You are on page 1of 10

Page 1 of 10

Title: Paaralang Panghimpapawid sa Grade 2 Filipino


Topic: Pagsasabi ng Mensahe, Paksa o Tema sa Patalastas, Kuwentong Kathang-isip, Tunay na
Pangyayari/ Pabula
Format: School-on-the-Air
Length: 20 minutes
Scriptwriter: Kristine D. Mabalos
Objective: Pagkatapos makapakinig ng episode na ito, ang mga mag-aaral ng Grade 2 Filipino ay
inaasahang masasabi ang mensahe, paksa o tema na nais ipabatid sa patalastas,
kuwentong kathang-isip, tunay na pangyayari o ng isang pabula.
_______________________________________________________________________________

1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

3 HOST: Magandang araw sa mga ginigiliw naming mag-aaral ng ikalawang baitang! Ito ang

4 inyong paaralang panghimpapawid sa Filipino! Nagagalak kami na makasama kayo

5 sa ating pag-aaral sa pamamagitan ng radyo. Ako ang inyong lingkod, si Teacher

6 Jan Mae Galendez Labadan mula sa Talusan Elementary School, Balingasag South

7 District.

8 HOST: Ngunit bago natin simulan ang ating mga gagawin, siguraduhin ninyong kayo

9 ngayo’y nasa isang komportableng lugar at maayos na nakakapakinig ng ating

10 programa.

11 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

12 HOST: Humanda na kayo sa muling pagkatuto sa loob ng 20 minuto.

13 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

14 HOST: Sa puntong ito, nais kong kunin ninyo ang inyong handout para sa leksyon ukol sa

15 Pagsasabi ng Mensahe,(PAUSE) Paksa o Tema sa Patalastas,(PAUSE) Kuwentong

16 Kathang-isip, (PAUSE)Tunay na Pangyayari o pabula. Inuulit ko, ang leksyon natin

-MORE-
Page 2 of 10

17 ngayon ay tungkol sa Pagsasabi ng Mensahe, (PAUSE)Paksa o Tema sa Patalastas,

18 (PAUSE)Kuwentong Kathang-isip, (PAUSE)Tunay na Pangyayari o pabula.

19 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

20 HOST: Bago natin simulan ang ating bagong leksyon, atin munang balikan ang inyong

21 mga napag-aralan.

22 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

23 HOST: Kunin ninyo ang inyong sagutang papel at piliin ang wastong sagot sa bawat

24 sitwasyon. (PAUSE) Inuulit ko, piliin ang wastong sagot sa bawat sitwasyon.

25 (PAUSE) Unang tanong,(PAUSE) may nakita kang matanda na nais tumawid sa

26 daan, (PAUSE)ano ang gagawin mo? (PAUSE) a. Pabayaan (PAUSE) b.

27 Pagsabihan (PAUSE) c. Gagabayan (PAUSE) d. Hindi Pansinin. (PAUSE) Ano sa

28 tingin niyo ang tamang sagot? (PAUSE)Tama! Ang tamang sagot ay c. gagabayan.

29 (PAUSE) Ikalawang tanong,(PAUSE) nasalubong mo ang iyong guro na may

30 maraming dalang aklat, (PAUSE) ano ang gagawin mo? (PAUSE) a. pabayaan

31 (PAUSE) b. ngingitian (PAUSE) c. kakawayan (PAUSE) d. tutulungan. (PAUSE).

32 Ano ang tamang sagot? (PAUSE) Magaling! Ang tamang sagot ay d. Tutulungan.

33 (PAUSE) Ikatlong tanong, natapakan mo ang paa ng iyong kaklase. Ano ang

34 gagawin mo? (PAUSE) a. magsasawalang kibo, (PAUSE) b. hihingi ng paumanhin,

35 (PAUSE) c. tatapakan ulit ang paa, (PAUSE) d. pagagalitan ang kaklase. (PAUSE).

36 Ano ang tamang sagot? (PAUSE) Sakto! Ang tamang sagot ay b. hihingi ng

37 paumanhin. (PAUSE) Ikaapat na tanong, isang umaga nasalubong mo ang inyong

38 punongguro sa daan. Ano ang sasabihin mo? (PAUSE) a. Pahingi ng pera sir.

