You are on page 1of 4

Ang mga bantas (punctuation) ay mga simbulo na nagpapakita ng kayarian at kaayusan ng nakasulat na wika, pati na ang intonasyon at paghintong

sandali (pagtigil na sandali) na gagawin kapag nagbabasa nang malakas. Sa nakasulat na Tagalog, ang bantas ay mahalaga upang maging malinaw ang kahalugan ng mga pangungusap. Ang mga panuntunan ng pagbabantas ay pabagu-bago ayon sa wika, lokasyon, rehistro at panahon (oras) at patuloy na umuunlad at nagbabago. Ang ilang partikular na mga aspeto ng bantas ay may estilo at sa kung sa gayon ay ayon sa pagpiling ginawa ng may-akda o ng patnugot. Ang mga anyo ng wika na takigrapiko, katulad ng mga ginagamit sa pagsasatsatan sa Internet at mga mensaheng teksto, ay maaaring may malawak na kakaibang panuntunan. Ang tuldok (.)- Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos Kuwit - Paghihiwalay ng isang sinipi.,Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkaka-uri. C. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham-pangkaibigan. D. Pagkatapos ng Oo at Hindi. E. Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno. F. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng bayan at lalawigan sa pamuhatan ng isang liham. Kudlit Ang kudlit ( ) ay ginagamit na panghalili sa isang titik na kina-kaltas. Gitling Ang gitling ( - ) ay ginagamit sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon: A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat. Tutuldok Ang tutuldok ( : ) ay ginagamit matapos maipapuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag, sa ganitong mga paraan: A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa kabanata at taludtod ng Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan. Tutuldok-kuwit Ang tutuldok-kuwit ( ; ) ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad sinusundan ng isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig, sa ganitong mga paraan:

A. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating panimula ng liham pangalakal. B. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng pangatnig. C. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad halimbawa, gaya ng, paris ng, kung nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa. Panipi Ang mga panipi ( ) ay inilalagay sa unahan at dulo ng isang salita sa ganitong mga kaparaanan: A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang tuwirang sipi. B. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat at ibat ibang mga akda. Panaklong Ang panakolong ( () ) ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginamit sa pangu-ngusap na ito. A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno. B. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang kawastuhan. C. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon. Tutuldok-tuldok Ang tutuldok-tuldok o elipsis () ay nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang karugtong ng nais na sabihin. A. Upang ipakilalang may nawawalang salita o mga salita sa siniping pahayag. Tatlong tuldok ang ginagamit kung sa unahan o sa gitna ng pangungusap ay may nawawalang salita, subalit apat na tuldok kung sa mga salitang nawawala ay sa hulihan ng pangungusap. B. Sa mga sipi, kung may iniwang hindi kailangang sipiin. May Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pangngalan, pang-uri, pandiwa, pang-abay, at panghalip sa anyong paari Ang blusa ay may magandang kulay.

Halimbawa: May batang pumasok sa silid.

Nang dumating ako ay may bumati sa aking kaibigan. May mahusay magtalumpati sa klaseng iyan. Ginagamit din ito kapag sinusundan ng mga at sa na ginagamit upang maglarawan. Halimbawa: May mga nagkalat ng papel sa ilalim ng mesa. Kakaiba talaga si Kulas, may-sa palos ang taong iyon! Gamit ng Mayroon

Ginagamit ang mayroon kung sinusundan ito ng panghalip na nasa anyong palagyo. Halimbawa: Mayroon akong bagong sapatos.

Ginagamit ang mayroon bilang pansagot sa tanong. Halimbawa: May pasok ba ngayon? Mayroon.

PINTO at PINTUAN Pinto ang inilalapat sa puwang upang hindi ito mapagdaanan ang puwang sa dingding o pader na pinagdaraanan. Subukan pagtingin nang palihim

Pintuan-

SUBUKAN at SUBUKIN Subukin Hal. -

pagtikim at pagkilatis

Ibig kong subukan kung ano ang ginagawa nila tuwing umaalis ako sa bahay.

Subukin mo ang bagong labas na mantikilyang ito. OPERAHAN at OPERAHIN operahin operahan tiyak na bahagi ng katawan na titistisin tumutukoy sa tao Si Luis ay ooperahan sa Martes.

Hal. Ang tumor sa dibdib ng maysakit ay ooperahin mamaya. Daw/ Din at Raw/ Rin

Ginagamit ang daw/ din kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig; at raw/rin kapag nagtatapos sa patinig. Hagdan at Hagdanan Ang hagdan ( stairs) ay ang baytang na inaakyatan at binababaan. Samantalam ang hagdanan (stairways) ay ang bahaging kinalalagyan ng hagdan.

You might also like