You are on page 1of 157

FILIPINO

IKASIYAM NA LINGGO
ARALIN 9
Mapagtimpi at Matiisin,
Iyan ang Tunay na Pilipino

2
UNANG ARAW
JAY CRIS S. MIGUEL

3

Mahalagang Kaisipan
Ang ikatatagumpay ng layunin ng pamahalaan
ay nakasalalay sa pakikiisa at
pakikipagtulungan ng mga mamamayan.

4
PAGHANDAAN NATIN

Ano ang Brigada


Eskwela?
5
PAGHANDAAN NATIN

Para saan ang


Brigada Eskwela?
6
PAGHANDAAN NATIN

Saan ginagawa ang


Brigada Eskwela?
7
PAGHANDAAN NATIN

Sino-sino ang dapat


makilahok sa Brigada
Eskwela?
8
PAGHANDAAN NATIN

Ang Brigada Eskwela o Bayanihan sa Paaralan ay


isang taunang programa ng Kagawaran ng Edukasyon.
Ito ay ang boluntaryong pagtutulungan ng mga mag-
aaral, mga magulang, pamayanan, lokal na pamahalaan,
at maging ng nongovernmental organizations (NGOs)
para ayusin ang mga sirang kagamitan, pagandahin, at
linisin ang mga silid-aralan para sa paghahanda sa
pagsisimula ng pasukan.
9
PAGHANDAAN NATIN

Ano’ng Mayroon?
Abala ang lahat ng antas sa Paaralang
Elementarya ng Maunlad. Ito ang paaralang
pinapasukan ni Jose at ng kaniyang mga kaibigan. Sila
at ang mga guro ay tulong-tulong sa pagsasaayos at
paglilinis nito. May darating daw kasing mga
tagapangasiwa ng rehiyon. Dito sila unang magsasagawa
10
PAGHANDAAN NATIN

ng mga pagsusuri at survey kaugnay ng pagtuturo


alinsunod sa K to 12. Bukod dito, titingnan din nila
ang buong kapaligiran ng paaralan kung ito ba ay
maayos at malinis. Kung ito ay may kaaya-ayang
paligid at mga silid-aralan na makadaragdag ng
motibasyon sa mga bata upang mag-aral nang mabuti.
Kaya maging ang mga namumuno sa Samahan ng mga
11
PAGHANDAAN NATIN

Magulang ay maagang nagkaroon ng Brigada Eskwela.


Brigada Eskwela ang tawag sa taunang
ginagawang paglilinis at paghahanda ng mga guro,
magulang, at iba pang kasapi ng pamayanan upang
ihanda ang paaralan sa darating na pasukan.
Naglilinis ng paligid ang lahat at isinasaayos ang mga
sira at lumang mga upuan, nagpipintura ng mga silid-
12
PAGHANDAAN NATIN

aralan, nag-aayos ng silid-aklatan, at iba pa. Tinitiyak


na magiging ligtas ang buong paaralan sa anumang
banta ng pagkakasakit ng mga mag-aaral dahil sa
maruming paligid.
Sadyang mapagtimpi at matiisin sa lahat ng
bagay ang mga Pilipino. Kaya nga di alintana ng mga
mag-aaral, magulang, at mga guro ang hirap at pagod
13
PAGHANDAAN NATIN

sa kanilang pagbibrigada. Lahat ng pagod at hirap na


kanilang dinanas ay tinatanggap nila bilang
kaligayahang hatid ng kanilang pagtulong at
pagkakaisa.

14
PAG-UNAWA
SA BINASA
15
PAG-UNAWA SA BINASA

Sagutin ang mga sumusunod


na tanong ayon sa iyong binasa.
1. Sino ang mga abala?
2. Bakit abala ang lahat?
16
PAG-UNAWA SA BINASA

3. Sino ang darating?


4.Ano ang ginawang
paghahanda ng paaralan?
17
PAG-UNAWA SA BINASA

5. Bakit isinasagawa ang


katulad na gawain gaya ng
Brigada Eskwela?
18
PAG-UNAWA SA BINASA

6. Paano nagiging
matagumpay ang gawain
ayon sa tekstong binasa?
19
PAG-UNAWA SA BINASA

7. Gaano kahalaga ang


Brigada Eskwela? Masaya
ba ang maging kabahagi
nito?
20
TALASALITAAN
21
TALASALITAAN

