You are on page 1of 52

Ikaanim at Ikapitong Linggo

S E M E N TO

BOYS
Ikaanim
at
Ikapitong Linggo

PAMANTAYANG PAMANTAYAN SA
PANGNILALAMAN PAGGANAP
Naipamamalas ng mag-aaral ang Naisasagawa ng mag-aaral ang
pag-unawa sa mga akdang komprehensibong pagbabalita (news
pampanitikan ng Mindanao casting) tungkol sa kanilang sariling
lugar
SCRIPTURAL
MESSAGE

Matthew 18:10 “Ingatan


ninyo na huwag hamakin
ang isa sa maliliit na ito.
Sinasabi ko sa inyo: sa
langit, ang kanilang mga
anghel ay laging nasa
harapan ng Aking Ama.”
FR. AL’S
MESSAGE
Ikaanim na Liinggo: “Kung hindi
natin kayang pigilin ang ating
pagkahilig sa gawaing masama,
kung magpapadala tayo sa mga tuko
at pagkakasala, magbubunga ito ng
kamatayan; kamatayan ng
kapayapaan at kaligayahan sa ating
mga puso.” (Homily, January 1,
1992)
FR. AL’S
MESSAGE
Ikapitong Linggo: “Talikuran na ang
mga pagkakamali at kasalanan. Ialay
sa Panginoon ang mga alalahanin.
Magtiwala ka sa Kanyang awa at
kalimutan ang nakaraan. Pinatawad
ka na ng Panginoon. Kinalimutan na
Niya ang inyong mga kasalanan. Ito
ang pamamaraan ng Panginoon.”
(Homily, March 3, 1990)
Unang Araw
Maayos na naibubuod ang binasang
dula (PB)
B u o d

SE M E N TO
BO Y S
Pag-usapan ang naging
Karanasan ng Semento
Boys
Ikalawang Araw
Nakikilala ang mga katangian ng
dula(PN)
DU L A
Sinasabing ang dula ay aktwal na imitasyon ng buhay na
itinatanghal sa entablado. Ang itinuturing na entablado rito
ay hindi lamang yaong nakikita sa loob ng teatro.
Maaaring maituring na entablado ang anumang maaaring
magamit bilang tanghalan, na maaaring isang lansangan,
ibabaw ng anumang bagay, gitna ng bulwagan – basta
mayroon lamang espasyo na maaaring galawan ng aktor.
May iba’t ibang tungkulin ang bawat kasapi ng
produksyon ng isang dula kung itatanghal na ito.
Mandudula ang tawag sa nagsusulat ng dula. Direktor ang
namamatnubay sa mga aktor na silang gaganap bilang mga
tauhan ng kwento. Sa tulong ng mandudula at ng direktor,
binibigyan nila ng interpretasyon (tono, ritmo, lakas,
damdamin, at iba pa) at buhay ang mga salitaan sa dula.
U R I N G
DU L A
Kung may pagka-komiko, magaan sa loob, pumupukaw ng
pag-iisip, nagmumungkahi ng mga optimistikong pananaw
sa mundo at ang istorya ay kuwento ng tagumpay,
matatawag natin itong komedya.
Trahedya ito kung ang kuwento ay puno ng masalimuot na
pakikipagsapalarang mauuwi sa pagkabigo ng
pangunahing tauhan.
Tinatawag na melodrama ang isang dulang nagsasabuhay
ng pinaghalong pighati’t ligaya. Parody naman ito kung
nagbibigay ng komentaryo, namumuno o kaya’y
bumabatikos sa kabuktutan ng lipunan.
M B E N A S YO N
KO
N G D U L A
1. Monologue
Sa lahat ng pagsasalitang ito, pinakamahaba ang
monologue.
Dramatic Monologue

Talumpati na sinasabi ng tauhan sa kaharap.


Sinasamahan na rin ito ng opinyon at
pakiramdam ng tauhan sa mga bagay na
kanyang ikinukuwento.
Interior Monologue
Nagpapakita ng mga bagay, pakiramdam, at ugnayang
dumadaan sa isipan ng tauhan. Isa itong pamamaraan ng
pagsasalaysay kung saan ipinakita ang anumang
pakiramdam, iniisip, o pagsusuri ng tauhan.
2. Soliloquy

