You are on page 1of 7

Briguera Erica A.

Stem 12-36

1. Grapo at talahanayan:
Ang mapa, tsart, grap at talahanayan ay mga grapikong pantulong upang
madaling maunawaan at nagagawang payak ang mga datos na inilalahad sa
isang teksto. Kapaki-pakinabang ang mga ito para sa
isang mananaliksik sapagkat malinaw at siyentipiko niyang natatalakay ang
kanyang paksa.

grap, (c) bar grap, at (d) bilog na grap.

Mga Uri ng Grap

a. Larawang grap (Pictograph)

Larawan ang ginagamit upang kumatawan sa mga datos, impormasyon o produkto.


Mahalaga na maging magkakasinlaki ang mga larawan. Ang kalahati o hinating
larawan, kalahati rin ang bilang nito (50%), ang mga datos na 55-90% ay
pinakakahulugang buong larawan.

Halimbawa:

b. Linyang grap (Line Graph)

Binubuo ng linyang perpendicular. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng pagbabago o pag-


unlad. Ang patayo at ibabang linya ay may kaukulang pagtutumbas. Gamit ang linya at
tuldok tinutukoy ang interbal, bilis, bagal o tagal ng mga bagay (salik) na nakatala sa
bawat gilid.
Halimbawang pormat:

c. Bar Grap (Bar Graph)

- Nagpapakita ng paghahambing ng mga datos gamit ang bar sa halip na tuldok at


linya upang tukuyin ang kantidad. Parisukat ang anyo ng grap, maaring patayo o pahiga
ang mga datos na sinisimbolo ng bar.

Halimbawang pormat:
d. Bilog na Grap (Pie Graph)

- Itoý sumusukat at naghahambing ng mga datos o impormasyon sa pamamagitan ng


paghahati-hati nito.

Halimbawang pormat:
2. Ano ang resume at ano ang mga parte ng resume?

A. Ang resume (binibigkas bilang ˈrezəˌmā) naman ay ang talaan ng mga


personal na detalye ng isang tao at ng kanyang mga ginawa, naging trabaho,
at mga tagumpay. Ito ay kadalasan ng ipinapasa sa tuwing mag-aaplay sa
isang paaralan o trabaho.

B. Ano ang mga parte ng resume?

Ang mga sumusunod ay dapat na nakalagay sa resume mo:

 Name
 Contact Details
 Objective
 Work Experience kung meron na
 Educational Background
 List of Skills
 Mga Diploma o Certification kasama ang training
 Reference na mga tao

3. Mga bantas sa akademikong pagsulat:


Gamit ng mga Bantas

1. Tuldok o Period (.)


2. Pananong o Question Mark (?)
3. Padamdam o Interjection (!)
4. Kuwit o Comma (,)
5. Kudlit Apostrophe (‘)
6. Gitling o hyphen (-)
7. Tutuldok o Colon (:)
8. Tutuldok-Kuwit o Semicolon (;)
9. Panipi o Quotation Mark (“”)
10. Panaklong o Parenthesis ( )
11. Tutuldok-tutuldok o Elipsis (…)

