You are on page 1of 7

TULDOK

Ang tuldok (.) ay ginagamit na pananda:

A. Si Kylene ay isang magandang binibini.

B. Sa pangalan at salitang dinaglat.

Mga halimbawa:

(a) Si Gng. A.A. Jose ay mahusay magturo.

(b) Si Bb. Macarayan ang kanilang guro sa asignaturang “Basic Christian Living”.

C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawa’t hati ng isang balangkas, talaan.

TANDANG PANANONG

Ginagamit ang tandang pananong ( ? ):

A. Sa pangungusap na patanong.

Mga halimbawa: (a) Ano ang pangalan mo? (b) Sasama ka ba?

B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag-aalinlangan sa diwa ng pangungusap.

Mga halimbawa:

(a) Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng Republika ng Pilipinas.

TANDANG PADAMDAM

Ang bantas na tandang padamdam ( ! ) ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o


pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.

Mga halimbawa:

(a) Mabuhay ang Pangulo!

(b) Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos.

(c) Aray! Naapakan mo ang paa ko.

KUWIT
Ang kuwit ( , ) ay ginagamit sa ganitong mga kaparaanan:

A. Paghihiwalay ng isang sinipi.

B. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkaka-uri.

Halimbawa: Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang-kahoy. Shana, saan ka nag-aaral ngayon?

C. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham-pangkaibigan.

Mga halimbawa:

(a) Mahal kong Marie,

(b) Nagmamahal,

(c) Sa iyo kaibigang Jose,

(d) Tapat na sumasaiyo,

D. Pagkatapos ng Oo at Hindi.

Mga halimbawa:

(a) Oo, uuwi ako ngayon sa probinsiya.

(b) Hindi, ayaw niyang sumama.

E. Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno.

Mga halimbawa:

(a) Si Andres Bonifacio, ang ama ng Katipunan, ay isinilang sa Tondo.

(b) Si Pastor Arias, isang mahusay na tagapagtanggol, ay isang Manobo.

F. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng bayan at lalawigan sa pamuhatan


ng isang liham.

Mga halimbawa: (a) Nobyembre 14, 2008 (b) Project 8, Quezon City

G. Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap.

Halimbawa: Ayon kay Rizal, “Ang hindi magmamahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang
isda”.

KUDLIT
Ang kudlit ( ‘ ) ay ginagamit na panghalili sa isang titik na kina-kaltas.

Halimbawa: Siya’t ikaw ay may dalang pagkain. Ako’y isang mamamayang Pilipino at may tungkuling
mahalin at pangalagaan ang aking bayan.

GITLING

Ang gitling ( - ) ay ginagamit sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon:

A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.

Halimbawa:

(a) araw-araw isa-isa apat-apat

(b) dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila

(c) masayang-masaya

B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na
kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan

Halimbawa:

(a) mag-alis nag-isa nag-ulat

(b) pag-ibig mang-uto pag-alis

(c) may-ari tag-init pag-asa

C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.

Halimbawa:

(a) pamatay ng insekto - pamatay-insekto

(b) kahoy sa gubat - kahoy-gubat

(c) humgit at kumulang - humigit-kumulang

(d) lakad at takbo - lakad-takbo

(e) bahay na aliwan - bahay-aliwan

(f) dalagang taga bukid - dalagang-bukid

Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan ng
gitling ang pagitan nito.
Halimbawa: (a) dalagangbukid (isda) (b) buntunghininga

D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan,
sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.

Halimbawa:

(a) maka-Diyos maka-Rizal maka-Pilipino

(b) pa-Baguio taga-Luzon taga-Antique

(c) mag-pal maka-Johnson mag-Sprite

(d) mag-Corona mag-Ford mag-Japan

E. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng
inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan.

Halimbawa:

(a) mag-Johnson magjo-Johnson

(b) mag-Corona magco-Corona

(c) mag-Ford magfo-Ford

(d) mag-Japan magja-Japan

(e) mag-Zonrox magzo-Zonrox

(f) mag-India magi-India

F. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.