39 (PAUSE) b. Saan ka pupunta sir? (PAUSE) c. Magandang gabi po. (PAUSE) d.

40 Magandang umaga po, sir. Ang tamang sagot ay? Magaling! Ang tamang sagot ay

-MORE-
Page 3 of 10

41 d. Magandang umaga po, sir! (PAUSE) Ikalimang tanong, binigyan ka ng tinapay

42 sa iyong kaibigan, ano ang sasabihin mo? (PAUSE) a. May iba pa ba diyan?

43 (PAUSE) b. Naku, ang sarap! (PAUSE) c. Maraming salamat, kaibigan. (PAUSE)

44 d. Pahingi ng isa pa. (PAUSE) Ano ang inyong sagot? (PAUSE)Tama! Ang tamang

45 sagot ay d. Maraming salamat, kaibigan!

46 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

47 HOST: Ilan ang inyong tamang sagot? (PAUSE) Umaasa kaming nasagutan niyo ng

48 mahusay ang ating maikling pagsusulit.

49 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

50 HOST: Gaya ng nabanggit kanina, ang ating leksyon ngayong araw ay tungkol sa

51 pagsasabi ng mensahe,(PAUSE) paksa o tema sa patalastas,(PAUSE) kwentong

52 kathang-isip, (PAUSE)tunay na pangyayari o pabula. Makinig ng mabuti upang

53 masundan ninyo ang ating tatalakayin. (PAUSE) Kung handa na kayo, narito na si

54 Teacher Kristine Dahang Mabalos mula sa Talusan Elementary School, Balingasag

55 South District.

56 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

57 RADIO TEACHER: Magandang araw mga bata mula sa ikalawang baitang! (PAUSE)Ako

58 ang inyong guro sa Filipino 2, Gng. Kristine Dahang Mabalos. Inaasahan natin na

59 pagkatapos ng leksyong ito ay kaya niyo nang masabi ang mensahe, (PAUSE)paksa

60 o tema sa patalastas, (PAUSE)kwentong kathang –isip, (PAUSE)tunay na

61 pangyayari o pabula. Handa na ba kayo? Simulan na natin.

62 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

-MORE-
Page 4 of 10

63 RADIO TEACHER: Kunin na ang inyong modyul 3, (PAUSE)notebook (PAUSE) at lapis.

64 Maghanda na kayo sa ting aralin. Kung maari ay katabi ninyo ngayon ang inyong

65 magulang o nakatatandang kapatid upang gagabay sa inyo sa ating aralin. (PAUSE)

66 Hand na ba kayo?

67 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

68 RADIO TEACHER: Ang ating tatalakayin ay pagsasabi ng mensahe,(PAUSE) paksa o

69 tema sa patalastas,(PAUSE) kwentong kathang-isip, (PAUSE)tunay na pangyayari

70 o ng isang pabula.

71 BIZ: MS UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

72 RADIO TEACHER: Alam niyo ba ang ibig sabihin ng mga salitang mensahe,

73 (PAUSE)paksa, (PAUSE)tema, (PAUSE)patalastas,(PAUSE)) kwentong kathang-

74 isip,(PAUSE) tunay na pangyayari at pabula? (PAUSE) Ang mensahe ay ang nais

75 sabihin o iparating ng may-akda, ang may sulat ng isang kwento sa mga

76 mambabasa. (PAUSE) Ang paksa naman ay isang kalahatan na gustong ipabatid ng

77 may-akda sa mambabasa. (PAUSE) Ang tema ay mga kasabihang ibig ipaalam ng

78 may- akda sa mambabasa. (PAUSE) Ang patalastas ay mga babala o anunsyo.

79 (PAUSE) Ang kwentong kathang-isip ay mga kwentong bunga ng isipan. (PAUSE)

80 Ang tunay na pangyayari naman ay mga totoong pangyayari. (PAUSE) At ang

81 pabula ay kwentong mga hayop ang tauhan.

82 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

83 RADIO TEACHER: Babasahin natin ngayon ng sabay -sabay ang isang teksto at uunawain

84 ninyo ang mensahe nito. Handa na ba kayo mga bata? (PAUSE)Simulan na natin!

