You are on page 1of 19

1 PAHINA SA

Title: Paaralang Panghimpapawid sa Grade 10 Edukasyon sa Pagpapakatao


Topic: Modyul 4: Paggalang sa Buhay
Length: 40 minutes
Scriptwriter:
Layunin: Nakabubuo ng mapaninindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa paglabag sa
paggalang sa buhay ayon sa moral na batayan (EsP10PB-IId-10.4)
________________________________________________________________
1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2 BIZ: MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER FOR

3 HOST : Magandang3x BUHAY mga minamahal naming tagapakinig lalo na sa

4 mga mag-aaral natin sa ika sampung baitang! Ito ang inyong paaralang

5 panghimpapawid sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10! Natutuwa kaming

6 makasama kayo sa ating pag-aaral sa pamamagitan ng radio. Ako

7 ang iyong lingkod, na si Ginoong GERVIEN JAY D. LANOY mula sa

8 SALUD CAGAS TECHNICAL AND VOCATIONAL HIGH SCHOOL at

9 kasama din natin ngayon ang mga magaganda na mga guro mula sa

10 Magsaysay South District ________ mula sa at ___________ mula sa

ALL: MAGARBOHONG DAVAO DEL SUR KANATONG TANAN

11 BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER FOR

12 HOST: Bago tayo mag umpisa ay babatiin muna natin ang mga kapwa nating guro na
13 busy-ing busy ngayon sa pag piprint, pag sosorting, pag check ng modules at
14 siguro meron ding mga guro ngayon na nag bibigay at kumukuha ng mga modules.
15 Ito na ang ating sinasabi mga ma’am at sir na LABAN LANG! PARA SA BATA AT
16 PARA SA BAYAN!
BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER FOR

17 HOST : Mga bata, Handa na ba kayo sa ating aralin ngayong araw? Teka

18 siguraduhin lang ninyo na nasa komportableng lugar kayo at maayos

19 na napakikinggan ang ating broadcast sa oras na ito. (PAUSE) O ano?

20 Handa ka na ba? Halina at sabay tayong matuto.


2 PAHINA SA

1 BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER FOR

2 HOST : Sa puntong ito, nais kong kunin ninyo ang inyong modyul 4 sa ikatlong quarter

3 sa ESP para sa ating leksiyon ukol sa Paggalang sa Buhay. Inuulit ko, ang

4 leksiyon natin ngayon ay tungkol sa Paggalang sa Buhay. Sige! ihanda nyo na ang

5 inyong Modyul.

BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER FOR

__________________________________________________________________

BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER FOR

6 HOST: Ngayon buksan ang inyong modyul sa Subukin na nasa pahina

7 isa. (PAUSE) Basahin nga natin nang sabay-sabay ang panuto.

8 Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.

9 Piliin ang TITIK ng pinakaangkop na sagot at isulat ang sagot sa sagutang

10 papel. Handa ka na bang sagutin ang mga ito? (PAUSE) HETO NA ANG

11 MGA TANONG.

12 UNA Bakit pinakamataas ang antas ng tao sa lahat ng nilikha na may

buhay?

13 a. Nilikha siyang may isip, kilos-loob, puso, kamay at katawan na

14 magagamit niya upang makamit niya ang kaganapan bilang tao.

15 b. Taglay niya ang kakayahang piliin ang mabuti para sa sarili at iba pang

16 nilikhang may buhay.

17 c. May kakayahang hanapin, alamin, unawain at ipaliwanag ang mga

18 katotohanan at layunin ng mga bagay-bagay sa kaniyang paligid.

19 d. May isip at kilos-loob na nagbibigay ng kakayahang kumilos, gumawa, at

20 magpahalaga sa kaniyang sarili, kapuwa, at iba pang nilikha.


3 PAHINA SA

1 Maysagot ka na ba? Mahusay ang Tamang Sagot ay A

2 Pangalawa. Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo

3 sa paningin ng lipunan?

