You are on page 1of 23

MODULES IN

GRADE 10
QUARTER 1 – WEEK 6

Page 1 of 23
Page 2 of 23
Page 3 of 23
Module Code: Pasay-F10-Q1-W6-D1

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro:________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY
MODYUL SA FILIPINO 10
Unang Markahan/ Ikaanim na Linggo/Unang Araw

Layunin: Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring sa mga tauhan. F10WG-If-g-6

A.1 Panimula:

Alam mo ba na…
Ang isang babasahin o teksto ay binubuo ng magkakahiwalay na mga pangungusap o sugnay?
Ang mga pangungusap o sugnay na ito bagaman magkakahiwalay ay pinagdugtong o pinag-
uugnay ng mga gamit pang-ugnay o kohesyong gramatikal.

Ginagamit na pang-ugnay na ito ay referents o reperensiya na kung tawagin ay anapora at


katapora.
A. Anapora – mga reperensiya na kalimitan ay panghalip na tumutukoy sa mga
nabanggit na sa unahan ng teksto o pangungusap.
Hal.
1. Ang France ay una nang tinawag na Rhineland. Noong panahon ng Iron Age at Roman era,
ito ay tinawag na Gaul.
2. Karamihan sa mga tao ay ikinakabit ang kulturang Pranses sa Paris. Ito ang sentro ng
moda, pagluluto, sining at arkitektura.
Pansinin na sa unang halimbawa, ang pangngalang France sa unang pangungusap ay
hinalinhinan ng panghalip na ito. Samantalang sa ikalawang pangungusap ang Paris ay pinalitan
din ng panghalip na ito.

1. Marami ang kilalang artist ng kasaysayan, kabilang na ang Espanyol na sina Picasso at
Dutch-born Vincent van Gogh ay naghanap ng inspirasyon sa Paris, at sila rin ang
nagpasimuno ng impressionism movement.

2. Labis ang pangamba ni Jerome Solomon ang General Director ng French Ministry of
Health sa nagaganap na pagkalat ng Covid-19 sa kanilang bansa.

Kung kaya’t nagbigay siya ng mga babala sa mga mamamayan.

Suriin ang mga panghalip na sila at siya sa ikatlo at ikaapat na halimbawa,. Ang mga panghalip na ito
ay ginamit bilang panuring sa mga ngalan ng tao na binanggit sa unahan. Ang mga ito ay panghalip
na na ginamit bilang panuring sa tauhan.

A. Katapora- mga reperensiya na bumabanggit, at tumutukoy sa mga bagay


na nasa hulihan pa ng teksto o pangungusap.
Hal.
1.Sila ay maituturing na isa sa may pinakamalaking kaso ng Covid-19 na
naitala sa kasalukuyan. Ang mga taga. -France sa ngayon ay lubhang
nababahala sa dami ng namamatay sa bansa.

Sa halimbawang nabanggit, ang panghalip na sila na makikita sa unahan ng


pangungusap ay ginamit bilang panuring sa pangngalang taga-France na
makikita naman sa hulihan

Page 4 of 23
Module Code: Pasay-F10-Q1-W6-D1

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro:________________________________

B. TUKLASIN
Suriin ang mga larawan sa ibaba. Tukuyin ang mga tauhang kanilang ginampanan at isulat sa
patlang ang ilan sa kanilang mga katangian .

1. ________________________________________
-----------------------------------------------------------------
________________________________________

2. ________________________________________

-----------------------------------------------------------------
________________________________________

3. ________________________________________

-----------------------------------------------------------------
________________________________________

Nakilala ba ninyo ang mga tauhan sa larawan? Paano ninyo inilarawan ang kanilang mga katangian?
Nakababagot na mabasa at marinig ang mga salitang paulit-ulit na ginagamit sa isang teksto o
pahayag.Tandaan na ang mga panghalip ay hindi lamang ginagamit na panghalili sa pangngalang binanggit sa
unahan ng pangungusap. Ito’y maaaring ipalit sa pangngalang nasa hulihan din ng pangungusap.

HANDA KA NA BA SA MGA SUSUNOD NA GAWAIN?


Naunawaan mo na ba ang aralin? Makakaya mo na bang sagutan ang mga gawaing inihanda?
Kung hindi pa ay balikang muli ang aralin sa itaas. Kung naunawaan mo na ay simulan na natin.

C. MGA GAWAIN
Direksyon: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Punan ng angkop na panghalip ang mga
patlang mula sa ibinigay na mga pagpipilian sa loob ng panaklong. Isulat ang tamang sagot.

Talagang naghahanda na si Jack sa pag-alis nang sabihin sa 1.______________ ng kaibigang

editor ng 2. _____________ ama sa Honolulu na hintayin muna 3.____________ ang pagtatapos

ng klase sa Kolehiyo ng Punahu. “Ako ang nahirang na magbigay ng pangaral sa mga nagtapos
sa taong ito,” ang sabi niya kay Jack “at maibabalita 4. ___________ sa 5. ____________ ama

sa Hollywood kung gaano kabuting magsermon sa mga wahini (babae, sa wikang Kanaka) ang

6.___________ kaibigan sa Honolulu.” Pumayag si Jack. Sa nasabing commencement ng Punahu

School, doon 7.______________ nakilala si Jasmine, isang tunay na Kanaka subalit halimbawa

ng dalagang may mataas na pinag-aralan.