85 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS… THEN FADE UNDER

-MORE-
Page 5 of 10

86 RADIO TEACHER: Si Diding na Kambing. (PAUSE) May mag-asawang kambing na

87 nagkaroon ng anak na babae. (PAUSE)Diding ang pangalan ng batang kambing.

88 (PAUSE)Lumaking matulungin si Diding. (PAUSE)Maaga siyang gumising upang

89 matulungan niya ang kanyang nanay sa paghanap ng pagkain sa bukid. Pagdating sa

90 bahay ay magwawalis si Diding sa kanilang bakuran. Sadyang masipag at mabait na

91 kambing si Diding. (PAUSE) Uulitin ko, (PAUSE) Si Diding na Kambing.

92 (PAUSE) May mag-asawang kambing na nagkaroon ng anak na babae. Diding ang

93 pangalan ng batang kambing. Lumaking matulungin si Diding. Maaga siyang

94 gumising upang matulungan niya ang kanyang nanay sa paghanap ng pagkain sa

95 bukid. Pagdating sa bahay ay magwawalis si Diding sa kanilang bakuran. Sadyang

96 masipag at mabait na kambing si Diding.

97 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

98 RADIO TEACHER: Naintindihan niyo ba ang binasa nating teksto? (PAUSE) Sa puntong

99 ito ay kunin ninyo ang inyong sagutang papel at sagutin ang mga tanong.(PAUSE)

100 Handa na ba kayo? (PAUSE)Simulan na natin. Unang tanong, (PAUSE)sino ang

101 maagang gumising upang matulungan ang kanyang nanay? (PAUSE) a. Diding

102 (PAUSE) b. Dading (PAUSE) c. Nesting (PAUSE) d. Dodong (PAUSE). Ang

103 tamang sagot ay? Magaling! Ang tamang sagot ay a. Diding. (PAUSE) Ikalawang

104 tanong, ano ang gagawin nila Diding sa bukid? (PAUSE) a. maglaro (PAUSE) b.

105 matulog (PAUSE) c. mamasyal (PAUSE) d. maghanap ng pagkain (PAUSE). Ano

106 ang tamang sagot? Tama! Ang tamang sagot ay d. Maghanap ng pagkain. Ikatlong

107 tanong, Ano ang paksa sa teksto? (PAUSE) a. Si Matsing (PAUSE) b. Ang nanay ni

108 Diding (PAUSE) c. Ang buhay ng baboy (PAUSE) d. Si Diding na Kambing

109 (PAUSE) Ang tamang sagot ay? Mahusay! Ang tamang sagot ay d. Si Diding na

110 Kambing.(PAUSE) Ikaapat na tanong, Alin dito ang mensahe na nais ipahiwatig sa

-MORE-
Page 6 of 10

111 teksto? (PAUSE) a. ang pagkamalinis, (PAUSE) b. ang pagkamasipag, (PAUSE) c.

112 ang pagkamatalino, (PAUSE) d. ang pagkamasayahin (PAUSE) Ano ang tamang

113 sagot? Magaling! Ang tamang sagot ay b. ang pagkamasipag. Ikalimang tanong, ano

114 ang gagawin ni Diding pag-uwi niya galing sa Bukid? (PAUSE) a. Maglalaba

115 (PAUSE) b. Maglalaro (PAUSE) c. Matutulog (PAUSE) d. Magwawalis. (PAUSE)

116 Ano ang tamang sagot? Tama! Ang tamang sagot ay d. Magwawalis

117 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

118 RADIO TEACHER: Nasagutan niyo ba lahat ng mga tanong? Magaling! Ilan ang inyong

119 tamang sagot? (PAUSE)

120 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

121 RADIO TEACHER: Upang mas lalo niyong maintindihan ang ating leksyon, may

122 babasahin pa akong isang teksto at unawain ninyo ang mensahe na nais ipahiwatig