Hanapin ang mga pariralang nasa


susunod na slide mula sa tekstong
binasa upang matukoy ang kahulugan
nito. Gamitin ang mga ito sa sariling
pangungusap.
22
TALASALITAAN

1. paaralang pinapasukan
2. pagsusuri at survey
3. ihanda ang paaralan
23
TALASALITAAN

4. banta ng pagkakasakit
5. bahagi ng pamayanan

24
GAWAIN
25
GAWAIN

Bilang isang mag-aaral sa


ikalimang baitang, paano mo
maipapakita ang iyong pagiging
mapagtimpi at matiisin?
26
GAWAIN

Isulat ang iyong mga paraan ng


pagpapakita ng pagiging mapagtimpi
at matiisin sa loob ng graphic
organizer na nasa susunod na slide.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.
27
Mapagtimpi
at Matiisin
Ako

28
PAGSIKAPAN
NATIN
PAGSIKAPAN NATIN

Balikan ang akdang “Ano’ng Mayroon?”.


Isulat sa kuwaderno ang mga bagong
kaalamang iyong natutunan sa akda.
Halimbawa:
Kahalagahan ng pagkakaisa
30
TAKDANG-ARALIN

Ibigay ang kasalungat ng mga salita sa


bawat bilang na nasa susunod na slide
upang higit na maunawaan ang
kahulugan nito. Isulat ang iyong mga
sagot sa iyong kuwaderno.
31
TAKDANG-ARALIN

1. pagsasaayos
2. paglilinis
3. alinsunod
4. banta
5. alintana
32
IKALAWANG ARAW
JAY CRIS S. MIGUEL

33
PAG-ISIPAN
NATIN
34
PAG-ISIPAN NATIN

Kailan ginagamit ang


panghalip pamatlig sa
pagbuo ng pangungusap?
35
PAG-ARALAN NATIN

Ang panghalip pamatlig


ay mga panghalip na
inihahalili o ipinapalit sa
pangngalan na itinuturo.
36
PAG-ARALAN NATIN

Mga uri ng panghalip pamatlig:


“Anyong ang” (Paturol)
“Anyong ng” (Paari)
“Anyong sa” (Paukol)
37
PAG-ARALAN NATIN

“Anyong ang” (tinatawag na


paturol): ito, iyan, iyon
 Ipinapalit ito sa mga pangngalan
o mga pariralang pangngalan na
nagsisimula sa ang, si, at sina.
38
HALIMBAWA

Ang uniporme ay ilalagay mo sa


hanger. Iyan ang ilalagay mo sa
kabinet.

39
PAG-ARALAN NATIN

“Anyong ng” (tinatawag na


paari): nito, niyan, noon
 Ipinapalit ito sa mga pangngalan
o pariralang pangngalan na
nagsisimula sa ng.
40
HALIMBAWA

Bibili ako ng camote cue.


Bumili ako niyan.

41
PAG-ARALAN NATIN

“Anyong sa” (tinatawag na paukol): dito,


diyan, doon
 Ipinapalit ito sa mga pangngalan na hindi
tao o mga parirala na nagsisimula sa sa.
Ginagamit itong pantukoy sa isang pook,
dako, o panig na malapit o kaya’y malayo
sa nagsasalita at sa kausap.
42
HALIMBAWA

Maglalaro kami sa basketball


court. Dito kami magpapalipas
ng oras.
43
PAG-ARALAN NATIN

Napapalitan ng letrang “r” ang letrang “d” sa


mga panghalip pamatlig na dito, diyan, doon
kapag napapagitna sa dalawang patinig at
kapag napangunahan ang letrang “d” ng
isang pantig o salitang nagtatapos sa
letrang “a”
44
HALIMBAWA

Pupunta rito sina Abigael


mamayang gabi.

