You are on page 1of 4

PAG-UULIT NG PANTIG

ANG GAMIT NG GITLING, KUDLIT, at TULDIK


May ibat ibang paraan ng pag-uulit ng pantig, kung ang unang

tunog ng salitang-ugat batayan ng salita lamang ang inuulit at ang


tuntunin ding ito ay sinusunod kahit may may unlapi ang salita,
kung ang unang pantig naman ng salitang-ugat o batayang salita ay
nagsisimula sa katinig-patinig, ang katinig at ang kasunod lamng na
patinig ang iniuulit at kung ang salitang-ugat ay may klaster sa
katinig, may dalawang paraan na dapat gamitin.
Natutunan ko naman ang gamit ng gitling (-) ay sa pag-uulit ng
salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat. Ang gamit
naman ng kudlit () ay bilang kapalit o kumakatawan sa letra sa
pagitan ng dalawang salita ay ikinakabit sa unang salita. Ang gamit
naman ng tuldik ay kailangan upang mapag-iba-iba ang kahulugan
ng mga salitang magkatulad sa ispelling ngunit kaiba sa diin.
Dahil sa paksang ito inulat ako ay nasiyahan sapagkat nalman
ko na mayroon palang mga paraan ng pag-uulit at dahil sa nag-ulat
natutunan ko pano ito gamitin.
Magagamit ko ito sa aking sarili sa maraming paraan at
maipapamahagi ko pa ito sa ibang mag-aaral na wala pang alam sa
paksang ito.

TRANSKRIPSYON
MGA ALITUNTUNIN SA TRANSKRIPSYON
Ang transkripsyon ay tulad din ng palatuldikan. Ginagamit ito
bilang giya o patnubay kung papaano bibigkasin ng wasto ang mga
salita sa isang wika. Nalaman ko na may dalawang klase ng
transkripsyon ito ay ang transkripsyong ponemiko at
transkripsyong ponetiko. An ponemiko ay ginagamitan ng pahilis na
guhit o virgules //. Samantalang ang ponetiko ay ginagamitan
naman ng simbolong bracket [ ].
Sa paksang ito natutunan ko ang mga alituntunin para sa
transkripsyon na ginagamitan ito ng mga sumusunod: kapag
nagsasagawa ng transkripsyong de letra o script ay hindi dapat
gamitin ang patakbo o cursive. Sapagkat ang salitang itinatranskribe
ay dapat kalungin ng dalawang guhit na pahilis, kaiba sa
palabaybayan, hindi gumagamit ng malaking titik sa transkripsyon.
Ang tuldok ay kumakatawan sa pagpapahaba ng patinig ay lagging
nilalagay pagkatapos ng mahabang patinig. Samantalang ang glottal
na pasara na nagrerepresinta sa impit na ng tunog na matatagpuan
sa mga pusisyong midyal at pinal ay isinusulat ng nahahanay sa iban
ponema.
Masayang Masaya ako at marami na naman akong natutunan
na pwde kong maibahagi sa iba.
Sa mga paksang ito marami akong nalaman, lalo na kung ano
ang transkripsyon at nalaman ko na may mga alituntunin pala ng
transkripsyon kaya magagamit ko ang aking kaalaman kong sa
susunod na asignaturang Filipino mayroon nito.

ANG ALPHABETONG FILIPINO


Natutunan ko na ang paksang ito na ang alphabetong Filipino
at binubuo ng 28 letra na ang ayos ay ganito:
A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, N, NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z
May orihinal din na abakada ito ay ang A, B, C, D, E, F, G, H, I, J,
K, L, M, N, NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y ay ginagamit sa mga
karaniwang salitang tinatanggap o naasimula sa bokabularyo talasalitaan ng wikang pambansa.
Naramdaman ko ang kasiyahan dahil nalaman ko ang mga
dating abakada na ginagamit at ang dalawampu`t walong letra na
ginagamit ngayon.
Gagamitin ko ito sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman sa
mga taong hindi pa alam ang tungkol sa alpabetong Filipino.

You might also like