You are on page 1of 16

Title: Edu-Aksyong Filipino 7

Topic: Mga Uri ng Paghahambing


Format: School-on-the-Air
Length: 25 minutes
Scriptwriter: Kelvin G. Ramos
Objective: Pagkatapos ng pagsasahimpapawid, ang mga mag-aaral ay inaasahang
nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing (higit/mas, di
gaano, di gasino, at iba pa) (F7WG-llc-d-8)

1 BIZ: INSERT SOA STATION ID/PROGRAM ID( see attached for the opening billboard

2 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

3 RADIO TEACHER: Isang maalab na bati sa inyo minamahal kong nasa

4 ikapitong Baitang! Ito ang inyong paaralang

5 panghimpapawid sa Filipino! Nagagalak kami na

6 makasama kayo sa ating pag-aaral sa Wika at Panitikan sa

7 pamamagitan ng radyo. Ako ang inyong magiging guro,

8 ___________________________mula sa ____________.

9 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

10 RADIO TEACHER: Bago tayo mag-umpisa, matanong ko lang, maganda ba ang

11 inyong gising kaninang umaga?(PAUSE) (SFX: YES)

12 Sigurado maaaliw kayo sa araling ating tatalakayin

13 ngayong araw. Handa ka na bang matuto kasama ako?

14 (PAUSE) (SFX: KASAMA AKO) Kung handa ka na,

15 magpapatuloy tayo sa araling ating pagtutuunan sa araw

16 na ito upang mapuno ng kaalaman ang inyong kaisipan at

17 maging daan upang kinabukasan ninyo’y makamtan.


-MORE-

Mga Uri ng Paghahambing… 222


1 Kung gayon ating nang umpisahan. Kunin na ninyo ang

2 inyong Learning Activity Sheet para sa Most Essential

3 Learning Competency. Ito ay makikita sa pahina tatlumpu’t

4 walo hanggang sa apat na pu’t apat. Tara na!

5 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

6 RADIO TEACHER: Pero bago ang lahat, atin na nga munang balikan ang

7 nakaarang episode kung mayroon naikintal sa inyong

8 pananaw noong paksang araling natalakay. (PAUSE) Ang

9 patungkol sa iba’t ibang paraan ng pagkilala sa kahulugan

10 ng salita.

11 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

12 RADIO TEACHER: Natatandaan ba ninyo ang araling ating tinalakay noong

13 nakaraang episode? (SFX: YES) Kung gayon, ano ito?

14 Tama! Ang patungkol sa iba’t ibang paraan ng pagkilala sa

15 kahulugan ng salita.

16 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

17 RADIO TEACHER: Para malinang ang kakayahan ng inyong bokabularyo,

18 magkakaroon tayo ng Tanda Mo! Sulat Mo! Mula sa

19 epikong Hinilawod, may mga di pamilyar na salita na

20 ginamit sa akda. Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang

21 nakadiin sa pangungusap.

-MORE-

Mga Uri ng Paghahambing … 333

1 RADIO TEACHER: Binalak ng mga binata na sirain ang hinilawod sa


2 pamamagitan ng baha. Ang salitang nakadiin sa

3 pangungusap ay hinilawod.

4 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

5 RADIO TEACHER: Tama! Ito ay uri ng ilog.

6 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

7 RADIO TEACHER: Hindi rin niya ito nagapi. Ang nakadiin sa pangungusap ay

8 nagapi.

9 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

10 RADIO TEACHER: Magaling! Ang nagapi ay nangangahulugang natalo o

11 nadaig.

12 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

13 RADIO TEACHER: Binayo niya ng binayo subalit hindi rin niya ito nagapi.

14 Ang nakadiin sa pangungusap ay binayo.

15 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

16 RADIO TEACHER: Tama! Ito ay nangangahulugang durugin.

17 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

18 RADIO TEACHER: Tila ba’y marami kayong napulot na mga impormasyon sa

19 araling inyong pinag-aralanan noong nakaraang episode.

20 Kaya siguradong handa na kayo sa panibagong araling

21 ating tatalakayin ngayong araw. Ihanda ang sarili upang

-MORE-

Mga Uri ng Paghahambing… 444

1 maunawaan at maintindihan ninyo ang araling ating


2 pagtutuunan ng pansin.