Page 5 of 23
Module
Module Code:
Code: Pasay-F10-Q1-W6-D1
Pasay-F10-Q1-W6-D1

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro:________________________________

Hindi 8.___________ malaman kung bakit ang mga matang buhay na buhay ni Noemi ay walang
iniwan sa dalawang palasong pangaral, palibhasa’y 9._____________ ang pangulo ng kapisanan ng
mga senior sa nasabing kolehiyo. Anong tamis 10._____________ magsalita ng wikang Ingles!
Anong lambing niyang bumigkas ng pangungusap! “Wala pa 11.____________naririnig na dalagang
Amerikana na kasintamis niyang magsalita” ang sabi pa ni Jack pagkatapos.
“Ginoong Editor,” sang sabi niya sa kaibigan ng 12.____________ ama, “hindi ako uuwi na hindi
kasama si Noemi.” “Talaga bang totoo ang sinasabi 13.___________?” ang usisa sa
14. _____________ ng matanda. “Paris ng katotohanang ang umaga’y sumusunod sa gabi” “Jack!
Ang may halong pangaral ng matanda, “Ang mga Kanaka ay mamamayang Amerikano lamang,

ngunit hindi laking Amerikano. Kawika lamang 15.______________, datapwa’t hindi natin sila
kalahi.
Mula sa: Panitikang Pandaigdig, Filipino 10

GAWAIN 2:

A. Direksyon: Tukuyin at salungguhitan ang mga ginamit na panghalip. Isulat sa patlang ang
A kung ito ay anapora at K naman kung katapora.

1. Ayon sa mga nakaaalam ng takbo ng turismo sa bansa, humina ito dahil sa masasamang balita.
2. Isa siyang pulitiko kaya’t nalalaman niya kung paano lambingin ang mga tao.
3. Ito ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng turismo sa bansa kaya ang terorismo ay patuloy
na sinusugpo ng Administrasyong Aquino.
4. Naniniwala si Duterte sa kakayahan niyang pamunuan ang bansang Pilipinas.
5. Ang pagpasok ng mga dolyar sa Pilipinas ay maituturing na biyaya, sapagkat ito ang dahilan
ng pagtaas ng ekonomiya.

Direksyon: Salungguhitan ang angkop na panghalip mula sa ibinigay na mga pagpipilian sa


loob ng panaklong upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
1. (Siya’y, Ika’y, Kami’y) isa sa magaganda’t mapanghalinang babae na sa pagkakamali ng
tadhana ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat.
2. Labis ang pagdurusa ng matandang Marquez dahil sa may paniniwala (akong, kaming,
3. siyang) isinilang siya sa daigdig upang maranasan ang lahat ng pagdurusa at kasawian.
4. Malimit na sa pagmamasid (niya, nito, siya) sa kabalyero ay nahihintakutan siya sa posibleng
mangyari.
5. “Mahal, akala ko’y ikatutuwa (nila, ko, mo) ang pagkakabenta n gating palasyo.
6. Sumapit ang inaasam (naming, kong, niyang) araw ng lagim. Nagliyab ang buong palasyo
dahil sa mapapait na pangyayari.

Page 6 of 23
Module Code: Pasay-F10-Q1-W6-D1

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro:________________________________

GAWAIN 3: Pangngalan Mo, Palitan Mo

Suriin ang kasunod na talata. Mula sa mga salitang nasa loob ng panaklong, piliin ang angkop na
panghalip.
Ang natural na kagandahan ni Donnalyn ay lalong tumingkad nang 1. _____ (siya’y, ito’y, nito’y)

magdalaga. Idagdag pa ang taglay na talino 2. _____ (niya, kaniya, siya). Kaya naman alagang-alaga

ni Aling Girlie ang anak. Inaako 3. _____ (nito, niya, siya) ang lahat ng gawaing bahay para hindi masira

ang magagandang hubog ng mga daliri ng kaniyang prinsesa. Hindi 4. _____ (ito, siya, niya)

tumutulong sa mga Gawain sa bukid para hindi umitim ang makinis at maputing balat 5. (nito, niya,

dito). Sa kabila ng 6. _____ (kaniyang, kanilang, aming) kahirapan ay iginapang nilang mag-asawa

ang pag-aaral ni Donnalyn sa isang Catholic School sa bayan. Subalit ni minsan ay hindi ngawang

silipin ng ina ang anak sa loob ng paaralan nito. Kabilin-bilinan ni Donnalyn na huwag 7. _____ (siyang,

niyang, kaniyang) pupunta roon, higit sa lahat huwag 8. _____ (itong, siyang, niyang) magpapakilalang

nanay 9. ____ (niya, nito, siya). Ito’y labis 10. _____ (niyang, kaniyang, siyang) ipinagdaramdam.

-Mula sa “Iisang Mata” ni Joselyn Calibara-Sayson

PAGLALAHAT:

Bago natin ituloy ang susunod na mga gawain…


DAPAT NATING TANDAAN

Ang panghalip, kapag ginamit na panuring ay lalong nagpapatiyak sa


pangngalan o anumang binibigyang-turing nito.
ang mga panghalip ay hindi lamang ginagamit na panghalili sa pangngalang
binanggit sa unahan ng pangungusap. Ito’y maaaring ipalit sa pangngalang nasa
hulihan din ng pangungusap.
Ang Anapora ay mga reperensiya na kalimitan ay panghalip na tumutukoy sa
mga nabanggit na sa unahan ng teksto o pangungusap.

Ang Katapora ay mga reperensiya na bumabanggit, at tumutukoy sa mga


bagay na nasa hulihan pa ng teksto o pangungusap.

Page 7 of 23
Module Code: Pasay-F10-Q1-W6-D1

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro:________________________________

D. PAGTATAYA:
Humanap ng kapareha sa loob ng bahay. Bumuo ng usapan tungkol sa napapanahong
isyung pandaigdig sa komik istrip gamit ang mga panghalip bilang panuring sa tauhan.
Pagkatapos ay punan ng mga hinihinging impormasyon ang kahon sa ibaba.

Pangngalan /Referent Panghalip na inihalili Uri (Anapora o Katapora)

1.

2.

3.

4.

5.

Mga Sangguniang ginamit:


1. Aklat – Panitikang Pandaigdig, pp. 57-58, 68-71
2. Online na sanggunian- prezi.com, pinterest.com, scribd.com

Inihanda ni:

LORENA N. BALAO
TI, President Corazon”Cory” C. Aquino National High School

Page 8 of 23
Module Code: Pasay-F10-Q1-W6-D2

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro:________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY
MODYUL SA FILIPINO 10
Unang Markahan/ Ikaanim na Linggo/Ikalawang Araw
Layunin: Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari (F10WG-Ig-h-62)

A. PANIMULA

Sa maraming pagkakataon, tayo ay nagbibigay ng mga


pagkakasunod-sunod ng mga bagay, pangyayari, panuto at iba
pa. mahalaga kung gayon na alam natin ang mga salita, kataga
o pahayag na nagpapakita ng wastong pagkakasunod-sunod
para magamit natin ayon sa pangangailangan.

