You are on page 1of 10

 Title: Paaralang Panghimpapawid sa Grade 1 MTB-Tagalog

Topic: Pangalan at Tunog ng Bawat Letra ng Makabagong Alpabetong Filipino.

 Format: School-on-the-Air
Length: 30 minutes
Scriptwriter: Rosemarie L. Rivera
Objective: Pagkatapos mapakinig ang episode na ito, ang mga mag-aaral ng Grade 1
MTB-MLE ay inaasahang masabi ang pangalan at tunog ng bawat letra ng
Makabagong Alpabetong Filipino.

1 BIZ: INSERT SOA STATION ID/PROGRAM ID( see attached for the opening billboard)

2 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

3 RADIO TEACHER: Isang mapagpalang araw sa mga mag-aaral ng unang baitang! Ito

4 ang inyong paaralang panghimpapawid sa MTB-MLE! Natutuwa kami na tayo

5 ay muling magkakasama sa ating pag-aaral sa pamamagitan ng radyo. Ako ang

6 inyong lingkod, Rosemarie L. Rivera mula sa Alicia, Isabela

7 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

8 RADIO TEACHER: Maliwanag ba ang dating ng ating broadcast? (PAUSE) Siguruhin

9 ninyong komportable kayo at maayos ninyo kaming naririnig. Nakaupo na ba

10 kayo ngayon? (PAUSE) Mabuti kung ganoon upang hindi kayo mangangawit at

11 maayos kayong makasusunod sa ating pag-aaral.

12 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

13 RADIO TEACHER: Bago natin simulan ang bago nating aralin balikan muna natin ang

14 pinag-aralan natin noong nakaraan. Bigkasin natin ang

15
-MORE_-
Pangalan at Tunog … 222

1 salawikain; (PAUSE) Ang batang magalang, tuwa ng magulang. Ulitin nga ang

2 salawikain mga bata..(ANG BATANG MAGALANG, TUWA NG

3 MAGULANG)… Ang mga salitang magalang at magulang mula sa

4 salawikain ay mga salitang magkasingtunog.

5 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

6 RADIO TEACHER: Ano na naman ang ibig sabihin ng magkasingtunog? Ito

7 ay mga pares ng salitang pareho ang tunog sa hulihan…..Magaling!

8 Tinatawag din itong magkatugma gaya ng mga sumusunod na iba pang

9 halimbawa: aso-baso, atis-batis, dahon-kahon. Napakahusay at naaalala nyo

10 pa ang nakalipas na aralin…

11 SFX: AUDIENCE CLAPS

12 BIZ: MSC UP AND UNDER

13 RADIO TEACHER: Narito naman ang mga sagot sa ating pagsusulit noong nakaraan..

14 (PAUSE) Ang panuto ay kopyahin ang mga salitang magkasingtunog o

15 magkatugma sa bawat hanay.

16 Para sa unang bilang ang tamang sagot ay atis-kamatis, atis-kamatis ang sagot

17 sa unang bilang. (PAUSE) Sa ikalawang bilang ay sako-buko, (PAUSE) ang

18 tamang sagot ay sako-buko. Para sa ikatlong bilang ay mani -mami, ang tamang

19 sagot sa ikatlong bilang ay mani-mami. (PAUSE) Para sa ikaapat na bilang ay

20 mata-lata, ang tamang sagot ay mata- lata. (PAUSE) At sa ikalimang bilang

21 naman ay itlog-bilog, ang tamang sagot ay itlog-bilog. Salitang magkasingtunog

22 ang pares ng salita na magkapareho ang hulihang tunog. -MORE_-


Pangalan at Tunog … 333

2 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

3 RADIO TEACHER: Narito ang resulta ng ating pagsusulit noong nakaran. Heto…

4 pakinggan ang iskor ng bawat isa sa inyo …. .___________________.Para sa

5 mga matataas ang nakuha ay binabati ko kayo (PAUSE) ipagpatuloy pa ninyo

6 ito,(PAUSE) at para sa mga hindi kuntento sa nakuhang iskor ay mag-aral pa ng

7 mabuti. Huwag mawalan ng pag-asa sapagkat marami pa tayong

8 pagkakataon…..(PAUSE)

