You are on page 1of 8

Title: BUSUANGA/ Paaralang Panghimpapawid para sa Kindergarten

Topic: Pagbakat,Pagkopya at Pagsulat ng mga Linya


Format: School-on-the-Air
Scriptwriter: Julieta R. Pacho
Length: 30 minutes
Objective: Pagkatapos makapakinggan ang episode na ito, ang mga mag-aaral ng
Kindergarten ay inaasahang mababakat at makikilala ang mga linyang
patayo,pahiga,pahilis,pakurba at zigzag.

1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID


2 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER
3 HOST1: Magandang araw sa mga ginigiliw naming mga mag-aaral ng kindergarten!
4 Ito ang inyong paaralang panghimpapawid sa Kindergarten! Ako ang
5 Inyong lingkod, Teacher ______, guro ng kindergarten.
6 HOST2: At ako naman si Teacher _______, guro ng _________ na baitang.
7 Natutuwa kami na makasama kayo sa ating pag-aaral sa
8 pamamagitan ng radio.
9 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
10 HOST1: Siguraduhing kayo ay nasa isang maayos na kinaroroonan
11 at nakikinig sa ating broadcast.
12 (PAUSE)
13 HOST2: Oo nga teacher, masarap makinig kapag ikaw ay komportable.
14 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
15 HOST1: Kung kayo ay handa na sa pakikinig, nais naming kunin ninyo
16 ang inyong Module sa Kindergarten Modyul 3 para sa leksiyong ukol sa
17 pagbakat at pagkilala ng mga linyang patayo,pahiga,pahilis,pakurba at zigzag.
18 HOST2: Inuulit ko, ang ating leksiyon ngayon ay tungkol sa Pagbakat at pagkilala ng
19 mga linyang patayo,pahiga,pahilis,pakurba,at zigzag.
20 Nailabas niyo na ba ang inyong module?
21 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

-MORE-
Pagbakat at Pagkilala………..222

1 HOST1: Ngunit bago natin simulan ang ating aralin ngayong araw, balikan muna natin
2 ang ating tinalakay kahapon tungkol sa iba’t-ibang hugis.
3 HOST2: Tingnan nga natin kung natatandaan pa ninyo ang ating leksiyon kahapon.
4 Tinalakay natin ang tungkol sa iba’t-ibang mga hugis.
5 HOST 1:Ano ang tawag natin sa hugis na paikot at walang simula o dulo kagaya
6 ng bola? Sino kaya ang makakasagot? (PAUSE)
7 HOST 2:Ako po titser alam ko ang sagot,ito po ay bilog.
8 HOST 1:Tama titser __________________________.Sigurado akong bilog din
7 ang sagot ng mga batang nakikinig.
8 HOST 2:Ako naman po ang magtanong,anong hugis naman ang may apat
9 na magkaparehong gilid at sulok? (PAUSE)
10 HOST 1:May dala po akong panyo dito mayroon po itong apat na magkaparehong
11 gilid at sulok…..ito po ay may hugis na parisukat…Parisukat po ang sagot.
12 HOST 2:Ang galing naman! Parisukat din ba ang naisip niyong sagot? (PAUSE)
13 HOST 1:Ito naman ang susunod kung katanungan,Ito ay hugis na may
14 tatlong gilid o sulok?Anong hugis kaya ito? (PAUSE)
15 HOST 2:Titser ________________________ alam ko din po ang sagot diyan…..
16 Ito po ay tatsulok,kagaya ng Christmas Tree,nakita ko po sa TV kahapon.
17 Mayroon na pong Christmas Tree kasi malapit na po ang Pasko.
18 HOST 1:At panghuli,anong hugis naman ang may dalawang mahabang gilid at
19 dalawang milking gilid? (PAUSE)
18 HOST 2:Sige, hulaan nga natin ang sagot diyan..(PAUSE)
19 Magaling! ito po ay parihaba kagaya ng hugis ng papel na lagi ninyong
20 pina praktisan sa pagsulat.Yan po ang papel ang may hugis na parihaba.
21 HOST 1:Maliwanag na ba mga bata ang mga? (PAUSE)
22 HOST 2: Kami’y nagagalak dahil naunawaan na ninyo ang ating tinalakay kahapon.
23 HOST 1: Palaging tandaan at isaisip ang mga iba’t-ibang hugis na inyong natutunan.

