You are on page 1of 11

Pangalan: ___________________________________ Baitang at Pangkat:________________

Guro: ____________________________________ Petsa:______________________________


Paaralan: ________________________________________________________________________

GAMIT NG MGA BANTAS

Panuto: Basahin at suriin nang maigi ang diyalogo sa ibaba.


Zia: Tara! Sama ka sa amin bukas.
Daisy: Saan?
Zia: Doon sa Grandstand, magjo- Jogging kasi kami nina Miley.
Daisy: Ah, eh…pasensya na Zia, kasi ano…kasi may gagawin pa ako bukas.
Zia: ah sige Daisy, pasensya na rin sa abala. Sabihin mo lang sa
akin sa susunod kung gusto mo nang sumama sa amin.
Daisy: Sige, Zia salamat sa pag- unawa.
Zia: ok lang, siguro sa susunod na lang.

Panuto: Suriin ang diyalogo sa Gawain 1 at sagutin ang sumusunod na


tanong. 5 puntos bawat tamang sagot.
1. Ano ang iyong napansin sa bawat pangungusap?
___________________________________________________________________________
2. Ano- ano ang mga bantas na ginamit sa diyalogo?
___________________________________________________________________________

1
Tandaan

GAMIT NG MGA BANTAS


1. TULDOK (.) - Ito ay ginagamit na pananda. Ginagamit din sa katapusan
ng pangungusap na paturol at pautos.
Halimbawa: A. Mag-aral kayong mabuti.
B. Ang daigdig ay isang tanghalan.
- Ngunit kung ang pangungusap ay nagtatapos sa mga pinaikling
salita hindi na dinadalawa ang tuldok.
Halimbawa: A. Aalis ako sa ganap na ika-7:00 n.g.
B. Si Jay ay nag-aaral sa P.S.H.S.
- Ito ay ginagamit sa mga salitang dinaglat gaya ng ngalan ng tao,
titulo o ranggo, pook, sangay ng pamahalaan, kapisanan, buwan, orasan,
bansa at iba pa.
Halimbawa: A. Si Gng. Santos ang aming tagapayo.
B. Si Juan K. Duran, Jr. ang ating panauhing pandangal.
- Ito ay ginagamit pagkatapos ng mga tambilang at titik sa bawat hati
ng isang balangkas o ng talaan.
Halimbawa: I., A. B., 1. 2. II., A. B., a. b. –
-Ngunit hindi tinutuldikan ang mga tambilang at letra kapag
kinukulong ng panaklong.
Halimbawa: (a) (b) (1) (10)
- Ito ay ginagamit sa di-tuwirang pagtatanong.
Halimbawa: A. Itinatanong niya kung ako ay sasama sa Robinson.
B. Itinatanong niya kung aalis ka na.
2. TANDANG PANANONG (?) - Ito ay ginagamit sa katapusan ng mga
pangungusap na patanong.
Halimbawa: A. Ano ang pangalan mo? B. Sasama ka ba?
- Sa loob ng panaklong upang ipahiwatig ang pag-aalinlangan sa diwa ng
pangungusap.
Halimbawa: A. Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng Republika ng
Pilipinas.
3. TANDANG PADAMDAM (!) - Ito ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga,
parirala o pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.
Halimbawa: A. Mabuhay ang Pangulo!

2
B. Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos
C. Aray! Naapakan mo ang paa ko.
4. KUWIT (,) - Ginagamit ito upang ihiwalay sa pangungusap ang salitang
ginagamit na palagyong panawag.
Halimbawa: A. Nene, ano ang ginagawa mo?
B. Pedro, ganito ang pagsulat nang tama.
- Ginagamit sa paghihiwalay ng mga salita, mga parirala at mga sugnay na
sunud-sunod.
Halimbawa: A. Nanguha ako ng bayabas, mangga, at santol.
B. Si Nanay ay nagluto, si Ate ay naglaba, at si Kuya ay
nagsibak ng kahoy.
- Ginagamit sa paghihiwalay ng sinasabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng
pangungusap.
Halimbawa: A. “Mag-aral kang mabuti,” ang sabi ng ina.
B. “Ikaw,” sabi ng ama, “ay huwag gagala kung gabi.”
- Ginagamit sa paghihiwalay ng di-makabuluhang parirala at sugnay sa
mga pangungusap.
Halimbawa: A. Si Nita, na aking kapatid, mananahi.
B. Si G. Lope K. Santos, ang Ama ng Balarila ay siyang sumulat
ng Banaag at Sikat.