4 a. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.

5 b. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng

6 buhay na biyaya ng Dios.

7 c. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan

8 tayong magsikap at magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao.

9 d. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kaniyang kapuwa dahil sa

10 kanila natin matatanggap ang ating mga pangangailangang materyal at

11 ispiritwal.

12 ANO ANG IYONG SAGOT? TAMA ang tamang sagot ay C

13 Pangatlo Saan nagkapantay-pantay ang mga tao?

14 a. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan.

15 b. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya.

16 c. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula

17 rito.

18 d. Sa pagdating ng huling yugto ng kaniyang buhay sa daigdig.

19 Nakuha mo ba? Magaling ang tamang sagot ay C

20 Pang-apat Kailan maaaring mawala ang paggalang sa buhay ng isang tao?

21 a. Kapag siya ang naging masamang tao.

22 b. Sa sandaling nalabag ang kaniyang karapatang pantao.

23 c. Sa oras na niyapakan ng kapuwa ang kaniyang pagkatao

24 d. Wala sa nabanggit
4 PAHINA SA

1 ANO ANG IYONG SAGOT? WASTO ANG SAGOT AY B

2 Pang lima Paano mapananatili ang mataas na antas ng paggalang sa buhay

3 ng tao?

4 a. Kumilos bilang kagalang-galang na indibiduwal.

5 b. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapuwa.

6 c. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging

7 karapat-dapat sa kanilang paggalang.

8 d. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon

9 kundi sa karangalan bilang tao.

10 Ano ang sagot mo? Magaling ang tamang sagot ay B

__________________________________________________________________
11 BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER FOR

12 HOST: Nasagot niyo ba lahat nang tama? (PAUSE) Mahusay! Sana ay

13 galingan niyo pa sa mga susunod nating gawain at pagsusulit.

14 BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER FOR

15 HOST: Handa ka na bang paunlarin ang iyong kaalaman hinggil sa paksa?

16 (PAUSE) Kng oo ang iyong sagot ay may inihanda kami na mga

17 gawain na tiyak na makakatulong sa iyo upang lumawak ang iyong

18 kaalaman hinggil sa paksa.

________________________________________________________________
5 PAHINA SA

BIZ: MUSIC UP FOR 10 SECS AND FADE UNDER FOR

_______________________________________________________________
1 HOST:Ready na, ready na? (PAUSE) Aha…aha! (PAUSE) Okay para maging

2 mas handa kayo sa ating aralin ngayon, inanyayahan ko kayo na kung

3 kailangan ninyong magbanyo ay gawin n’yo na ngayon dahil sa ilang

4 saglit lang ay ihahatid na sa atin ng ating mga guro ang bago nating aralin!

5 BIZ: MUSIC UP FOR 10 SECS AND FADE UNDER FOR

6 HOST: Gaya ng nabanggit ko kanina, ang leksiyon natin sa araw na ito ay

7 tungkol sa Paggalang sa Buhay . Ihanda na ninyo ang inyong

8 Modyul 4 quarter 3 para sa araling ito. (PAUSE) Kung handa na kayo,

9 narito na si Teacher Elaine Lape mula sa Tacul Agricultural High School at si

Teacher Charlyn Ruelo mula sa San Isidro National High School.

BIZ: MUSIC SEGUE TO BIZ: LESSON ID

11 BIZ: MUSIC SEGUE TO BIZ: LESSON ID

12 BIZ: MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER FOR

13 RADIO TEACHER Elaine: Magandang araw mga bata. Ako ang inyong guro sa

14 ESP 10, Teacher Elaine Lape. Ngayon ay pag-uusapan

15 natin ang tungkol sa Paggalang sa Buhay. Inaasahan natin

16 na pagkatapos ng araling ito ay

Napapangatuwiranan na:

A. Mahalaga ang buhay dahil kung wala ang buhay, hindi mapapahalagahan ang mas

mataas na pagpapahalaga kaysa buhay; di makakamit ang higit na mahalaga kaysa

buhay
6 PAHINA SA

B. Ang pagbuo ng posisyon tungkol sa mga isyu sa buhay bilang kaloob ng Diyos ay

kailangan upang mapatibay ang ating pagkilala sa kaniyang kadakilaan at kahalagahan

ng tao bilang nilalang ng Diyos

C. Nakabubuo ng mapaninindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa paglabag sa

paggalang sa buhay ayon sa moral na batayan

BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER FOR

RADIO TEACHER Elaine: Ihanda na ang inyong modyul. Kumuha din ng

notebook at ballpen at magsisimula na tayo.

BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER FOR

1 RADIO TEACHER Elaine: Ang modyul na ito ay isinulat bilang tugon sa iyong

pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala

ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang

oportunidad sa pagkatuto.

___________________________________________________________________

1 BIZ: MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER FOR

2 RADIO TEACHER Charlyn : Sabay-sabay nating tuklasin ang Paggalang sa Buhay

3 (Pause) Buksan ang inyong Modyul sa Pahina Lima (Pause). Sabay-sabay

4 nating gawin ang unang GAWAIN : Subukan mong Magpasya!

5 Panuto: Gawain 1

Panuto: Balikan mo ang mahahalagang pangyayari sa iyong buhay, positibo man

o negatibo. Magtala ng isang negatibo at isang positibong

pangyayari mula sa iyong mga naging karanasan. Sabihin kung ano ang

nagging epekto nito sa iyo? Paano ito nakatulong sa iyo upang mabago

ang pagtingin mo sa buhay?


7 PAHINA SA

Ang buhay ng tao ang pinakadakilang handog ng Diyos sa atin. Nilikha niya

tayong buhay sa Kaniyang sariling larawan at wangis, kung gayon, ang buhay na

ipinagkaloob sa tao ay kakaiba sa kung anong mayroon ang ibang nilikha. Ang

buhay ng tao ang pinakamataas na uri na nilikha ng Diyos. Ito ang

pinakadakilang handog ng Diyos sa tao kaya ang buhay na ito ay sagrado.

Ang buhay ay nararapat na kalingain, pagyamanin, at paunlarin upang ito ay

magamit sa paghanap ng katotohanan at tuparin ang kalooban ng Diyos.

Sagutin Mo

1. Ano ang sinasabi nito kaugnay ng iyong paniniwala ukol sa buhay?

2. Paano nahubog ang ganito mong paniniwala?


8 PAHINA SA

BIZ: MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER FOR

BIZ: MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER FOR

1 BIZ: MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER FOR

2 RADIO TEACHER Charlyn: Nasagutan nyo ba ang lahat ng tanong? Magaling

3 paghusayan nyo pa sa susunod na mga Gawain.

4 BIZ: MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER FOR

BIZ: MUSIC UP FOR 10 SECS AND FADE UNDER FOR

8 RADIO TEACHER Charlyn: Tatalakayin natin ngayon ang Paggalang sa Buhay

9 Handa ka na bang suriin ito? Kung ganun Makinig kayong maigi! (Pause)

10 BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER FOR

11 RADIO TEACHER Charlyn:

Ang paggalang sa buhay o paggalang sa sarili ay nangangahulugan na

respeto sa sarili at pagmamahal mo sa iyong sarili. Ang paggalang ay ang

pagpapalagay ng mabuting hangarin at kakayahan ng ibang tao o sa sarili.

Kailangan mayroon itong lalim ng integridad, tiwala at mga komplementaryong

pinapahalagahang kaugaliang wagas at kasanayan.

Dinadagdag ng paggalang ang pangkalahatang tiwala sa pakikipagugnayan sa

lipunan. Tinutukoy nito ang mga tao na magsama-samang gumawa sa isang

komplementaryong gawi, sa halip na palagiang unawain o sang-ayunan ng bawat

tao ang isa’t isa. Mahalaga ang paggalang sa mga pamayanan dahil tumutulong ito

sa mga tao na makibagay sa ibang mga tao.

