3. batas – butas = ________

4. batas – bantas = _______

5. batas – batis = ______

Dagdag na katanungan: Saan maaaring magdagdag o


magpalit ng letra o tunog para makabuo ng bagong
salita? _________________________________________________

Pagyamanin
Mula sa mga salita sa kaliwa, bumuo ng bagong salita sa
tapat nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng iba pang
tunog at letra o pagpapalit.(Gawin ang gawaing ito sa
paraang pasalita.)
Halimbawa: baka – bakal – nadagdagan
- bako – napalitan

CO_Q2_Filipino 1_Modyul 11
8
1. hapon
2. alat
3. pako
4. payo
5. libo

Isaisip

Sa araling ito, napag-alaman nating may


iba’t ibang paraan para makabuo tayo ng
bagong salita. Ito ay maaaring sa paraang
pagdagdag ng iba pang tunog o letra o di
kaya pagpapalit ng letra o tunog sa salita.
Halimbawa: libo – lobo = napalitan ang
letra/tunog na i sa o kaya ang libo naging
lobo o
libo – libro = nadaragdagan ang salitang libo
ng r sa gitna kaya naging libro.
Ang pagdaragdag o pagpapalit ng letra
o tunog ay maaaring gawin sa unahan, sa
gitna o sahulihan.

CO_Q2_Filipino 1_Modyul 11
9
Isagawa
Isulat ang pangalan ng magkapares na larawan.
Tingnang mabuti kung paano nakabuo ng ibang salita
mula sa unang salita. Isulat sa patlang katapat ng
magkapares na salita kung ito ay nadagdagan o
napalitan.

Halimbawa:

pako sako = napalitan

1.

__________ __________ = __________


__

CO_Q2_Filipino 1_Modyul 11
10
2.

__________ __________ = __________

3.

__________ __________ = __________

4.

__________ __________ = __________

CO_Q2_Filipino 1_Modyul 11
11
5.

__________ __________ = __________

Tayahin
Magdagdag o magpalit ng tunog/letra para makabuo ng
bagong salita mula sa mga naibigay na salita sa ibaba.
1. Magpalit: mesa - ___________

2. Magdagdag: dami - ____________

3. Magdagdag: tula - ____________

4. Magpalit: piso - _____________

5. Magpalit: baboy - _____________

CO_Q2_Filipino 1_Modyul 11
12
Karagdagang Gawain
Buuin at isulat ang bagong salita ayon sa tinutukoy nito.
Gamitin ang larawang pantulong.

1. Palitan ng p ang d sa salitang dala.

Bagong salita - _________

2. Dagdagan ng t ang salitang daga.

Bagong salita - _________

3. Dagdagan ng d ang salitang ulo.

Bagong salita - _________

4. Palitan ng l ang p sa salitang sapa.

Bagong salita - _________

5. Palitan ng k ang t sa salitang pato.

Bagong salita- __________

CO_Q2_Filipino 1_Modyul 11
13
Susi sa Pagwawasto

s 5.
y 4.
t 3.
b 2.
s 1.

CO_Q2_Filipino 1_Modyul 11
14
Sanggunian
K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum Mayo 2016, pahina 8

Author: Aprilyn F. Kimmayong, T-3, VHSES, Maddela 1

CO_Q2_Filipino 1_Modyul 11
15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like