- Ginagamit pagkatapos ng Oo o Hindi at mga salitang may himig


pagdamdam at kung siyang simula ng pangungusap.
Halimbawa: A. Oo, pupunta ako sa inyo.
B. Hindi, kailangan niyang magpahinga.
5. KUDLIT („) - Ito ay ginagamit bilang kapalit o kung kumakatawan sa
letra o sa mga letrang nawawala kapag ang pang-ugnay o pananda sa
pagitan ng dalawang salita ay ikinakabit sa unang salita:
Halimbawa: A. tuwa at hapis - tuwa’t hapis
B. kaliwa at kanan - kaliwa’t kanan
6. GITLING (-) - Ito ay ginagamit sa loob ng salita sa sumusunod na
pagkakataon: Sa pagulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng
salitang-ugat.
Halimbawa: A. araw-araw, isa-isa, apat-apat
B. dala-dalawa, sari-sarili, kabi-kabila
C. masayang-masaya

3
- Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay
nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang
kahulugan.
Halimbawa: A. mag-aral, mag-isa, nag-ulat
B. pang-abay, mang-uto, pag-alis
- Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
Halimbawa: A. pamatay ng insekto - pamatay-insekto
B. kahoy sa gubat - kahoy-gubat
C. humigit at kumulang - humigit-kumulang
Paalala: Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang
kahulugan, hindi na gagamitan ng gitling ang pagitan nito.
Halimbawa: A. dalagangbukid (isda) B. buntonghininga

- Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang
bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang
pagbabago sa baybay.
Halimbawa: A. maka-Diyos, maka-Rizal, maka-Pilipino
B. pa - Baguio, taga - Luzon, taga - Antique
C. mag – PAL (Philippine Airlines), maka - Johnson, mag -
Sprite
D. mag - Corona, mag - Ford, mag - Japan

- Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling


ay nalilipat sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng
buong tanging ngalan.
Halimbawa: A. mag-Johnson, magjo-Johnso
B. mag-Corona, magco-Corona
C. mag - Ford, magfo-Ford
D. mag - Japan, magja-Japan

- Kapag ang panlaping ika - ay iniunlapi sa numero o pamilang.


Halimbawa: A. ika-3 n.h., ika-10 ng umaga, ika-20 pahina
B. ika-3 rebisyon, ika-9 na buwan, ika-12 kabanata

- Kapag isinulat nang pasalita ang mga yunit ng fraction.


Halimbawa: A. isang-kapat (1/4) B. lima’t dalawang-kalima (5-2/5)
- Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang
bana o asawa.
Halimbawa: A. Gloria Macapagal-Arroyo B. Conchita Ramos-Cruz

4
- Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.
Halimbawa: A. Patuloy na nililinang at pinalalawak ang paggamit ng
Filipino.

7. TUTULDOK (:) - Ito ay ginagamit matapos maipuna ang pagpapakilala sa


mga sumusunod na paliwanag. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang
kasunod.
Halimbawa: A. Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng:
Rosal, Rosas, Orchids, Sampaguita, Santan, at iba pa.
- Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula,
sa kabanata at taludtod ng Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan.
Halimbawa: A. 8:00 a.m. B. Juan 16:16
8. TULDOK – KUWIT (;) - Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng
tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng pangatnig.
Halimbawa: A. Kumain ka ng maraming prutas; ito’y makabubuti sa
katawan.
B. Naguguluhan siya sa buhay; iniisip niyang humingi ng
payo.
9. PANIPI (“”) - Inilalagay ito sa unahan at dulo ng isang salita o pahayag.
- Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang
tuwirang sipi.
Halimbawa: A. “Hindi kinukupkop ang kriminal, pinarurusahan,” sabi ng
Pangulo.

- Ginagamit upang mabigyang-diin ang pamagat ng isang pahayagan,


magasin, aklat at iba’t ibang mga akda.
A. Nagbukas na muli ang “Manila Times”.
B. Isang lingguhang babasahin ang “Liwayway”.
- Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga.
Halimbawa: A. Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong “Computer
Programming”.
10. PANAKLONG (()) - Ang mga panaklong ay ginagamit na pambukod sa
salita o mga salitang hindi direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap,
gaya ng mga ginamit sa pangungusap na ito. Ginagamit upang kulungin
ang pamuno.

5
Halimbawa: Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng
Noli Me Tangere.
- Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang
kawastuhan.
Halimbawa: Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa bansang Turkey
ay humigit-kumulang sa labindalawang libong (12,000) katao.
- Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon.
Halimbawa: Jose P. Rizal (1861 – 1896)
11. TUTULDOK-TULDOK O ELIPSIS (…) - Nagpapahiwatig na kusang
ibinitin ng nagsasalita ang karugtong ng nais sabihin.
- Upang ipakilalang may nawawalang salita o mga salita sa siniping
pahayag. Tatlong tuldok ang ginagamit kung sa unahan o sa gitna ng
pangungusap ay may nawawalang salita, subalit apat na tuldok kung sa
mga salitang nawawala ay sa hulihan ng pangungusap.
Halimbawa: A. Pinagtibay ng Pangulong Arroyo ….

