You are on page 1of 4

Portfolio of Learnings

sa Ebolusyon ng
Alpabeto at
Ortograpiyang
Filipino
Ipinasa ni: Joy V. Luzano
BSE -2F
Sa paksang ito natutunan ko ang tungkol sa ebolusyon ng
alpabeto at ortograpiyang filipino. Sa paksang natalakay ng aking
kamag-aral, nalaman ko na ang Ortograpiya ay isang paraan ng
pagbibigay simbolo sa wikang pasalita sa paraang pasulat. Ito ang
paraan ng pagbaybay, ispeling na ginagamit sa isang wika. Alibata
naman o baybayin ay ang sariling alpabeto na ginagamit ng mga
Pilipino bago dumating ang mga kastila. Ang Abecedario naman ay
binubuo ng 29 na letra: 24 na katinig at 5 patinig at ito hango sa
romanong paraan ng pagbigkas at pagsulat.
Sa Abakada naman binubuo ng 20 letra, limang patinig (a, e, i,
o, u) at labing limang katinig (b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, o, w,
y). Ang makabagong alpabeto ito ay ang alpabeto ng wikang
Filipino. Ang modernong alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 titik
kabilang ang 26 titiknang payak na alpabetong latino ng ISO.
Dito ko rin nalaman na ang Ortograpiyang Filipino ay may
natatangi ring katangian, ito ay ang mga sumusunod: Nakabatay sa
kasaysayan, Mataas na Modelo - nakabatay sa panitikang nakasulat
at sa pamantayan ng pagbigkas, Episyente: modernisado, at
Madaling gamitin. Mayroon ding tuntunin sa Ispeling ng Tagalog,
ito ay: 1. Kung anong bigkas siyang baybay at kung anong sulat
siyang basa, kaya sinasabing konsistento ito. 2. Wastong paggamit
ng mga bantas tulad ng gitling, kudlit, kuwit, at iba pang bantas.
3. Pagbibigay tummbas sa letrang tulad ng malaki at maliit na titik.
Ang Pangngalan naman ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,
pook, pangyayari, at marami pang iba. Halimbawa ng Pantanging
Pangngalan: Carlos(Pangalan), Naga(Lugar), Lopez Bldg.(Gusali),
Jc Liner(Sasakyan). Habang nagtatalakay ay mas marami pa akong
natututunan at natutuklasan tungkol sa ebolusyon ng
ortograpiyang Filipino.
Ang mga sumusunod naman ay ang gamit ng gitling:

A. Ginagamit ang gitling sa pagitan ng mga panlaping nagtatapos sa


katinig at patinig na simula ng inuunlapian niyo, halimbawa: (Pag-
asa, Pang-abay, at sang-ayon).
B. Ginagamit ang mga gitling sa pagitan ng mga salitang inuulit na
may kahulugan sa salitang may dalawang pantig lamang. Ngunit
may unlapi, isisnasama ito sa unang bahaging inuulit. Halimbawa:
(Gabi-gabi, araw-araw, isa-isa, sama-sama, watak-watak at iba pa.
C. Gigitlingan ang pagitan ng dalawang magkasalungat na
Pandiwa. Halimbawa: (Akyat-baba, Urong-sulong, Labas-masok).
D. Ginigitlingan ang pagitan ng "di" at pang-uri, pagitan ng "ga" at
pangalann at pagitan ng "sa" at pandiwa.
E. Ginigitlingan din ang mga salitang may unlaping "de", mula sa
espanyo na nangangahulugang "sa pamamagitang ng" o "ginagamit
sa paraang".
F. Ginigitlingan sa pagitan ng panlapi at Pangngalang pantangi.
Halimbawa: (mago-jollibee, magdo-dota).
G. Ginigitlingan ang salita kahit nagtatapos sa pantig ang unang
pantig kapag Pangngalang pantangi ang kasunod.
H. Ginigitlingan kung may nawawalang kataga sa pagitan ng
dalawang salita.
J. Ginigitlingan ang pagkakasulat ng mga yunit ng praksyon.
K. Ginagamit sa pagkakabit ng apelyido ng asawa ng babae kapag
kasal na.
L. Ginigitlingan ang pantig kapag nahati sa dulo ng isang linya ng
sulatin.
M. Ginigitlingan ang tambilang, bilang pamalit ng hanggang.
Natuklasan ko rin ang mga wastong bantas, kagaya ng tuldok.
ang tuldok ay ginagamit sa katapusan ng pangungusap na paturol
at pautos. Halimbawa: (Bumisita ako sa aking kaibigan.) Ang
pananong naman ay ginagamit sa katapusan ng mga pangugusap
na patanong. Halimbawa: (Saan ka pupunta? Saan ka galing?).
Tandang padamdam naman ay ang bantas na ginagamit sa hulian
ng isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng
matinding damdamin. Halimbawa: (Magandang hapon!) Panghuli
ay ang kuwit, ginagamit sa pambungad na pagbati sa di-pormal na
iham, ginagamit din sa paghihiwaly ng mga salita, parirala at mga
sugnay na sunod-subod. Halimbawa: (Nais kong bumili ng sapatos,
bag, at tsinelas sa mall.

Sa pagtatapos ng aming pagtatalakay ay marami akong


natutunan ilan na lamang dyan ay ang mga nabanggit ko sa itaas na
binigyan ko rin ng mga depinesyon, kahulugan at mga halimbawa
base sa aking mga natutunan at naintindihan.

You might also like