1. TULDOK (.) Gamit ng Tuldok (Period) A. Ang tuldok ay ginagamit na pananda


. Ginagamit din sa katapusan ng pangungusap na paturol at pautos. Halimbawa:
a. Mag-aral kayong mabuti. b. Ang daigdig ay isang tanghalan. • Ngunit kung ang
pangungusap ay nagtatapos sa mga pinaikling salita hindi na dinadalawa ang
tuldok. Halimbawa: a. Aalis ako sa ganap na ika-7:00 n.g. b. Si Jay ay nag-aaral
sa P.S.H.S. B. Ang tuldok ay ginagamit sa mga salitang dinaglat gaya ng ngalan
ng tao, titulo o ranggo, pook, sangay ng pamahalaan, kapisanan, buawan,
orasan, bansa at iba pa. Halimbawa: a. Si Gng. Santos ay hindi na nagtuturo. b.
Si Juan K. Duran, Jr. ang ating panauhing pandangal. C. Ang tuldok ay
ginagamit pagkatapos ng mga tambilang at titik sa bawat hati ng isang balangkas
o ng talaan. Halimbawa: I. II. A. A. B. B. 1. a. 2. b. * Ngunit hindi tinutuldikan ang
mga tambilang at titik kapag kinukulong ng panaklong. (a) (b) (1) (10) D. Ang
tuldok ay ginagamit sa di-tuwirang pagtatanong. Halimbawa: a. Itinatanong niya
kung ako ay sasama sa Robinson. b. Itinatanong niya kung aalis ka na. 2.
PANANONG (?) Gamit ng Pananong (Question Mark) A. Ang pananong ay
ginagamit sa katapusan ng mga pangungusap na patanong. Halimbawa: a. Ano
ang pangalan mo? b. Sasama ka ba? B. Sa loob ng panaklong upang
mapahiwatig ang pag-aalinlangan sa diwa ng pangungusap. Halimbawa: a. Si
Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng Republika ng Pilipinas. 3.
PADAMDAM (!) Gamit ng Padamdam (Interjection) Ang bantas na pandamdam
ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad
ng matindi o masidhing damdamin. Halimbawa: a. Mabuhay ang Pangulo! b. Uy!
Ang ganda ng bago mong sapatos. c. Aray! Naapakan mo ang paa ko. 4. KUWIT
(,) Gamit ng Kuwit (Comma) A. Ginagamit upang ihiwalay sa pangungusap ang
salitang ginagamit na palagyong panawag. Halimbawa: a. Nene, ano ang
ginagawa mo? b. Ganito, Pedro, angpagsulat nang tama. B. Ginagamit
pagkatapos ng bating panimula ng liham pangkaibigan o pansarili. Halimbawa: a.
Mahal kong ina, b. Pinakamamahal kong kaibigan, C. Ginagamit pagakatapos ng
bating pangwakas ng liham. Halimbawa: a. Ang iyong kaibigan, b. Lubos na
gumagalang, D. Ginagamit sa paghihiwalay ngmga salita, mga parirala at mga
signay na sunud-sunod. Halimbawa: a. Nanguha ako ng bayabas, mangga, at
santol. b. Si Nanay ay nagluto, si Ate ay naglaba at si Kuya ay nagsibak ng
kahoy. E. Ginagamit sa paghihiwalay ng mga bilang sa petsa, o pamuhatan ng
liham. Halimbawa: a. Ipinadala ko ang iyong aklat kay G. Pedro Santos, 756
Lepanto, Sampalok. b. Ang ate ko ay ipinanganak noong Disyembre 8, 2994 sa
Sta. Cruz Manila. F. Ginagamit sa paghihiwalay ng sinasabi ng nagsasalita sa
ibang bahagi ng pangungusap. Halimbawa: a. “Mag-aral kang mabuti,” ang sabi
ng ina. b. “Ikaw,” sabi ng ama, ”ay huwag gagala kung gabi.” G. Ginagamit sa
paghihiwalay ng di-makabuluhang parirala at sugnay sa mga pangungusap.
Halimbawa: a. Si Nita, na aking kapatid, ay mananahi. b. Si G. Lope K. Santos,
ang Ama ng Balarila, ay siyang sumulat ng Banaag at Sikat. H. Ginagamit
pagkatapos ng Oo o Hindi at mga salitang may himig pagdamdam at kung
siyang simula ng pangungusap. Halimbawa: a. Oo, pupunta ako sa inyo b. Hindi,
kailangan siyang magpahinga. 5. KUDLIT(‘) Gamit ng Kudlit (Apostrophe)
Ginagamit bilang kapalit o kung kumakatawan sa letra o sa mga letrang
nawawala kapag ang pang-ugnay o pananda sa pagitan ng dalawang salita ay
ikinakabit sa unang salita: Halimbawa: a. tuwa at hapis - tuwa’t hapis b. kaliwa at
kanan - kaliwa’t kanan c. tayo ay aalis - tayo’y aalis d. tahanan ay maligaya -
tahana’y maligaya 6. GITLING(-) Gamit ng Gitling (hyphen) Ginagamit ang gitling
(-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon: A. Sa pag-ulit ng
salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat. Halimbawa: a. araw-
araw isa-isa apat-apat b. dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila c. masayang-masaya
B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay
nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang
kahulugan Halimbawa: a. mag-alis nag-isa nag-ulat b. pang-ako mang-uto pag-
alis c. may-ari tag-init pag-asa C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng
dalawang salitang pinagsama. Halimbawa: a. pamatay ng insekto - pamatay-
insekto b. kahoy sa gubat - kahoy-gubat c. humgit at kumulang - humigit-
kumulang d. lakad at takbo - lakad-takbo e. bahay na aliwan - bahay-aliwan f.
dalagang taga bukid - dalagang-bukid Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang
salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan ng gitling ang pagitan nito.