- Sa mga sipi, kung may iniwang di-kailangang sipiin.


Halimbawa: Kung ika’y maliligo sa tubig ay aagap upang…

http://siningngfilipino.blogspot.com/2015/08/gamit-ng-mga-bantas.html
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2014/04/paggamit-ng-wastong-bantas_1-1.pdf
PAGBABAYBAY
1. Pagbaybay na Pasalita- Patitik ang pasalitang pagbaybay sa Filipino.
Ang ibig sabihin, isa- isang binibigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod
ang mga letrang bumubuo sa isang salita, pantig, akronim, daglat, mga
inisyal, at simbolong pang-agham.
Halimbawa:
PASULAT PABIGKAS
Bayan /bi-ey-way-ey-en/
Fajardo /capital ef-ey-jey-ey-ar-di-o/
pa /pi-ey/
MERALCO (Manila Electric Railroad And Light Company) /em-e-ar-ey-el-si-o/
Bb. (Binibini) /capital bi-bi/
MLQ (Manuel L. Quezon) /em-el-kyu/
KKK (Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan) /key-key-key/
Fe (iron) /capital ef-e/
2. Pagbaybay na Pasulat- Sa pangkalahatan, natutupad pa rin ang payak
na tuntuning “Kung ano ang bigkas, siyang sulat” sa pagbaybay na pasulat.

6
Siyempre, hindi ito nasusunod sa “mga” na isang pagpapaikli sa lumang
anyo nitóng “manga” at ginagamit hanggang sa bungad ng ika -20 siglo.
Mahalaga ring pag-aralan kung kailan ginagamit ang maikling “ng” at ang
mahabàng “nang,” isang tuntuning pinairal mula Balarila at bumago sa
ugali noong panahon ng Espanyol na mahabàng “nang” lagi ang isinusulat.
A. Tiyak na mga gamit ng “nang” at lima (5) lámang ang mga tuntunin.
- ginagamit ang “nang” na kasingkahulugan ng “noong.”
Halimbawa: “Umaga nang barilin si Rizal. Nang umagang iyon ay lumubha
ang sakit ni Pedro.”
0 ang mga Filipino. Dinala si Pedro sa ospital nang magamot.” - ginagamit
ang “nang” katumbas ng pinagsámang “na” at “ang.”
Halimbawa: “Pero sa isip ng mga Filipino, sobra nang (na ang) lupit ng mga
Espanyol. Sobra nang (na ang) hirap na dinanas ni Pedro.”
- ginagamit ang “nang” para sa pagsasabi ng paraan o sukat (pang-abay na
pamaraan at pang-abay na panggaano).
Halimbawa: “Binaril nang(pamamaraan) nakatalikod si Rizal. Namayat nang
(paggaano)todo si Pedro dahil sa sakit.”
- ginagamit ang “nang” bilang pang-angkop ng inuulit na salita.
Halimbawa: “Barilin man nang barilin si Rizal ay hindi siyá mamamatay sa
puso ng mga kababayan. Ginamot nang ginamot si Pedro para gumaling.”
B. Gamit ng Walong Bagong Titik- Isang radikal na pagbabago sa
pagbaybay na pasulat ang paggamit ng walong (8) dagdag na titik sa
modernisadong alpabeto. Pangunahing gamit ng mga ito ang pagpapanatili
ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa mga
katutubong wika ng Filipinas. Ang mga titik na F, J ,V, at Z ay
napakaimportante upang maigalang ang mga kahawig na tunog sa mga
katutubong wika. Hindi tulad noong panahon ng abakada na ang “Ifugaw”
ay isinusulat na “Ipugaw” o ang “Ivatan” ay isinusulat na “Ibatan.” Narito pa
ang ilang halimbawa: Mga katutubong salita na nararapat baybayin ayon sa
tunog nito,Vakul (Ivatan) pantakip sa ulo na yari sa damo na ginagamit
bilang pananggalang sa ulan at init ng araw, payyo (Ifugaw) pangkalahatang
tawag sa palayan ng mga Ifugaw , safot (Ibaloy) sapot ng gagamba ,masjid
(Tausug, Maranaw mula sa Arabe) tawag sa gusaling sambahan ng mga
Muslim,falendag (Tiruray) plawtang pambibig na may nakaipit na dahon sa
ihipan, kuvat (Ibaloy) digma, feyu (Kalinga) pipa na yari sa bukawe o sa
tambo, jalan (Tausug) daan o kalsada, zigattu (Ibanag) silangan, vuyu
(Ibanag) bulalakaw.
C. Bagong Hiram na Salita- Ginagamit din ang walong dagdag na titik sa
mga bagong hiram na salita mula Espanyol, Ingles, at ibang wikang
banyaga. Tandaan: “mga bagong hiram” na ang ibig sabihin ay hindi
kailangang ibalik sa orihinal na anyo ang mga hiram na salitang lumaganap

7
na sa baybay ng mga ito alinsunod sa abakada, “hindi dapat ibalik ang
...forma-porma, derivativoderibatibo, formal-pormal, imformal-impormal,
firma-pirma, ventanna- bintana, calle- kalye, cheque-tseke, piÑa-pinya,
jamon-hamon, existencia –eksistensiya, zapatos- sapatos.