9 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

10 INFOMERCIAL 1 (Focus on advocacy of learning continuity and the different modalities in


learning delivery under the new normal)
11 BUMPER IN THEN OUT

12 BIZ: MSC CROSS GAIN AND THEN FADE

13 RADIO TEACHER: Sa puntong ito, nais kong kuhanin ninyo ang inyong handout para

14 sa leksyon ukol sa Pangalan at Tunog ng Bawat Letra. Inuulit ko, ang

15 leksyon natin ngayon ay tungkol sa Pangalan at Tunog ng Bawat Letra.

16 Upang masundan ninyo ang tatalakayin ko.. Sige, buklatin ito sa bahaging

17 suriin.

18
-MORE_-
Pangalan at Tunog … 444

1 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

2 RADIO TEACHER: Sa itaas nito nakalagay na…Narito ang mga letra ng Makabagong

3 Alpabetong Filipino, Dalawampu’t walo ang mga ito . Basahin natin… ….Sige

4 nga basahin natin.

5 Aa (ey), Bb (bi), Cc (si), Dd (di), Ee ( i ), Ff (ef), Gg(dzi)

6 Hh (eyts), Ii (ay), Jj (dzey), Kk (key), Ll (el), Mm (em), Nn(en)

7 Nñ ( enye), NGng (endzi), Oo (o), Pp (pi), Qq (kyu), Rr (ar ), Ss(es)

8 Tt ( ti ), Uu ( yu), Vv ( vi ), Ww (dobol-yu), Xx (eks), Yy(way), Zz( zi )

9 Binubuo ng malaki at maliit na na letra ang mga sumusunod Narito naman ang

10 tunog ng bawat letra . Bigkasin natin.

11 Aa- /“ah”/ Bb- /“buh/” Cc-/“kuh”/ Dd- /“duh” / Ee- /“eh” /

12 Ff- /“fffff”/ Gg-/”guh/” Hh- /“hhh”/ Ii-/ “I”/ J j- /“juh”/

13 Kk- /“kuh”/ Ll-/ “lll” / Mm-/”mmm” / Nn-/“nnn”/

14 Oo –/“ooo”/ Pp-/ “puh”/ Qq- /“kwuh”/ Rr- /“rrr”/

15 Ss- /“ssss”/ Tt- /“tuh”/ Uu- /“uh”/ Vv--/“vi” / Ww- /“wuh”/

16 Xx-/ “eks”/ Yy- /“yuh”/ Zz- /“zzzz”/ Ulitin nga ang tunog ng bawat

17 letra…(ULITIN)….Hayan alam na nating ang tunog ng bawat letra.

18 BUMPER IN THEN OUT

19 BIZ: MSC CROSS GAIN AND THEN FADE

20 RADIO TEACHER: Pakinggan ang sumusunod na letra at tukuyin ang tunog nito:

-MORE-
Pangalan at Tunog … 555

1 S - /“ssss”/ M - /”mmm” / B - /“buh/” K -/“kuh”/

2 L - / “lll” / N -/“nnn”/ O- /“ooo”/ P - / “puh”/

3 V - /“vi” / R -/“rrr”/ W-/“wuh”/

4 BUMPER IN THEN OUT

5 BIZ: MSC CROSS GAIN AND THEN FADE

6 RADIO TEACHER:

7 Bigkasing muli ang mga letra at ibigay ang wastong tunog nito.

8 S - /“ssss”/ M - /”mmm” / B - /“buh/” K -/“kuh”/

9 L - / “lll” / N -/“nnn”/ O- /“ooo”/ P - / “puh”/

10 V - /“vi” / R -/“rrr”/ W-/“wuh”/

11 Ano ang naramdaman mo habang ginagawa mo ito kasama ang iyong

12 mga kapamilya? Masaya hindi ba?