Samantala ang pakundangan ay isang salita na nagpapahayag ng antas

ng paggalang. Ang salitang ito ay nahahati sa dalawa at ito ang “paki” at

“dangan” na ang una ay nagpapahayag ng paggalang at ang ikalawa ay


9 PAHINA SA

nagsasabing may mabuting dahilan o katuwiran. Kung gagamitin ang salitang

ito, mag-iisip muna ang isang tao kung itutuloy niya ang gawain sa kaniyang

kapuwa dahil may pakundangan siya.

Kabaligtaran ng paggalang ang paglapastangan na may kahulugang

“kawalan ng pagrespeto”.

Ang “pagpapahalaga sa sarili” at “paggalang sa sarili” o paggalang sa

buhay ay may malaking pagkakaiba. Ang pagpapahalaga sa sarili ay medaling

tumawid sa linya sa kahanga-hanga dahil kahit ang mga serial killer ay may

napakalaking halaga ng pagpapahalaga sa sarili. Ang respeto sa sarili sa

BUHAY

kabilang banda ay may kinalaman sa paghawak sa iyong sarili sa isang

pamantayan. Nangangahulugan ito ng paggawa ng pinakamainam na

pagpapasiya sa kahit anong mapanghamong sitwasyon. Kaya kailangan nating

ihinto ang labis na pagtuon ng pagpapahalaga sa sarili at tulungan ang bawat

isa na igalang ang sarili.

Basahin ito

Iba’t ibang kahulugan ng buhay ayon kay Mother Theresa ng India:

Ang buhay ay oportunidad, makinabang ka dito.

Ang buhay ay maganda, hangaan mo ito.

Ang buhay ay kaligayahan, tikman mo ito.

Ang buhay ay isang pangarap, tanggapin mo ito.

Ang buhay ay isang hamon, harapin mo ito.

Ang buhay ay gawain, tapusin mo ito.

Ang buhay ay laro, laruin mo ito.

Ang buhay ay isang pangako, punan mo ito.


10 PAHINA SA

Ang buhay ay kalungkutan, lampasan mo ito.

Ang buhay ay isang awit, kantahin mo ito.

Ang buhay ay isang laban, tanggapin mo ito.

Ang buhay ay isang trahedya, harapin mo ito.

Ang buhay ay isang pakikipagsapalaran, harapin mo ito.

Ang buhay ay suwerte, gawin mo ito.

Ang buhay ay buhay, ipaglaban mo ito.

Ang buhay ay pinakamahalagang biyaya ng Diyos. Nakaukit sa buhay

ng bawat tao ang kanyang likas na karapatan at dignidad. Isa itong biyaya na

ibinigay sa atin upang kalingain, pagyamanin at paunlarin.

Ngunit sa kabila nito may mga isyung umuusbong na lumalabag sa

kahalagahan ng buhay, unti-unti ng nanganganib ang kalikasan maging ang

sangkatauhan.

10 BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER FOR

11 RADIO TEACHER Elaine:

Mga Isyu na Lumalabag sa Paggalang sa Buhay

1. Alkoholismo – ay ang pinakamalalang uri ng pag-aabuso s aalak. Ito ay ang

kawalan ng kakayahang ilagay sa tama ang pag-inom ng mga nakalalangong

inumin.

2. Paggamit ng ipinagbabawal na gamot – ay tumutukoy sa anomang sangkap,

hindi kasama ang tubig at pagkain na nakakapagpapabago sa takbo ng kaisipan ng

tao at katawan din ng tao. Kinabibilangan ang mga bawal na gamot ang mga

produktong drogang may kapeina, tabako, mga nalalanghap na sangkap o mga

inhalante, ang marihuwana o cannabis, heroina, at mga isteroyd.

