You are on page 1of 9

FILIPINO REVIEWER

Part 1: Answer Key

1. Ibigay ang panlapi na ginagamit sa mga sumusunod na salita: kaligayahan, pagmamahalan, at


pagkakatiwalaan.

a. hulapi c. kabilaan✨

b. tambalan d. laguhan

Panlapi- isang morpema na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng isang bagong salita o
anyo ng salita.

( Morpema--- pinakamaliit na yunit ng isang salita. Maaaring salitang-ugat o panlapi.)

a. Hulapi- Nasa hulihan ng salitang-ugat.

Hal. kainan, sikapin

b. Tambalan- Binubuo ng dalawang salita na magkaiba ang kahulugan.

( Uri ng Tambalan)

: Ganap at di-Ganap

Di-Ganap---- nanatili ang kahulugan ng mga salitang pinagsama

Hal. balikbayan, alay-kapwa

Ganap------nawawala ang kahulugan ng dalawang salitang pinagsama at nagkakaroon ng bagong


kahulugan.

Hal. dalagambukid ( isang uri ng isda)

d. Laguhan----- kapag ang panlapi ay nasa unahan, gitna at hulihang bahagi ng salitang-ugat.

Hal. pagsumikapan

c. Kabilaan-----nasa gitna o hulihan ng salitang ugat.

Hal. magbahayan, pagsikapan

2. Anong bantas ang siyang inilalagay sa pagitan ng unlaping "ika" at "tambilang"?

a. tuldok c. kuwit

b. panaklong (Parentesis) d. gitling✨


Hal. Ika- 17

3. "Lumilindol." Anong uri ng pangungusap na walang tiyak na paksa?

a. temporal c. penomenal✨

b. eksistensyal d. modal

a. Temporal------- nagsasaad ng kalagayan o panahong panandalian. Karaniwan itong pang-abay na


nagsasabi ng....

Halimbawa:

-Hapon na

- Bukas ay Lunes

-Ala una palang ng hapon

b. Eksistensyal------ Nagsasaad ng pagkamayroon o pagkawala. Inilalagay nito ang mga salitang 'may' o
'mayroon' at 'wala'.

Halimbawa:

-Walang pang bisita

- May nakakuha na

-May hinihintay pa

-Walang sumasagot

d. Modal----- Nangangahulugan ito ng gusto, nais, ibig, pwede, maaari, dapat o kailangan.

Halimbawa:

- Pwede bang sabihin

- Maaari bang magdagdag?

- Gusto kong magbigay.

- Nais/ibig mo ba?

c. Penomenal------ tumutukoy sa kalagayn o pangyayaring pangkalikasan o pangkapaligiran.

4. Nahulog ang bata! Anong urinng pangungusap ayon sa kayarian ang pangungusap na ito?

a. padamdam ✨ c.payak
b. pasalaysay d. tambalan

b. Pasalaysay----- Ang pangungusap ay nagkukwento o nagsasalaysay. Nagtatapos sa tuldok.

Halimbawa:

- Si Ana ay tumatakbo.

-Ang ibon ay lumilipad.

c. Payak- Salitang ugat lamang (bulaklak, pisara, dagat, langit)

d. Tambalan----Dalawang pangungusap maaring parirala o sugnay na pinagdurugtong ng pangatnig. ( at,


ngunit, atbp.)

Halimbawa:

- Si Anna ay magaling kumanta at si Kea ay magaling naman sumayaw.

- Ang bata ay maganda ngunit pangit ang ugali.

5. Hangarin nitong makapagbigay nang wasto at epektibong pakikipag-ugnayan gamit ang mga sagisag
pangwika.

a. talastasan ✨ c. talasanggunian

b. bokabularyo d. lingguwistika

b. bokabularyo----/ tasalitaan, lahat ng salitang nalalaman at ginagamit

c. talasanggunian------/bibliograpiya, bahagi ng isang pananaliksik o maging ng aklat na nagpapakita ng


talaan mga aklat, journal,pahayagan, magasin, o website na pinagsanggunian o pinagkunan ng
impormasyon.

d. lingguwistika----- maka-agham na pag-aaral ng wika.

a. talastasan-----sistema o paraan ng pagpapalitan o pagpapahatiran ng kaalaman, impormasyon, at iba


pa.

6. Nasa anong antas ng wika kabilang ang mga salitang tulad ng NASAN at PA'NO?

a. pabalbal c. pangretorika

b. kolokyal ✨ d. pampanitikan

a Pabalbal------karaniwang ginagamit sa langsangan ( p

c. pangretorika------
Tinutukoy ang iba't ibang pamaraan o metodolohiya kung papaano maaring ipahayag ang kabatiran o
saloobin ng isang mananaysay o mananalumpati

d. pampanitikan------ginagamit ang salita sa ibang kahulugan

b. kolokyal-------ginagamit sa araw-araw na hinalaw sa pormal na salita.