Mga Hudyat sa Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari

May mga panandang ginagamit na naghuhudyat ng pag-uugnayan sa iba’t ibang bahagi ng


pagpapahayag. Sa Filipino, ang mga panandang ito ay kadalasang kinakatawan ng mga pang-
ugnay. Ipinakikita nito ang mga pag-uugnayang namamagitan sa mga pangungusap o bahagi
ng teksto.

Ang mga panandang Pandiskurso ay nagbibigay-linaw at nag-uugnay ng mga kaisipang


inilalahad sa isang teksto o diskurso. Maaring maghudyat ito ng pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari o di kaya ay maghimaton tungkol sa pagkakabuo ng diskurso. Karaniwan ng ito’y
kinakatawan ng mga pang-ugnay o pangatnig. (Badayos.2006)

 Nagsasaad ng pagpupuno o pagdaragdag ng impormasyon


Halimbawa:
At, saka, pati,una, kasunod nito, noong una, Pagkatapos, di-naglaon, habang,
Mayamaya, pagkalipas, pagkaraan, Minsan, hanggang, samantala
 Nagsasaad ng pagbubukod o paghihiwalay
Halimbawa:
maliban, bukod kay, huwag lang, bukod sa
 Nagsasaad ng kinalabasan o kinahinatnan
Halimbawa:
Tuloy, bunga nito, kaya, naman, sa wakas, kung gayon, sa dakong huli, kaya naman,
samakatuwid, sa gayon
 Nagsasaad ng kondisyon o pasubali
Halimbawa:
Kapag, sakali, kung
 Nagsasaad ng pagpapasidhi o pagtitiyak
Halimbawa:
Walang duda, sa katunayan, tunay

Sanggunian:
Aklat: MAKABAGONG Balarilang Filipino
Pahiyas, Wika at panitikan ni Dr. Paquito D. Badayos et.al
Filipino 2 Hiyas Wika at Panitikan Ibon Publishing Comp.
Filipino 10 Panitikang Pandaigdig
Pinagyamang Pluma 10
Online: clipartlibrary.com, fbccincinnatus.org, https://paano.ph
pia.gov.ph

Page 9 of 23
Module Code: Pasay-F10-Q1-W6-D2

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro:________________________________

B. TUKLASIN

Isulat ang iyong pangarap sa ulap. Bumuo ng iyong gagawing hakbang upang matupad
ang iyong mga pangarap sa buhay.Isulat sa bawat baytang ng hagdan.

Mula sa: https://www.fbccincinnatus.org/events/2018/9/2/moving-up-sunday

Integrated the Development of the Following Learning Skills:


a. Communication Skills – following instructions/directions

Naging malinaw ba sa iyo ang ating aralin? Kung hindi, maaari mo itong
balikang muli upang maging handa ka sa susunod nating gawain. Handa ka
na ba? Halina’t simulan na natin!

C. MGA GAWAIN
GAWAIN 1

Gumawa ng makabuluhang pangungusap gamit ang mga hudyat at pananda sa bawat


bilang tungkol sa hakbang ng pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas.

1. Unang-una _____________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Saka __________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. Sumunod ______________________________________________________________
______________________________________________________________________

4. pagkatapos_____________________________________________________________
______________________________________________________________________

5. sa huli ________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Mula sa: Pinagyamang Pluma 10

Page 10 of 23
Module Code: Pasay-F10-Q1-W6-D2

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro:________________________________

GAWAIN 2 Isa ang Adobo sa pinakapaboritong ihain ng mga Filipino sa kani-kanilang hapag
kainan dahil sa bukod sa madali itong iluto, maaari ka ring mag-eksperimento ng iba’t ibang
klase ng luto nito. Suriin ang mga pangungusap sa bawat bilang tungkol sa pagluluto ng
Adobo. Tukuyin ang tamang pagkakasunod-sunod nito. Lagyan ng bilang 1 hanggang 8.

MGA SANGKAP NG ADOBONG BABOY

500 grams ng karne ng baboy, hiwaan ng naaayon sa gustong lake


3 piraso ng bawang na pinitpit
1 kutsaritang pamintang buo
3 dahon ng laurel
1/2 tasa ng toyo
1/3 tasa ng suka
1 kutsarang asukal
asin
mantika

MGA HAKABANG SA PAGLUTO NG ADOBONG BABOY

_____ Sa kawali, iprito ang karne hanggang magkulay brown.

_____ Ilagay ang kawali sa kalan na may mahinang apoy sa loob ng 40 minuto o hanggang
lumambot ang karne. Magdagdag ng tubig kung kinakailangan.

_____ Ilagay sa lalagyan ang Adobong Baboy at ihanda ito sa hapag kainan.

_____ Ilagay ang suka at hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto.

_____ Hanguin ang karne at isantabi muna ang sabaw o sauce.

_____ Paghaluin ang karne ng baboy, bawang, dahon ng laurel, paminta at toyo sa kaldero
at imarinate ng 30 minuto.

_____ Ibalik ang karne sa sabaw o sauce at pakuluan ng kahit 1 minuto.

_____ Maglagay ng asin at asukal ng naaayon sa iyong panlasa.

Mula sa: https://paano.ph/paano-magluto-ng-


adobong-baboy/

Page 11 of 23
Module Code: Pasay-F10-Q1-W6-D2

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro:________________________________

GAWAIN 3
Isulat sa patlang ang mga hakbang upang maiwasan ang sakit na “COVID 19”,
Gamitin ang angkop na mga salitang hudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
pagbuo ng mga pangungusap. (una, ikalawa, saka, sumunod, pagkatapos,sa huli)

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

Mula sa: https://pia.gov.ph/news/articles/1034401

Mahusay! matatapos mo na ang mga nakahandang gawain na


makatutulong upang lalo pang malinang ang iyong kaalaman. Isang
hakbang na lamang ang kinakailangan mong gawin… Handa ka na ba?

