You are on page 1of 8

URDANETA CITY UNIVERSITY

ONE SAN VICENTE WEST, URDANETA PANGASINAN

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION AND HUMAN SCIENCE

WASTONG GAMIT
NG BANTAS

Inihanda ni:
KATHLYN ANNE JUNIO
BSEFL-II / BLOCK 1
ARALIN 5.6: WASTONG GAMIT NG BANTAS

1. TULDOK (.) 
Gamit ng Tuldok (Period)

A. Ang tuldok ay ginagamit na pananda . Ginagamit din sa katapusan ng pangungusap na paturol at


pautos.

Halimbawa: 

a. Mag-aral kayong mabuti.

b. Ang daigdig ay isang tanghalan.

•   Ngunit kung ang pangungusap ay nagtatapos sa mga pinaikling salita hindi na dinadalawa ang tuldok.

Halimbawa: 

a. Aalis ako sa ganap na ika-7:00 n.g.

b. Si Jay ay nag-aaral sa P.S.H.S.

B. Ang tuldok ay ginagamit sa mga salitang dinaglat gaya ng ngalan ng tao, titulo o ranggo, pook, sangay
ng pamahalaan, kapisanan, buawan, orasan, bansa at iba pa.

Halimbawa: 

a. Si Gng. Santos ay hindi na nagtuturo.

b. Si Juan K. Duran, Jr. ang ating panauhing pandangal.

C. Ang tuldok ay ginagamit pagkatapos ng mga tambilang at titik sa bawat hati ng isang balangkas o ng
talaan.

Halimbawa: 

I.                                              II.

A.                                             A.    

B.                                            B.

1.                                              a.

2.                                              b.

* Ngunit hindi tinutuldikan ang mga tambilang at titik kapag kinukulong ng panaklong.

D. Ang tuldok ay ginagamit sa di-tuwirang pagtatanong.


Halimbawa: 

a. Itinatanong niya kung ako ay sasama sa Robinson.

b. Itinatanong niya kung aalis ka na. 

2. PANANONG (?) 

Gamit ng Pananong (Question Mark)

A. Ang pananong ay ginagamit sa katapusan ng mga pangungusap na patanong.

Halimbawa: 

a. Ano ang pangalan mo?

b. Sasama ka ba?

B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag-aalinlangan sa diwa ng pangungusap.


Halimbawa: 

a. Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng Republika ng Pilipinas.

3. PADAMDAM (!) 

Gamit ng Padamdam (Interjection)

Ang bantas na pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na


nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.
Halimbawa:
a. Mabuhay ang Pangulo!
b. Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos.
c. Aray! Naapakan mo ang paa ko.

4. KUWIT (,)

Gamit ng Kuwit (Comma)

A. Ginagamit upang ihiwalay sa pangungusap ang salitang ginagamit na palagyong panawag.

Halimbawa:

a. Nene, ano ang ginagawa mo?

b. Ganito, Pedro, angpagsulat nang tama.

B. Ginagamit pagkatapos ng bating panimula ng liham pangkaibigan o pansarili.


Halimbawa:

a. Mahal kong ina,

b. Pinakamamahal kong kaibigan,

C. Ginagamit pagakatapos ng bating pangwakas ng liham.

Halimbawa:

a. Ang iyong kaibigan,

b. Lubos na gumagalang,

D. Ginagamit sa paghihiwalay ngmga salita, mga parirala at mga signay na sunud-sunod.

Halimbawa:

a. Nanguha ako ng bayabas, mangga, at santol.

b. Si Nanay ay nagluto, si Ate ay naglaba at si Kuya ay nagsibak ng kahoy.

E. Ginagamit sa paghihiwalay ng mga bilang sa petsa, o pamuhatan ng liham.

Halimbawa:

a. Ipinadala ko ang iyong aklat kay G. Pedro Santos, 756 Lepanto, Sampalok.

b. Ang ate ko ay ipinanganak noong Disyembre 8, 2994 sa Sta. Cruz Manila.

F. Ginagamit sa paghihiwalay ng sinasabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap.

Halimbawa:

a. “Mag-aral kang mabuti,” ang sabi ng ina.

b. “Ikaw,” sabi ng ama, ”ay huwag gagala kung gabi.”

G. Ginagamit sa paghihiwalay ng di-makabuluhang parirala at sugnay sa mga pangungusap.

Halimbawa:

a. Si Nita, na aking kapatid, ay mananahi.

b. Si G. Lope K. Santos, ang Ama ng Balarila, ay siyang sumulat ng Banaag at Sikat.


H. Ginagamit pagkatapos ng Oo o Hindi at mga salitang may himig pagdamdam at kung siyang simula ng
pangungusap.

Halimbawa:

a. Oo, pupunta ako sa inyo

b. Hindi, kailangan siyang magpahinga.

5. KUDLIT (‘)
Gamit ng Kudlit (Apostrophe)

Ginagamit  bilang kapalit o kung kumakatawan sa letra o sa mga letrang nawawala kapag ang pang-ugnay
o pananda sa pagitan ng dalawang salita ay ikinakabit sa unang salita:

Halimbawa:
a. tuwa at hapis - tuwa’t hapis

b. kaliwa at kanan - kaliwa’t kanan

c. tayo ay aalis - tayo’y aalis

d. tahanan ay maligaya - tahana’y maligaya

6.  GITLING (-) 

Gamit ng Gitling (hyphen)

Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon:

A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.