3. Aborsiyon- ito ay ang sinadyang pag-alis ng isang fetus o sanggol sa


11 PAHINA SA

sinapupunan ng babae na naging sanhi ng kamatayan nito. Isa itong direktang

pagtanggal ng karapatang mabuhay sa mundo ng isang sanggol.

4. Pagpapatiwakal –ito ay ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay

at naaayon sa sariling kagustuhan.

5. Euthanasia o mercy killing – ay isang gawain kung saan napapasali ang

kamatayan ng isang taong may matindi at wala nang lunas na karamdaman. Ito ay

tumutukoy sa paggamit ng mga modernong medisina at kagamitan upang tapusin

ang paghihirap ng isang maysakit o minsan tinatawag na assisted suicide


12 PAHINA SA

BIZ: MUSIC UP FOR 10 SECS AND FADE UNDER FOR

BIZ: MSC UP FOR 5 SECS, CROSSFADE WITH THEME MSC UNDER

1 BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

2 RADIO Charlyn: Marami na ang iyong nakalap na mga impormasyon

3 hinggil sa paksa. Lahat ng mga iyon ay maging kagamitan mo para sa

4 susunod na gawain.(PAUSE) Simulan na nating pagyamanin ang iyong

5 kaalaman at kakayahan sa Paggalang sa Buhay.

6 May mga tanong ba kayo? (PAUSE) Kung mayroon man kayong hindi

7 nauunawaan, tutulungan kayo ng ating host na si Gervien Jay D. Lanoy para sa recap

ng ating

8 aralin. Hanggang sa susunod nating leksiyon. Ako ang inyong guro sa

9 radyo, Teacher Elaine Lape mula sa TaCUL Agricultural High School at Teacher

Charlyn Ruelo mula sa San Isidro National High School para sa Paaralang Panghimpapawid

sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa ikasampung baitang.

10 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS, CROSSFADE WITH THEME MSC UNDER

11 HOST: Ayan, napakinggan natin si Teacher Elaine at Teacher Charlyn sa kanilang

tinalakay

12 na aralin. Maraming salamat Teacher Elaine at Teacher Charlyn. Talagang

napakahusay nila, tama? (PAUSE) isang masigabong Palakpakan naman diyan. (PAUSE)

Natutunan natin sa tinalakay na aralin ang tungkol sa Paggalang sa Buhay. Nag-enjoy ba

kayo? (PAUSE) Recap tayo maya-maya pagkatapos ng ilang paalala.

16 BIZ:INSERT PLUG (CUE IN:XXXXX THEN CUE OUT:XXXXXXXX)

18 BIZ: MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER


13 PAHINA SA

19 HOST: Nagbabalik tayo sa ating Paaralang Panghimpapawid sa Grade 10

Edukasyon sa Pagpapakatao. Kanina ay tinalakay natin kasama si Teacher Elaine

at Teacher Charlyn ang tungkol sa Paggalang sa Buhay na nangangahulugan na.

Ang paggalang sa buhay o paggalang sa sarili ay nangangahulugan na respeto sa

sarili at pagmamahal mo sa iyong sarili. Ang paggalang ay ang pagpapalagay ng

mabuting hangarin at kakayahan ng ibang tao o sa sarili.

Kailangan mayroon itong lalim ng integridad, tiwala at mga komplementaryong

pinapahalagahang kaugaliang wagas at kasanayan. Natutunan din natin ang Mga

Isyu na Lumalabag sa Paggalang sa Buhay ito ay ang Alkoholismo, Paggamit

ng ipinagbabawal na gamut, Aborsiyon, Pagpapatiwakal, Euthanasia o

mercy killing.

___________________________________________________________________
BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

1 Radio Teacher CHARLYN: Ngayong tapos na ang ating leksiyon. Handa ka na ba

2 sa ilang gawain? (PAUSE) Kung handa ka na, buksan ang iyong modyul sa pahina

3 walo

Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Ibigay ang maaari mong gawin sa

pagharap sa mga ito. Isulat ang sagot sa malinis na papel.

