You are on page 1of 5

Sagutin ang mga sumusunod:

1. bakit mahalaga na magkaroon tayo ng kasanayan sa pagsasalita?

2. Ipaliwanag sa sariling pangungusap kung bakit maituturing na isang sining ang pagtatalumpati.

3. Anong uri ng pagtatalumpati ang gusto mong pag aralan? Ipaliwanag ang sagot.

4. Isa isahin ang mga pamamaraang magagamit sa pagbigkas ng impromptu para maging matagumpay ang gawaing
pagtatalumpati.

5. Ipaliwanag ang mga kasangkapang gjnagamit sa pagsasalita o pagtatalumpati.

6. Talakayin ang mga katangiang dapat taglayin ng mahusay na tagapagsalita/tagapanayam.

APLIKASYON

1. Ano ang dapat mong gawin kung sakaling nakalimutan mo ang iyong sasabihin sa kalagitnaan pa mandin ng
pagtatalumpati?

2. Paano ka mahahasang humarap o magsalita sa publiko?

3. Kung ang reaksyon ng iyong tagapakinig ay hindi maganda habang nagsasalitaka, ano ang iyong gagawin?

4. Sa iyong obserbasyon, bakit maraming politiko ang madaling makahikayat sa medla o pulitiko na sumang-ayon sa
kanyang sinasabi?
KARAGDAGANG GAWAIN

A. Magsanay sa pagbigkas ng mga piling parirala at mga pangungusap sa Filipino. Itoy makakatulong sa iyo na mahasa ang
iyong dila sa pagbigkas ng mga salita.

1. Ang relo ni leroy ay nagkaluray-luray.

2. Buwaya, bayawak….

3. Aba, bababa, ka ba baba?

4. Pitumput-pitong puting butong patani

5. Mayamaya’y mamamanhikan si aman sa mayamang si maya malamang sa harap ng maraming mamamayan.

B. Pumili ng isang maikling talumpati at pagkatapos, isaulo ito. Maghanda sa pagbigkas ng talumpati sa loob ng klase. Isaalang
alang ang mga gabay na ibinigay sa pagtatalumpati.

C. Sumulat ng isang talumpati na nanghihikayat na tangkilikin ang sarili natin produkto.


A. Suriin ang uri ng pagbasa na ginamit sa bawat sitwasyon at isulat sa patlang ang letrang A- para sa Skimming at B- para sa
scanning.

1. Pagpili ng aklat na babasahin


2. Paghanap ng numero ng telepono ng taong tatawagan
3. Paghahanap ng kahulugan ng isang salita sa talatinigan
4. Pagtingin ng kabanata sa aklat
5. Paghahanap ng kasingkahulugan ng isang salita

B. Isulat ang antas o dimensyon sa bagbasa na angkop sa bawat patlang. (literal, pagbibigay ng interpretasyon, mapanuri,
paglalapat o pagpapahalaga. )

1. Kung ikaw ang tatanungin, paano mo wawakasan ang kwento ?


2. Ilahad ang layunin ng may akda sa pagsusulat ng akda.
3. Ano ang pangunahing kaisipan ng akdang binasa?
4. Tama ba ang ginawang pagpapasya ng pangunahing tauhan? Pangatwiran ang sagot.
5. Kung ikaw ang nasa katayuan ng pangunahing tauhan, ano ang iyong gagawin sa paglutas ng problema?

KARAGDAGANG GAWAIN

1. Magbasa ng isang kwento o tula na may paksang pampamilya at bumuo ng mga tanong sa binasang akda na ginagamit ang
limang antas ng pagbasa. Isulat ang mga nabuong tanong sa mga patlang.

Basahin sa klase ang kwento at tula para masagot ang mga ibinigay mong tanong.

