You are on page 1of 1

Buwan ng Wikang Pambansa

Alinsunod sa itinakda ng Pampanguluhang Proklamasyon Bilang


1041, s. 1997, na nagpapahayag ng taunang Buwan ng Wikang
Pambansa tuwing 1-31 ng Agosto na pinangungunahan ng
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Ang tema ng pagdiriwang ng
Buwan ng Wikang Pambansa sa taong ito ay “Wikang Katutubo:
Tungo sa Isang Filipino”.

At bilang tugon sa proklamasyon ng UNESCO na International Year


of Indigenous Languages (Pandaigdigang Taon ng mga Katutubong
Wika) ang taong 2019, pinagtibay ng KWF ang Kapasyahan ng
Kapuluan Blg 18-31 na naglalayon na ilaan ang Buwan ng Wika sa
Agosto bilang lunsaran ng mga pagpupunyagi para sa katutubong
wika sa bansa.

Nakasentro ang tema ng Buwan ng Wika 2020 -- “Wika ng


Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika” Ang mga Katutubong
Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya -- sa
halaga ng Filipino at mga katutubong wika sa bansa bilang
mabisang sandata sa pakikidigma laban sa pandemya.

Layunin nit?ng himukin ang BAYANIHAN ng sambayanan upang


masugpo ang patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa pamamagitan
ng pagbabahagi ng mga impormasyon o pabatid-publiko na nasa
Filipino at mga katutubong wika.

Pagbabantayog ito sa kahalagahan ng mandato ng Komisyon sa


Wikang Filipino (KWF) na itaguyod ang pagpapalaganap ng Filipino
at mga katutubong wika sa bansa bilang pinakamabisang midyum
sa pagkakaroon ng kolektibong pag-uunawaan ng sambayanan.

You might also like