You are on page 1of 5

FIRST QUARTER, MODULE 1 IN PE 3

VIDEO SCRIPT SY 2020-2021


Objectives:
- Pagsasalarawan ng iba’t-ibang hugis at kilos ng ating katawan.

Aralin:
- Hugis at Kilos ng Ating Katawan

Video – Introduction (NCR)

Slide 1:
- Starting Page (PE MODULE)

Slide 2:
Teacher Kevin:
- Magandang araw mga bata….Ako si Teacher Kevin..
- Kumusta kayo…Sana’y mabuti ang inyong kalagayan.
- Naigagalaw ba ninyo nang maliksi ang inyong mga kamay?
- Sige nga…..very good! e…ang mga paa? Naipapadyak ba nang malakas?
Magaling!

Slide 3:
- Sa araw na ito ay pag-aaralan natin ang pagsasalarawan
ng iba’t-ibang hugis at kilos ng ating katawan.

Slide 4: (Unlocking of Difficulties)


- Alam nyo ba ang ibig sabihin ng pagsasalarawan ng iba’t-ibang hugis at kilos
ng katawan?
- Madali lang yan..Kapag sinabing pagsasalarawan, ito ang pagpapaunawa sa
nakikinig o bumabasa, kung ano ang nakikita ng iyong mata, naamoy ng
ilong, nalalasahan ng dila, naririnig ng tainga at nararamdaman ng katawan.
O, hindi ba madali lang….

Slide 5:
- O, bago ang lahat, gusto kong malaman kung gaano kayo kabilis at kagaling
sa pagsunod sa panuto.
- Tara! simulan na natin. Gawin nang tama ang mga sumusunod….

Slide 6:
1. Tumayo nang tuwid.
2. Maglakad ng 3 hakbang papunta sa harap.

Slide 7:
3. Itaas ang dalawang kamay.
4. Iangat ang kaliwang paa at nakadipa ang dalawang kamay.
Slide 8:
5. Iangat ang kanang paa at nakdipa ang dalawang kamay.

Slide 9:
- Mga bata, tayo’y tumayo at sabayan ninyo ako.
Isagawa ang mga sumusunod:
1. Itaas ang kanang kamay.
2. Itaas ang kaliwang kamay.

Slide 10:
3. Humakbang sa kaliwang direksyon na may bilang na 1,2,3,4. Magaling!
4. Humakbang sa kanang direksyon na may bilang na 1,2,3,4.

Slide 11:
5. Maglakad ng patalikod na may apat na bilang na1,2,3,4

Slide 12:
- Napagod ba kayo?...O sige..huminga nang malalim…
inhale….exhale….magaling!
- Ngayon, bigyan natin ng pansin ang susunod na larawan.

Slide 13:
- Ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan?......Tama, (naglalaro ang mga
bata na nasa larawan). Ano-anong mga hugis at kilos ang ginagawa ng mga
bata na makikita sa larawang ito?....Magaling! Kaya mo bang gayahin ang
mga ginagawa ng mga bata?
- Alam ba ninyo na kaya ng inyong katawan na gumalaw at makabuo ng iba’t-
ibang hugis tulad ng: tuwid, baluktot at pilipit.
-
Slide 14:
- At sa pag-galaw at kilos ng ating katawan maaari tayong makabuo ng iba’t –
ibang hugis tulad ng tuwid, baluktot at pilipit.
- May mga tamang kilos at ehersisyo tayong matutunan sa araling ito na
makatutulong upang mapaunlad ang tikas, hugis at kalambutan ng ating
katawan.
- Ano-anong hugis at kilos naman ang ginagawa ng mga bata na makikita sa
larawang ito? Mailalarawan mo ba?
- May nakikita ka bang kilos na parang baluktot o tuwid? Kaya mo bang
gayahin ang mga ginagawa ng mga bata?
- Alam ba ninyo na kaya ng inyong katawan na gumalaw at makabuo ng iba’t-
ibang hugis tulad ng tuwid, baluktot at pilipit.

- Sa inyong palagay, dapat bang magkaroon ng panimulang ehersisyo o


Warm-up Exercise bago gawin ang mga sumusunod na larawan?

Slide 15:
- (Hugis at Kilos ng Katawan)

Slide 16:
- Una, ang head bend, paano ba gawin ito?
Slide 17:
- Ang head bend ang pagtungo gamit ang suporta ng kamay
- Pagtingala gamit pa rin ang suporta ng kamay
- At pagpaling ng ulo papunta sa kanan at kaliwa gamit ang suporta ng
kamay.
-
Slide 18:
- Isagawa natin ang head bend.
- Tumungo gamit ang suporta ng kamay na may bilang na apat (1,2,3,4)

- Tumingala naman na may suporta ng kamay. Ito’y may bilang na apat


(1,2,3,4) Magaling!
- Ipaling ang ulo papunta sa kanan gamit ang suporta ng kamay. Ito’y may
apat na bilang (1,2,3,4)
- Bumalik sa orihinal na posisyon na may apat na bilang (1,2,3,4)
- Magaling, nakasusunod kayong lahat!

Slide 19:
- Dumako naman tayo sa Head Twist –
- Ang Head Twist ay ang pagpihit ng ulo, pagbaling ng ulo pakanan o
pakaliwa. Halika, gawin natin!

