You are on page 1of 14

Ang mga bantas (punctuation) ay mga simbolo na nagpapakita ng kayarian at kaayusan ng nakasulat na

wika, pati na ang intonasyon at paghintong sandali (pagtigil na sandali) na gagawin kapag nagbabasa
nang malakas.

Sa nakasulat na Tagalog, ang bantas ay mahalaga upang maging malinaw ang kahalugan ng mga
pangungusap.

Ang mga panuntunan ng pagbabantas ay pabagu-bago ayon sa wika, lokasyon, rehistro at panahon
(oras) at patuloy na umuunlad at nagbabago.

Ang ilang partikular na mga aspekto ng bantas ay may estilo at sa kung sa gayon ay ayon sa pagpiling
ginawa ng may-akda o ng patnugot.

Ang mga anyo ng wika na takigrapiko, katulad ng mga ginagamit sa pagsasatsatan sa Internet at mga
mensaheng teksto, ay maaaring may malawak na kakaibang panuntunan.

# MGA URI NG BANTAS AT PAGGAMIT NITO

1. TULDOK o PERIOD

(.)

— Ginagamit ang bantas na tuldok sa katapusan ng pangungusap na paturol (pasalaysay) at pautos, sa


mga salitang dinadaglat (abbreviation), at pagkatapos ng tambilang (digit) at titik.

A. Paturol at Pautos

Halimbawa:

- Si Simang ay isang magandang binibini.

- Mahalin mo nga ako kahit kaunti.

B. Sa pangalan at salitang dinaglat (abbreviation) Halimbawa:

- Si G. A.B. Manansala ang lalaking bumihag sa aking puso.

- Si Bb. Kabalyero ang kontrabida sa buhay pag-ibig mo.

C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawa’t hati ng isang balangkas o talaan.
Halimbawa:

1. Huwag kang magmahal ng hindi mo kasintahan.

2.

3.

A. Huwag kang magmahal ng hindi mo kasintahan.

B.

C.

2. TANDANG PANANONG o QUESTION MARK

(?)

— Ginagamit ang tandang pananong sa katapusan ng mga pangungusap na patanong at sa bahaging


pag-aalinlangan na inilalagay sa loob ng panaklong.

A. Sa pangungusap na patanong.

Halimbawa:

- Bakit hindi ka niya magawang mahalin?

- Bakit ka niya iniwan?

B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang hindi sigurado o pag-aalinlangan sa diwa ng


pangungusap.

Halimbawa:

- Ikaw ang huling (?) babaeng mamahalin niya.

3. TANDANG PADAMDAM o EXCLAMATION POINT

(!)

— Ang bantas na tandang padamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap
na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.
Mga halimbawa:

- Mabuhay ang mga sawi ang puso! Mabuhay!

- Aray! Ang sakit naman ng ginawa mo.

- Put@%:+!#-na mo!

4. KUWIT o COMMA

(,)

— Ang kuwit ( , ) ay ginagamit sa paghihiwalay ng isang sinipi.

Ito rin ay ginagamit sa mga sumusunod na pamamaraan:

A. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkaka-uri.

Halimbawa:

- Sid, mahal mo ba ako?

- Unang ginisa ang bawang, sibuyas, at luya.

B. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham-pangkaibigan.

Halimbawa:

- Lubos na gumagalang,

- Mahal kong Mia,

- Nagmamahal,

C. Pagkatapos ng Oo at Hindi.

Halimbawa:

- Oo, hindi na kita mahal.

- Hindi, niloko lang talaga kita.

D. Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno.

Halimbawa:
- Si Jose Rizal, ang ating pambansang bayani, ay isa ring doktor.

- Si Marco, ang iyong kasintahan, ay isang manloloko.

- Si Simang, isang manunulat, ay mahilig mangulangot.

E. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng bayan at lalawigan sa pamuhatan ng


isang liham.

Halimbawa:

- March 3, 2017

- Project 8, Quezon City

F. Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap.

Halimbawa:

- Ayon kay Rizal, “Ang hindi magmamahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda."

- "Hindi na kita mahal," wika ng iyong kasintahan.

5. KUDLIT o APOSTROPHE

(')

— Ginagamit ang kudlit bilang kapalit o kung kumakatawan sa letra o sa mga letrang nawawala kapag
ang pang-ugnay o pananda sa pagitan ng dalawang salita ay ikinakabit sa unang salita.