3 BIZ: MSC UP AND UNDER

4 RADIO TEACHER: Mayroong akong inihandang tanong dito, nakatikim ka ng

5 masarap na spaghetti na pareho sa masarap na pancit. Ano

6 ang masasabi mo sa iyong natikman?

7 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

8 RADIO TEACHER: Tama! Magkasinsarap ang lasa ng spaghetti at pansit na

9 aking natikman.

10 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

11 RADIO TEACHER: Ano naman kapag mas nakahihigit ang lasa ng spaghetti

12 kaysa sa pansit?

13 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

14 RADIO TEACHER: Mahusay! Mas masarap ang lasa ng spaghetti kaysa sa lasa

15 ng pansit na aking natikman.

16 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

17 RADIO TEACHER: Magaling mga bata, alam kung nasusundan ninyo ang

18 ating paksang ating tatalakayin sapagkat iyan ay may

19 kaugnayan sa araling ating pagtutuunan sa araw na ito, ang

20 mga uri ng paghahambing.

21 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER


-MORE-

Mga Uri ng Paghahambing … 555

1 RADIO TEACHER: Ngunit bago ang lahat mayroon tayong tatlong kaantasan

2 ng pang-uri: Ang Lantay, Pahambing at Pasukdol ngunit

3 atin lamang pagtutuunan ng pansin ang pahambing.


4 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

5 RADIO TEACHER: Ano nga ba ang pahambing o paghahambing?

6 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

7 RADIO TEACHER: Tama! Ang pahambing ay isang pang-uri kung ito ay

8 naghahambing o nagtutulad sa dalawang pangngalan o

9 panghalip. Mayroon pa ba kayong ideya mga mag-aaral.

10 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

11 RADIO TEACHER: Tama! Ang paghahambing ay isang paraan ng paglalahad.

12 Ito ay nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa isang paksa sa

13 pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad ng dalawang

14 bagay na pinaghahambing.

15 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

16 RADIO TEACHER: Tumpak! Madalas din natin itong ginagamit sa pakikipag-

17 ugnayan o pakikipagtalastasan sa iba. Minsan nasasabi

18 natin ang pagkakaiba o pagkakatulad ng dalawang ating

19 inilalarawan. Kaya mabuting pag-aralan upang mas

20 maunawaan nating kung tama nga ba ang ating ginagamit

21 na salita. Maliwanagan at maikintal sa ating isipan kung

22 bakit napakahalaga ding malaman ito.

-MORE-

Mga Uri ng Paghahambing … 666

1 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

2 RADIO TEACHER: Ano ano nga ba ang mga uri ng paghahambing?

3 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER


4 RADIO TEACHER: Tama! Ang mga uri ng paghahambing ay patulad,

5 palamang at pasahol.

6 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

7 RADIO TEACHER: Ngunit ano kaya ang pinagkaiba ng tatlo. Aalamin natin!

8 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

9 RADIO TEACHER: Tara na’t isa-isahin ang mga uri ng paghahambing.

10 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

11 RADIO TEACHER: Kapag sinabing patulad, laging isipin ang salitang

12 pagkakapareho. Ito din ay nagsasaad ng magkatulad o

13 magkapantay na katangian ng dalawang pangngalan o

14 panghalip na pinaghahambing. Lagi ding tatandaan na

15 ito’y gumagamit ng mga panlaping tulad ng sing/sin/sim,

16 magsing, kasing, ga, tulad, tila, wangis o ng mga salitang

17 kapwa, pareho.

18 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

19 RADIO TEACHER: Naiintindihan ba ninyo? (SFX: YES) Sa madaling salita, ang

20 pahambing na patulad ay tumutukoy sa pagkakatulad o

21 pagkakapareho ng dalawang may patas na katangian.

-MORE-

Mga Uri ng Paghahambing …777

1 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

2 RADIO TEACHER: Para lubusan ninyo itong maintindihan, magbibigay tayo

3 ng mga halimbawa ng pahambing na patulad.

4 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER


5 RADIO TEACHER: Magkasinghusay sa pag-arte sina Vilma Santos at Sharon

6 Cuneta.

7 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

8 RADIO TEACHER: Sino ang magkasinhusay sa pag-arte? Tama! Si Vilma

9 Santos at si Sharon Cuneta.

10 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

11 RADIO TEACHER: Ano ang palatandaan na gumamit ng pahambing na

12 patulad? Magaling! Ito ay gumamit ng panlaping

13 magkasin.