Slide 20:
- Ibaling ang ulo pakanan na may apat na bilang…(1,2,3,4)
- Bumalik sa dating posisyon na may apat na bilang…(1,2,3,4)
- Ibaling ang ulo pakaliwa na may apat na bilang…(1,2,3,4)
- Bumalik sa dating posisyon na may apat na bilang ( 1,2,3,4)
- Magaling ang iyong ipinapakita…..

Slide 21:
- Shoulder Circle – Ang shoulder Circle ang paggalaw ng balikat pauna
habang nakababa ang mga kamay sa tagiliran.
- Ito ang paggalaw ng balikat palikod habang nakababa ang mga kamay sa
tagiliran. Paano nga ba ito ginagawa?

Slide 22:
- Igalaw ang balikat pauna habang nakababa ang mga kamay sa
tagiliran. Ito’y may apat na bilang. (1,2,3,4)
- Igalaw namanang balikat palikod habang nakababa ang mga kamay sa
tagiliran. Ito’y may apat na bilang. (1,2,3,4)

Slide 23: Trunk Twist

- Ang trunk twist ang pag-angat ang kamay kapantay ng dibdib habang
kaharap ang palad sa sahig.
- Ito’y pagbaling pakanan o pakaliwa ng katawan.
Slide 24: Trunk Twist

- Iangat ang kamay kapantay ng dibdib habang kaharap ang palad sa


sahig.
- Ibaling pakanan ang katawan na may apat na bilang…(1,2,3,4)
- Bumalik sa orihinal na posisyon.
- Ibaling naman pakaliwa ang katawan na may apat na bilang…(1,2,3,4).
- Bumalik sa orihinal na posisyon.

Slide 25: Knee Stretching


- Ang Knee Stretching ang pagtayo nang tuwid na ang mga paa ay
magkalayo, ang kamay ay nakalagay sa hita malapit sa tuhod.

Slide 26: Knee Stretching


- Tumayo nang tuwid habang ang mga paa ay magkalayo. Ilagay ang
kamay sa hita malapit sa may tuhod. Ito’y may apat na bilang...(1,2,3,4)

- Dahan-dahang ibaba ang katawan. (1,2,3,4)


- Bumalik sa orihinal na posisyon.

Slide 27: Ankle (foot) Circle


- Ang Ankle (Foot) Circle ang pagpapaikot ng bukong-bukong ng paa
pakanan o pakaliwa.

Slide 28: Ankle (foot) Circle


- Iangat ang kanang paa.
- Paikutin ito papunta sa kanan na may apat na bilang (1,2,3,4)
- Paikutin din ito papunta sa kaliwa na may apat na bilang (1,2,3,4)
- Ulitin sa kaliwang paa.
- Iangat ang kaliwang paa
- Paikutin ito papunta sa kanan na may apat na bilang (1,2,3,4)
- Paikutin din ito papunta sa kaliwa na may apat na bilang(1,2,3,4)

Slide 29: Half Knee Bend


- Ang half knee bend ang pag-inhale o pag-exhale habang dahan-dahang
inuunat ang tuhod
- Dahan-dahang pagtaas ng mga braso sa tagiliran.

Slide 30 :
- Mag-inhale habang dahan-dahang iniuunat ang tuhod at dahan-dahang
itinataas ang mga braso sa tagiliran (8 bilang)..Halika gawin natin.

Slide 31:
- Mag-exhale habang dahan-dahang ibinabalik ang mga braso pababa sa
dati nitong posisyon…(8 bilang).
- Ulitin ng 3 beses.

Slide 32:
- Mga bata, para malaman natin kung may natutunan kayo sa ating
tinalakay, maaari niyo bang ipakita o gawin ang mga sumusunod?
1. Head bend
2. Head twist
3. Knee stretching
4. Shoulder circle
5. Trunk twist

Slide 33:
- Ngayon naman mga bata, Saan kaya natin maaaring gamitin ang head
bend?
- Tama… maaaring nating gamitin ang headbend sa pagtingin sa itaas o sa
ibaba.
- E..ang head twist? Magaling! Maaari nating magamit ang head twist sa
pagtingin sa kanan o pagtingin sa kaliwa.
- Sa inyong tingin, ano kaya ang kahalagahan ng pagsasagawa ng mga
kilos na nabanggit lalo na sa panahon ng pandemya?

Slide 34:
- Ano ba ang dapat nating isaisip o dapat tandaan?
- Ang ating katawan ay makagagawa ng iba’t-ibang hugis at linya katulad
ng tuwid, baluktot at pilipit. Makagagawa rin ito ng iba’t-ibang mga kilos
at galaw.

Slide 35:
- Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B.
- Ang unang larawan ay tinatawag na head bend (B)…
- At ang ikalawang larawan ay tinatawag na head twist (A)
Slide 36:
- Maaari mo bang sabihin ang tawag sa mga kilos na nasa larawan?....
- Tama, ang tawag sa ikatlong larawan ay shoulder circle (D).
- Ang sususnod na larawan ay tinatawag namang trunk twist (E)
- Ang panghuling larawan ay tinatawag na knee stretching. (C)
Slide 37:
- Magbigay ng limang (5) gawain na ginagawa sa araw-araw tungkol sa
tinalakay natin ngayon. Isulat ito sa inyong sagutang papel.
- Mga bata sana’y marami kayong natutunan sa araw na ito.
- Muli ako si Sir Kevin….Paalam!

Slide 38: Acknowledgement


Slide 39: References
Slide 40: NIS Logo

Prepared by:

Evangeline M. Mañosca
NAPINDAN INTEGRATED SCHOOL

You might also like