You are on page 1of 10

TAMANG GAMIT NG BANTAS

1. TULDOK (.)

Gamit ng Tuldok (Period)

A. Ang tuldok ay ginagamit na pananda. Ginagamit din sa katapusan ng pangungusap na


paturol at pautos.

Halimbawa:

a. Mag-aral kayong mabuti.

b. Ang daigdig ay isang tanghalan.

• Ngunit kung ang pangungusap ay nagtatapos sa mga pinaikling salita hindi na dinadalawa ang
tuldok.

Halimbawa:

a. Aalis ako sa ganap na ika-6:00 n.g.

b. Si May ay nag-aaral sa St. Agnes High School.

B. Ang tuldok ay ginagamit sa mga salitang dinaglat gaya ng ngalan ng tao, titulo o
ranggo, pook, sangay ng pamahalaan, kapisanan, buwan, oras, bansa at iba pa.

Halimbawa:

a. Si Prop. De Vena ay nagtuturo.

b. Si Marco K. Villanueva, Jr. ang ating panauhing pandangal.

C. Ang tuldok ay ginagamit pagkatapos ng mga tambilang at titik sa bawat hati ng isang
balangkas o ng talaan.

Halimbawa:

I. II.

A. A.

B. B.
1. a.

2. b.

* Ngunit hindi tinutuldikan ang mga pambilang at titik kapag kinukulong ng


panaklong.( ) (a)
(b) (1) (10)

D. Ang tuldok ay ginagamit sa di-tuwirang pagtatanong.

Halimbawa:

a. Itinatanong niya kung ako ay sasama sa Robinson.

b. Itinatanong niya kung aalis ka na.

2. PANANONG (?)

Gamit ng Pananong (Question Mark)

A. Ang pananong ay ginagamit sa katapusan ng mga pangungusap na patanong.

Halimbawa:

a. Saan ka nakatira?

b. Sasama ka ba?

B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag-aalinlangan sa diwa


ng pangungusap.

Halimbawa:

a. Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng Republika ng Pilipinas.

3. PADAMDAM (!)

Gamit ng Padamdam (Interjection)

A. Ang bantas na pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o


pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.
Halimbawa:
a.Mabuhay ang Pilipinas!
b. Uy! Ang hanep mong sumayaw.
c. Aray! Naipit ang kamay ko.

4. KUWIT (,)

Gamit ng Kuwit (Comma)

A. Ginagamit upang ihiwalay sa pangungusap ang salitang ginagamit na palagyong


panawag.

Halimbawa:

a. Beth, ano ang ginagawa mo?

b. Ganito, Dan, ang pagbalat nang tama.

B. Ginagamit pagkatapos ng bating panimula ng liham pangkaibigan o pansarili.

Halimbawa:

a. Mahal kong Ate,

b. Pinakamamahal kong Kuya,

C. Ginagamit pagkatapos ng bating pangwakas ng liham.

Halimbawa:

a. Ang iyong kaibigan,

b. Lubos na gumagalang,

D. Ginagamit sa paghihiwalay ng mga salita, mga parirala at mga sugnay na sunud-


sunod.

Halimbawa:

a. Nanguha ako ng santol, lansones, at bayabas.

b. Si Nanay ay nagluluto, si Ate ay naglalaba at si bunso naman ay nag-iigib ng tubig.

E. Ginagamit sa paghihiwalay ng mga bilang sa petsa, o pamuhatan ng liham.


Halimbawa:

a. Ipinadala ko ang iyong kard kay G. Jose Samon, 756 Lepanto, Santolan.

b. Ang kuya ko ay ipinanganak noong Enero 8, 2994 sa Makati Manila.

F. Ginagamit sa paghihiwalay ng sinasabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng


pangungusap.

Halimbawa:

a. “Makinig kang mabuti,” ang sabi ng ama.

b. “Kayo,” sabi ng ina, ”ay huwag gagala kung gabi.”

G. Ginagamit sa paghihiwalay ng di-makabuluhang parirala at sugnay sa mga


pangungusap. Halimbawa:

a. Si Somsom, na aking kapatid, ay mang-aawit.

b. Si G. Juan B.Tan, ang guro ng aking nakababatang kapatid, ay coach namin sa


basketball.

H. Ginagamit pagkatapos ng Oo o Hindi at mga salitang may himig pagdamdam at kung


siyang simula ng pangungusap.

Halimbawa:

a. Oo, sasama ako sa inyo.

b. Hindi, kailangan ko nang umuwi.