123 nito. Handa na ba kayo? (PAUSE) Umpisahan na natin. (PAUSE)COVID – 19

124 Pandemya. (PAUSE) Laganap ngayon ang COVID-19 sa buong daigdig. Ayon sa

125 mga haka-haka na galing daw sa paniki ang virus na ito at kapag ang tao daw ay

126 kumain ng paniki maaari siyang mag karoon ng COVID-19.Ang virus na ito ay

127 nakakahawa kung ang tao ay makalapit sa isang tao na may virus. Ang mga

128 sintomas kapag na nahawaan ng virus na ito ay lagnat, ubo na walang plema,

129 pananakit ng katawan at hirap sa paghinga. Kung nakaramdam ng ganito sa

130 katawan kailangan magpakonsulta kaagad sa health center o hospital. Ayon sa

131 Kagawaran ng Kalusugan kailangan palaging maghugas tayo ng ating mga kamay

132 gamit ang sabon o kaya’y gumamit ng sanitizer o alcohol, magsuot ng face mask,

133 panatilihin ang social/ physical distancing.

134 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

-MORE-
Page 7 of 10

135 RADIO TEACHER: Ngayon ay surin natin kung ang mensahe ba ay tama o mali base sa

136 teksto na inyong pinakinggan. Makinig ng mabuti mga bata. (PAUSE) Una,

137 (PAUSE)Pagsali sa mga pagtitipon-tipon. Ang mensahe ba ay tama, o mali?

138 (PAUSE) Magaling! Ang mensahe ay Mali.( PAUSE) Hindi tayo dapat sumali sa

139 mga pagtitipon-tipon para makaiwas tayo sa virus. (PAUSE) Pangalawa, gumala sa

140 labas na walang face mask. (PAUSE) Ito ba ay tama o mali? (PAUSE) Ang tamang

141 sagot ay mali. (PAUSE) Pangatlo, ayon sa mga haka-haka na galing daw sa paniki

142 ang COVID-19. (PAUSE) Ang mensahe ba ay tama o mali? (PAUSE) Mahusay!

143 Ang mensahe ay tama. Kapag ang tao daw ay kumain ng paniki maaari siyang mag

144 karoon ng COVID-19.

145 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

146 RADIO TEACHER: Sa puntong ito, balikan natin ang ibig sabihin ng mga salitang

147 mensahe, paksa, tema, patalastas, kwentong kathang-isip, tunay na pangyayari at

148 pabula. (PAUSE) Ang mensahe ay ang nais sabihin o iparating ng may-akda, may

149 sulat ng isang kwento sa mga mambabasa. (PAUSE) Ang paksa naman ay isang

150 kalahatan na gusting ipabatid ng may-akda sa mambabasa. (PAUSE) Ang tema ay

151 mga kasabihang ibig ipaalam ng may- akda sa mambabasa. (PAUSE) Ang

152 patalastas ay mga babala o anunsyo. (PAUSE) Ang kwentong kathang-isip ay mga

153 kwentong bunga ng isipan. (PAUSE) Ang tunay na pangyayari naman ay mga

154 totoong pangyayari. (PAUSE) At ang pabula ay kwentong mga hayop ang tauhan.

155 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

156 RADIO TEACHER: Sana’y naunawaan na ninyo ang tungkol sa pagsasabi ng mensahe,

157 paksa o tema sa patalastas, kwentong kathang-isip, tunay na pangyayari at pabula.

158 Hanggang sa susunod nating leksyon, ako ang inyong guro sa himpapawid, Kristine

-MORE-
Page 8 of 10

159 Dahang Mabalos mula sa Talusan Elementary School, Balingasag South District.

160 Kung may hindi kayo nauunawaan, tutulungan kayo ng ating host na si Teacher Jan

161 Mae para sa recap ng ating napag-aralan. Galingan din n’yo ang pagsagot sa ating

162 pagsusulit mamaya ha? Maraming salamat sa pakikinig.

163 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

164 HOST: Narinig n’yo si Teacher Kristine , ang inyong guro sa Filipino 2 mula sa Talusan

165 Elementary School, Balingasag South District. Natutunan ninyo sa araw na ito ang

166 tungkol sa pagsasabi ng mensahe, (PAUSE)paksa o tema sa patalastas,

167 (PAUSE)kwentong kathang-isip, (PAUSE) tunay na pangyayari o pabula.

