You are on page 1of 28

Isang Mapagpalang Araw

sa Lahat!
G. Reyogie Delos Santos Antonio
BSED - FILIPINO
WASTONG GAMIT NG MGA BANTAS
1. TULDOK ( . )
• Ginagamit ang bantas na tuldok sa sumusunod:
A.) Hulihan ng mga pangungusap na pasalaysay at pautos
Halimbawa:
1. Mabait at mapagbigay na anak si Nukeen.
2. Pakatimbangin mo nga ang iyong mga nalalaman
upang alam mo kung alin sa mga ito ang magdudulot
ng kabutihan.
TULDOK ( . )

B.) Pagdadaglat (abbreviation)


Halimbawa:
1. Dr. – Doktor
2. Engr. - Engineer
TULDOK ( . )

C.) Pagtatapos ng “Oo” at “Hindi” kung pansagot sa


tanong.
Halimbawa:
1. Aalis ka ba? - Oo.
2. Pupunta ka ba? - Hindi.
TULDOK ( . )

D.) Pagtatapos ng bilang at titik kung isusulat nang sunod-


sunod.
Halimbawa:
Isulat ang titik ng tamang sagot:
A. B. C. D.
2. TANDANG PANANONG ( ? )

• Ginagamit ito sa pangungusap na nagtatanong o nag-uusisa


Halimbawa:
1. Kilala mo ba ang aking ina?
2. Gusto mo ba siyang makasama?
3. TANDANG PADAMDAM ( ! )

• Ginagamit ito sa pangungusap na naglalahad ng matinding


damdamin.
Halimbawa:
1. Naku! Nasunog ang bahay.
2. Aba! Huwag kang makulit.
4. KUWIT ( , )
• Ginagamit sa sumusunod:
A.) Paghihiwalay ng mga salita, parirala o sugnay na
sunod-sunod na binanggit sa pangungusap.
Halimbawa:
1. Si Diana ay maganda, magaling, at mahusay
sumulat ng tula.
KUWIT ( , )

B.) Paghihiwalay ng pangalang binanggit sa iba pang


bahagi ng pangungusap.
Halimbawa:
1. Maida, ibigay mo nga ang damit na ito kay
Anna.
KUWIT ( , )

C.) Pagtataposn ng isang bating panimula at pangwakas


ng liham pangkaibigan.
Halimbawa:
1. Mahal kong Pie, 2. Ang iyong kaibigan,
KUWIT ( , )

D.) Pagitan ng nayon, bayan, lalawigan o lungsod.


Halimbawa:
1. 5167 Mabini Ext., Digos City
KUWIT ( , )

E.) Pagitan ng araw at petsa


Halimbawa:
1. Marso 18, 1957
KUWIT ( , )

E.) Pagitan ng araw at petsa


Halimbawa:
1. Marso 18, 1957
5. TUTULDOK ( : )
• Ginagamit ito sa:
A.) Pagtatapos ng bating panimula sa liham na
pormal o pangangalakal.
Halimbawa:
1. Mahal kong Punongguro:
TUTULDOK ( : )
B.) Paglilista
Halimbawa:
1. Narito ang dapat dalhin sa pagpunta sa kabilang
isla:
-Pagkain -damit
-Tubig
TUTULDOK ( : )
C.) Pagtatapos ng isang pahayag na susundan pa ng
ibang pahayag na may kahabaan.
Halimbawa:
1. Ang mga taong magagaling: sila ang higit na
pinagkakatiwalaan, ang nangunguna sa listahan
para sa promosyon at higit sa lahat, hinahangaan.
6. TULDOK-TULDOK ( … )
• Ginagamit ito kung may salita o mga salitang iniwawaglit sa
pangungusap.
Halimbawa:
1. Aanhin mo… na hindi mo iniukol sa isang
makabuluhang layunin?
7. KUDLIT ( ‘ )

• Ginagamit ito kapag sa pagsasama ng mga salita o kataga


ay may nawawaglit na titik o mga titik.
Halimbawa:
1. Produkto’t ugali’y iyong tangkilikin.
8. PANIPI (“ “)

• Ginagamit ito sa katapusan ng isang sipi at sa tuwirang


pahayag sa loob ng pangungusap.
Halimbawa:
1. “Narito lamang ako sa tuwing kailangan mo ako.”
9. GITLING ( - )
• Ginagamit ito sa:
A.) Paghahati ng pantig sa magkasunod na talata.
Halimbawa:
1. Si lolo Basyon man ay narining kong nagsalita ng baligtad
ang bul- (kapag napuputol ang isang salita)
sa niya. Pinintasan pa niya ang mukha ng lolo na sing-asim
daw ng sampalok.
GITLING ( - )

B.) Pagitan ng salitang inuulit at tambalang salita.


Halimbawa:
1. Araw-araw ko siyang nakikita sa may bintana.
GITLING ( - )

C.) Pagitan ng ika- at tambilang.


Halimbawa:
1. Ika-25 ng Agosto.
TAKDANG GAWAIN
Sumulat ng isang sanaysay sa malinis na
intermediate paper na may tatlong bahagi o higit pa na
kinapapalooban ng siyam (9) na uri ng wastong
pagbabantas. Gamitin ang pamagat na “Ang Aking
Pamilya” sa pagsulat ng sanaysay. Ipapasa ang
gawain sa susunod na pagkikita.

You might also like