-MORE-
Pagbakat at Pagkilala..…333

1 HOST2: Ngayon mga bata, handa na ba kayo sa ating panibagong aralin!


2 Makinig ng mabuti upang maunawaan ng maayos ang araling ibabahagi
3 ngayong araw. Sa ilang sandali, ay ihahatid na sa atin ng inyong
4 guro ang ating bagong aralin.
8 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
9 HOST1: Tulad ng aking nabanggit kanina, ang ating leksiyon ngayong araw
10 ay tungkol sa pagbakat at pagkilala ng mga linyang patayo,pahiga,
11 pahilis,pakurba at zigzag.
12 Pakilabas na ang inyong Modyul 3 Pagbubuklod-Buklod at Pag-uuri
13 ng mga Kulay,Hugis,at Sukat ng mga bagay upang masundan
14 ninyo ang ating Radio Teacher na si________________(PAUSE)
15 HOST2: Kung handa na kayo, narito na si Teacher___________mula sa
16 Mababang Paaralan ng ____________________..
17 BIZ: MSC SEGUE TO
18 BIZ: LESSON ID
19 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER
20 RADIO TEACHER: Magandang araw mga mag-aaral sa Kindergarten . Ako
21 ang inyong guro,Teacher ____________.
22 Ngayon ay inaasahan kong pagkatapos ng araling ito ay mababakat at
23 makikilala na ninyo ang mga linyang patayo,pahiga,pahilis,pakurba at zigzag.
24 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER
25 RADIO TEACHER: Alam kong kilala na ninyo ang iba’t-ibang hugis, excited na ba
26 kayo sa ating bagong aralin? Ako rin excited na rin.Sa araw na ito
27 tatalakayin natin ang iba’t-ibang uri ng mga linya.Ngunit bago yan ihanda
28 ang inyong mga module at lapis.Siguraduhing nandiyan na sa tabi ninyo.
29 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

-MORE-
Pagbakat at Pagkilala…….444

1 RADIO TEACHER: Buksan ang inyong modyul sa pahina 11,Tingnan natin kung
2 marunong na kayong gumawa ng linya.Sagutan natin ang unang gawain,
3 Subukin Natin,Ito po ang panuto….Pagdugtungin ang mga putol-putol
4 na linya.Nakita ba ninyo ang mga putol putol na linya?(PAUSE) Pagdugtungin
5 ang mga ito para mabuong isang tuwid na linya.Dahan-dahan lamang sa
6 pagsulat para pantay-pantay ito.Sige simulan na natin.
7 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
8 Tapos na ba mga bata? Ipakita ngayon sa inyong tagagabay ang pinagdugtong
9 na putol-putol na linya. Maayos at pantay ba ang pagkakagawa? (PAUSE)
10 Makikita ito ni titser kapag maipasa na ninyo ang mga sinagutang modyul…..
11 Nagagalak ako dahil nakakagawa na kayo ng isang tuwid na linya.
12 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
13 Ang isang linya ay binubuo mula sa dalawang tuldok na pinagkabit o
14 pinag-ugnay.Ngayon ay isa-isahin nating kilalanin ang mga uri ng linya.
15 Una, ay ang linyang patayo,ito ay isang linya mula sa taas pababa.
16 Iguhit nyo nga sa hangin mga bata,mula sa taas pababa isa…dalawa (PAUSE)
17 Magaling! Ulit-ulitin ito para makasanayang gumuhit ng linyang patayo.
18 Pangalawa, ay ang linyang pahilis o patagilid,ito ay isang linya
19 nakabase sa magkabilang dulo ng dalawang anggulo ng isang bagay,
20 ito ay isang linya na hindi pahiga at hindi patayo.
21 Gayahin ulit si titser,iguhit natin sa hangin ang linyang pahiliso patagilid.
22 isa….ipahilis pababa…….. ulitin natin……(PAUSE)
23 Ang galing naman,nakagawa naman kayo ng pahilis na linya.
24 Sunod, ay ang linyang pahiga,ito ay ginagawa mula sa kaliwa papuntang kanan.
25 sige nga, iguhit natin ulit sa hangin ang pangatlong linya .
26 mula sa kaliwa isa…….papuntang kanan..…dalawa………
27 Ano nga ulit ang ginuhit nating linya? (PAUSE)
28 Tama uli, ito ay linyang pahiga…marami na kayong natutunang linya…