13 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

14 RADIO TEACHER: Nararapat lamang na kilalaning mabuti ang mga letra ng

15 Alpabetong Filipino at mabigkas nang wasto ang mga tunog nito. Malaki ang

16 maitutulong nito sa iyong pagkatuto sa pagbabasa. Tandaan na kapag ang letra

17 ay nakasulat nang ganito “A” bibigkasin ito sa kaniyang pangalan. Kung ang

18 pagkakasulat naman ay ganito “/ey/” o “/A/” –may dalawang pahilis na linya

19 sa magkabilang gilid, bibigkasin ito nang patunog.

-MORE-

Pangalan at Tunog … 666

1 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER


2 RADIO TEACHER: Ngayon naman ay isagawa natin ang unang gawain, ating

3 bigkasin nang wasto ang tunog ng mga sumusunod na letra……… Ss,

4 (PAUSE) /“ssss”/ Mm,(PAUSE)/”mmm” / Aa,(PAUSE)/“ah”/ Ee,

5 (PAUSE)/“eh”/ Dd,(PAUSE)/“duh” /. Nabigkas niyo ba nang may wastong

6 tunog ang mga binasang letra? (PAUSE) Magaling!

7 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

8 RADIO TEACHER: Gawin din natin ang ikalawang gawain. Bigkasin ang bawat letra

9 sa bawat aytem. Handa na ba kayo? Simulan na natin. Para sa unang bilang…

10
ang letra o titik Bb, /bi/ /si/ /em/ (ULITIN) ito ay /bi/. Sa ikalawang
11
bilang ay ang letrang Ll, /el / /ey/ /di / (ULITIN) ito ay /el/ Ang ikatlong
12
bilang ay letrang Tt, /en/ /ar/ /ti/ (ULITIN) ito ay /ti/. Ang ikapat na
13
bilang naman ay letrang Aa, /ey/ /si/ /eyts/ (ULITIN) ito /ey/, at sa
14
ikalimang bilang ay Ss /es/ /ar/ /i/ (ULITIN)ito ay /es/. O hindi ba?
15
Kayang- kaya niyo nang bigkasin nang wasto ang mga letra.
16
BUMPER IN THEN CROSSFADE WITH MSC
17
BIZ: MSC UP AND UNDER
18
RADIO TEACHER: Ngayon naman ay isulat sa malinis na papel ang mga malaki at
19
maliit na letrang babasahin ko…. Mga bata ano ang dapat gawin? (PAUSE)
20
Tama! Isulat ang malaki at maliit na letrang babasahin ko (PAUSE) …………..

-MORE-

Pangalan at Tunog … 777

1 Makinig ng mabuti ……Para sa unang bilang.../eyts/, paano ang hitsura ng

/eyts/? malaki at maliit na letra ha?….Sa ikalawang bilang /es/ paano ang
2 hitsura ng /es/? ,Sa ikatlong bilang /pi/paano ang hitsura ng /pi/? Sa

3 ikaapat na bilang / ef/ paano ang hitsura ng / ef/, at panglima….. /em/paano

4 ang hitsura ng /em/. Magaling…..ganyan nga….magsanay pa nang pagsulat

5 mga bata….yung tuwid at mabilog upang mas magandang tingnan…..,,

6 BIZ: MSC UP AND THEN OUT

7 INFOMERCIAL NO. 2 (Focus on localized advocacy)

8 RADIO TEACHER: Ilabas ang inyong kwaderno at tayo ay magkakaroon ng

9 pagsusulit. Pakinggang mabuti ang mga panuto… Ang unang bahagi ay

10 binubuo ng limang bilang at ang ikalawang bahagi ay binubuo ng

11 sampung bilang. Lagyan ang inyong kwaderno ng bilang 1-5 para sa

12 Gawain A, at 1-10 para sa Gawain B. Nauunawaan ba?

13 BIZ: MSC UP AND THEN OUT

14 RADIO TEACHER: Para sa Gawain A . Gawin ito. Gumuhit ng puso sa bilang na

15 babanggitin kung tama ang tunog ng letra at bilog naman kung mali. Maliwanag

16 ba? Simulan na natin.

