You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XI
City Schools Division of Digos
Soong National High School
Banghay aralin sa Filipino 9
( 9:45-10:45 Titania)

Unang markahan

I. Layunin: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang estruktura nito.

Lc Code: (F9PT-lg-h-43)

II. Paksa: Kayarian ng salita

Kagamitan: module, laptop at monitor, yeso, manila paper, pentel pen

Sanggunian: internet, LAS

III. Pamamaraan:

a. Panimula

* Panalangin

* Pagbibigay ng panuntunan

B. Balik-aral

Panuto: Ibigay ang angkop na ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan ang tamang ilalapat sa patlang.

1. “Hindi totoo, Boy, na hindi ako na naniniwala sa Diyos. ____may mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag”.

( a. totoo b. talagang c. tunay d. sa makatuwid)

2. Oo, ____ boy, sa akin ang simbahan ay hindi masamang bagay. Kaya huwag mong tatanggihan ang pagsama sa iyo ng
iyong Mama.

( a. oo b. talaga c. tama d. totoo)

3. Kung sasama po si Tiyo, _____ sasama rin ako .

(a. oo b. talaga c. tama d. totoo)

C. Pagganyak:

Pagpapabasa ng iskrip na ipinahayag ng mga tauhan mula sa dulang “Tiyo Simon”.

“ Ayaw mong magsimba! At ano ang gagawin mo rito sa bahay ngayong umagang ito ng pangiling-araw”.

 Anong kayarian ng salita ang mga nakasalungguhit?


D. Pagpresenta ng Layunin:

: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang estruktura nito.

E. Paglalahad ng Aralin:

Babalikan ang mga salitang nakasalungguhit sa itaas.

Kayarian ng salita

Payak maylapi Tambalan inuulit


Anak inaanak Anak-pawis Anak-anakan
araw umaaraw Bungang-araw Araw-araw
bahay magsimba Pangiling-araw

G. Malayang talakayan:

Tatalakayin ng guro ang mga kayarian ng salita at ipaliliwanag ang pagbabagong mangyayari sa mga salita kung
babaguhin ang estruktura nito.

H. Gawain : Pangkatan

Panuto: Sa loob ng limang minute ( 5 min.) bumuo ng mga salita mula sa bawat salitang-ugat. Pagkatapos ay ipaliwanag
ang kahulugan ng mga salitang nabuo.

Payak na salita bagong salita Pagpapaliwanag ng kahulugan


1. mahal
2. buhay
3. aral

Pamantayan

Mahusay ( 5 pts) Katamtaman ( 3pts) Nangangailangan ng gabay ( 1pt.)


Kung tama ang ginawang bagong Kung tama ginawang bagong salita Di maayos na pagkabuo ng bagong
salita at naipaliwanag nang maayos ngunit may malabong salita at walang malinaw na
ang kahulugan nito. pagpapaliwanag ng kahulugan pagpapaliwanag.

I. Paglalahat: Bakit kailangang mabago-bago ang salita na ginagamit natin sa pakikipagtalastasan o pagpapahayag?

J. Paglalapat:

Panuto: Lapatan ng wastong salita ang patlang para mabuo nang maayos ang pangungusap.

araw, araw-araw, bungang-araw

1. Masayang pumapasok__________ sa paaralan ang mga mag-aaral. Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita:

2. Hindi pa man sumisikat ang _________ ay umalis na agad ako para maghanapbuhay.
3. Huwag kang mamalagi sa matinding sikat ng araw upang hindi ka magkaroon ng _________.

Iv. Ebalwasyon:

Panuto: Piliin sa kahon ang salita na angkop gagamitin sa pangungusap. Ibigay ang iyong paliwanag sa iba ng iyong sagot.

Bago, pabago-bago

1. Ayaw nating makipag-usap sa mga taong ________________ ang isip.

Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita:


______________________________________________________________________

2. ___________ pa ang iyong uniporme kaya hindi muna kita ibibili.

Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita:


______________________________________________________________________

dalaga dumalaga dalagang ina

3. ________ na ang aming mga alagang manok sa bukid.

Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita:


______________________________________________________________________

4. Ang mga _________ ng Pilipina ay itinuturing na hiyas ng ating lahi.

Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita:


______________________________________________________________________

5. Sa kasalukuyan bunga na rin ng pagiging makabago ng kabataan ay ilan na sa kanila ang nagiging _____________.
Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita:
______________________________________________________________________ .

Takdang Gawain: ( ¼)

Bumuo ng bagong salita sa salitang taon at ipaliwanag ang pagbabagong naganap nito.

Inihanda ni: VELJUN M. CUIZON

guro

Sinuri ni: Gng. ROTSHEN V. CASILAC

SIC

Date : October 18, 2023

You might also like