-MORE-
Pagbakat at Pagkilala………..555

1 RADIO TEACHER: Sunod naman ay ang linyang zigzag.


2 Ito ay isang linya na sinusubaybayan ang isang landas sa pagiatn ng dalawang
3 magkatulad na linya.
4 Ngayon naman ay isulat natin sa hangin…isa..dalawa…tatlo…apat…lima
5 Ayan nakagawa na tayo ng linyang pazigzag.
6 Mayroon pa tayong isa pang uri ng linyang tatalakayin, ito ay ang linyang
7 pakurba o paliko, Ito ay isang linyang pabago- bago ang direksiyon,
8 Iguhit natin sa hangin isa….. paliko sa taas…..
9 Ano nga ulit ang panghuling uri ng linya na ating tinalakay? (PAUSE)
10 Tama,ito ay linyang pakurba.Napakadaling iguhit ang mga linya di ba mga bata?
11 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
12 Ngayon naman ay ating alamin kung makikilala na ninyo ang iba’t-ibang uri
13 ng linya.Pakibuksan ang inyong modyul sa pahina 12,Ating Alamin at Tuklasin:
14 Basahin ko ang panuto,Kilalanin ang mga nasa ibabang linya.pakitingnang mabuti
15 sa inyong modyul, Gayahin ang pagbasa ni titser sa mga salitang nakasulat na
16 pangalan ng mga linya,una patayo…….ulitin nga (PAUSE)
17 Ang husay! Bakatin ang linyang nakaguhit sa module..(PAUSE)
18 isa… mula sa taas pababa,may pangalawa pang guhit…. Isa...mula sa taas
19 pababa..….Ano nga ulit ang linyang ito?(PAUSE) Ito po ay linyang patayo.
20 Mahusay!. ito ay patayo kagaya ng lapis natin kapag pinatayo natin
21 makakalikha tayo ng linyang patayo.
22 Basahin natin ulit ang kasunod na nakasulat …..pahilis……
21 Ulitin nga mga bata (PAUSE) O,yan nakita na ninyo ang itsura ng linyang pahilis.
22 Bakatin din natin ang nakaguhit na linya isa……ipahilis o ipatagilid
23 Madali bang gawin ang linyang pahilis o patagilid? (PAUSE)
24 Kapag gumawa tayo ng linyang nakabase sa magkabilang dulo ng dalawang
25 anggulo ng isang bagay,na hindi naman patayo at hindi rin pahiga ito’y
26 tinatawag na linyang pahilis…….ulitin natin linyang pahilis o patagilid.

-MORE-
Pagbakat at Pagkilala……666
1 RADIO TEACHER: Isunod naman natin ang pangatlong nakaguhit na linya,
2 basahin natin…..gayahin si titser ang salitang nakasulat
3 sa pangatlong linya ay ….pahiga….Ulitin nga mga bata (PAUSE)
4 Bakatin naman natin ang linyang pahiga mula sa kaliwa ….pakanan
5 isa…mula sa kaliwa…pakanan…..ulitin natin sa pangalawang linya sa baba….
6 isa…mula sa kaliwa……pakanan…sabihin natin ulit linyang pahiga
7 May papel ba kayo diyan sa tabi ninyo?Tingnan ang mga linyang bughaw
8 at pula sa inyong papel…..ito’y isang halimbawa ng linyang pahiga
9 Ituloy natin sa pang-apat na uri ng linya………gayahin ako ulit,
10 basahin natin zigzag………ulitin natin….. linyang zigzag
11 Bakatin natin ang linyang zigzag isa……….dalawa…..tatlo…..apat….lima
12 Ano nga uli ang binakat nating linya? (PAUSE)
13 Tama,ito ay tinatawag nating zigzag…..Nakakita na ba kayo ng kalsadang
14 paliko-liko? Yan naman ang isang halimbawa ng linyang zigzag.
15 Malapit na nating matapos mga bata…….Pagod na ba kayo? (PAUSE)
16 Huwag mapagod dahil marami pang ituturo si titser.....
17 Oh,sige ito na ang panghuli nating uri ng linya ay pakurba o paliko….
18 basahin natin ulit…… linyang pakurba o paliko…..
19 kaya niyo bang bakatin ang linyang ito? (PAUSE)
20 isa…….dalawa…….madali bang gawin ang linyang pakurba?(PAUSE)
21 kapag nakakita kayo ng mga linyang nagpapakita ng iba-ibang direksiyon
22 ito ay ang tinatawag nating linyang pakurba o paliko.
21 May iba’t-ibang linya,ito ang mga patayo,pahilis,pahiga,zigzag,at pakurba.
22 Tingnan natin ulit ang mga nakaguhit na linya sa inyong module at ang mga
20 pangalan nito. Sundan ulit si titser at gayahin ang kanyang babasahin……
21 patayo…..pahilis……pahiga…….zigzag……..at….. pakurba.
22 RADIO TEACHER:Alam kung pamilyar na kayo sa itsura ng iba’t-ibang uri ng
23 mga linya.Isaisip at laging tandaan ang natutunan ninyo ngayong araw.
24 Mamaya may pasasagutan sa inyo ni titser.
25 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS ANDS FADE UNDER
-MORE-
Pagbakat at Pagkilala……..777