Page 12 of 23
Module Code: Pasay-F10-Q1-W6-D2

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro:________________________________

D. PAGLALAHAT
Tandaan:
 Ginagamit ang mga panandang pandiskurso para ipakita ang pagbabago ng paksa, pagtitiyak,
pagbibigay halimbawa, opinyon, at paglalahat.
 Hinahati nito ang mga bahagi ng pahayag at ipinapakita ang relasyon ng mga ito. Ito ay kilala rin
bilang panghudyat na salita.
 Ginagamit ang mga pananda bilang hudyat sa mga sumusunod na sitwasyon o ayos ng
paglalahad.

E. PAGTATAYA

Sumulat ng isang paglalahad na gumagamit ng hudyat sa pagkakasunod-sunod ng


inyong paboritong ulam o pagkain. Gawing gabay sa inyong pagsulat ang rubrik sa ibaba ng
kahon.

Mga Pamantayan 5 4 3 2 1

Nagamit ang mga hudyat sa pagsusunod-sunod sa pagbuo ng


pangungusap.

Naisaalang-alang ang wastong gamit ng gramatika sa pagsulat.

Nailahad ng maayos at malinaw ang mga hakbang sa pagluluto ng


paboritong pagkain o ulam.

Kabuoang Puntos
Sanggunian:
5- Napakahusay 2- Di-mahusay
Aklat: MAKABAGONG Balarilang Filipino
Pahiyas, Wika at panitikan ni Dr. Paquito D. Badayos et.al
4- Mahusay 1- Sadyang Di-mahusay
Filipino 2 Hiyas Wika at Panitikan Ibon Publishing Comp.
Filipino 10 Panitikang Pandaigdig
3- Katamtaman
Online: clipartlibrary.com , logopedia.com Inihanda ni:

LORENA N. BALAO
TI, President Corazon”Cory” C. Aquino National High School

Page 13 of 23
Module Code: Pasay-F10-Q1-W6-D3

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro:________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 10
Unang Markahan/ Ikaanim na Linggo/Ikatlong Araw

Layunin: Naibibigay ang katangian ng isang tauhan batay sa napakinggang diyalogo


(F10PN-Ig-h-67)

A. PANIMULA
Kumusta na kaibigan? Handa ka na ba sa gawain
natin ngayong araw na ito?

Ang mga gawaing nakapaloob dito ay susubok sa


iyong kakayahan. Kailangan lamang magbigay ng ora s
at panahon upang maisagawa mo ito.kaya’t halina at
tumuklas ng bagong kaalaman!

Alam mo ba na …
Ang nobela ay bungang-isip/katha na nasa anyong prosa.kadalasang halos pang- aklat ang haba na ang
banghay ay inilalahad sa pamamagitan ng mga tauhan at diyalogo. Ito’y naglalahad ng isang kawil ng mga
kawili-wiling pangyayari na hinabi sa isang mahusay na pagkakabalangkas.
Ang tatlong elemento na karaniwang matatagpuan sa isang mahusay na nobela ay :

A. Isang kuwento o kasaysayan


B. Isang pag-aaral
C. Paggamit ng malikhaing guniguni

Pangunahing layunin ng nobela ay lumibang, bagaman sa di-tahasang paraan, ito’y maaari ring magturo,
magtaguyod ng isang pagbabago sa pamumuhay o sa lipunan, o magbgay ng isang aral.

Mga Pangyayari:
Dahil binubuo ng mga kabanata, dapat na ang mga pangyayari ay magkakaugnay. May panimula, papaunlad
na mga pangyayari na magsasalaysay ng tunggalian ng nobela, kasukdulan, at kakalasan na patungo na sa
wakas.

Paglalarawan ng Tauhan:

Ang lalong mahusay na nobela ay naglalarawan ng tauhan. Ito’y ginagawa nila sa isang paraang buhay
na buhay, kaya’t parang mga tunay na tauhan ang kinakaharap natin habang binbasa ang nobela. Sa
kanilang bukambibig, sa kanilang mga kilos at mga sinasabi ng may-akda tungkol sa kanila ay natutuhan
nating kilalanin at pahalagahan ang mga lalaki at babae ng isang katha na naiuugnay sa mga taong
nakapaligid sa atin.

Sanggunian:
Mula sa: Mga dapat Tandaan sa Pagsulat ng Nobela
Aklat: Panitikang Pandaigdig, Filipino 10 Panitikang Pandaigdig, Filipino 10,

Pinagyamang Pluma 10
Online: teacherwire.net, slideshare.net
Digigogy.com

Page 14 of 23
Module Code: Pasay-F10-Q1-W6-D3

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro:________________________________

B. TUKLASIN

Gumupit o Iguhit ang larawan ng iyong kapatid. Pagkatapos ay ilarawan siya sa tulong ng character
profile sa ibaba.

Larawan ng kapatid:

Pangalan:

Edad:

Libangan:

Mga Kilos/gawi at pag-uugali:

Pisikal na katangian:

Naging malinaw na ba para sa iyo ang aralin? Muli mo itong balikan kung sa
iyong palagay ay mayroon ka pang nakalilimutan. Higit mong mahahasa ang iyong
natutuhan sa pagsagot sa mga gawaing inihanda para sa iyong ganap
na pagkatuto. Kung ikaw ay nakahanda na, magsimula na tayo!

D.
MGA GAWAIN
a. GAWAIN 1: Katangian Ko… Diyalogo Ko
Ibigay ang katangian ng tauhan batay sa babasahing diyalogo na hango sa mga akda.