168 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

169 HOST: Oh hindi ba? Kayang-kaya na ninyo ngayong masabi ang mensahe, paksa o tema sa

170 patalastas, kwentong kathang-isip, tunay na pangyayari o pabula. (PAUSE)

171 Ngayong tapos na ang inyong leksyon, oras na para tasahin o sukatin ang inyong

172 kaalaman ukol sa aralin.

173 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

174 HOST: Kunin n’yo muna ang inyong notebook at lapis. Isulat ang inyong pangalan,

175 seksyon, at petsa ngayong araw. Ang petsa ngayon ay dalawampu’t- isa ng Oktobre

176 2020. Tapos na ba kayo? (PAUSE)Magaling! Simulan na natin.

177 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

178 HOST: Makinig kayo ng mabuti. May tatlong tanong lamang kayong sasagutan. Isulat ang

179 titik ng tamang sagot. (PAUSE) Hinga nang malalim. Kayang-kaya n’yo ito! Game

180 na? Okay!

181 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

-MORE-
Page 9 of 10

182 HOST: Narito ang talata. (PAUSE) Pinitas ni Ate Ditas ang pulang rosas sa hardin ngunit

183 biglang naging kulay itim ang rosas. Ang sabi ni nanay nagalit ang diwata ng mga

184 bulaklak. Muli, narito ang talata. Pakinggan nyong mabuti. Pinitas ni Ate Ditas ang

185 pulang rosas sa hardin ngunit biglang naging kulay itim ang rosas. Ang sabi ni

186 nanay nagalit ang diwata ng mga bulaklak.

187 BIZ: STINGER IN

188 HOST: Unang tanong, bakit naging itim ang rosas? (PAUSE) a. dahil nalanta ang rosas

189 (PAUSE) b. dahil nagalit ang diwata (PAUSE) c. dahil nahulog ang rosas sa lupa

190 (PAUSE) d. dahil nilagyan ng kulay ang rosas (PAUSE)

191 BIZ: MSC UP FOR 10 SECONDS THEN UNDER

192 HOST: Ikalawang tanong, anong mensahe ang ibig iparating ng talata? (PAUSE) a. nagalit

193 ang nanay (PAUSE) b. ang diwatang masama (PAUSE) c. sirain ang mga bulaklak

194 (PAUSE) d. huwag pipitas ng mga bulaklak na walang pahintulot.

195 BIZ: MSC UP FOR 10 SECONDS THEN UNDER

196 HOST: Ikatlong tanong, anong tawag sa virus na kumakalat ngayon na naging sanhi ng

197 pagkamatay ng tao? (PAUSE) a. polio (PAUSE) b. tigdas (PAUSE) c. bird flu

198 (PAUSE) d. COVID-19.

199 BIZ: MSC UP FOR 10 SECONDS THEN UNDER

200 BIZ: MSC OUT

201 HOST: At dito nagtatapos ang ating maiksing pagsusulit. Nasagutan n’yo ba lahat ng mga

202 tanong? (PAUSE) Magaling! Tingnan niyo ang ibinigay na answer key upang

203 malaman niyo kung wasto lahat ang inyong sagot. (PAUSE)

-MORE-
Page 10 of 10

204 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

205 HOST: Isang leksyon na naman ang ating natapos. Upang mas maunawaan at mahasa pa

206 ang inyong galing, ipagpatuloy niyo lang ang pagbasa at pagsagot sa iba pang

207 sanayang Gawain.

208 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

209 HOST: Ang susunod nating aralin ay ukol sa Visualizing and Counting Numbers.

210 Siguruhing tumutok sa ating paaralang panghimpapawid ngayong Biyernes Oktubre

211 23, 2020. Hanggang sa muli, ako si Teacher Jan Mae Galendez Labadan mula sa

212 Talusan Elementary School, Balingasag South District. Laging tandaan, mag-aral

213 nang mabuti. Ito ang susi natin tungo sa isang masaganang bukas. Paaalam! Shine!

214 Balingasag South Shine!

215 BIZ: MSC UP THEN OUT

-MORE-

You might also like