1 RADIO TEACHER:Ngayon naman mga bata,ilabas ang inyong mga krayola,gagamitin


2 natin sa ating tayahin.
3 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS ANDS FADE UNDER
4 Nailabas na ba ang inyong mga krayola? (PAUSE)
5 Ngayon naman, pakibuksan ulit ang inyong mga module sa pahina 13,
6 Tayo’y magsanay, Gawain1,Ito ang panuto:Bakatin ang linya gamit ang krayola.
7 Gawin ito ng dahan-dahan,huwag palagpasin,para maayos ang magawa
8 ninyong linya.Mamaya tatanungin ko sa inyo kung anong mga linya
9 ang inyong nabakat at nabuo sa mga linyang putol-putol sa tabi ng
10 krayolang pula,dilaw, at bughaw.Sige,simulan na natin.
11 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS ANDS FADE UNDER
12 RADIO TEACHER: Tapos na ba ninyong bakatin ang mga linyang putol-putol?
13 Iwasto na natin……Anong linya ang inyong nabuo sa putol-putol na linya
14 sa tabi ng larawang pulang krayola?(PAUSE)
16 Tama, kung ang sagot ninyo ay linyang pahiga.
17 Sabihin nga natin ulit,linyang pahiga.
18 Anong linya naman ang nabuo ninyo sa putol-putol na linya sa tabi ng dilaw
19 na larawang krayola?(PAUSE)
20 Tama ulit kayo, kung ang sagot ninyo ay linyang pakurba.
21 Ulitin natin linyang pakurba.
21 At ang panghuli,ano ang nabuo ninyong linya sa mga putol-putol na
22 linya sa tabi ng bughaw na krayola? (PAUSE)
23 Tama pa din kayo kung zigzag ang sagot ninyo.
24 Ulitin nga natin, linyang zigzag.
24 Sino-sino ang nakakuha ng tatlong tamang sagot?(PAUSE)
25 Congratulations sa inyong lahat.Palakpakan ninyo ang inyong sarili.
24 BIZ: MSC SEGUE TO
25 BIZ: LESSON ID
26 BIZ:MSC UP FOR 5 SECS THEN UNDER
-MORE-
Nakikilala ang Sarili…..888

1 RADIO TEACHER: Ako’y nagagalak dahil mabilis ninyong naunawaan ang araling

2 aking ibinahagi ngayong araw.Sanayin pa ang sarili na gumuhit mamaya ng mga

3 iba’t-ibang mga linya na tinalakay ni titser para maging handa sa susunod

4 nating talakayan. O ayan,natapos na natin ang ating aralin ngayong araw.

5 Maraming salamat sa inyong pakikinig. Ako pong muli ang inyong gurong

6 tagapaglingkod na si Teacher ____________.Hanggang sa muli! Paalam!

7 BIZ:MSC UP FOR 5 SECS THEN UNDER

8 HOST 1: Kung kayo ay may mga katanungan tungkol sa mga Gawain na gagawin pa

9 maaari ninyong tawagan o kaya naman padalhan ng mensahe ang inyong

10 guro sa numerong__________ (PAUSE)

11 HOST 2: Isang aralin/paksa na naman ang natapos natin ngayong araw.Sana ay natandaan

12 ninyo ang ating tinalakay ngayon ang iba’t-ibang uri ng linya…Ang mga

13 linyang patayo…pahilis…pahiga….zigzag at pakurba.

14 HOST 1: Siguraduhing palaging tumutok sa ating paaralang himpapawid tuwing_______, sa

15 oras na____ nang _____.Hanggang sa muli, ako si ____________.

16 HOST 2: At ako naman si ______________. Tandaan ang pinag-aralan ngayon dahil

17 may kaugnayan pa rin sa mga linya ang inyong tatalakayin bukas.

18 HOSTS: Paalam!!!

19 BIZ;MSC UP THEN OUT

20 BIZ:INSERT SOA PROGRAM ID


-END-

You might also like