1. Kasama si Agnes sa mga pinakamalubhang nasaktan sa isang aksidente na

naganap noong nakaraang taon. Ayon sa mga doctor/manggagamot nasa comatose

stage siya at maaaring hindi na magkakaroon ng malay. Ngunit posibleng

madugtungan ang buhay niya sa pamamagitan ng life support system. Malaking

halaga ang kakailanganin ng kanilang pamilya upang manatiling buhay si Agnes.

Hindi mayaman ang kanilang pamilya. Sa iyong palagay, makatuwiran bang

ipagpatuloy ang life support system kahit maubos ang kanilang kabuhayan? O
14 PAHINA SA

nararapat na tanggapin na lamang ang kaniyang kapalaran gayong mamamatay rin

naman si Agnes?

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

2. May sakit ang ina ni Nicole. Iniwan na rin sila ng kanyang ama. Siya na lang

ang maaring sumalo sa lahat ng responsibilidad sa pamilya. Minsan naisip niya na

magpakamatay na lang para matapos na ang kanyang problema. Tama kaya ang

gagawin ni Nicole na tapusin na lang ang kanyang buhay upang matapos na ang

kanyang problema?

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

3. Labinlimang taon pa lang si Chenne ngunit sa murang edad niya ay

nagdadalang-tao na siya. Natatakot siyang sabihin sa kanyang mga magulang ang

nangyari sa kanya kaya humingi siya ng tulong sa kaibigan. Dinala siya sa isang

matandang babae at sinabi na ipalalaglag na lang niya ang kanyang baby.

_________________________________________________________________________

BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

2 Radio teacher Charlyn: Nasagutan mo na ba ang mga katanungan? Magaling

3 Tandaan walang mali at tama na sagot sa gawaing ito.

6 Kung sa iyong palagay ay hindi pa sapat ang iyong kaalaman sa paksa,

7 makatutulong ang kasunod na gawain upang madagdagan pa ang iyong kaalaman

hinggil dito.

BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER


15 PAHINA SA

Radio teacher Gervien: pupunta naman tayo sa tandaan natin na nasa pahina pito

Upang mapagtagumpayan ng tao ang anomang hamon ng buhay, mahalagang

linangin niya ang sumusunod:

Una Pagtaas ng kamalayan ukol sa sarili at kakayahang matuto mula sa mga

karanasan o tinatawag na panloob na karunungan.

Pangalawa Pagkakaroon ng malalim at mabuting ugnayan sa kapuwa.

Pangatlo Pagkakaroon ng matibay na pananalig sa Diyos.

Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot.