14 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

15 RADIO TEACHER: Ngayon, kayo naman ang magbibigay ng halimbawa.

16 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

17 RADIO TEACHER: Magaling! Parehong maganda ang tungkulin ng mga

18 magulang at guro sa pag-unlad ng kaalaman ng isang mag-

19 aaral.

20 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

21 RADIO TEACHER: Ano ang ginamit na palatandaan na ito’y isang halimbawa

ng pahambing na patulad? Tama! Gumamit ito ng pareho.

-MORE-

Mga Uri ng Paghahambing …888

1 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

2 RADIO TEACHER: Ngayon naman ating alamin kung ano naman ang

3 pahambing na palamang. Alam mo ba ang pahambing na

4 palamang?
5 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

6 RADIO TEACHER: Tama! Laging tandaan ang salitang nakahihigit o nagsasaad

7 ng nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang

8 Pangngalan o Panghalip na pinaghahambing.

9 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

10 RADIO TEACHER: Lagi ding isipin na ang panghalip na palamang ay

11 gumagamit ng mga katagang higit, mas, labis, lalo.

12 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

13 RADIO TEACHER: Ngayon magbibigay tayo ng mga halimbawa ng

14 pahambing na palamang.

15 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

16 RADIO TEACHER: Mas mahirap ang sitwasyon ng mga OFW noon kaysa sa

17 ngayon.

18 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

19 RADIO TEACHER: Ano ang palatandaan na ito’y isang halimbawa ng

20 pahambing na pasahol? Tama! Gumamit ito ng katagang

21 mas.

22 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER


-MORE-

Mga Uri ng Paghahambing … 999

1 RADIO TEACHER: Magbigay nga din kayo ng halimbawa.

2 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

3 RADIO TEACHER: Tama! Ang batang masipag mag-aral ay higit na

4 nagtatagumpay kaysa sa tamad.

5 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER


6 RADIO TEACHER: Sino ang nakahihigit sa dalawa? Ang batang masipag ba o

7 ang batang tamad?

8 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

9 RADIO TEACHER: Mahusay! Ang batang masipag. Ano ang palatandaan na

10 ito’y isang pahambing na palamang? Tama! Gumamit ito

11 ng higit.

12 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

13 RADIO TEACHER: Naunawaan ba ninyo mga mag-aaral? (SFX: YES) Magaling!

14 Tayo nama’y dumako sa pahambing na pasahol.

15 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

16 RADIO TEACHER: Ano naman ang pahambing na pasahol? Kapag sinabing

17 pasahol, laging tatandaan ang salitang “kakulangan”.

18 Kapag kulang sa katangian ang isa sa dalawang

19 pinaghahambingan. Ano naman ang palataandaan kapag

20 sinabing pahambing na pasahol?

21 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

-MORE-
Mga Uri ng Paghahambing ... 101010

1 RADIO TEACHER: Tama! Ang palatandaan kapag pasahol ay gumagamit

2 lamang ng katagang ‘Di o Hindi. Ang Di ay nagmula sa

3 salitang Hindi at ito’y pinaikli lamang.

4 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

5 RADIO TEACHER: Magaling! Magbigay nga ng halimbawa.

6 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

7 RADIO TEACHER: Tumpak! Di gaanong matangkad si Alex kumpara sa


8 kanyang kapatid.

9 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

10 RADIO TEACHER: Ano ang ginamit na kataga upang ito ay matawag na

11 pasahol?

12 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

13 RADIO TEACHER: Magaling! Gumamit ang pangungusap ng Di gaano. Sino

14 ang may kakulangan sa pangungusap? Tama! Si Alex

15 sapagkat mas matangkad ang kanyang kapatid kaysa sa

16 kanya.

17 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

18 RADIO TEACHER: Magbigay pa nga ng halimbawa. Magaling! Hindi kaya ni

19 Juan na magbasa ng mabilis sa Tagalog kumpara sa

20 English. Ano ang ginamit na palatandaan upang matukoy

21 ang pangungusap na ito’y pahambing na pasahol?