Halimbawa:

(a) ika-3 n.h. ika-10 ng umaga ika-20 pahina

(b) ika-3 revisyon ika-9 na buwan ika-12 kabanata

G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.

Halimbawa:

(a) isang-kapat (1/4)

(b) lima’t dalawang-kalima (5-2/5)

(c) tatlong-kanim (3/6)


H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa.

Halimbawa:

(a) Gloria Macapagal-Arroyo

(b) Conchita Ramos-Cruz

(c) Perlita Orosa-Banzon

I. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.

Halimbawa: Patuloy na nililinang at pinalalawak ang pag-gamit ng Filipino.

TUTULDOK

Ang tutuldok ( : ) ay ginagamit matapos maipapuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na


paliwanag, sa ganitong mga paraan:

A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.

Halimbawa: Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas, Orchids,
Sampaguita, Santan at iba pa.

B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o liham-pangangalakal.

Mga halimbawa: (a) Dr. Garcia: (b) Bb. Zorilla:

C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa kabanata at taludtod ng
Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan.

Halimbawa: 8:00 a.m Juan 16:16

TULDOK-KUWIT

Ang tuldok-kuwit ( ; ) ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad sinusundan ng


isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig, sa ganitong mga paraan:

A. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating panimula ng liham


pangalakal.

Mga halimbawa: Ginoo; Bb;

B. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng


pangatnig.
Mga halimbawa:

(a) Kumain ka ng maraming prutas; ito’y makabubuti sa katawan.

(b) Naguguluhan siya sa buhay; iniisip nya ang magpatiwakal.

C. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad halimbawa, gaya ng, paris ng, kung nangunguna sa isang
paliwanag o halimbawa.

Halimbawa: Maraming magagandang bulaklak sa Pilipinas na hindi na napag-uukulan ng pansin; gaya ng


kakwate, kabalyero, banaba, dapdap at iba pa.

PANIPI

Ang mga panipi (“ ”) ay inilalagay sa unahan at dulo ng isang salita sa ganitong mga kaparaanan:

A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang tuwirang sipi. Halimbawa:
“Hindi kinukupkop ang criminal, pinarurusahan,” sabi ng Pangulo.

B. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat at iba’t ibang mga
akda.

Halimbawa:

(a) Nagbukas na muli ang “Manila Times”.

(b)Isang lingguhang babasahin ang “Liwayway”.

(c)Napaluha ang marami nang mapanood ang dulang “Anak Dalita”.

C. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga.

Halimbawa: Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong “Computer Programming”.

PANAKLONG

Ang panaklong ( () ) ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi direktang kaugnay ng
diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginamit sa pangu-ngusap na ito.

A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno.

Halimbawa: Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me Tangere.

B. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang kawastuhan.


Halimbawa: Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa bansang Turkey ay humigit-kumulang sa
labindalawang libong (12,000) katao.

C. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon.

Halimbawa: Jose P. Rizal ( 1861 – 1896 )

Ito rin ay puwedeng gamitin sa matematika:

Halimbawa: 24+(64÷8)-14=N 13+(25×29)=N

TUTULDOK-TULDOK

Ang tutuldok-tuldok o elipsis (…) ay nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang karugtong
ng nais na sabihin.

A. Upang ipakilalang may nawawalang salita o mga salita sa siniping pahayag. Tatlong tuldok ang
ginagamit kung sa unahan o sa gitna ng pangungusap ay may nawawalang salita, subalit apat na
tuldok kung sa mga salitang nawawala ay sa hulihan ng pangungusap.

Halimbawa: Ipinagtibay ng Pangulong Arroy …

B. Sa mga sipi, kung may iniwang hindi kailangang sipiin.

Halimbawa: Kung ikaw’y maliligo sa tubig ay aagap upang …

You might also like