7. Ito ay isang sangay ng lingguwistika na sumasaklaw sa pag-aaral ng kayarian o istruktura ng salita

a. Ortograpiya c. Semantika

b. Morpolohiya ✨ d. Sintaks

a. Ortograpiya------sining ng tamang pagbabaybay at pagsulat ng mga salita ayon sa tamang pamantayan


o gamit.

ortho- wasto

grafia- sulat ( wastong pagsulat)

c. Semantika- pag-aaral ng mga pagpapakahulugan ng isang wika

Paggamit ng salita sa pangungusap para malaman ang ibig sabihin.

d. Sintaks ------pag-aaral ng istruktura ng pangungusap.

b. Morpolohiya-----pag-aaral ng mga salita

8. Isang mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na may


pambihirang katangian

a. epiko ✨ c. parabula

b. pabula d. dalit

b. pabula------ kwentonna ang mga tauhan ay mga hayop.

c parabula------ Isang kwento na hango sa aklat o bibliya.

d dalit------awit pansimbahan at sa pagluluksa

a. epiko- tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng


katangiang nakahihigit sa karaniwang tao.

9. Isang tulang maromansa na kung saan nakaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan at
hango sa tunay na buhay.

a. moro-moro c. awit✨
b. epiko d. korido

a. moro-moro------- isang uri ng "komedya" sa Pilipinas na isang adaptasyon mula sa dula sa Europa na
comedia de capa y espada na nilikha ng mga paring Espanyol upang mapadali ang paglaganap ng
Kristiyanismo.

b. epiko----- tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayahinan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng


katangiang nakahihigit sa karaniwang tao. ( Hal. Bihag ni Lam-ang)

d. korido------May walong (8) pantig sa bawat taludtod. Tulang pasalaysay na may kasamang
kababalaghan; ang mga tauhan ay nagsasagawa ng mga bagay na di maaring magawa sa tunay na buhay.
(Hal. Ibong Adarna)

c. awit-------May labing dalawa (12)na pantig sa bawat taludtod. Tualang pasalaysay na kung saan
makatotohanan ang mga tauhan at maaring maganap sa tunay na buhay ang kanilang
pakikipagsapalaran. Inaawit ang himig na mabagal o adante. Hal. (Florante at Laura)

10. Sino ang may akda ng Fray Botod?

a. Jose Garcia Villa c. Macelo H. del Pilar

b. Graciano Lopez Jaena ✨ d. Jose Rizal

"Fray Botod,” prayleng bundat na matakaw at mahilig sa babae – sanhi kaya nakainitan siya ng mga
paring Kastila. Aniya, “Lagi nang banggit ang Dios at Mahal na Birhen samantalang panay ang daya at
pagsamantala sa mga tao.”

a. Jose Garcia Villa-( Doveglion)----- Have Come Am Here

c Marcelo H. del Pilar ( Caiingat Cayo-)--------) Dasalan at Tocsohan

d. Jose Rizal ( Dimasalang, Laong Laan) -------------Noli at El Fili

b. Graciano Lopez Jaena( Diego Laura)-----------Fray Botod

11. Siya ay kilala bilang ang " dakilang mananalumpati ng kilusang propaganda".

a. Graciano Lopez Jaena ✨ c. Marcelo H. del Pilar

b. Jose Rizal d. Gregorio del Pilar

Kilusang Propaganda( Miyembro)------ Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar, Mariano
Ponce, Juan Luna at Antonio Luna

Ang La Solidaridad ang pahayagan ng mga propagandista na unang inilathala sa Barcelona, Espanya
noong Pebrero 15, 1889. Sa pahayagang ito nalathala ang mga katiwalian sa kolonya ng Pilipinas.

d. Gregorio del Pilar❌


Mananalumpati/ orator

12. Isang akda ni Padre Modesto de Castro na binubuo ng palitan ng liham ng dalawang magkapatid.

a. Urbana at Feliza ✨ c. Dasalan at Tocsohan

b. Barlaan at Josaphat d. Indapatra at Sulayman

b. Barlaan at Josaphat( Fray Antotonio de Borja/ Virgilio Almario )-------Tungkol sa isang prinsipe sa India
na ikinulong sa loob ng palasyo sinunod ang layaw ng hari para di lamang maganap ang hula magiging
Kristiyano ang anak at magiging higit na makapangyarihan sa kanya Ngunit naganap padin ang hula ng
lumabas ito. Si Barlaan, isang ermitanyo ang inatasang ng Langit na tumulong kay Josaphat. Naaralan sa
Kristiyanismo si Josaphat, sa duloy sumuko ang harinsa karunungan ng anak. Istorya na hango sa buhay
ni Gautama Buddha.

c. Dasalan at Tocsohan( Marcelo H. del Pilar,pen name - Dolores Manaksak)------Koleksiyon ng mga


akdang nagpaparodiya o gumagagad sa mga dasal at katekismang itinuro ng mga paring Espanyol.
Sinulat bilang malikhain at matapang na pagsisiwalat ng ipokrisya ng mga alagad ng simbahan.

d. Indapatra at Sulayman( Epikong Mindanao)------ Tungkol sa dalawang magkapatid at ang kanilang


laban sa apat na halimaw: Kurta, Pah, Tarabusaw at ang ibong may pitong ulo.