Halimbawa:

- Siya'y hindi magiging iyo.

( Siya'y = Siya ay )

6. GITLING o HYPHEN

(-)

— Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon:


A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.

Halimbawa:

- Masayang-masaya ako nang mag-wave back siya.

- Gabi-gabi kaming nag-uusap kaya naghuhulog na ang loob ko sa kaniya.

- Umiiyak ako dahil dala-dalawa pala siya kung magmahal.

B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag
hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan.

Halimbawa:

- Magaling siyang mang-uto ng babae.

(Kapag hindi nilagyan ng gitling ang salitang 'mang-uto' ay magiging 'manguto' ito na may ibang
kahulugan.)

- Nasanay na akong mag-isa sa buhay.

C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.

Halimbawa:

- pamatay-insekto ( pamatay ng insekto )

- humigit-kumulang ( humigit at kumulang )

- bahay-aliwan ( bahay na aliwan )

D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag
o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.

Halimbawa:

- taga-Bulacan

- maka-Duterte

- mag-Japan

E. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng inulit
na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan.

Halimbawa:

- magja-Japan
- magzo-Zonrox

- magjo-Jollibee

F. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.

Halimbawa:

- Naghiwalay kami nang ika-4 na buwan ng aming relasyon. (ika-4 na buwan)

- Tumwag siya sa akin kaninang ika-10 ng umaga. (ika-10 ng umaga)

G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.

Halimbawa:

- isang-kapat (1/4)

- lima't dalawang-kalima (5-2/5)

- tatlong-kanim (3/6)

H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa.

Halimbawa:

- Simang Kabalyero-Europa

- Anne Curtis-Smith

7. TUTULDOK o COLON

(:)

— Ginagamit ang tutuldok matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod:

A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.

Halimbawa:

- Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas, Orchids, Sampaguita, Santan at
iba pa.

B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o liham-pangangalakal.

Halimbawa:
- Dr. Garcia:

- Bb. Zorilla:

C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa kabanata at taludtod ng
Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan.

Halimbawa:

- 8:00 a.m Juan 16:16

8. TUTULDOK - KUWIT o SEMICOLON

(;)

— Ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad sinusundan ng isa pang sugnay
nang hindi gumagamit ng pangatnig.

A. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating panimula ng liham


pangalakal.

Halimbawa:

- Bb;

- Ginoo;

B. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng


pangatnig.

Halimbawa:

- Kumain ka ng maraming prutas; ito’y makabubuti sa katawan.

- Naguguluhan siya sa buhay; iniisip niya ang magpatiwakal.

C. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad ng halimbawa, gaya ng, paris ng, kung nangunguna sa isang
paliwanag o halimbawa.

Halimbawa:

- Maraming magagandang bulaklak sa Pilipinas na hindi na napag-uukulan ng pansin; gaya ng kakwate,


kabalyero, banaba, dapdap at iba pa.
9. PANIPI o QUOTATION MARK

("")(“”)(‘’)

— Ang mga panipi ay inilalagay sa unahan at dulo ng isang salita sa ganitong mga kaparaanan:

A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang tuwirang sipi.

Halimbawa:

- “Hindi kita mahal,” sabi niya sa iyo.

B. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat at iba't ibang mga
akda. Halimbawa:

- Paborito kong panuorin ang "Ang Probinsyano."

- Maaari kayong sumali sa grupong "TINTAkilya."

C. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga. Halimbawa:

- Ang natapos kong kurso ay "Business Administration."

- Mahilig akong magbasa ng mga libro tungkol sa "Computer Programming."

*** Paalala: ang tuldok sa hulihan ng pangungusap ay ilinalagay bago ang closing quotation mark.

10. PANAKLONG o PARENTHESES ( ( ) )

— Ang panaklong ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi direktang kaugnay ng diwa ng
pangungusap, gaya ng ginamit sa mga sumusunod:

A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno.

Halimbawa:

- Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me Tangere.

B. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang kawastuhan.


Halimbawa:

- Si Anton ay nagkaroon na ng dalawampu't tatlong (23) kasintahan

- Tatlong libong (3000) katao ang dumalo sa kanilang kasal.

C. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon. Halimbawa:

- Jose P. Rizal ( 1861 – 1896 )

D. Ito rin ay puwedeng gamitin sa matematika. Halimbawa:

- 2 (3+6x) = 9

- 5 (25-5y) = 10

*** Paalala: ang tuldok sa hulihan ng pangungusap ay ilinalagay bago ang closing parenthesis.

11. TUTULDOK-TULDOK o ELIPSIS

( ... ) ( … )

— Ang tutuldok-tuldok o elipsis ay nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang karugtong ng


nais na sabihin.

Ang ellipsis ay tatlong magkakasunod na tuldok na matatagpuan sa isang pangungusap, at maaaring ito
ay nasa umpisa, gitna o hulihang bahagi nito.

Kapag mayroong ellipsis, ipinapakita nitong mayroong pinutol na bahagi ng pangungusap na orihinal na
bahagi nito, at pinutol lamang upang ipahiwatig na hindi nagbabago ang diwa at kahulugan ng
pangungusap.

Mahalaga ito lalo na sa pagsipi sa mga pananalitang ginamit mismo sa isang akda.

Halimbawa:

- Umiyak na lamang siya nang umiyak at hinintay ang mga susunod na mangyayari...

- "Crispin.. Crispin... anak ko!" sigaw ko.

- "... na hindi mo ako mahal," sabi mo.


12. GATLANG EN o EN DASH

(–)

— May dalawang uri ng gatláng (dash): ang gatlang en at gatlang em. Noong walâ pang computer,
karaniwang ginagamit ang gitling sa gamit na para sa gatlang

en.

Ngunit ang gatlang en ay iba sa gitling at may mga tiyak na gamit.

Ang GATLANG EN ay mas mahaba sa gitling at mas maikli naman sa gatlang em.

Ginagamit ang GATLANG EN upang katawanin sa simbolo ang salitang “hanggang.”

Madalas itong ginagamit upang ipakita ang sinaklaw na ng oras, petsa, o datos pansanggunian.

Halimbawa:

1971–1986 (petsa)

9:00–11:00 (oras)

Taón II–IV (mga tomo ng jornal)

78–89 (mga pahina ng aklat)

13. GATLANG EM o EM DASH

(—)

— Ang em-dash (—) ay isang uri ng bantas na naghuhudyat ng biglaang pagtigil ng daloy ng isang
pangungusap.

Isang salita ang dapat tandaan upang maiwasan ang kalituhan kung saan at kailan ba dapat gamitin ang
em-dash— Interruption!

Kung gagamit tayo ng Figurative, ipinapakita rito ang pakiramdam ng biglaang pagtigil.

Halimbawa na lamang na kung ikaw ay nakasakay sa isang sasakyan at biglang pumreno.


Maihahalintulad ito sa "Interruption Effect."
Para rin iyang kilig na kilig ka na tapos bigla kang iiwan sa ere ng happy pill mo.

MGA GAMIT NG EM-DASH

1. Em-dash sa dialog/dialogue:

Ito ang pinakamadaling gamit ng em-dash.

Kung isa kang manunulat na gumagawa ng dialogue ng mga karakter, ito ang pangyayari kung saan
mapapatigil ang pagsasalita ng unang karakter dahil sa pagsabad ng ikalawang karakter.

Para rin itong pagmamahalan ninyo na nabitin dahil sa may umepal na iba.

Halimbawa:

a.

“Hindi tayo p'wedeng maghiwalay! Alam mo kung gaano kita kama—"

“Tumigil ka na! Hindi na kita mahal!”

b.

" Hoy, girl! Ikaw ha, hindi mo sinasabi na may gusto ka pala kay—"

"Sshh! Huwag ka ngang maingay! Baka marinig ka niya."

2. Em-dash sa pangungusap bilang kahalili ng colon, commas, o parentheses.

Maliban sa em-dash, ang colon, commas, at parentheses ay maaaring gamitin na hudyat sa pagtigil ng
daloy ng isang pangungusap.

Tandaan: Ang kaibahan ng em-dash sa colon, commas, at parentheses sa mga sumusunod na halimbawa
ay ang “Interruption! Effect.”

* A. Em-dash Vs. Colon

Ang colon ay ginagamit sa pag-introduce o pag-enumerate.

HALIMBAWA:

▫ Gamit ang Colon

Ito ang mga lugar na gusto kong puntahan: Cebu, Bohol, at Davao.

▫ Gamit ang Em dash


Sa Cebu, Bohol, at Davao— ito ang mga lugar na gusto kong puntahan.

