You are on page 1of 3

URDANETA CITY UNIVERSITY

San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Ang Simuno
(Mga Uri ng Simuno)

Inihanda ni:

DIANNE C. LAGANINA
BSEFL-II / BLOCK 1
ARALIN 5.2: ANG SIMUNO

Ano ang Simuno?


 Ang simuno ang siyang nagsasabi kung ano o sino ang pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ang paksa
ng pangungusap.
 Ang simuno ay tumutukoy sa pinag-uusapan sa pangungusap. Maaari itong ngalan ng tao, pook,
pangyayari, hayop, at iba pa.
 Ito ay ang bahagi ng pangungusap na gumagawa ng aksyon sa pangungusap o siyang pinag-uusapan
sa pangungusap. Maari itong ngalan ng tao, bagay, pook, pangyayari, at iba pa. Sa Ingles, ito ay
tinatawag na subject.

Halimbawa:
1.Ang mga lobo ay makukulay.
Ano ang makukulay? Ang mga lobo.
2.Si Martha ay naghuhugas ng pinggan.
Sino ang naghuhugas ng pinggan? Si Martha.
3. Nagtatanim ng palay sina Lukas at Tonyo.
Sinu-sino ang mga nagtatanim ng palay? Sina Lukas at Tonyo.

Ito ay maaaring magsimula sa malaking titik at maaari ring hindi. Narito ang ilang mga halimbawa:
 Christopher
 Purok Maanyag
 G. Baltazar Cruz
 pusa
 bahay

Mga halimbawa ng simuno na ginagamit sa pangungusap:


1. Si Christopher ay umalis ng maaga upang makarami ng tinda.
2. Ang Purok Maanyag ay ibinaha.
3. Si G. Baltazar Cruz ang magtuturo sa kanila ng sayaw.
4. Ang pusa ay nakakain na.
5. Ang bahay ay hindi mabuksan.

Mga Uri ng Simuno

a.) Paksang Pangngalan- Karaniwan ang paksa ay nasa anyong pangngalan.


Halimbawa:
 Ang pinuno ay naghihintay ng grasya.
 Naghihintay ng ulan ang mga magsasaka.

b.) Paksang Panghalip- Ginagamit ang panghalip sa paksa.


Halimbawa:
 Kami ay delegasyon ng Pilipinas.
 Sila ay gumagawa ng mga sasakyang pandagat.

c.) Paksang Pang-uri- Ginagamit ang pang-uri sa paksa.


Halimbawa:
 Hinahangaan ang mga matatalino.
 Kapuri-puri ang mga masisipag.

d.) Paksang Pandiwa- Katulad ng nauna, ang pandiwa ay siyang gagamitin sa paksa.
Halimbawa:
 Mahuhusay ang mga namumuno.
 Huwag mong gambalain ang nananalangin.

e.) Paksang Pang-abay- Minsan nagagamit din ang pang-abay sa paksa o simuno.
Halimbawa:
 Ang dito ay maghintay muna.
 Ang doon ay pasulungin agad.

f.) Paksang Pawatas- Ginagamit din ang pawatas sa simuno.


Halimbawa:
 Hilig niya ang kumanta.
 Kinalilibangan ko ang magbasa.

You might also like