You are on page 1of 7

DALUMAT-SALITA: MGA SALITA NG TAON/SAWIKAAN,AMBAGAN,MGA

SUSING SALITA ATBP

Ano ang Dalumat?

 Ang Dalumat ang gumagabay sa mga mananaliksik na unawain, ipaliwanag

at I-interpret ang isang pangyayari (Phenomenon), teksto at diskursong na

saklaw ng kanyang pag-aaral.

 Ito ay ang pagkakaroon ng kakayahang mag-isip ng malalim.

Mga Salita ng Taon o Sawikaan

Mga Salita ng Taon

 Ito ay ang mga salitang namayani sa diskurso ng sambayanang Filipino

kada taon.

Sawikaan

 Ito ay isang masinsinang talakayan para piliin ang pinakanatatanging salita

ng taon.

 Ito ay ginaganap kada taon.

Mga Salitang maaring ituring na Salita ng Taon:

 Bagong imbento.

 Bagong hiram mula sa katutyubo o banyagang wika.

 Luma ngunit may bagong kahulugan.

 Patay na salitang muling binuhay.

Mga Salta ng Taon:

 canvass – 2004

 huweteng – 2005

 lobat – 2006

 miskol – 2007

 jejemon – 2010

 wangwang – 2012

 selfie – 2014
 fotobam – 2016

MAKABAGONG SALITA

 Ito ay mga salitang ginagamit ng mga milleninal tulad ng:

 Triggered – Ito ay ginagamit ng mga millenial para ipahayag ang kanilang

masamang damdamin sa tuwing mayroon silang di kaaya-ayang nakikita

o naririnig.

 Receipts – Ito ay nagsisilbing ebidensya tungkol sa isang drama na

nangyari sa internet, ang halimbawa nito ay screenshots.

 Tea – Ito ay ang salitang ginagamit ng mga millenials na tumutukoy sa

mga tsismis na kanilang nakikita sa social media. Ito ay tinatawag na “tea”

dahil sa unang letra ng tsismis na “t”.

 Extra – Ito ay ginagamit upang ilarawan ang isang taong kumikilos sa

dramatikong paraan kahit hindi naman kinakailangan ang ganoon ka

grabeng pagkilos.

 Woke – Tawag sa isang indibidwal na alam ang mga nangyayari sa

lipunan. Ang mga taong “woke” ay karaninwang nagbibigay alam tungkol

sa racism, feminism, sexism, homophobia atbp; sila rin ang mga taong

tumututol sa mga ito.

 Blessed – Ito ay ginagamit upang maipahayag na maraming magaganda

at positibong bagay na dumadating sa buhay ng isang tao. Maari din itong

magsilbing explanation sa sari-saring psitibong nararamdaman ng isang

tao.

Lit – Ito ay isang salitang ginagamit upang sabihin na ang isang bagay o

pangyayari ay astig.

Millennials – Ang mga taong nabibilang sa generation Y o Net Generation na

kung saan kinalakihan na ang paggamit ng kompyuter at internet sa kanilang

pang araw-araw na buhay.

Millennials, also known as Generation Y (or simply Gen Y), are

the demographic cohort following Generation X and preceding Generation Z.

Researchers and popular media use the early 1980s as starting birth years and the
mid-1990s to early 2000s as ending birth years, with 1981 to 1996 a widely accepted

definition.

MGA PATOK AT NAUUSONG SALITA NG MGA MILLENNIAL

 Bae – Ayon sa isang urban dictionary, acronym daw ito pariralang “Before

Anyone Else”. Pero nanggaling daw talaga ito sa pet name ng mga

magkasintahan na baby o babe at naging popular ito lalo dahil ito ang

naging tawag kay Pambansang Bae Alden Richards. Madalas din itong

itawag sa mga lalaking may itsura at masasabi nating gwapo.

 Pabebe – Ang ibig sabihin nito ay umaarteng parang baby o magpa cute.

Tulad din ng salitang bae,naging popular ang pabebe dahil sa wave ng

nausong tambalan ngayon ang Aldub. Ang pabebe wave naman ay ang

pa cute o mahinhing pagkaway. May ibang kahulugan din ito sa iba,

kumbaga maarte o nag iinarte.

 Galawang breezy o hokage – Ito na nga raw ang bagong termino para sa

mga kalalakihan na pasimpleng dumidiskarte sa napupusuang babae.

Maaring nakuha ito sa salitang “breezy” na ang ibig sabihin ay mahangin,

at ngayo’y nabigyan ng kakaibang kahulugan na pagpapalipad-hangin.

 Tara G! – Kapag tinatanong ka ng iyong kaklase ng “Ano Tara?”

kadalasan ang isasagot mo ay Tara,G!, pero aminin ang alam mong ibig

sabihin nito ay “Tara, Let’s Go!”. Puwes ang tunay na ibig sabihin nun ay “

Tara,Game!”.

 Beast Mode – Ang salitang ito ay ginagamit ng mga millennials ngayon

upang ipahiwatig na sila ay galit o naiinis. Posible raw nagmula ang

katagang ito sa video game ng Altered Beast ng Sega, kung saan

nagpapalit-anyo ang karakter dito at nagiging halimaw.

 Ninja Moves – Nagmula raw ito sa mga “ninja” o mga warrior na may

kakaibang galing, bilis kumilos, at diskarte na maisakatuparan ang

kanilang misyon ng hindi masyadong napapansin. Kaya kung

nakakantyawan ka ng iyong mga kaibigan na nag ninja moves, ibig nilang

sabihin na ikaw ay pasimpleng dumidiskarte ng hindi napapansin.