45
PAGSIKAPAN
NATIN
PAGSIKAPAN NATIN

A. Tukuyin ang panghalip


pamatlig na ginamit sa
bawat pangungusap sa
mga susunod na slides.
47
PAGSIKAPAN NATIN

1. Kanina lamang ay bitbit


niya ang payong, bakit
kaya nawala iyon?
48
PAGSIKAPAN NATIN

2. Hinanap ko nang
matagal ang aklat
na ito.
49
PAGSIKAPAN NATIN

3. Dito lamang pala sa


sulok ng silid-aklatan ko
naiwan ang aking
kuwaderno.
50
PAGSIKAPAN NATIN

4. Mabuti at dito lamang


naiwan at hindi nawala.
51
PAGSIKAPAN NATIN

5. Sa susunod, iiwan ko ito


roon sa counter para hindi
ko makalimutan.
52
PAGSIKAPAN NATIN

6. Kami ay magkikita doon


sa Robinson’s Place
Tuguegarao.
53
PAGSIKAPAN NATIN

7. Ito ang nais kong bilhing


libro.
54
PAGSIKAPAN NATIN

8. Dito siya pupunta


pagkatapos mamili.
55
PAGSIKAPAN NATIN

9-10. Tumawag sa bahay si Rico at


sumagot si Ate Laura. “Hello, Ate
Laura. Si Nico po ito. Dumaan po ba
riyan si Allan? Sabi niya po may
iiwan siya para sa akin diyan.”
56
PAGSIKAPAN NATIN

B. Piliin ang panghalip


pamatlig sa loob ng panaklong
na naaangkop sa bawat
pangungusap sa mga susunod
na slides.
57
PAGSIKAPAN NATIN

1. Ang haba na ng buhok


mo? Kailan mo ipapagupit
(ito, iyan, iyon)?
58
PAGSIKAPAN NATIN

2. Pudpod na ang tsinelas


na suot ko. Kailangan
palitan ko na ang mga (ito,
iyan, iyon).
59
PAGSIKAPAN NATIN

3. Tingnan mo ang aso ng


kapitbahay natin. Mukhang
matapang (ito, iyan, iyon).
60
PAGSIKAPAN NATIN

4. Halika (rito, riyan, roon).


May sasabihin akong sikreto
sa iyo.
61
PAGSIKAPAN NATIN

5. Huwag kang dumaan (dito,


diyan, doon) dahil basa ang
sahig na iyan.
62
PAGSIKAPAN NATIN

6. May upuan sa likod mo.


(Dito, Diyan, Doon) ka umupo.

63
PAGSIKAPAN NATIN

7. (Dito, Diyan, Doon) sa


malayo ang kotse.

64
PAGSIKAPAN NATIN

8. May nakita akong kalapati


sa bubong. Nasaan kaya ang
bahay (nito, niyan, niyon)?
65
PAGSIKAPAN NATIN

9. Sino ang may-ari (nitong,


niyang, niyong) bolang hawak
mo?
66
PAGSIKAPAN NATIN

10. Ito ang bisikleta ni Joseph.


May butas raw ang gulong
(nito, niyan, niyon).
67
PAGSIKAPAN NATIN

11. Maganda ang relong suot


mo. Saan mo nabili (ito, iyan,
iyon)?
68
PAGSIKAPAN NATIN

12. Kailangan kong makausap


si Dianne. Hanapin mo siya at
sabihin mo na pumunta agad
(dito, diyan, doon).
69
PAGSIKAPAN NATIN

13. Sandali na lang ako.


Tatapusin ko lang (itong,
iyang, iyong) ginagawa ko.
70
PAGSIKAPAN NATIN

14. Nakita mo ba ang kapares


(nitong, niyang, niyong)
medyas na hawak ko?
71
PAGSIKAPAN NATIN

15. Kanina ka ba diyan sa


kotse. Ano ba ang sira ng
makina (nito, niyan, niyon)?
72
TAKDANG-ARALIN

Sagutin ang PAGSIKAPAN


NATIN “A” sa pahina 54 (Alab
Filipino). Isulat lamang ang
iyong mga sagot sa kuwaderno.
73
IKATLONG ARAW
JAY CRIS S. MIGUEL

74

Mahalagang Kaisipan
Ang sinumang may sapat na karunungan
ay kailangang sagutin nang wasto ang
mga hinihinging impormasyon sa mga
pormularyo.