Halimbawa: a. dalagangbukid (isda) b. buntunghininga D. Kapag may unlapi ang
tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag
o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling Halimbawa: a.
maka-Diyos maka-Rizal maka-Pilipino b. pa-Baguio taga-Luzon taga-Antique c.
mag-pal maka-Johnson mag-Sprite d. mag-Corona mag-Ford mag-Japan E. Sa
pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat
sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging
ngalan Halimbawa: a. mag-Johnson magjo-Johnson b. mag-Corona magco-
Corona c. mag-Ford magfo-Ford d. mag-Japan magja-Japan e. mag-Zonrox
magzo-Zonrox F. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.
Halimbawa: a. ika-3 n.h. ika-10 ng umaga ika-20 pahina b. ika-3 revisyon ika-9
na buwan ika-12 kabanata G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng
fraction. Halimbawa: a. isang-kapat (1/4) b. lima’t dalawang-kalima (5-2/5) c.
tatlong-kanim (3/6) H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng
babae at ng kanyang bana o asawa. Halimbawa: a. Gloria Macapagal-Arroyo b.
Conchita Ramos-Cruz c. Perlita Orosa-Banzon I. Kapag hinati ang isang salita sa
dulo ng isang linya. Halimbawa: a. Patuloy na nililinang at pinalalawak ang pag-
gamit ng Filipino. 7. TUTULDOK( : ) Gamit ng Tutuldok (Semicolon) Ginagamit
matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag. A.
Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod. Halimbawa: a. Maraming
halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas, Orchids,
Sampaguita, Santan at iba pa. B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na
liham o liham-pangangalakal. Halimbawa: a. Dr. Garcia: b. Bb. Zorilla: C. Sa
paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa
kabanata at taludtod ng Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan. Halimbawa: a.
8:00 a.m Juan 16:16 8. TUTULDOK - KUWIT( ; ) Gamit ng Tutuldok-Kuwit
(Semicolon) Ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na
kaagad sinusundan ng isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig A.
Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating
panimula ng liham pangalakal. Halimbawa: a. Ginoo; b. Bb; B. Ginagamit sa
pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng
pangatnig. Halimbawa: a. Kumain ka ng maraming prutas; ito’y makabubuti sa
katawan. b. Naguguluhan siya sa buhay; iniisip nya ang magpatiwakal. C. Sa
unahan ng mga salita at parirala tulad halimbawa, gaya ng, paris ng, kung
nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa. Halimbawa: a. Maraming
magagandang bulaklak sa Pilipinas na hindi na napag-uukulan ng pansin; gaya
ng kakwate, kabalyero, banaba, dapdap at iba pa. 9. PANIPI (“ ”) Gamit ng
Panipi (Quotation Mark) Inilalagay ito sa unahan at dulo ng isang salita A.
Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang tuwirang
sipi. Halimbawa: a. “Hindi kinukupkop ang criminal, pinarurusahan,” sabi ng
Pangulo. B. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan,
magasin, aklat at iba’t ibang mga akda. Halimbawa: a. Nagbukas na muli ang
“Manila Times”. b. Isang lingguhang babasahin ang “Liwayway”. c. Napaluha ang
marami nang mapanood ang dulang “Anak Dalita”. C. Ginagamit sa pagkulong
ng mga salitang banyaga. Halimbawa: a. Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa
bagong “Computer Programming”. 10. PANAKLONG ( () ) Gamit ng Panaklong
(Parenthesis) Ang mga panaklong ay ginagamit na pambukod sa salita o mga
salitang hindi direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginamit
sa pangu-ngusap na ito. A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno. Halimbawa:
a. Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me
Tangere. B. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang
kawastuhan. Halimbawa: a. Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa
bansang Turkey ay humigit b. kumulang sa labindalawang libong (12,000) katao.
C. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon. Halimbawa: a. Jose
P. Rizal ( 1861 – 1896 ) 11. TUTULDOK-TULDOK O ELIPSIS (…) Gamit ng
Tutuldok-tuldok (Elipsis) Nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang
karug-tong ng nais sabihin. A. Upang ipakilalang may nawawalang salita o mga
salita sa siniping pahayag. Tatlong tuldok ang ginagamit kung sa unahan o sa
gitna ng pangungusap ay may nawawalang salita, subalit apat na tuldok kung sa
mga salitang nawawala ay sa hulihan ng pangungusap. Halimbawa: a.
Pinagtibay ng Pangulong Arroy … B. Sa mga sipi, kung may iniwang di-
kailangang sipiin. Halimbawa: a. Kung ikaw’y maliligo sa tubig ay aagap upang…

You might also like