Ito ay pagsasalita ng isang tauhan sa loob ng dula. Para itong


talumpating mahaba upang maihatid ng tauhan ang kanyang nais
sa ibang tauhan. Maaari rin namang ang manonood ang kausap ng
nagtatalumpati upang sabihin ang kanyang nararamdanan o iniisip.
Ang paggamit ng ganitong paraan ay popular sa Europa noong
ika-16 hanggang ika-18 siglo. Sa makabagong uri ng drama, hindi
na masyadong ginagamit.
3. Aside

Mas maiksi ang Aside kaysa monologue at soliloquy. Ginagawa


ito habang nakikipag-ugnayan ang tauhan sa ibang karakter sa
dula. Sa loob ng palitan ng dayalogo, ang tauhang nagbibigay ng
aside ay pupunta sa gilid ng entablado upang iparinig sa
manonood ang kanyang naiisip o nararamdaman na hindi dapat
marinig ng ibang tauhang kasama niya. Para itong isang “sekreto”
sa pagitan ng tauhan at manonood.
U R IN G
S E M A N T IK A
PA N
PANGNGALAN

Ngalan ng tao, bagay, poo o pangyayari


URING PANSEMANTIKA
Sa ilalim ng pag-uuring pansemantika ay
may dalawang paraan ng klasipikasyon. Ang una
ay batay sa kung ang pangngalan ay may diwang
panlahat o hindi panlahat, at ang ikalawa ay batay
sa kung ang pangngalan ay tumutukoy sa isang
bagay na tahas o hindi tahas.
Ayon sa unang batay, ang mga pangngalan
ay maaaring (1) pangngalang pantangi o (2)
pangngalang pambalana. Ayon naman sa
ikalawang batayan, ang pangngalan ay maaaring
(1) tahas o (2) basal.
S E M A N T I K A
U RI N G PA N
N S A D I WA N G
AYO H I N D I
PAN L A H A T O
PA N L A H AT
A. Pambalana – ang mga pangngalang
tumutukoy sa pangkalahatang diwa.

Halimbawa:
Bata pusa aso
kapatagan sayawan
B. Pantangi – mga pangngalang nagsasaad ng
tanging ngalan ng tao, bagay, pook o pangyayari.

Halimbawa:
Cebu Rowena Blackie
Lambak ng Cagayan
A N G N G A L A N
U RI N G P
A K O N S E P TO
AY O N S
A.Pangngalang Tahas o Kongkreto

Ang mga pangngalang tahas ay mga ngalan ng mga bagay


na nakikita, naririnig, nalalasahan, nahahawakan o
nahihipo, o naaamoy. Kung nagagamit natin ang isa sa ating
limang pandama (five senses) sa bagay na itinutukoy ng
pangngalan, ang pangngalan ay tahas o kongkreto. Ang
limang pandama ay paningin (sense of sight), pandinig
(sense of hearing), pang-amoy (sense of smell), panlasa
(sense of taste), at pansalat (sense of touch).
B.Pangngalang Basal o Di-kongkreto

Ang mga pangngalang basal o di-kongkreto ay tumutukoy


sa mga bagay na walang pisikal na katangian at hindi natin
nagagamit ang alinman sa ating limang pandama para sa
mga ito. Ito ang kabaligtaran o kasalungat ng pangngalang
tahas. Kahit hindi natin ito nararanasan gamit ang ating mga
pandama, naaapektuhan pa rin tayo ng mga ito.
Sinasabing ang mga pangngalang basal ay tumutukoy sa
mga bagay na nadarama ng damdamin (felt emotionally),
naiisip (thought of), natututuhan (learned), nauunawaan
(understood), napaniniwalaan (believed), nagugunita
(remembered), o napapangarap (dreamt of).
S AR I A N N G
KA N
PA NG N G A L A
A.Panlalaki - bumabanggit sa tiyak na ngalan ng lalaki.

Halimbawa:

tatay lolo kuya ninong


pastor
B.Pambabae - bumabanggit sa tiyak na ngalan ng babae.

Halimbawa:

nanay lola ate ninang


C. Di-tiyak – kung ito’y tumutukoy sa ngalang pambabae
or panlalaki

Halimbawa:

guro doktor pulis manggagamot


D. Walang Kasarian o pambalake - kung ito’y
bumabanggit sa mga pangngalan na walang buhay

Halimbawa:

silya saging aklat kandila


A N O A NG
A L A ST A S?
PAT
Ang pagpapatalastas o pag-aanunsiyo (Ingles:
advertising) ay isang uri o anyo ng komunikasyon o
pakikipagtalastasan para sa pagmemerkado o
pagmamarket (marketing) at ginagamit upang mahikayat
o mahimok ang mga madla (mga manonood, mga
mambabasa, o mga tagapakinig; na kung minsan ay isang
tiyak na pangkat) na magpatuloy o gumawa ng ilang
bagong kilos.
Sa pinaka karaniwan, ang inadhikang resulta ay ang
maimpluwensiyahan ang ugali ng tagakonsumo o
mamimili alinsunod sa isang alok na pangkalakalan
(commercial) o kalakal, bagaman karaniwan din ang
pagpapatalastas na pampolitika at pang-ideyolohiya.
Sa wikang Latin, ang pariralang ad vertere, na
pinaghanguan ng salitang Ingles na advertising, ay may
kahulugang "ibaling ang isipan papunta sa [isang
bagay]". Maaaring maging layunin din ng
pagpapatalastas ang paasahin ang mga empleyado at mga
"kasalo" (mga shareholder) na matatag o matagumpay
ang isang kompanya.
Ang mga mensaheng pampatalastas ay karaniwang
binabayaran ng mga isponsor at nakikita sa pamamagitan
ng samu't saring midyang tradisyunal (miyang
nakaugalian); kabilang na ang midyang pangmasa na
katulad ng pahayagan, magasin, patalastas sa telebisyon,
patalastas sa radyo, patalastas na nasa labas ng gusali o
panlasangan, o tuwirang pagpapadala sa pamamagitan ng
koreo; o kaya sa pamamagitan ng bagong midya na
katulad ng mga blog, mga websayt, o mga mensaheng
teksto
N G L A Y U N IN
A N O A O
PA TA L A S TA S
NG N G ?
AD V E RT I SI
Ang advertising ay isang uri ng pangmadlang
komunikasyon. Ang layunin ng advertising ay ang
pagpukaw ng atensiyon ng mga tao patungo sa isang
bagay o serbisyo na nais iendorso. Ito ay isang bayad na
promosyon na tumutukoy sa isang kompanya, ang mga
brand at mga produkto nito.
Ang mga impormasyong tungkol sa produkto ay maaring
ipalaganap sa pamamagitan ng magkakaibang midyum
tulad ng telebisyon, radyo, print at internet. Ito ay
isinisasagawa upang maparating ng kompanya ang
tungkol sa produkto sa mga target na konsumer nito.
Gumagamit ang mga advertiser ng iba’t-ibang
malikhaing pamamaraan upang makapanghikayat ng
mamimili. Nilalagyan ng sari-saring element ang
advertisement tulad ng narrative, endorser/s, jingle,
animations/illustrations, atbp.
Ang advertising bilang promosyonal na uri ng
komunikasyon ay naglalayon na makapagbigay alam at
pagtibayin ang umiiral na pagkaunawa sa isang produkto,
ipaalala ang mga ipinipangako produkto at
ipinipanindigan ng brand, baguhin ang nararamdaman
ukol sa produkto, at impluwensiyahan ang pagbili ng mga
konsumer.
Higit pa dito, malaki ang tulong na naibibigay ng mga
advertisement sa mga gumagawa ng iba’t-ibang
nilalaman ng midya sapagkat sila ang nagbibigay ng
pondo para maipalabas ang mga ito. Masasabing ang mga
advertisement ang bumubuhay sa mga palabas sa
telebisyon, radyo, at sine, at sa mga sulatin sa dyaryo
man o sa internet.
Dahil sa laki ng kapangyarihan ng advertising, maraming
isyu ang nagsisilabas. Kaugnay nito ang pag-eksamina
kung papaano naapektuhan ng advertisement ang
nilalaman ng midya. Tila naging uso na kasi ang
paglalagay ng advertising ng isang produkto sa kahit
anong midya. Sa kabilang banda, kinukwestiyon ng iba
ang epekto ng mga advertisement sa mga mamamayan,
partikular sa kanilang pag-iisip at paggawa.
Ano ang katangian ng patalastas?

Ø Maiksi ang patalastas.


Ø Malinaw ang mensaheng nais na ipahatid.
Ø Gumagamit ng mga simpleng pananalita.
ØKumakatok sa isip at damdamin ng mga
mambabasa/manonood.
ØMay kakayahang humimok sa mga
mambabasa/manonood na gumawa ng aksyon.
Hakbang sa Paggawa ng Patalastas

1.Kilalanin ang awdyens. (kung para kanino ang


ginagawang patalastas)

2.Bumuo ng storyline na aangkop sa inyong awdyens.


Pumili ng angkop na lugar, kagamitan, at musika na
makapagpapatingkad sa mensahe ng inyong
patalastas.

You might also like