 Walwalan – Kadalasang nababanggit ang salitang ito sa mga inuman.

Nagmula ito sa mga salitang “walang pakialam”,”walang pangarap” at

“walang kinabukasan”.

 Edi Wow! – Ekspresyon na parang sinasabi ng kausap mo na “ e di ikaw

na!”, kaya manahimik ka na.Ganern.

 YOLO – You only live once.

MGA SUSING SALITA

 Ang susing salita ay ang mga pangunahing salita sa isang pangungusap o

parapo na nagpapakita at naglalarawan ng mga pangunahing ideya ng

may akda o ng isa na nagsalita at nagsulat nito. Sa pagkuha ng susing

salita ay mas napapadali ang pagkakaintindi sa isang ideya o sa isang

bagay na gustong iparating ng isa sa kanyang kausap.

MGA SUSING SALITA: INDIE AT DELUBYO

Indie – Ang salitang “indie” ay pinaikling salita sa ingles na independent at

kadalasan ginagamit na katawagan sa mga pelikulang iba ang linya ng

pagkukuwento, kung saan “hindi siya masayahing kuwento”. Hindi sya

kuwento na sadsad ng fictional na drama. Ito ay sadsad ng katulad ng

[pelikulang] “ Pamilya Ordinaryo”, mga dramang nagaganap sa lansangan na

hindi natin nababalitaan.

Delubyo – o disaster

2 klasipikasyon ng Delubyo

1) Warning – Responsibilidad ng gobyerno. Kailangan ito ay accurate,

reliable, understandable, at timely.

2) Response – Kailangan matumbasan iyong warning o abiso ng gobyerno

ng tamang aksyon ng mga mamayan sa komunidad.

Mahalaga ang paggamit ng siyensya kontra delubyo ngunit, hindi lang

siyensya at teknolohiya ang solusyon para maibsan ang panganib o delubyo.

Kailangang palitan ang ating kultura at gawing culture of safety. Dapat


nakalarawan iyong mga kaalam natin sa ating mga lugar, sa ating mga

komunidad sa pamamagitan ng sining o wika.

AsMBAGAN

 Ito ay pambansang komperensiya sa paglikom ng mga salita mula sa

iba’t-ibang wika sa Pilipinas.

 Ang Ambagan ay isinasagawa tuwing dalawang taon. Pinagyayaman ng

kumperensiya ang iba’t ibang mga wika sa Filipino sa pamamagitan ng

pagsangguni sa balarila’t leksikon ng mga wika sa bansa.

 Ang adhikain ng pagpupulong na makalikom ng mga salita mula sa iba’t

ibang wika sa bansa at matalakay ang kahulugan, kasaysayan, at gamit

ng salita, pati na ang kahalagahan nito upang mailahok sa korpus ng

wikang pambansa.

Mga Halimbawa:

Salitang Iluko

 Kabus (kabilugan ng buwan)

 Murmuray (panunumbalik sa normal ng mga sentido pagkagising)

 Kibin (magkahawak-kamay habang naglalakad)

Pampango

 mánúcluan (iskwater)

 tángî (pag-aaring nakuha sa panahon ng pagpapakasal ng mag-asawa)

 síbul ning lugud (walang hangganang pagmamahal)

Bikolano

 hablóndawani (bahaghari)

 tuntón-balagón (alitaptap)

 mangíndara (mga sirena sa lawa)

Hiligaynon

 pangayaw (dayuhan)
 inday (pantawag ito sa mga mahal mo sa buhay na babae katulad ng kapatid,

asawa, anak, pamangkin, at kahit na malayong kamag-anak)

SAWIKAIN O IDYOMA

Ang pagpapahayag ng damdamin, kaisipan at mga naisin sa buhay ay lubhang

mahalaga sa bawat tao. Sa pamamagitan nito, nauunawaan natin ang iba at

gayon din sila sa atin. Alisin mo ang pagpapahayag at para mo ring kinitilan ng

buhay ang isang tao.

Ang sawikain o idyoma ay isang uri ng pagpapahayag na kusang nalinang at

nabuo sa ating wika. Sa ating pang araw-araw na pakikipagtalastasan,

pagsasalita, at pagsusulat, gumagamit tayo nito.

SAWIKAIN

 Ang sawikain o idiom sa wikang Ingles ay salita o grupo ng mga salitang

patalinghaga na nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang

bagay, kaganapan, sitwasyon o pangyayari.

 Ito ay may dalang aral at kadalasang nagpapahiwatig ng sentimiyento ng

isa o grupo ng mga tao. Malalalim ang mga salitang ginagamit sa sawikain

at pinapalitan ang karaniwang tawag kung kaya ito ay nagiging

matalinghagang pagpapahayag.

Mga Halimbawa ng Sawikain:

 Abot-tanaw

Kahulugan : Naabot ng tingin

Halimbawa: Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon.

 Agaw-dilim

Kahulugan: Malapit ng gumabi

Halimbawa: Agaw-dilim na ng umuwi si Ben sa kanilang bahay.

 Butas ang bulsa

Kahulugan: walang pera

Halimbawa: Nagsusugal si Juan kaya palaging butas ang bulsa.

 Ibaon sa hukay
Kahulugan: kalimutan

Halimbawa: Ibaon mo na sa hukay ang nakaraan.

You might also like