1. Ang buhay ng tao ang __________________na uri na nilikha ng Diyos. Magaling

ang tamang sagot ay pinakamataas

2. ____________ ang tawag sa pinakamalalang uri ng pag-aabuso sa alak. Mahusay

ang tamang sagot ay alkoholismo

3. Nilikha ng Dios ang tao ayon sa Kaniyang sariling ________ at wangis.Tama ang

sagot ay larawan

4. Nakaukit sa buhay ng bawat tao ang kanyang likas na karapatan at

_________________.Wasto ang tamang sagot ay dignidad

5. Ang buhay ay biyaya na ibinigay sa tao upang kalingain, pagyamanin at

________________.Magaling ang tamang sagot ay paunlarin

2 BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER


3 Radio Teacher Charlyn: atin na naman sasanayin ang inyong kaalaman na nasa
pahina walo
16 PAHINA SA

2 BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER


3 Radio Teacher Elaine:
4 Ngayon sasagutin naman natin ang Gawain sa pahina SIYAM.
Panuto: Basahin ang kuwento.
Gaano Kahalaga ang Buhay?
Isinulat ni Charon
Isang matamlay na babae ang ipinakilala sa akin ng tiyahin ko sampung
taon na ang nakalipas. Naalaala ko pa rin ang kaniyang itsura nang siya ay
aking nakita. Dinala ko siya sa tabing dagat at doon ko mas lubos na nakilala
ang kanyang pagkatao. Sa maikling sandali ng aming pagkakilala ay naging
malapit kami sa isa’t isa.
Siya ay si Ann. Isa siyang kasambahay ng isang mag-asawang malayo
sa isa’t isa. Naiiwan siyang mag-isa sa bahay at bihira lang umuuwi ang
kanyang amo. Madalas siyang pinupuntahan ng kanyang nobyo sa bahay at
maraming beses na siyang nabuntis at nagpalaglag.
Isang araw nakuwento niya sa akin ang balak niyang magpatiwakal
dahil sa hindi na siya pinapatulog ng kanyang konsensiya sa dami ng
kasalanang nagawa niya. Hindi rin daw siya pakakasalan ng kanyang nobyo
dahil sa may iba itong mahal. Awang-awa ako sa kanya. Humingi siya ng payo
sa akin kung ano ang gagawin niya. Wala akong naging tugon sa kanya ng mga
sandaling iyon, ngunit pinag-aralan ko kung ano ang maipapayo ko sa kanya.
17 PAHINA SA

Kinabukasan bumalik ako sa kanila, handa na ako sa gagawin kong


pagtugon sa pangangailangan niya. Ipinakita ko sa kanya ang dala kong
Bibliya ang salita ng Diyos. Ipinaliwanag ko sa kanya kung gaano tayo kamahal
ng Diyos sa kabila ng ating mga naging kasalanan at pagkukulang. Namatay
si Hesus sa krus upang tayo ay iligtas at bigyan ng buhay na walang hanggan.
Handa Niya tayong patawarin at bigyan ng bagong buhay kung tayo ay
mananalig at sumampalataya sa Kanya at handang magbago. Inihayag ko sa
kanya ang pangako ng Diyos na hindi niya tayo tatalikuran o pababayaan man
(Hebrews 13:5).
Lumiwanag ang kanyang mukha pagkatapos naming mag-usap at sa
unang pagkakataon na nakita ko siyang tumawa at mula noon ay nagbago ang
kaniyang pananaw sa buhay at nagsimulang itama ang kanyang mga
pagkakamali at naging masigla, nagkaroon ng bagong pag-asa at naging
masaya.
Panuto: Talakayin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.
1. Gaano nga ba kahalaga ang ating buhay?
2. Paano mo masasabi na pinapahalagahan mo ang iyong buhay?
3. Ano-anong bagay ang maaaring magpakita na may paninindigan ang
tao sa paggalang sa buhay?
18 PAHINA SA

BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

1 BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

2 HOST Charlyn: Upang mapaghusay ninyo pa ang inyo kaalaman hinggil sa paksa

gawin ang payabungin na nasa pahina sampu sa inyong modyul basahin natin ang panuto.

Radio Teacher Elaine: Upang magabayan kayo sa paggawa ng position paper mayroong
inihanda na kriterya na makikita sa pahina sampu hanggang labing-isa.

_____________________________________________________________
19 PAHINA SA

16 BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

17 HOST: Sa wakas ay natapos rin natin ang aralin sa araw na ito. Upang

18 mas maunawaan n’yo pa ang ating aralin ukol sa Paggalang sa Buhay

19 gawin n’yo ang Pagnilayan sa pahina labing dalawa.

21 BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

___________________________________________________________________

1 BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

2 HOST: Ang susunod nating aralin ay tungkol sa Pagmamahal sa Bayan . Siguraduhing

palaging nakatutok sa ating paaralang panghimpapawid. Ako si Ginoong

GERVIEN JAY D. LANOY, ang inyong host. Na nagsasabing!

5 Ipadayon na malipayon ang Edukasyon, Kaalam sa kahanginan,susi

6 sa kadaghanan!MARAMING SALAMAT PAAALAAAAMMM!

7 BIZ: MUSIC UP THEN OUT


-END

You might also like