A. Pag-unawang literal
B. Pagbibigay ng interpretasyon
C. Mapanuri o kritikal na pagbasa
D. Paglalapat o aplikasyon
E. Pagpapahalaga

2. Ibulong nang malakas ipagsabi ang lihim


3. Nagbebenta ng asin-pinuri ang sarili
4. Balat-sibuyas - maramdamin
5. Umuusok ang bibig - galit na galit
6. Malayo ang tingin- nag iisip nang malalim
7. Alog ang baba - matanda na
8. Hawak sa ilong - sunod sunuran sa isang tao
9. Maanghang ang salita- masakit magsalita
10. Malalim ang bulsa - kuripot
PAG-UNAWA SA PAKSA

Sagutin ang mga sumusunod.


1) Ibigay ang limang paraan ng pagkuha ng kahulugan ng mga salita.

2) Ipaliwanag ang bawat isa at magbigay ng ilang halimbawa.

3) Ipaliwanag ang kaibahan ng tayutay at idyomatikong pagpapahayag

4) Magsaliksik ng iba pang idyomatikong pagpapahayag at gamitin ito sa pangungusap

5) Bakit mahalagang gumamit pa ng tayutay at idyomatikong pagpapahayag sa mga akdang pampanitikan?

6) Sa iyong palagay, paano makakatulong sa isang estudyante ang pagkakaroon niya ng kaalaman sa pagbibigay ng ibat
ibang kahulugan ng salita?

APLIKASYON
1. Piliin ang kahulugan ng salitang nakatalisado sa pangungusap.

Ang guro ay kumukuha ng yeso at sumulat sa pisara.


Ang yeso ay (chalk, pentelpen, pluma, lapis)

2. Isulat ang KK kung ang kasingkahulugan ang salitang nakaitalisado, at KL kung kasalungat.

a) Talagang maluwawg at malaki ang lugar na sakop ng inyong paaralan.


b) Taas at baba ng presyo ng bilihin ngayon.
c) Urong-sulong ang mga negosyante ngayon.
d) Wala akong itulak kabigin sa mga kalahok dahil magagaling silang lahat.
e) Matayog at mataas ang pangarap ni vivian para sa kanyang pamilya.

Isulat ang D kung denotatibo ang kahulugan ng salitang naitalisado at K kung konotatibo ang kahulugan.

a) Ang kutis ni sandara ay mala porselana.


b) Nalusong sa putik ang kanyang pagkatao
c) Maasim ang nabili kong sampalok
d) Napakataba niya ngayon, di na magkasya ang mga dati niyang damit.
e) Maitim ang budhi ng mga mamamatay-tao

3. Piliin ang angkop na tayutay sa talaang nasa ibaba at isulat sa patlang ang uri ng tayutay na ginamit sa bawat pahayag.

a) Pagtutulad/simile
b) Pagwawangis
c) Pagpapalit-saklaw
d) Iperboli/pagmamalabis
e) Paglulumanay
f) Paglilipat wika
g) Pagpapalit-diwa
h) Pag uyam
i) Personifikasyon/pagbibigay katauhan

1. Kay bilis tumakbo ng panahon


2. Ang batang pinalaki sa layaw ay parang halamang lumaki sa tubig
3. Tigre ang kuya mong pulis
4. Suko sa langit ang pagkamuhi ko sayo
5. Bukas, hihingin ko na ang kanyang kamay.
4. Ibigay ang kahulugan ng salita o pararilang ginamit sa bawat pahayag.

a) Babayaran kita, pag puti ng uwak.

b) Si tatay ay kayod-kalabaw sa pagtatrabaho

c) Patuloy si alex sa pagbibilang ng kotse

d) Magbanat ka ng buto, nang may makain ka.

e) Balat-sibuyas si rosa sa mga biro kaya hindi na siya mabiro ng kanyang mga kasama.

KARAGDAGANG GAWAIN

Pumili ng isa:

1. Bumuo ng isang maikling dula na gumagamit ng idyomatikong pagpapahayag


2. Magsagawa ng paligasahan o laro na hahamonsa kakayahan ng inyong mga kaklase tungkol sa:

a) Kasingkahulugan at kasalungat na salita


b) Pagpapahiwatig
c) Denotasyon at konotasyon

3. Bumuo ng palaisipan na maaaring pasagutan sa klase. Ilagay ito sa isang manila paper

You might also like