22 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER


-MORE-

Mga Uri ng Paghahambing … 111111

1 RADIO TEACHER: Mahusay! Gumamit ito ng katagang Hindi.

2 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

3 RADIO TEACHER: Alam kong nasusundan ninyo ako sa ating paksang aralin.

4 Naintindihan na ba ninyo kung ano ang mga uri ng

5 paghahambing? (SFX: YES)

6 BIZ: MSC UP AND THEN OUT

7 RADIO TEACHER: Kung gayon ay atin sukatin ang inyong kaalaman batay sa

8 ating paksang “Mga Uri ng Paghahambing.” Ano muli ang


9 paghahambing? Mahusay! Ang paghahambing ay isang

10 paraan ng paglalahad. Ito ay nakatutulong sa pagbibigay-

11 linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng

12 pagkakatulad o pagkakaiba ng dalawang bagay na

13 pinaghahambing. Isa-isahin nga natin ang mga uri ng

14 paghahambing.

15 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

16 RADIO TEACHER: Mahusay! Ang pahambing na patulad, ito ay nagsasaad ng

17 magkatulad o magkapantay na katangian ng dalawang

18 pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit

19 ito ng mga panlaping tulad ng sing, magsing, kasing o mga

20 salitang kapwa, pareho.

21 RADIO TEACHER: Ano naman ang pahambing na palamang? Tama! Laging

22 tandaan ang salitang nakahihigit o nagsasaad ng


-MORE-
Mga Uri ng Paghahambing … 121212

1 nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang Pangngalan

2 o Panghalip na pinaghahambing. Lagi ding isipin na ang

3 panghalip na palamang ay gumagamit ng mga katagang

4 higit, mas, labis, lalo.

5 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

6 RADIO TEACHER: Ano pa ang isang uri ng paghahambing? Tumpak! Ang

7 pahambing na pasahol. Ano naman ang pahambing na

8 pasahol? Magaling! Ang palatandaan kapag pasahol ay

9 gumagamit lamang ng katagang ‘Di o Hindi. Ang Di ay

10 nagmula sa salitang Hindi at ito’y pinaikli lamang.


11 BIZ: MSC UP AND UNDER

12 BIZ: MSC UP AND THEN OUT

13 RADIO TEACHER: Magaling mga mag-aaral. Alam kong marami kayong

14 napulot na panibagong impormasyon sa araling ating

15 pinagtuunan ngayong araw. Sigurado na ba kayong

16 naintindihan ninyo ang araling ating tinalakay? (SFX: YES)

17 BIZ: MSC UP AND THEN OUT

18 RADIO TEACHER: Ngayong tapos na ang ating aralin, oras na para tayahin o

19 sukatin ang inyong kaalaman ukol sa paksang aralin na

20 ating natalakay.

-MORE-

Mga Uri ng Paghahambing ... 131313

1 BIZ: MSC UP AND THEN OUT

2 RADIO TEACHER: Kuhanin n’yo na mula sa inyong kits ang quiz form. Punan

3 n’yo ang mga puwang na kinakailangan. Isulat ang inyong

4 pangalan, seksyon, at petsa ngayong araw. Huwag ding

5 kalimutang isulat ang bilangng aralin kung para saan ang

6 maikling pagsusulit na ito. Aralin bilang___ang inyong

7 isulat. (PAUSE) ‘Yan tama ‘yan.

8 BIZ: MSC UP AND UNDER

9 BIZ: MSC UP AND THEN OUT

10 RADIO TEACHER: Handa ka na ba? Kung handa ka na, ihanda ang inyong
11 sarili upang mas lalo mong maintindihan ang mga

12 katanungan at masagutan mo ito ng tama. Mayroon

13 lamang akong limang katanungan.

14 BIZ: STINGER IN

15 RADIO TEACHER: Para sa una hanggang panlimang tanong, tukuyin kung ang

16 salitang nasalungguhitan sa loob ng pangungusap ay

17 pahambing na PASAHOL, PATULAD o PALAMANG.

18 (UULITIN KO!) Para sa una hanggang panlimang tanong,

19 tukuyin kung ang salitang nasalungguhitan sa loob ng

20 pangungusap ay pahambing na PASAHOL, PATULAD o

21 PALAMANG. Para sa unang pangungusap. Di gaanong

22 matulin ang bisikleta tulad ng motorsiklo. Ang salitang

-MORE-

Mga Uri ng Paghahambing ... 141414

1 nasalungguhitan ay Di gaanong matulin. (UULITIN KO) Di

2 gaanong matulin ang bisikleta tulad ng motorsiklo. Ang

3 salitang nasalungguhitan ay Di gaanong matulin.