75
Basahin natin ang
maikling akda sa
susunod na slide.
76
Sa paaralan, sa ilalim ng puno
ng mangga habang nagbabasa ang
magkakaibigang sina Cynthia,
Maricar, Sonia, at Gemma. Naalala
ni Cynthia ang takdang-aralin na
ibinigay sa kanila ng guro.
77
“Oo nga pala, mayroon tayong
takdang-aralin sa Filipino,” ang
wika ni Cynthia.
“Ah, oo nakagawa na ba kayo?”
tanong ni Maricar.
78
“Hindi pa, bukas pa naman yun,”
sagot ni Sonia.
“Halikayo, pumunta tayo sa
silid-aklatan, hanapin natin doon
ang mga kasagutan,” ang sabi ni
Cynthia.
79
Nilisan nila ang lugar at pumunta sa
silid-aklatan. “Magandang tanghali po
Gng. Rosel, kami po ay manghihiram ng
aklat upang mahanap ang kasagutan sa
aming takdang-aralin,” ang sabi ni
Cynthia.
80
“Maaari na po ba kaming kumuha
ng aklat?” tanong ni Maricar.
“Hindi pa, kailangang sagutan niyo
muna ang Pormularyong Pang-aklatan,”
ang sagot ni Gng. Rosel.
81
Iniabot sa kanila ni Gng. Rosel ang
Pormularyong Pang-aklatan at
sinimulan itong sagutan. Nagpasiya ang
apat na si Cynthia na lamang ang
magbibigay ng mga datos sa
pormularyo.
82
Narito ang Pormularyong Pang-aklatan
na kanyang sinagutan:

PANGALAN NG
PAMAGAT AT BATANG GUMAMIT PETSA NG PETSA NG
NUMERO NG AKLAT O NANGHIRAM NG PAGKAKAHIRAM PAGSASAULI
AKLAT

ALAB
Cynthia M.
FILIPINO Agosto 1, 2018
Manalo
(F 223)

83
Pagkatapos sagutan ni Cynthia ang
pormularyo, iniabot niya ito kay Gng.
Rosel. “Tama ang mga impormasyon na
inilagay mo sa pormularyo. Sige, ito na
ang aklat,” sabi ni Gng. Rosel. “Ingatan
ninyo ang paggamit nito,” dagdag pa
niya.
84
“Opo, salamat po,” sagot ng
magkakaibigan. “Madali lang palang
sagutan ang pormularyong pang-
aklatan. Dapat ay makatotohanan ang
mga impormasyong ilalagay,” wika ni
Cynthia.
85
“Oo nga, halikayo gumawa na tayo ng
ating takdang-aralin,” ang sabi ni Maricar.
Pumunta sila sa mesa at umupo. Sinimulan
nilang gawin ang kanilang takdang-aralin.
Kinabukasan, nagwasto ng takdang-aralin ang
kanilang guro at buong husay nilang nasagot ang
kanilang takdang-aralin.
86
PAG-UNAWA
SA BINASA
87
PAG-UNAWA SA BINASA
Sagutin ang mga sumusunod na
tanong ayon sa iyong binasa.
1. Sino-sino ang mga gumanap sa
maikling akda?
2. Ano ang naalala ni Cynthia habang
nagbabasa silang magkakaibigan?
88
PAG-UNAWA SA BINASA

3. Saan pumunta ang magkakaibigan


upang mahanap ang sagot sa kanilang
takdang-aralin?
4. Ano ang sinagutan ni Cynthia bago
makahiram ng aklat?
89
PAG-UNAWA SA BINASA
5. Ano-anong mga impormasyon ang
isinulat ni Cynthia sa pormularyong
pang-aklatan?
6. Bakit hindi niya binigyan ng datos ang
panghuling hanay sa pormularyong
pang-aklatan?
90
PAG-UNAWA SA BINASA

7. Tama ba ang ibinigay na mga


datos ni Cynthia?
8. Bakit mahalaga ang pagbibigay
ng tamang impormasyon sa mga
pormularyong ating sinasagutan?
91
PAGSAGOT SA MGA HINIHINGING IMPORMASYON
NG IBA’T IBANG FORMS

May iba’t ibang “forms” o


pormularyong dapat
sagutin para makuha ang
pangangailangan.
92
PAGSAGOT SA MGA HINIHINGING IMPORMASYON
NG IBA’T IBANG FORMS

Kapag ikaw ay humihiram ng


aklat sa silid-aklatan ay
kailangan mo munang mapunan
ng hinihinging impormasyon ang
pormularyong pang-aklatan.
93
PAGSAGOT SA MGA HINIHINGING IMPORMASYON
NG IBA’T IBANG FORMS