1. “Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po ako ng
buhay ko.Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag ako’y nawala.”
-Halaw sa kuwentong “Nang Minsang Naligaw si Adrian”,
LM Grade 9, pp. 15
Sagot:________________________________________________________________________________

2. “Hindi ako pumupunta sa bahay ng isang lalaking estranghero sa akin,” sabi ng babae.
-Halaw sa nobelang “Isang Libo’t isang Gabi
(Thousand and One Nights) Saudi Arabia
Sagot:___________________________________________________________________________________
3. “Sige, bibigyan kita ng trabaho. Pero ayoko ng tamad, ha? Dos singkwentang gana mo.” (Don ho sa
pinagtrabahuan ko, tatlong pisong…) O, e, di don ka magtrabaho. Burahin ko nang pangalan mo?”
-Halaw sa nobelang “Maynila sa Kuko ng Liwanag”
Sagot:_________________________________________________________________________________

4. “Kasalanan n’yo ang nagyari, e! natataranta kasi kayo basta may kostumer kayong kano. Pa’no
natitipan kayo ng dolyar. Basta nakakita kayo ng dolyar, naduduling na kayo, kaya binabastos ninyo
ang mga kapwa ninyo Pilipino.”
-Halaw sa nobelang “Gapo” ni Lualhati Bautista
Sagot: ________________________________________________________________________________

Page 15 of 23
Module Code: Pasay-F10-Q1-W6-D3

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro:________________________________

5. “Walang ibang babae akong minahal.”


-Halaw sa nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame”
Sagot:___________________________________________________________________________

6. “Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon, dahil sa kanyang ginawang pagpapatiwakal,
matutulad lamang siya sa isang inilibing na so,” Sabi ni Obierika, ang kanyang kaibigan.
-Halaw sa nobelang “Paglisan”
Sagot:________________________________________________________________________________
7. “lyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng
mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating aralin…”
-Halaw sa kuwentong “Ang Kuwento ni Mabuti”ni Genoveva Edroza-Matute
Sagot:_________________________________________________________________________________

8. “At ngayon, ito ang aking sikreto, isang napakasimpleng sikreto: Sa pamamagitan lang ng puso
nakikita ang mga bagay na mahalaga. Ang pinakamahahalagang bagay ay hindi nakikita ng mga
mata.”
-Halaw sa nobelang “Ang Munting Prinsipe”
Sagot:_______________________________________________________________________________

2. “ Dito ako ipinanganak, dit rin ako mamamatay,” ang lagi niyang sagot kay Chicot.
-Halaw sa kuwentong “Ang Munting Bariles”
Sagot:_______________________________________________________________________________
3. “Akala mo lang wala, pero meron! Meron!”
-halaw mula sa nobelang “Bata, bata, Paano ka Ginawa” ni Lualhati Bautista
Sagot:___________________________________________________________________________________
Mga gabay na tanong:
a. Paano nakatulong ang mga pangyayari sa pagkilala ng katangian ng tauhan?
b. Anong uri ng tauhan ang nabuo ng may-akda?
c. Nalaman bas a diyalogo ang pagkakakilanlan ng isang tauhan? Patunayan.

Gawain 2:
Tukuyin ang katangian o damdaming ipinapakita ng bawat tauhan batay sa usapang nakalahad sa mga
kahon. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

“Halika, maglaro tayo,” anyaya ng munting prinsipe. “ Ako’y nalulungkot.”


“Hindi ako puwedeng makipaglaro sa’yo,” sabi ng alamid. “Hindi pa ako napapaamo.”
“Ah, pasensiya na,” sabi ng munting prinsipe. Subalit pagkatapos makapag-isip-isip ay sinabi niya:
“Ano ang ibig sabihin ng napaamo?”
“Hindi ka tagarito,” sabi ng alamid. “Ano ang hinahanap mo?”
“Naghahanap ako ng tao,” sagot ng munting prinsipe. “Ano ang ibig sabihin ng napaamo?”

1. nong katangian ang ipinakita ng munting prinsipe nang sabihing hindi niya alam ang
kahulugan ng salitang napaamo?
A. Siya’y nagkukunwari upang makuha ang loob ng alamid
B. Siya’y wala pang gaanong nalalaman ukol sa mga bagay-bagay sa daigdig ng mga tao.
C. Siya’y naghahanap ng kaibigang magiging guro o tagapagturo
D. Sadyang mahina ang kanayang ulo at wala siyang nalalaman
2. Anong katangian naman ang ipinakita ng alamid nang sabihan ang munting prinsipeng
“hindi ka tagarito”?
A. Siya’y mapanghusga at mabilis magbigay ng kanyang opinion
B. Siya’y maawain at agad nakadama ng pagkaawa sa prinsipe.
C. Siya’y matalino at mabilis na nakababasa sa kilos o sinasabi ng iba.
D. Siya’y naghahanap ng taong maaaring maging kaibigan.

Page 16 of 23
Module Code: Pasay-F10-Q1-W6-D3

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro:________________________________

“Nasa ibang planeta? ” “Oo.”


“May mga mangang
“Ah, maganda iyan! May mga manok ba? aso ba a planetang iyon” “Wala?” “Wala..” ”
“Wala talagang perpekto,” himutok ng alamid.

3. Anong katangian o damdamin ang nadama ng alamid sa usapang ito nang sabihin
niyang wala talagang perpekto?
A. Pagkasuklam B. pagkagalit C. pagkadismaya D. paghihirap

Una, maupo ka nang malayo-layo sa akin sa damuhan. Susulyapan kita sa gilid ng aking mga mata at hindi ka
magsasalita. Ang salita ay nagiging dahilan ng hindi pagkakaunawaan. Araw-araw, unti-unti mong ilapit ang
iyong puwesto sa akin…”

4. Ayon sa alamid, ito raw dapat ang gawin ng prinsipe upang mapaamo siya. Anong katangian
ang taglay ng taong gagawa nito para lamang mapaamo ang isang nilalang?
A.may mahabang pasensiya C. may mababang loob
B. may magandang dispusisyon D. may pangarap sa buhay

Kung alam kong darating ka ng ikaapat ng hapon, ikatlo pa lang ay mananabik na ako. Sa paglipas ng mga
sandal ay lalo akong magiging masaya. Pagsapit ng ikaapat ng hapon, ako’y labis nang mag-aalala at di na
mapapalagay. Makikita mo sa aking mukha kung gaano ako kasayang makita ka.