D. Di-Binabagong Bagong Hiram-Ngunit pigilin ang pagbaybay paabakada


sa mga idinadagdag ngayong salita mula Espanyol. Halimbawa, maaaring
hiramin nang buo at walang pagbabago ang mga sumusunod: “futbol,”
“fertil,” “fosil,” “visa,” “vertebra,” “Zorro,” “ zigzag.” Samantala, dahil sa
walong dagdag na titik, maraming salita mula Ingles ang maaaring hiramin
nang hindi nangangailangan ng pagbabago sa ispeling, gaya ng : “fern,”
“folder,” “jam,” “ jar,” level- orihinal na salitang espanyol nibel (mali ang
lebel). Kung nais ang Ingles, bigkasin nang wasto at hindi na kailangang
reispel. Tulad sa bagong pasok sa Filipino mula Ingles na “level-up” at hindi
“lével-ap”. Kung nais namang higit na maintindihan, maaaring gamitin ang
Tagalog na “antas” gaya sa “antas primarya” at “antas sekundarya, o “taas”
gaya sa “taas ng tubig sa dagat” o “taas ng karbon sa hangin.”
https://www.slideshare.net/kathy_mac/pagsilip-sa-pinakabagong-ortograpiyang-filipino-kwf2018?fbclid=IwAR2H
hyoyA2i7T0qDIPINHwuJ7U4-ZJ4fmvfFX2QKhirkunCkrsq1Bm85jQ0
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG BUOD
1. Basahin munang mabuti ang buong akda upang makuha at
maunawaang mabuti ang mga panggitnang kaisipan.
2. Hanapin din ang pangunahing kaisipan at mga pamuno o katulong na
kaisipan.
3. Dapat gamitan ito ng mga payak na pangungusap na sinulat sa isang
paraang madaling maunawaan ng babasa.
4. Hindi dapat na malayo ang diwa ng orihinal sa ginawang buod.
https://prezi.com/d57u6cm51om1/mga-dapat-tandaan-sa-pagsulat-ng-lagombuod/

8
Naintindihan mo bang mabuti ang mga kabanatang iyong binasa?
PANUTO: Pumili ng isang kabanata sa buhay ni Basilio at buoin ang
balangkas ng kabanata sa tulong ng graphic organizer.

RUBRIKS SA PAGWAWASTO
5 puntos – Mahusay ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa
kabuuan ng mga talata. Maayos na naibigay ang mga hinihinging
tala
4-3 puntos – Hindi sunod-sunod ang pagkatala ng mga
pangyayari sa kabanata.
2-1 puntos – Wala sa ibinigay na kabanata ang mga
pangyayaring itinala.

9
Naunawaan mo ba ang nilalaman o mensaheng nais ipaabot ng mga
kabanata sa buhay ni Basilio?
PANUTO: Sumulat ng buod na hindi bababa sa sampung pangungusap na
lalagom sa mahahalagang kaisipan sa buhay ni Basilio. Nararapat gamitin
sa gagawin mong pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat tulad ng
tamang baybay, bantas gayundin ang wastong pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangungusap sa bawat talata. Isulat sa sagutang papel.

RUBRIKS SA PAGWAWASTO

Sanggunian:
Sanggunian https://www.youtube.com/watch?v=vUBfUs32JNg
https://www.cdc.gov/media/subtopic/images.htm http://www.doh.gov.ph/node/19122
https://www.pna.gov.ph/articles/1100067
https://www.onenews.ph/laban-nurses-cry-but-they-carry-on
http://siningngfilipino.blogspot.com/2015/08/gamit-ng-mga-bantas.
htmlhttps://www.slideshare.net/kathy_mac/pagsilip-sa-pinakabagongortograpiyang-filipino-kwf-201
8?fbclid=IwAR2HhyoyA2i7T0qDIPINHwuJ7U4ZJ4fmvfFX2QKhirkunCkrsq1Bm85jQ0
https://prezi.com/d57u6cm51om1/mga-dapat-tandaan-sa-pagsulat-nglagombuod/
file:///C:/Users/Dhea/Downloads/ff402b801ec6230eeec17c2d1471eaee%20(1).pd f
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2014/04/paggamit-ng-wastongbantas_1-1.pdf

10
11

You might also like