Kapag ibig mong maglabas ng


pera o magdeposito ng pera sa
bangko ay kailangan ang
“withdrawal slip” o “deposit slip”
94
PAGSAGOT SA MGA HINIHINGING IMPORMASYON
NG IBA’T IBANG FORMS

Kinakailangang maging tapat at


totoo sa pagbibigay ng
impormasyong hinihingi ng isang
pormularyo, dahil kung hindi, ito ay
maaaring magpahamak sa iyo.
95
GAWAIN
96
GAWAIN

Sagutin ang mga hinihinging


impormasyon ng pormularyo sa
susunod na slide. Ilagay ito sa iyong
kuwaderno.
97
PANGALAN:___________ GULANG:______________ KASARIAN:____________

KUMPLETONG TIRAHAN:_________________________________________________
Barangay Bayan/Lungsod Probinsiya

PETSA NG KAPANGANAKAN:_____________________________________________
Buwan Araw Taon

PANGALAN NG INA:_____________________________ TRABAHO:_____________

PANGALAN NG AMA:____________________________ TRABAHO:_____________

BILANG NG KAPATID NA BILANG NG KAPATID NA PANG-ILAN SA


BABAE:_______________ LALAKI:_______________ MAGKAKAPATID:_______
98
IKAAPAT NA ARAW
JAY CRIS S. MIGUEL

99
Malaking tulong ang
makabagong teknolohiya
sa pag-usad ng kaalaman
at ng edukasyon.
100
Subalit kailangan nating
tandaan na nararapat nating
gamitin ito ng wasto.
101
Huwag nating hayaan ang
ating sarili na abusuhin ang
teknolohiya.
102
TANONG

Ano-ano ang mga


makabagong teknolohiya
natin sa kasalukuyan?
103
TANONG

Ano-ano ang mabuti at


masamang naidudulot ng
makabagong teknolohiya?
104
Sa kasalukuyang panahon,
marami na ang nagsulputang
makabagong teknolohiya na
makatutulong sa pagpapadali
105
ng mga gawain natin.
Isa na rito ang
“COMPUTER”
106
Alam mo ba kung sino
ang nakaimbento ng
“computer”?
107
Basahin natin ang
tungkol sa kasaysayan
ng computer.
108
KASAYSAYAN NG COMPUTER
Si Charles Babbage, isang
Ingles na mahusay sa Matematika
ang unang nakaisip ng ideya
tungkol sa isang mechanical
digital computer noong 1830.
109
KASAYSAYAN NG COMPUTER
Nagdisenyo at gumawa siya ng isang
makinang tinagurian niyang analytical
engine. Hindi ito natapos ni Charles,
ngunit nagsilbi itong batayan ng mga
computer sa kasalukuyan ang mga
simulaing ginamit niya sa kaniyang
disenyo.
110
KASAYSAYAN NG COMPUTER
Pagkaraan ng sandaang taon, isang
inhinyerong elektrikal na Amerikano, si
Vannevar Bush, ang gumawa ng unang analog
computer. Tinawag naman niya itong differential
analyzer. Noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig mula 1939 hanggang 1945, gumawa
ang mga inhinyero ng elektrikong computer para
sa mga kanyong panudla ng mga eroplano.
111
KASAYSAYAN NG COMPUTER
Nakumpleto ang unang computer na digital,
ang Mark I, noong 1944 ni Howard Aiken, isang
propesor sa Pamantasan ng Harvard. Si JohnVon
Neumann naman ang nakaisip gumawa ng isang
computer na nakapagtatago ng programa sa
memorya ng makina. Ang unang mga disenyo ng
computer ay nakabubuo ng programa, ngunit
hindi nakakapagtago nito.
112
KASAYSAYAN NG COMPUTER
Sinasabing may tatlong henerasyon ang
mga computer. Binubuo ang unang
henerasyon ng mga computer noong dekada
50. Noon pa man, ang mga computer ay
nakagagawa na ng libu-libong kalkulasyon sa
loob lamang ng isang segundo.
113
KASAYSAYAN NG COMPUTER
Nalinang ang ikalawang henerasyon ng mga
computer noong dekada 60 na ang kahusayan ay
10 ulit kaysa sa unang henerasyon. Noong 1965,
lumabas ang ikatlong henerasyon ng computer
na ang kahusayan ay halos 100 ulit ang kahigitan
sa ikalawang henerasyon. Nakagagawa ito ng
isang milyong kalkulasyon sa loob lamang ng
isang segundo.
114
KASAYSAYAN NG COMPUTER
Mula noon, patuloy nang umunlad ang mga
disenyo ng computer. Laganap na ito sa lahat ng
larangan ng buhay tulad ng industriya,
edukasyon, komunikasyon, transportasyon,
medisina, at iba pa. Kaya sinasabing ang
kasalukuyan at ang hinaharap ay lubusan ng
magiging panahon ng mga computer.
115
PAG-UNAWA
SA BINASA
116
PAG-UNAWA SA BINASA