Halimbawa:
a. araw-araw isa-isa apat-apat
b. dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila
c. masayang-masaya

B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag
hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan
Halimbawa:
a. mag-alis nag-isa nag-ulat
b. pang-ako mang-uto pag-alis
c. may-ari tag-init pag-asa

C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.


Halimbawa:
a. pamatay ng insekto - pamatay-insekto
b. kahoy sa gubat - kahoy-gubat
c. humgit at kumulang - humigit-kumulang
d. lakad at takbo - lakad-takbo
e. bahay na aliwan - bahay-aliwan
f. dalagang taga bukid - dalagang-bukid
  Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan ng
gitling ang pagitan nito.
Halimbawa:
a. dalagangbukid (isda)
b. buntunghininga

D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o
simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling
Halimbawa:
a. maka-Diyos maka-Rizal maka-Pilipino
b. pa-Baguio taga-Luzon taga-Antique
c. mag-pal maka-Johnson mag-Sprite
d. mag-Corona mag-Ford mag-Japan

E. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng inulit
na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan
Halimbawa:
a. mag-Johnson magjo-Johnson
b. mag-Corona magco-Corona
c. mag-Ford magfo-Ford
d. mag-Japan magja-Japan
e. mag-Zonrox magzo-Zonrox

F. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.


Halimbawa: 

a. ika-3 n.h. ika-10 ng umaga ika-20 pahina


b. ika-3 revisyon ika-9 na buwan ika-12 kabanata

G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.


Halimbawa:
a. isang-kapat (1/4)
b. lima’t dalawang-kalima (5-2/5)
c. tatlong-kanim (3/6)

H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa.


Halimbawa:
a. Gloria Macapagal-Arroyo
b. Conchita Ramos-Cruz
c. Perlita Orosa-Banzon

I. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.


Halimbawa:
a. Patuloy na nililinang at pinalalawak ang pag-gamit ng Filipino.

7. TUTULDOK ( : ) 

Gamit ng Tutuldok (Semicolon)


Ginagamit matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag.

A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.


Halimbawa:
a. Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas, Orchids, Sampaguita, Santan at
iba pa.

B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o liham-pangangalakal.


Halimbawa:
a. Dr. Garcia:
b. Bb. Zorilla:

C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa kabanata at taludtod ng
Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan.
Halimbawa:
a. 8:00 a.m Juan 16:16

8. TUTULDOK – KUWIT ( ; ) 

Gamit ng Tutuldok-Kuwit (Semicolon)

Ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad sinusundan ng isa pang sugnay nang
hindi gumagamit ng pangatnig

A. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating panimula ng liham


pangalakal.
Halimbawa:
a. Ginoo;
b. Bb;

B. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng


pangatnig.
Halimbawa:
a. Kumain ka ng maraming prutas; ito’y makabubuti sa katawan.
b. Naguguluhan siya sa buhay; iniisip nya ang magpatiwakal.

C. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad halimbawa, gaya ng, paris ng, kung nangunguna sa isang
paliwanag o halimbawa.
Halimbawa:
a. Maraming magagandang bulaklak sa Pilipinas na hindi na napag-uukulan ng pansin; gaya ng kakwate,
kabalyero, banaba, dapdap at iba pa.

9. PANIPI (“ ”)

Gamit ng Panipi (Quotation Mark)

Inilalagay ito sa unahan at dulo ng isang salita

A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang tuwirang sipi.
Halimbawa:
a. “Hindi kinukupkop ang criminal, pinarurusahan,” sabi ng Pangulo.
B. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat at iba’t ibang mga
akda.
Halimbawa:
a. Nagbukas na muli ang “Manila Times”.
b. Isang lingguhang babasahin ang “Liwayway”.
c. Napaluha ang marami nang mapanood ang dulang “Anak Dalita”.

C. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga.


Halimbawa:
a. Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong “Computer Programming”.

10. PANAKLONG ( () ) 

Gamit ng Panaklong (Parenthesis)

Ang mga panaklong ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi direktang kaugnay ng diwa
ng pangungusap, gaya ng mga ginamit sa pangu-ngusap na ito.

A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno.


Halimbawa:
a. Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me Tangere.

B. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang kawastuhan.


Halimbawa:
a. Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa bansang Turkey ay humigit
b. kumulang sa labindalawang libong (12,000) katao.

C. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon.


Halimbawa:
a. Jose P. Rizal ( 1861 – 1896 )

11. TUTULDOK-TULDOK O ELIPSIS (…)

Gamit ng Tutuldok-tuldok (Elipsis)

Nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang karug-tong ng nais sabihin.

A. Upang ipakilalang may nawawalang salita o mga salita sa siniping pahayag. Tatlong tuldok ang
ginagamit kung sa unahan o sa gitna ng pangungusap ay may nawawalang salita, subalit apat na tuldok
kung sa mga salitang nawawala ay sa hulihan ng pangungusap.
Halimbawa:
a. Pinagtibay ng Pangulong Arroy …

B. Sa mga sipi, kung may iniwang di-kailangang sipiin.


Halimbawa:
a. Kung ikaw’y maliligo sa tubig ay aagap upang…

You might also like