17 Sa unang bilang Aa - /ah/ (ULITIN) puso ba o bilog?

18

-MORE-

Pangalan at Tunog … 888

1 Para sa ikalawang bilang Mm- /mmmm/(ULITIN)

Para sa ikatlong bilang Rr- /rrr/ (ULITIN)


2
Para sa ikaapat na bilang Yy- /zzzz/ (ULITIN)
3
Para sa ikalimang bilang Ff - /fff/ (ULITIN)
4
BIZ: MSC UP AND THEN OUT
5
RADIO TEACHER:Heto naman ang Gawain B. Nakasulat na ba kayo ng bilang 1-10 sa
6
kwaderno? Sa mga bilang na yan ilalagay ang sagot. Iguhit ang tsek (/) sa
7
bilang kung ang ipinapakita o sinasabi ay pangalan ng letra at ekis (X) naman
8
kung ang ipinapakita o sinasabi ay tunog ng letra. Nauunawaan ba? Para sa
9
unang bilang ay Gg (ULITIN)
10
Para sa ikalawang bilang ay Qq (ULITIN)
11
Para sa ikatlong bilang ay /m/ (ULITIN) Nakakulong sa dalawang
12
linyang pahilis.
13
Para sa ikaapat bilang ay Kk (ULITIN)
14
Para sa ikalimang bilang ay /zi/ (ULITIN) Nakakulong sa dalawang
15
linyang pahilis.
16

-MORE-

Pangalan at Tunog … 999

1 Para sa ikasampu bilang ay /pi/ (ULITIN) Nakakulong sa dalawang

2 linyang pahilis. ……Wow ang gagaling ninyo!


3 BIZ: MSC UP AND THEN OUT

4 RADIO TEACHER:D’yan nagtatapos ang ating pagsusulit. Siguruhing

5 napunan n’yo ang mga puwang na kailangang sagutan ha? Kung may

6 tanong kayo o nais linawin, isulat n’yo na rin ang mga ito sa inyong kwaderno.

7 Isama n’yo na rin ang inyong mga pagbati.

8 BIZ: MSC UP AND THEN OUT

9 RADIO TEACHER: Narinig natin ang awiting _______ ni __________. Request

10 ‘yan ni __________ mula sa seksyon ___________. Puwede rin kayong

11 magrequest ng kantang nais n’yong marinig sa ating paaralang

12 panghimpapawid... isulat lang sa inyong ipapasang kwaderno. Uulitin ko,

13 huwag n’yong kalimutang ipasa ang inyong quiz sa __________.

14 BIZ: MSC UP AND THEN OUT

15 RADIO TEACHER:Ngayon naman… babasahin ko ang inyong mga tanong at

16 pagbati. (HOSTS READS AND PROVIDES ANSWER TO QUESTIONS;

17 READS GREETINGS AND FEEDBACK; PROVIDES REACTIONS)

18 IBIZ: MSC UP AND THEN OUT

19 RADIO TEACHER: Isang leksyon na naman ang ating natapos. Upang mas

20 maunawaan n’yo pa ang ating aralin ukol sa pangalan at tunog ng bawat

-MORE-

Pangalan at Tunog … 101010

1 letra , basahin n’yo ang bahaging karagdagang gawain sa inyong module.

BIZ: MSC UP AND UNDER


2
RADIO TEACHER: Ang susunod nating aralin ay tungkol sa pagpapahayag ng isang
3
ideya sa pamamagitan ng mga iba’t ibang simbolo. Siguruhing tumutok sa ating
4
paaralang panghimpapawid tuwing Lunes hanggang Biyernes mula 9:00
5
hanggang 9:30 ng umaga. Hanggang sa muli, ako si Rosemarie L. Rivera. Laging
6
tandaan, mag-aral nang mabuti. Ito ang susi natin tungo sa isang masaganang
7
bukas. Paaalam!
8
BIZ: MSC UP AND UNDER

CLOSING BILLBOARD (please see attached closing billboard)

You might also like