5. Anong damdamin ang umiiral sa taong gagawa sa sinabing ito ng alamid?


A. pananabik ng isang taong naghihintay sa kanyang minamahal.
B. Pag-aalala sa isang nagkasakit na minamahal.
C. Pagsasaya dahil alam na may ibibigay sa kanya ang minamahal.
D. Pag-aalala dahil sa kasalanang nagawa sa minamahal.

GAWAIN 3

Basahin ang talata. Ibigay ang tamang paglalarawan sa katangian ng tauhan.

Sabado noon. Isinama ng nanay sa palengke si Maricar. “Inay, marami palang tao rito sa palengke,”
nasabi ni Maricar. “Talagang maraming tao rito. Bukod sa maraming tindera, napakarami ang bumibili,”
paliwanag ni Aling Aida.
Naalala bigla ni Maricar na ipinagbilin ng kanyang Itay na bibili ng saging kaya sinabihan niya ang
kanyang nanay. Inuna nila ang pagbili ng isng piling na lakatan na nagkakahalaga ng P24.00. Isang
dalawampung pisong papel at isang sampung pisong papel ang Nakita ni Maricar na ibinayad ng nanay
niya.Nagbigay ng sukli ang tindera. Sa halip na P6.00 lang ay sobra-sobra ito. “Inay, sobra po ng siyam
na piso ang sukli sa atin ng Ale. Ang ibinayad po natin ay tatlumpung piso,” sabi ni Maricar. “Naku!
Aling tindera, sobra nga naman ho ng siyam nap iso ang sukli n’yo sa amin,” natatawang sabi ni Aling
Aida. “Salamat ho,” nakangiting wika ng tindera. “Hoy, Ine, halika,” nakangiting tawag ng tindera kay
Maricar. “Dahil sa iyong katapatan, heto naman ang alaala ko sa iyo… isang matamis na atis.” “Salamat
po,” nasabi ni Maricar habang tinatanggap ang atis na kaloob ng tindera.
1.
“Inay, sobra po ng siyam nap iso ang sukli sa atin ng Ale. Ang ibinayad po natin ay
tatlumpung piso,” sabi ni Maricar. Si Maricar ay ____.
A. Siya’y may angking katapangan.
B. Siya’y mabilis magbilang ng pera.
C. Siya’y may katapatang taglay.

Page 17 of 23
Module Code: Pasay-F10-Q1-W6-D3

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro:________________________________

2. “Naku! Aling tindera, sobra nga naman ho ng siyam nap iso ang sukli n’yo sa amin,” natatawang sabi ni Aling Aida.
Ilarawan ang katangian ni Aling Aida.
A. Matapang at hindi siya nagpapa-api kaninuman
B. Siya’y mabait at matapat.
C. Siya ay masungit.
3.
“Ine, halika,” nakangiting tawag ng tindera kay Maricar. “Dahil sa iyong katapatan, heto naman ang alaala ko sa iyo…
isang matamis na atis.” Ang tindera ay _____.
a. Siya’y mapagbigay sa kapwa.
b. Siya’y may maawaing puso para sa mga nangangailangan.
c. Siya’y matulungin sa kanyang kapwa.
4.
Naalala bigla ni Maricar na ipinagbilin ng kanyang Itay na bibili ng saging kaya sinabihan niya
ang kanyang nanay. Si Maricar ay________.
A. Masunuring anak si Maricar.
B. Isang matapat na mamamayan si Maricar.
C. Maalalahaning anak si Maricar sa kanyang mga magulang.
5.
“Salamat po,” nasabi ni Maricar habang tinatanggap ang atis na kaloob ng tindera. Si Maricar ay______.
A. lumaking may paggalang sa kanyang kapwa
B. siya’y maalalahanin at masunuring bata.
C. Masayahing bata si Marica

D. PAGLALAHAT
Tandaan:
Sa isang mahusay na nobela , ang mga tauhan ay hindi pinagagalaw ng may -akda.
Sila’y gumagalaw ng kusa - lumuluha, nalulug od, nagtataksil, nagtatapat, na ng-aapi,
tumatangkilik -alinsunod sa angkin nilang lakas, mga hangarin , at mga nakapaligid sa
kanila. Ang mga kilos nila ’y siyang mga kilos na hinihingi ng katutubo nilang ugali at
ng mga pangyayaring ini llarawan ng kumatha.

Binabati kita sa iyong kasipagan at pagiging


matiyaga! Mahusay mong naisagawa ang mga
gawain para sa ating aralin! Sa iyong ipinamalas na
kahusayan, kayang -kaya mong maisakatuparan
ang kasunod na inihand ang pangwakas na gawain.

E. PAGTATAYA
Ipakilala at ibigay ang mga katangian ng naibigan mong tauhan sa kuwentong iyong
nabasa o napakinggan sa pamamagitan ng k asunod na Fakebook Profile . Pagkatapos ay
ipaliwanag kung bakit mo naibigan ang tauhang iyong napili.

Katangiang pisikal:

Pangalan:
Palayaw:
Gawi/Aksyon:
Reaksyon ng Ibang Tauhan:

Paliwanag:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

LORENA N. BALAO
TI, President Corazon”Cory” C. Aquino National High School

Page 18 of 23
Module Code: Pasay-F10-Q1-W6-D4

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro:________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY
MODYUL SA FILIPINO 10
Unang Markahan/ Ikaanim na Linggo/Ikaapat na Araw

LAYUNIN: Naisusulat ang paliwanag tungkol sa isyung pandaigdig na iniuugnay sa buhay


ng mga Pilipino (F10PU-If-g-68)

A. PANIMULA Magandang Araw mga bata!


Subukin nating pag-usapan ang pagkakaugnay ng mga
pangyayari sa akdang ating babasahin sa mga isyung panlipunan
at pandaigdig.