1. Sino si Charles Babbage?


2. Anong uri ng computer ang
unang naisip ni Charles Babbage?
3. Kailan niya ito naimbento?
117
PAG-UNAWA SA BINASA
4. Ano ang itinawag ni Charles
Babbage sa kanyang naimbentong
unang computer?
5. Ano-anong mga bagong kaalaman
ang iyong natutunan sa tekstong
iyong binasa?
118
PANGKATANG
GAWAIN
119
PANGKATANG GAWAIN
Mahahati ang klase sa apat na
grupo. Hanapin sa bawat talata ng
binasang sanaysay ang mga bagong
kaalaman na inyong natutunan.
Gawin ang nakalagay sa susunod na
slide.
120
UNANG PANGKAT
KASAYSAYAN NG COMPUTER

121
IKALAWANG PANGKAT

KASAYSAYAN
NG
COMPUTER

122
IKATLONG PANGKAT

123
IKAAPAT NA PANGKAT

124
“PAGTALAKAY SA
PANGKATANG
GAWAIN”
IKALIMANG ARAW
JAY CRIS S. MIGUEL

126
Paano mo maiiwasan
ang sakit na dulot ng
tag-ulan?
127
Paano mo malalaman
na uulan?
128
Kayo ba ay nakikinig
o nanonood ng balita?
Bakit?
129
Basahin natin ang
balita sa susunod na
slide.
130
Mga Mag-aaral Pinag-iingat Ngayong
Tag-ulan

Magandang tanghali bayan,


nagbabala ang Kagawaran ng
Kalusugan tungkol sa mga sakit na
dulot ng tag-ulan. Pinaaalalahanan
131
Mga Mag-aaral Pinag-iingat Ngayong
Tag-ulan
ang mga magulang na huwag hayaan
ang mga bata na maglaro sa mga
lugar na may mataas na tubig.
Magsuot ng anumang bagay na
natatakpan ang paa upang maiwasan
132
Mga Mag-aaral Pinag-iingat Ngayong
Tag-ulan
ang anumang bacteria na nagdudulot ng sakit
na leptospirosis mula sa ihi at dumi ng daga.
Hugasan ng sabon at punasan ng malinis na
tuwalya ang paa pagkatapos lumusong sa
tubig.
Maging maingat sa kalusugan upang
sakit ay maiwasan.
133
PAG-UNAWA
SA BINASA
134
PAG-UNAWA SA BINASA

1. Tungkol saan ang balita?


2. Sino ang pinag-uukulan ng balita?
3. Anong sakit ang maaari mong
makuha kung maglalaro ka sa tubig
ulan na may ihi o dumi ng daga?
135
PAG-UNAWA SA BINASA

4. Ano ang dapat mong gawin upang


makaiwas sa sakit na dulot ng ulan?
5. Magbigay ng iyong opinyon o
saloobin sa nabasang balita. Ano ang
masasabi mo ukol dito?
136
BASAHIN NATIN

Masining nga Ba?