4 Pangalawa; Mas mabilis sumuntok si Pacquiao kaysa kay

5 Marquez kaya natalo niya ito. Ang salitang

6 nasalungguhitan ay Mas mabilis.(UULITIN KO)

7 Pangalawa; Mas mabilis sumuntok si Pacquiao kaysa kay

8 Marquez kaya natalo niya ito. Ang salitang

9 nasalungguhitan ay Mas mabilis. Pangatlo; Magkasinsarap

10 ang hinog na papaya at hinog na saging. Ang salitang


11 nasalungguhitan ay magkasinsarap. (UULITIN KO!)

12 Pangatlo; Magkasinsarap ang hinog na papaya at hinog na

13 saging. Ang salitang nasalungguhitan ay magkasinsarap.

14 Pang-apat; Magsimputi ang uniporme nina Nelia at Myra

15 kaninang umaga. Ang salitang nasalungguhitan ay

16 magsimputi. (UULITIN KO!) Pang-apat; Magsimputi ang

17 uniporme nina Nelia at Myra kaninang umaga. Ang

18 salitang nasalungguhitan ay magsimputi. Panlima; Lalong

19 gumanda ang Isla ng Boracay ngayon kaysa noon sapagkat

20 patuloy itong nililinis at iniingatan ng mga namamahala

-MORE-

Mga Uri ng Paghahambing ... 151515

1 dito. Ang salitang nasalungguhitan ay lalong gumanda.

2 (UULITIN KO!) Lalong gumanda ang Isla ng Boracay

3 ngayon kaysa noon sapgkat patuloy itong nililinis at

4 iniingatan ng mga namamahala dito. Ang salitang

5 nasalungguhitan ay lalong gumanda.

6 BIZ: MSC OUT

7 RADIO TEACHER: Dyan na nagtatapos ang ating maikling pagsusulit.

8 Nasagutan ba ninyo ang lahat ng mga katanungan? (SFX:

9 YES) Kung gayon ay atin nang iwaswasto ang ating

10 maikling pagsusulit kanina. Para sa unang tanong, ang

11 salitang nasalungguhitan sa loob ng pangungusap ay di


12 gaanong matulin, ito ay pahambing na pasahol. Pangalawa;

13 ang salitang nasalungguhitan ay mas mabilis, ito ay

14 pahambing na palamang. Pangatlo; ang salitang

15 nasalungguhitan ay magkasinsarap, ito ay pahambing na

16 patulad. Pang-apat; ang salitang nasalungguhitan ay

17 magsimputi, ito ay pahambing na patulad. At panlima; ang

18 salitang nasalungguhitan ay lalong gumanda, ito ay

19 pahambing na palamang. Marami ba kayong nakuha sa

20 inyong maikling pagsusulit. Magaling! Palakpakan ang

-MORE-
Mga Uri ng Paghahambing ... 161616

1 ang inyong sarili.

2 BIZ: MSC OUT

3 RADIO TEACHER: Isang aralin na naman ang matagumpay nating natapos.

4 Umaasa ako n asana’y marami kayong napulot na

5 kaalaman sa ating araling natalakay. At upang mas lalo

6 ninyong maintindihan ang aralin kanina ay unawain din

7 ang binigay na Learning Activity Sheet para sa karagdagan

8 ng inyong mga kaalaman.Huwag din mahihiyang

9 magtanong sa inyong guro sa Filipino.

10 BIZ: MSC UP FOR 3 SECONDS THEN FADE UNDER

11 RADIO TEACHER: Hanggang sa susunod, ako ang inyong nagging guro sa

12 radio _________, sa ngalan ng scriptwriter na si G. Kelvin

13 G. Ramos at nang buong RBI production team, nag-iiwan


14 po kami ng isang mapagpalang araw sa inyong lahat at

15 laging tandaan, mas maganda ang taong nagsisikap kaysa

16 sa taong walang pangarap. Hanggang sa muli. Paalam

17 MSC FADE FOR 5 SECONDS THEN FADE UNDER

18 INSERT CBB (see attached for the CBB)

-END-

You might also like