Bago tayo magpatuloy sa ating mga gawain ay basahin at unawain


ang buod ng kuwentong “Ang Kuwintas” na isinulat ni Guy de
Maupassant. Ito ang magsisilbing gabay sa inyong pagsagot sa mga
susunod na gawain

Siya’y isa sa magaganda’t mapanghalinang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa


angkan ng mga tagasulat. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil sa may paniniwala siyang
isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na magdudulot ng salapi. May
taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan kaya’t ipinaghihinagpis niya
ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan Dumating ang kanyang asawang si G. Loisel isang gabi na may
dalang sobre na naglalaman ng paanyaya sa isang kasiyahan mula sa Ministro ng Instruksyon Pampubliko.
Ngunit nagdabog at bumulong si Mathilde sa anong gagawin niya rito. Sinabi niya sa asawa na kailangan
niya ng pera para bumili ng bagong bestida upang magamit sa dadaluhang pagtitipon. Apat na raang prangko
ang kanyang hiningi kung kaya si G. Loisel ay natigilan. Sa huli ay pumayag din ito na bumili ng bagong
bestida si Mathilde. Pero hindi nakuntento si Mathilde na wala man lang hiyas na suot kaya humiram siya ng
kwintas sa kanyang kaibigang si Madam Forestier. Pinahiraman ni Forestier si Mathilde ng kwintas. Nang
sumapit ang araw nahigitan ni Mathilde ang lahat ng mga babae sa ganda, rangya at kahalina halina. Kung
kaya siya ay naging maligaya sa gabing iyon.
Matapos ang kasiyahan umuwi silang mag-asawa. Nang humarap sa salamin si Mathilde ay
napasigaw siya dahil nawala ang kwintas na hiniram niya.
Hinahanap nila ito ngunit hindi ito makita. Kaya siya naghanap ng katulad nito upang isauli kay Madam
Forestier sapagkat nagkakahalaga ito ng apatnapung libong prangko.
Nang mabili na nila ang kwintas ay isinauli ito kay Madam Forestier na naging malamig ang pakikiharap sa
kanya. Noon lubos na naunawaan ni Mathilde ang mamuhay sa gitna ng karalitaan. Tumagal ng sampung
taon ay natapos din ang lahat ng kanilang utang kasama na ang mga tubong nagkapatong patong.
Mukhang matanda na si Mathilde na isa nang tunay na babae na mayroong maralitang buhay. Isang
araw ay naglalakad si Mathilde sa Champs Elysees. Nakita niya si Madam Forestier na may kasamang bata.
Katulad pa din ito ng dati na may taglay na panghalina. Binati niya ito ngunit siya ay hindi na nakilala dahil
malaki ang pagbabago ng kanyang itsura. Isinisi niya kay Foresties sa nangyari sa kanya.
Sinabi niya ang pagkawala ng kwintas at ang pagbili niya kapalit ng kwinras na naging sanhi ng
kahirapan ng kanyang pinagdaanan. Ngunit sinabi ni Madam Forestier na isang imitasyon lamang ang
hiniram niya kay Mathilde. Ang pinakamataas na maihahalaga ay limang daang prangko lamang.

Sanggunian:
Aklat: Pinagyamang Pluma 10
Filipino 10 Panitikang Pandaigdig
Online: peac.org.ph, slideshare.net, digigogy.com

Page 19 of 23
Module Code: Pasay-F10-Q1-W6-D4

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro:________________________________

B. TUKLASIN
PHOTO COLLAGE: KILALANIN MO ANG ITALYA
Direksyon: Isang Photo Collage ang makikita. Ilarawan ang bansang Italya batay sa
ipinahihiwatig ng mga larawan. Magbigay ng interpretasyon tungkol sa paraan ng pamumuhay,
pamahalaan, relihiyon at kultura. Alamin din kung ang mga nabanggit ay maaring maging
mahalagang paksa ng kanilang panitikan.

Ang masasabi ko tungkol sa Italya ay:

Mahihinuha sa larawan na ang kanilang panitikan ay tungkol sa:

Mula sa: peac.org.ph

Naging malinaw ba sa iyo ang ating aralin? Sa tulong ng mga


gawain ay mas mapapalawak mo pa ang iyong natutuhan. Tayo
na’t magsaimula.

GAWAIN 2:

Tukuyin at Ipaliwanag ang mga usapin o isyu sa akdang binasa na naging usapin din sa
Pilipinas o sa iba pang bansa. Ilista sa talahanayan ang mga impormasyong hinihingi.

Usapin o Isyu Kaugnay na Pangyayari sa Pilipinas o


ibang Bansa

1. _______________________________ 1. _______________________________

2. _______________________________ 2. _______________________________

3. _______________________________ 3. _______________________________

4. _______________________________ 4. _______________________________

5. _______________________________ 5. _______________________________

Page 20 of 23
Module Code: Pasay-F10-Q1-W6-D4

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro:________________________________

GAWAIN 2
A. Suriin at iugnay ang mga suliranin at mga pangyayari mula sa akda batay sa mga
pangyayari sa kasalukuyan. Maaring tingnan ang teksto kung sakaling kailangang paunlarin
ang nilalaman ng akda

“Ang Kuwintas “
ni: Guy de Maupassant

MGA USAPING PANSARILI


Pangyayari mula sa akda 1: Pangyayari mula sa akda 2: Pangyayari mula sa akda 3:

1.

Pag-uugnay sa Kasalukuyan: (Magbigay ng mga kongkretong pangyayari sa kasalukuyan na


magpapatunay na ang akda ay tunay aT nagaganap).

MGA USAPING PANLIPUNAN


Pangyayari mula sa akda 1: Pangyayari mula sa akda 2: Pangyayari mula sa akda 3:

Pag-uugnay sa Kasalukuyan: (Magbigay ng mga kongkretong pangyayari sa


kasalukuyan na magpapatunay na ang akda ay tunay at nagaganap).

MGA USAPING PANDAIGDIG


Pangyayari mula sa akda 1: Pangyayari mula sa akda 2: Pangyayari mula sa akda 3:

Pag-uugnay sa Kasalukuyan: (Magbigay ng mga kongkretong pangyayari sa


kasalukuyan na magpapatunay na ang akda ay tunay at nagaganap).