13. Anong titulo ng panitikan ng Pilipinas ang ibinibigay sa manunulat ng akdang pinamagatang " Isang
Dipang Langit"?

a. Makata ng Pag-ibig c. Makata ng masa

b. Makata ng manggagawa✨ d. Ama ng Wikang Pambansa

"Isang Dipang Langit" ( Amado V. Hernandez) --------tulang nagsasalaysay sa mga karanasan ng mga
taong nakulong.

14. Isang Pilipinong manunulat na tanyag sa kanyang sagisag panulat na Dimasilaw?

a. Jose Dela Cruz c. Jose Corazon de Jesus

b. Antonio Luna d. Emilio Jacinto✨

a. Jose Dela Cruz--------Huseng Sisiw

b. Antonio Luna --------Taga- Ilog

c. Jose Corazon de Jesus----- Huseng Batute

d. Emilio Jacinto (utak ng Katipunan, Pingkian)

15. Ang salitang "parak" ay nasa anong antas ng wika?


a jargon c. kolokyal

b. pidgin d. balbal✨

a. jargon------salitang kalye/ salitang kanto

Halimbawa:

•chaka - Hindi maganda

•fes- mukha

•japorms - porma

•kano- Amerikano

b. pidgin-------pinaghalo, higit pang wika. Nabuo ang wikang ito sa pansariling katangian sapagkat
personal ang paggamit nito.

Halimbawa:

(Me ganun?, oks na oks, ha, sige, wow, tama)

" Suki, ikaw bili Tikoy. Sarap, mura"

"Ikaw wag upo d'yan. Para di luge"

16. Ano ang teorya ng wika ang nagsasabing ang wika ay nailikha bunga ng masidhing damdamin ng tao?

a. bow-wow c. dingdong

b. pooh-pooh ✨ d. yoheyo

a. bow-wow------ teoryang ginagaya ang mga tunog na nilikha ng mga hayop at tunog na likha ng
kalikasan. Hal. ( patak ng ulan, tahol ng aso)

c. dingdong----- sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran. Hal.( tsug tsug ng tren, tiktak ng orasan)

d. yoheyo---- ang tao ay natutunong magsalita bunga ng kaniyang puwersang pisikal.

17. Ayon kay Gleason, ang wika ay pinagkasunduan ng isang lahi at kaya naman ay naunawaan ng lahat
ng kasapi ng lahi.

a. masistema c. likas
b. dinamiko d. arbitraryo✨

Arbitraryo------ Pagbabagong naganap dala marahil ng impluwensiya ng ibang bansa naging kaugnay ng
isang bansa dahil sa pampulitiko, panlipunan o pang-ekonomiyang karanasan.

Hal. ( tagalog- baliktad, Pampanga- baligtad, Pangasinan- baliktar, Aklan- baliskad, Waray- balikad)

( Kanin-----Daraga- luto, Legaspi- maluto etc. )

18. Sa mga ponemang segmental, ano ang tinataglay ng mga salitang galaw, baliw, lamay, kahoy?

a. ponema c. diptonggo✨

b. klaster d. kontemporaryo

a. ponema---- pag-aaral ng tunog

b. klaster----- kambal katinig. Hal. ( blusa, braso )

d. kontemporaryo----- kasalukuyan ❌

19. Alin sa mga sumusunod ay sadyang isinulat upang ibigkas sa harap ng madla?

a. anekdota c. talambuhay

b pabula d. talumpati ✨

20. Kararating lang ni Tatay mula sa trabaho. Ano ang aspekto ng pandiwa sa pangungusap?

a. pangnagdaan c panghinaharap

b. pangkasalukuyan d katatapos✨

21. Sa kasaysayan ng ating panitikan, ang kinikilang Gintong Panahon ng panitikan ng Pilipinas ay ang
panahon ng _____

a. Amerikano c. Kastila

b. Hapones ✨ d. Kontemporaryo

22. Alin sa mga sumusunod na pangngalan ang hindi tahas?

a pagkain c. lapis

b. gamot d. Pag-ibig✨
Uri ng Pangngalan

Tahas------ mga pangngalanag kongkreto ay mga bagay na nakikita, nahihipo, nadarama, naaamoy, o
naririnig.

Basal------ Ang mga ito ay walang pisikal na katangian. Ang mga ito ay maaaring isang ideya, damdamin,
karanasan, katangian, pangyayari, paniniwala, o palagay ng loob.

Palansak/ Lansak - mga pangngalan para sa grupo ng tao, hayop,lugar o bagay.

23. Alin sa mga sumusunod ang pangngalang palansak?

a. Pag-ibig c. Bahay kubo

b. Jose d. buwig✨

24. Ang "pangarap" ay isang pangngalang ______

a. pantangi c. tahas

b. palansak d. basal✨

Pantangi- ngalan ng tanging tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari.

25. Sa pananaliksik, saang kabanata matatagpuan ang kaugnay na pag-aaral at literatura?

a. Kabanata I c. Kabanata III

b. Kabanata II✨ d. Kabanata IV

You might also like