Pansinin: Ang pangungusap na ginamitan ng colon ay mas pormal kaysa sa pangungusap na ginamitan
ng em-dash.

* B. Em-dash Vs. Commas

Kung ang comma ay ginamit upang isingit ang isang phrase (parirala) o clause (sugnay) sa pagitan ng
isang pangungusap, maaari rin iyong gamitan ng em-dash.

HALIMBAWA:

- Gamit ang Commas

Ang isang manunulat, baguhan man o datihan, ay dapat magpatuloy sa pagsasanay sa pagsulat.

- Gamit ang Em-dashes

Ang isang manunulat— baguhan man o datihan— ay dapat magpatuloy sa pagsasanay sa pagsusulat.

Tandaan: Ang pangungusap na ginamitan ng dalawang kuwit (commas) ay mas malumanay kaysa sa
pangungusap na ginamitan ng em-dash.

Sa madaling sabi, ang tanging pagkakaiba nila ay ang diin at ang “Interruption Effect” na tinalakay sa
unahan ng araling ito. Ibig sabihin, mas mayroong “emphasis” ang phrase na nakapaloob sa pagitan ng
em-dashes kaysa kung ang phrase ay nasa pagitan ng dalawang commas.

* C. Em-dash Vs. Parentheses

Ang paggamit ng em-dash bilang kahalili ng parentheses ay kaugnay ng paggamit ng em-dash bilang
kahalili ng comma (na tinalakay sa B).

"Ang isang manunulat, baguhan man o datihan, ay dapat magpatuloy sa pagsasanay sa pagsulat."

Ang linyang “baguhan man o datihan” ay isang parirala o phrase. Ang tawag sa mas pormal na termino
sa wikang Ingles ay “Parenthetical Phrase.” Kung clause naman o sugnay ang ginamit sa halip na phrase,
ang tawag doon ay “Parenthetical Clause.”

HALIMBAWA:

- Gamit ang Parentheses


Ang isang manunulat (baguhan man o datihan) ay dapat magpatuloy sa pagsasanay sa pagsulat.

- Gamit ang Em-dashes

Ang isang manunulat— baguhan man o datihan— ay dapat magpatuloy sa pagsasanay sa pagsulat.

Tip: Dahil ang comma ay isang “common punctuation mark,” ito ay mas madalas na ginagamit sa isang
pangungusap o talata. Upang maiwasan ang tinatawag na sobrang paggamit (overusing) ng comma,
mainam na ihalili ang em-dash o hindi kaya ay ang parentheses.

Upang makatulong kung ano ba sa mga nabanggit na punctuation marks ang mainam na gamitin sa isang
sentence na mayroong Parenthetical Phrase/Clause, dapat alamin mo kung ano bang “effect” o “impact”
ang nais mong iparamdam sa mambabasa.

Ipagpalagay natin na ang commas, parentheses, at em-dashes ay katulad ng volume settings sa cell
phone.

LEGEND:

Em-dashes = loudspeaker mode

Commas = normal mode

Parentheses = mute or silent mode

Balikan ang naunang halimbawang pangungusap sa B at C. Basahin ito nang malakas gamit ang volume
mode na legend sa itaas. Sa ganitong paraan, mas madaling mararamdaman at mapupuna ang
pagkakaiba ng 'effect' o 'impact'

• Commas (normal mode)

"Ang isang manunulat, baguhan man o datihan, ay dapat magpatuloy sa pagsasanay sa pagsulat."

↪ Mapapansin na pantay-pantay ang gaan ng daloy ng buong pangungusap.

• Parentheses (muted or silent mode)

"Ang isang manunulat (baguhan man o datihan) ay dapat magpatuloy sa pagsasanay sa pagsulat."
↪ Ang pagbabasa ng "(baguhan man o datihan)" ay naging inner thought na lamang. Kapag ang isang
salita o grupo ng mga salita ay ipinaloob sa parentheses, pinahihiwatig lamang na ito ay hindi talaga
kasali sa nasabing pangungusap. Nagsisilbi lamang iyong additional remark o paalala.

• Em-dashes (Loudspeaker mode)

"Ang isang manunulat— baguhan man o datihan— ay dapat magpatuloy sa pagsasanay sa pagsulat."

↪ Ang pangungusap na ginamitan ng em-dash ay mas may diin, kumpara sa mga pangungusap na
ginamitan ng commas at parentheses.

You might also like