You are on page 1of 2

Ang tema ngayong taon:

“Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino”

Inaanyayahan ang buong bansa na ipagparangalan ang wikang Filipino at mga


katutubong wika ng Filipinas sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2019 sa
Agosto na may temang Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang
Filipino.

Pinagtibay ng KWF Kapasiyahan 19-03, hangad ng tema sa taóng ito na


maikintal sa pambansang kamalayan ang halaga at gampanin ng wikang
Filipino at mga katutubong wika sa pagbuo ng isang bansang
nagkakaunawaan.

Paliwanag sa poster ng Buwan ng Wika 2019

Matutunghayan sa mga elemento ng poster para sa Buwan ng Wika 2019


ang tema sa darating na pagdiriwang na Wikang Katutubo: Tungo sa Isang
Bansang Filipino.

Sa disenyo, matatagpuan ang baybayin na “ka” sa loob ng logo ng Komisyon


sa Wikang Filipino (KWF). Pagtatanghal at pagpaparangalan ito ng KWF sa
mga katutubong wika na malaking bahagi ng kaakuhang Filipino.

Sumasagisag rin sa mga pangkating katutubo ang paggamit ng mga habing


matatagpuan sa Pilipinas. Sumisimbulo naman ang sarikulay ng parol sa
minimithing kaisahan at epektibong pag-uugnayan sa mga katutubong wika sa
bansa.

Sa tala ng KWF, may 130 katutubong wika sa Filipinas na dapat pangalagaan


bilang pamanang pangkultura o intangible heritage. Pakikiisa rin ito sa
pagtatalaga ng UNESCO sa 2019 bilang taon ng mga katutubong wika sa
buong daigidig.

Inaanyayahan ang lahat na ipaskil ang mga poster sa prominenteng pook sa


kani-kanilang gaya ng mga paaralan at tanggapan bilang pakikiisa sa buong
buwang pagdiriwang ng mga wika ng Pilipinas.

Source:

https://www.tagaloglang.com/buwan-ng-wika-2019/

You might also like