Pamprosesong Tanong:

1. Bakit mahalagang sandigan ang panitikan sa pagtalakay ng mga isyung panlipunan?


__________________________________________________________________________

B. Kultura: Paghambingin
1. Malinaw bang nailarawan sa pamamagitan ng mga pangunahing tauhan sa kuwento ang kultura
ng France sa larangan ng pagpapahalaga sa kababaihan, pagkain, at pananamit? Patunayan.

_____________________________________________________________________________

2. May pagkakatulad bai to sa kultura nating mga Pilipino? Patunayan.

____________________________________
Page 21 of 23
Module Code: Pasay-F10-Q1-W6-D4

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro:________________________________

Gawain 3: ISYU 101


Direksyon: maging mapanuri at tukuyin ang mga isyu na maaaring maiuugnay sa mga
sumusunod na pangyayari sa akda. Ilahad ang mga ito batay sa mga napapanahong
kalagayan sa loob at labas ng bansa.

Pangyayari sa akda Pangyayari sa kasalukuyan

Upang makadalo sa kasayahan, ibinigay


ni G. Loisel ang naiipon niyang apat na
raang prangko na pambili sana niya ng
baril upang ibili ni Mathilde ng bestido.

Pangyayari sa akda Pangyayari sa kasalukuyan

Sampung taong naghirap ang mag-


asawa sa pagbabayad ng kanilang mga
utang. Dito’y naranasan ni Mathilde ang
lahat ng hirap sa pagharap sa mga
gawaing-bahay. Subalit napagtanto niya
na tunay na ang buhay ay kakatwa at
mahiwaga! Sukat ang isang maliit na
bagay upang tayo’y mapahamak o
mapabuti.

Pangyayari sa akda Pangyayari sa kasalukuyan

Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni


Mathilde dahil sa may paniniwala siyang
isinilang siya sa daigdig upang
magtamasa ng lubos na kaligayahan sa
buhay na magdudulot ng salapi. May
taglay siyang alindog na hindi nababagay
sa kasalukuyan niyang kalagayan kaya’t
ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng
kaniyang lumang tahanan

Pamprosesong Tanong:

1. Paano sinasalamin
D. PAGLALAHAT ng isang akdang pampanitikan ang mga isyung panlipunan ng isang
bansa? ____________________________________________________________________
Tandaan:

2. Paano
Bukod sa naging
kinikilalamabisa angFrance
ang bansang akdang iyong binasa upang mailahad ang mga isyung
sa fashion
and panlipunan?
culture, ________________________________________________________________
isa sa itinuturing na pinakamalayang bansa sa
kanluran ng Europa ang Italya. Ang bansang ito ay isa sa
pinakamahalagang bansa sa Europian Union dahil sa
komersyo, kultura at kasaysayan. Katulad ng iba pang mga
bansa sa Meditterenean, mayaman sa panitikan ang bansang
Italya. Ang mga panitikan sa bansang ito ay nagsisilbing
kanlungan ng kanilang sinaunang kaugalian, tradisyon at
kultura.

Page 22 of 23
Module Code: Pasay-F10-Q1-W6-D4

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro:________________________________

E. PAGTATAYA
Basahin at unawain ang talata.
Ang pagkalulong sa masasamang bisyo tulad ng alak, sigarilyo, at droga ay may
masasamang epekto hindi lamang sa mga taong nagugumon kundi maging sa mga tao sa
paligid nila at sa buong bansa sa pangkalahatan. Ang mga bisyong ito’y multi-milyong
negosyo kaya naman sa kahit anong paraan ay aakitin ng mga gumagawa nito ang mga tao
hanggang sa hindi nila namamalayan,katulad ng mga nangyayari sa mga kabataan sa
kasalukuyan sila ay lulong o gumon na sa bisyo. Ito’y isang malaking isyung pandaigdig na
tinutugunan ng bawat bansa dahil sa masasamang epektong dala ng mga ito.
Magbigay ng paliwanag sa gagawin mo hinggil sa bawat sitwasyong nakalahad sa
ibaba upang sa una pa lang ay makaiwas ka na at hindi na malulong pa.
1. May bago kang kaibigang umaakit sa iyo upang sumubok ng isang uri ng droga na ibinibigay
lang daw niya sa iyo nang libre. Marami siyang ikinukuwentong magagandang nangyayari
sa kanya sa tuwing ginagamit niya ito. Ano ang gagawin mo?
________________________________________________________________________
2. Mayroon kang kapamilyang naninigarilyo. Nakikita mo ang epekto nito hindi lamang sa
kanya kundi sa inyong lahat. Ang hangin sa loob ng inyong bahay o sasakyan ay lagging
nangangamoy sigarilyo kaya naman nagka-asthma kayong magkakapatid at madali rin
kayong magkasipon at magka-ubo. Ngayon Malaki ka na ay inaakit ka ng mga kaibigan mo
upang matuto ring manigarilyo. Ano ang gagawin mo?
________________________________________________________________________
3. Lagi mong napapanood sa telebisyon ang mga komersiyal patungkol sa alak. Ipinakikita rito
ang magandang samahan ng mga lalaking umiinom at ang paghanga sa kanila ng
kababaihan. Alam mong ang pag-inom ng alak ay nagdadala ng mga lifestyle diseases at
nagiging sanhi pa ng maraming aksidente sa daan kapag nagmaneho ang taong nakainom.
May kaibigan mga kang nagyayang sumubok kayong uminom. Ano ang gagawin o sasabihin
mo?
________________________________________________________________________
Maglahad ng tatlong mabibisang paraan upang makiwas sa masasamang bisyong
maaaring makasira sa iyong kalusugan, buhay at kinabukasan.
1. ____________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________
3. ____________________________________________________________________

Sanggunian: Mula sa: Pinagyamang Pluma 10, pp. 109


4.
Aklat: Pinagyamang Pluma 10
5. Filipino 10 Panitikang Pandaigdig

Online: peac.org.ph , slideshare.net, digigogy.com


.
Inihanda n

LORENA N. BALAO
TI, President Corazon”Cory” C. Aquino National High School

Page 23 of 23

You might also like