5. KUDLIT(‘)

Gamit ng Kudlit (Apostrophe)

Ginagamit bilang kapalit o kung kumakatawan sa letra o sa mga letrang nawawala


kapag ang pang-ugnay o pananda sa pagitan ng dalawang salita ay ikinakabit sa unang
salita:

Halimbawa:
a. tuwa at ligaya - tuwa’t hapis
b. kaliwa at kanan - kaliwa’t kanan

c. ako ay uuwi – ako’y uuwi

d. tahanan ay maligaya - tahana’y maligaya

6. GITLING (-)

Gamit ng Gitling (hyphen)

Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon:


A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.
Halimbawa:
a. araw-araw, lima-lima, sampu-sampu
b. dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila
c. masayang-masaya

B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa


patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan
Halimbawa:
a. mag-alis, nag-isa, nag-ulat
b. pang-isa, mang-uto, pag-alis
c. may-ari, tag-init, pag-uwi
C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
Halimbawa:
a. pamatay ng insekto - pamatay-insekto
b. kahoy sa gubat - kahoy-gubat
c. humgit at kumulang - humigit-kumulang
d. lakad at takbo - lakad-takbo
e. bahay na sanlaan - bahay-sanlaan
f. dalagang taga bukid - dalagang-bukid

* Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na


gagamitan ng gitling ang pagitan nito.
Halimbawa:
a. dalagambukid (isda)
b. buntunghininga

D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o
kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling
Halimbawa:
a. maka-Diyos, maka-Rizal maka-Pilipino
b. pa-Baguio taga-Luzon taga-Antique
c. mag-pal maka-Johnson mag-Sprite
d. mag-Corona mag-Ford mag-Japan

E. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat
sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan
Halimbawa:
a. mag-Johnson magjo-Johnson
b. mag-Corona magco-Corona
c. mag-Ford magfo-Ford
d. mag-Japan magja-Japan
e. mag-Zonrox magzo-Zonrox

F. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.


Halimbawa:

a. ika-3 n.h. ika-10 ng umaga ika-20 pahina


b. ika-3 revisyon ika-9 na buwan ika-12 kabanata

G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.


Halimbawa:
a. isang-kapat (1/4)
b. lima’t dalawang-kalima (5-2/5)
c. tatlong-kanim (3/6)

H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o


asawa.
Halimbawa:
a. Gloria Macapagal-Arroyo
b. Conchita Ramos-Cruz
c. Perlita Orosa-Banzon

I. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.


Halimbawa:
a. Patuloy na nililinang at pinalalawak ang pag-gamit ng Filipino.
7. TUTULDOK( : )

Gamit ng Tutuldok (Semicolon)

. Ginagamit matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag

A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.


Halimbawa:
a. Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas,
Orchids, Sampaguita, Santan at iba pa.

B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o liham-pangangalakal.


Halimbawa:
a. Dr. Gardoni:
b. Bb. Sardil:

C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa kabanata


at taludtod ng Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan.
Halimbawa:
a. 8:00 a.m Juan 16:16

8. TULDOK - KUWIT( ; )
Gamit ng Tuldok-Kuwit (Semicolon)

Ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad sinusundan ng isa


pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig.

A. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating panimula


ng liham pangalakal.
Halimbawa:
a. Ginoo;
b. Bb;

B. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag-


uugnay ng pangatnig.
Halimbawa:
a. Kumain ka ng maraming prutas; ito’y makabubuti sa katawan.
b. Nababagot siya sa buhay; iniisip nya ang mag-asawa.

C. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad halimbawa, gaya ng, paris ng,
kung nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa.
Halimbawa:
a. Maraming magagandang bulaklak sa Pilipinas na hindi na napag-uukulan ng pansin;
gaya ng kakwate, kabalyero, banaba, dapdap at iba pa.

9. PANIPI (“ ”)

Gamit ng Panipi (Quotation Mark)

Inilalagay ito sa unahan at dulo ng isang salita

A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang tuwirang sipi.

Halimbawa:
a. “Hindi kinukupkop ang criminal, pinarurusahan,” sabi ng Pangulo.

B. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat at iba’t
ibang mga akda.

Halimbawa:
a. Nagbukas na muli ang “Manila Times”.
b. Isang lingguhang babasahin ang “Liwayway”.
c. Napaluha ang marami nang mapanood ang dulang “Anak Dalita”.
C. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga.

Halimbawa:
a. Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong “Computer Programming”.

10. PANAKLONG ( ()

Gamit ng Panaklong (Parenthesis)

Ang mga panaklong ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi direktang
kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginamit sa pangu-ngusap na ito.

A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno.


Halimbawa:
a. Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me Tangere.

B. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang kawastuhan.


Halimbawa:
a. Ang mga namatay sa naganap na lindol sa bansang Japan ay humigit kumulang sa labinlimang
libong (15,000) katao.

C. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon.


Halimbawa

a. Jose P. Rizal ( 1861 – 1896 )


11. TUTULDOK-TULDOK O ELIPSIS (…)

Gamit ng Tutuldok-tuldok (Elipsis)

Nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang karug-tong ng nais sabihin.

A. Upang ipakilalang may nawawalang salita o mga salita sa siniping pahayag. Tatlong tuldok
ang ginagamit kung sa unahan o sa gitna ng pangungusap ay may nawawalang salita, subalit
apat na tuldok kung sa mga salitang nawawala ay sa hulihan ng pangungusap.

Halimbawa:
a. Pinagtibay ng Pangulong Arroyo …

B. Sa mga sipi, kung may iniwang di-kailangang sipiin.


Halimbawa:
a. Kung ikaw’y maliligo sa tubig ay aagap upang…

12. Asterisko (*)

Gamit ng Asterisko (Asterisk)

May tinanggal na isa o mahigit pang talata sa isang sinipi, pagkatapos ng isang listahan at
pagpapakitang may karagdagang impormasyon nakatalababa o nakfutnowt.
Halimbawa
* Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na
gagamitan ng gitling ang pagitan nito.

You might also like