Sa larangan ng embroidery, kilala
dito ang bayan ng Lumban. Ito ay
tinaguriang “ Embroidery Capital of
the Philippines”, na maipagmamalaki
ng mga Lumbeneo.
137
BASAHIN NATIN

Kahapon, ika-22 ng Setyembre, ako ay


ay napadaan sa bayan ng Lumban. Aking
nasaksihan ang pagdiriwang ng “Lumban
Festival”. Ito ay pinamunuan ng kanilang
punung-bayan na si Doktor Reynato R.
Anonuevo kasama ang mga miyembro ng
sangguniang bayan.
138
BASAHIN NATIN

Sa pasimula ay nagkaroon ng parada ang


ibat-ibang lupon ng mga kawani ng bayan
na nakasuot ng iba’t-ibang istilo ng
barong. Makikita sa kanilang suot ang
mga nakamamanghang disenyo na
nagpapakita ng pagiging malikhain ng
mga Pilipino.
139
BASAHIN NATIN

Sa plasa ay nakadisplay ang iba’t-ibang


yari ng barong at mga burda nito.
Mayroon yari sa kamay at makina,
mayroon ding yari sa painting at iba’t-
ibang istilo ng tela tulad ng pininyahan,
pinya, husi at iba pa.
140
BASAHIN NATIN

Nagkaroon din ng paligsahan sa


pagtahi sa kamay ng mga disenyo ng
barong. Marami ang lumahok dito at
isa ay si Gng. Alice B. Gaza, guro ng
Paaralan ng Maytalang-I na siyang
itinanghal na nagwagi.
141
BASAHIN NATIN

Sinundan ito ng iba pang


paligsahan tulad ng painting,
mga palaro ng bayan tulad ng
palosebo, tag of war at iba pa.
142
BASAHIN NATIN

Mababakas ang kasiyahan


sa mga Lumbeneo sa kanilang
pagdiriwan ng Lumban Festival
na sadyang ipinagmamalaki.
143
PAG-UNAWA SA BINASA

1. Tungkol saan ang balita?


2. Sa anong titulo tinawag ang
bayan ng Lumban?
3. Kailan nila ipinagdiwang
ang Lumban Festival?
144
PAG-UNAWA SA BINASA

4. Sino-sino ang namuno dito?


5. Ano-ano ang makikita sa
mga barong na suot ng mga
kawani ng bayan?
145
PAG-UNAWA SA BINASA

6. Ano-ano ang makikita sa


plasa?
7. Ano-ano ang mga
paligsahang isinagawa sa
146
festival?
PAG-UNAWA SA BINASA

8. Masasabi mo ba na
masining ang mga
Lumbeneo? Bakit?
147
Ano-ano ang dapat
tandaan sa pagbibigay ng
opinyon sa balitang
napakinggan?
148
GAWAIN
149
Basahin at unawain ang
balita sa susunod na slide.
Magbigay ng iyong opinyon o
reaksiyon tungkol dito.
150
“Paggamit ng Makabagong
Teknolohiya sa Pagtuturo sa
mga Paaralan sa Ilocos Sur,
Sinimulan”
151
Dahil sa mabilis na pag-unlad ng
teknolohiya sa larangan ng pagtuturo, nais rin
makasabay ng Provincial Government ng
Ilocos Sur ang mga paaralan at mga guro dito
sa Ilocos Sur, kung kaya’t namahagi ng laptop
at isang set ng projector sina Ilocos Sur
Governor Ryan Asistio at SK Federation
152 President Mendoza.
Layon ng pamamahagi na maitaas ang antas ng
kalidad ng pagtuturo sa mga paaralan gamit ang
teknolohiya upang lalong maging mabisa at
maunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang mga
aralin. Kapwa tiwala ang dalawa na sa
pamamagitan nito ay higit na magiging maganda
ang takbo ng paaralan kumpara sa nakasanayang
153
tradisyunal na pamamaraan.
(Ulat ni Benny Malicdem) -
[Septembet 18, 2013]
154
MARAMING SALAMAT!
#ParaSaBata
#ParaSaBayan
migueljaycris119@gmail.com
Para sa inyong mga komento at
mungkahi, mangyari lamang na
magpadala ng mensahe sa aking
Facebook account:
Jay Cris Miguel
Credits

Special thanks to all the people who made and released these
awesome resources for free:
◆ Presentation template by SlidesCarnival
◆ Alab Filipino (Batayang Aklat)
◆ www.samutsamot.wordpress.com (Website)
◆ FILIPINO Q1 TG in pdf format (from lrmds.deped.gov.ph)
◆ FILIPINO 5 TG by Alice B. Gaza (from depedtambayanph.blogspot.com)
◆ Hiyas sa Pagbasa (Batayang Aklat)
◆ Hiyas sa Wika (Batayang Aklat)
157

You might also like