You are on page 1of 54

WASTONG

PAGBABANTAS
Tuldok (.)
A. Ginagamit sa katapusan ng pangungusap.

Halimbawa:
Maraming Pilipino sa kasalukuyan ang
nahuhumaling tumungo sa ibang bansa upang
magtrabaho.
B. Ginagamit pagkatapos ng mga tambilang
at titik sa bawat hati ng isang balangkas o
ng talaan.

Halimbawa: (1.) (B.) (b.)


C. Ginagamit sa mga pinaikling titik sa
ngaang-tao at sa mga salitang dinaglat.

Halimbawa:
Ginoo – G. Dr. N. Medina
Pananong (?)
A. Ginagamit sa katapusan ng mga
pangungusap na patanong?

Halimbawa:
Nararapat nga bang mangibang-bansa ang mga
Pilipina?
B. Ginagamit sa loob ng panaklong upang
magpahayag ng pag-aalinlangan sa
katumpakan ng sinusundan.

Halimbawa:
Ang Hapon ang pinakamaunlad na bansa sa
Silangan (?)
Padamdam (!)
A. Ginagamit sa mga salitang padamdam.

Halimbawa:
Aba! Hindi biro ang dinaranas na hirap ng mga
Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.
B. Ginagamit sa katapusan ng mga
pangungusap na padamdam.

Halimbawa:
Huwag ka nang umalis!
Kuwit (,)
A. Ginagamit sa bating panimula ng liham
pangkaibigan

Halimbawa:
Mahal kong kapatid,
B. Ginagamit sa bating pangwakas

Halimbawa:
Lubos na gumagalang,
C. Ginagamit upang ihiwalay sa pangungusap
ang salitang ginagamit na pantawag.

Halimbawa:
Leah, mag-ingat ka sa bansang iyong
pupuntahan.
D. Ginagamit ang kuwit sa paghihiwalay ng
mga salita, mga parirala, at mga sugnay na
sunud-sunod.

Halimbawa:
Ang mga bansang malimit na puntahan ng mga
Pilipinong nagtatrabaho sa abroad ay Amerika,
Canada, Italya at Saudi Arabia.
E. Ginagamit sa paghihiwalay ng
mahahalagang impormasyong kabilang sa
petsa o pamuhatan ng liham.

Halimbawa:
Ang kapanganakan ng aking kaibigang si Nelia, ay
ika-27 ng Mayo, 1993, sa General Trias, Cavite.
F. Ginagamit sa paghihiwalay ng di
makabuluhang parirrala at sugnay sa
pangungusap.

Halimbawa:
Si Ferdinand Marcos, ang naglunsad ng batas-
militar sa bansa, ay taga-Ilocos.
G. Ginagamit sa paghihiwalay ng sinasabi ng
nagsasalita sa ilang bahagi ng
pangungusap.

Halimbawa:
“Ang bansang Pilipinas ay may mayamang
kalikasan,” ang wika ng dayuhan.
H. Ginagamit sa paghihiwalay ngn mga
sugnay ng isang pangungusap na
tambalan, kung ang mga sugnay ay pinag-
uugnay ng mga pangatnig nan a, at, ngunit
at o.

Halimbawa:
Mayaman si Aling Henia, ngunit hindi siya
mapanghamak sa mahihirap.
I. Ginagamit pagkatapos ng Oo o Hindi at
mga salitang may himig pandamdam at
siyang simula ng pangungusap.

Halimbawa:
Oo, iaalay ko ang aking lakas at talino para sa
ating Inang Bayan.
Tuldok-kuwit (;)
Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay na
pangungusap na tambalan kung hindi pinag-
uugnay ng pangatnig.

Halimbawa:
Ang pag-asa sa mga dayuhan ay ating iwasan; ito’y
lalong hindi makatutulong upang ang ating bansa
ay makaahon sa kahirapan.
Panaklong ( )
A. Ginagamit upang kulungin ang bahaging
nagpapaliwanag ngunit maaaring kaltasin.

Halimbawa:
Si Gloria Macapagal-Arroyo (Pangulo ng Republika
ng Pilipinas) ay isang ekonomista.
B. Ginagamit upang kulungin ang mga titik o
bilang ng mga bagay na binabanggit nang
sunod-sunod.

Halimbawa:
Isulat sa patlang kung ang uri ng pamahalaan ay
(a) demokratiko, (b) parliamentaryo, (c) monarkiya,
o (d) diktaturyal.
C. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na
inuulit upang matiyak ang kawastuhan.

Halimbawa:
Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa
bansang Turkey ay humigit kumulang sa
labindalawang libong (12,000) katao.
Gitling (-)
A. Ginagamit sa pagitan ng panlaping
nagtatapos sa katinig at ng salitang-ugat
na nagsisimula sa patinig.

Halimbawa:
Pag-ibig pag-asa mag-anak
B. Ginagamit sa pagitan ng maka, taga, at ng
mga pangngalang pantangi.

Halimbawa:
Maka-Diyos maka-Rizal
C. Ginagamit sa pagitan ng mga salitang
inuulit

Halimbawa:
Araw-araw apat-apat
D. Ginagamit sa pagitan ng ika at tambilang.

Halimbawa:
Ika-4 ng Hulyo
E. Ginagamit kung may nawawalang kataga
sa pagitan ng dalawang salitang pinag-
uugnay.

Halimbawa:
Sulat-kamay kambal-tuko
F. Ginagamit sa pagitan ng dalawang
magkasalungat na pandiwa.

Halimbawa:
Tumawa-umiyak mahiga-magbangon
G. Ginagamit sa pagitan ng di at ng pang-uri
at pagitan ng sa at pandiwa.

Halimbawa:
di-matarok sa-aakyat
H. Ginagamit sa pagitan ng panlaping magsa
at ng salitang-ugat.

Halimbawa:
Magsa-Hapon magsa-tuko
Kudlit (‘)
Ginagamit na pang-ugnay ng dalawang salita.

Halimbawa:
Kami’y – kami ay trabaho’t negosyo –
trabaho at negosyo
Panipi (“”)
A. Ginagamit upang ipakita ang buong
sinasabi ng isang nagsasalita o ang
tuwirang sipi.

Halimbawa:
“Hindi kinukupkop ang criminal,
pinarurusahan,” sabi ng Pangulo.
B. Ginagamit upang mabigyan diin ang
pamagat ng isang pahayagan, magasin,
aklat at iba’t ibang mga akda.

Halimbawa:
1. Nagbukas na muli ang “Manila Times”.
2. Isang lingguhang babasahin ang “Liwayway”.
3. Napaluha ang marami nang mapanood ang
dulang “Anak Dalita”.
C. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang
banyaga.

Halimbawa:
Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong
“Computer Programming”.
Tutuldok( : )
A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang
kasunod.

Halimbawa:
Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin
tulad ng: Rosal, Rosas, Orchids, Sampaguita,
Santan at iba pa.
B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal
na liham o liham-pangangalakal.

Halimbawa:
C. Dr. Garcia: Bb. Zorilla:
C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa
yugto ng tagpo sa isang dula, sa kabanata
at taludtod ng Bibliya at sa mga sangkap
ng talaaklatan.

Halimbawa:
8:00 a.m Juan 16:16
C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa
yugto ng tagpo sa isang dula, sa kabanata
at taludtod ng Bibliya at sa mga sangkap
ng talaaklatan.

Halimbawa:
8:00 a.m Juan 16:16

You might also like