You are on page 1of 7

Pagsulat ng Talata …

Radio Based Instruction Script

Grade Level and Learning Area: Baitang 4 / Filipino

Quarter No. / Module Number / Title of Self Learning Module (SLM):


Quarter 3 / Linggo 8 -LAS 1 & 2 / Pagsulat ng Talata na may Sanhi at
Bunga/Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari
Topic: Pagsulat ng Talata na may Sanhi at Bunga/Pagsunod-sunod ng mga
Pangyayri
Format: School-on-the-Air
Length: 30 minutes

Scriptwriter: MARIPRIS B. CAÑAS

Layunin: a. Nakasusulat ng talata na may sanhi at bunga.


MELC (F4PU-IIIi-2.1)
b. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan sa
pamamagitan ng paggamit ng Una, Pangalawa at pang Huli .
MELC (F4PN-IIIj-8.4)

BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

HOST: Magandang araw mga mahal naming mag – aaral sa ikaapat na baitang.

Masaya ba kayo sa araw na ito? Akoy nagagalak sa ating muling pagsasahimpapawid

para sa ating aralin. Binabati ko kayong lahat dahil sa inyong partisipasyon sa bawat

aralin sa asignaturang Filipino 4. Ngayon ay uumpisahan na natin ang ating Aralin sa

Ikatlong markahan at tayo ay nasa ikawalong Linggo na gamit ang ating mga gawaing

pampagkatuto… Handa na ba ang lahat? Magaling!... Kaya ano pa ang hinihintay

nyo?.. Halina at matuto!

BIZ:MSC UP AND UNDER FOR 3 SECONDS AND UNDER

HOST: Ngayon, nais kong kunin ninyo ang inyong gawaing pampagkatuto o Learning

Activity Sheets bilang walo, sa ikatlong markahan sa Filipino 4. Para sa ating aralin

ngayong araw mayroon tayong dalawang layunin una ay Nakasusulat ng talata na may

sanhi at bunga at ang pangalawa naman ay Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari

sa Tekstong napakinggan sa pamamagitan ng Paggamit ng Una. Pangalawa at pang

Huli.

More
Pagsulat ng Talata …

HOST: Ngunit bago natin simulan ang ating leksyon ay balikan muna natin ang ating

naging leksyon kahapon..Tama!! ang pinag usapan natin noong nakaraan ay ang

Paggamit nang wasto at angkop na Pangatnig...Magaling,, ngayon naman ay ating

iwawasto ang inyong naging sagot sa ating ginawang pagsusulit. Unang bilang ang

tamang sagot ay…DAHIL”.Ikalawang bilang ang sagot ay.. KUNG.. ikatlong bilang ang

sagot ay . UPANG.. ikaapat na bilang ang sagot ay .. SUBALIT.ang ang panghuling

bilang ang sagot ay.. KAYA.. Tama ba lahat ang inyong sagot? Magaling!!!... Dadako

naman tayo sa pangalawang ebalwasyon ay ang Pagbibigay ng wakas sa binasa ayon

sa iyong sariling saloobin o paniniwala.Ang sagot ay Nakita nila ang bangkay ni

Armando sa dalampasigan at dinala nila upang ipalibing.Sa kabila ng mga nangyari

naging maingat na si;a kapag sila ay sumasakay ng Bangka..Magaling! Ang huhusay

ninyong lahat. Ipagpatuloy ninyo para sa susunod pa na aralin.

BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

HOST: Tayo na at atin nang simulan ang ating bagong aralin. Narito na ang inyong
guro sa araw na ito ____________________________________ .

BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

RADIO TEACHER: Magandang araw mga ginigiliw naming mag-aaral, mula sa ikaapat

na baitang. Ngayong araw, ako ang inyong guro sa radyo,

Teacher _______________________.

Bago natin sisimulan ang ating panibagong aralin ay nais ko muna malaman kung kayo

ba ay nagbabasa o nakikinig ng talata/teksto?..Magaling !! pag tayo ay nakikinig nang

mabuti ,ay madali nating naiintindihan at matatandaan ang mga mahalagang

pangyayari sa nasabing talata o teksto at maibahagi natin ito ng maayos..Tama ba mga

bata???,,,

More
Pagsulat ng Talata …

BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER,

RADIO TEACHER: Sa bahaging ito ay ating tatalakayin ang pagsulat ng Talata na

may

Sanhi at Bunga.

Ang SANHI – ito ay tawag sa dahilan kung bakit nangyari ang isang pangyayari.

Mga Hudyat na ngapapahayag ng Sanhi

 Sapagkat, Dahil/ Dahil sa/Dahilan sa, Palibhasa, Ngunit, At Kasi

Halimbawa: Nakatapos siya ng pag-aaral kasi nagtiyaga siyang mag working student.

Ang BUNGA- ito ay amg tawag sa resulta o epekto ng isang pangyayari.

Mga Hudyat na nagpapahayag ng Bunga

 Kaya/Kaya naman, Kung/Kung kaya, Bunga nito, Tuloy

Halimbawa: Si Layla ay kumain ng kendi kaya sumakit ang kanyang ngipin.

Mahalagang tandaan na sa pagbibigay ng sanhi at bunga ito ay tumutukoy sa

pinakaugat o dahilan ng isang pangyayari at ang magiging bunga o epekto nito.

BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

RADIO TEACHER: Nakakasunod ba kayo sa ating talakayan mga bata??? Magaling

kung ganoon!!!....

Upang lubos ninyong nauunawaan ang ating leksyong ngayong araw mga bata,

sasagutan natin ang mga sumusunod na gawain.

Narito ang panuto.: Sabihin ang B kung ang parirala ay Bunga at S naman kung Sanhi.

1. Nag- aral mabuti si Alex

Kaya matataas ang marka niya sa pagsusulit. Magaling!!!!!

Ang tamang sagot sagot sa unang parirala ay Sanhi at ang pangalawa ay Bunga.

2. Bumagsak si Joshua sa pagsusulit.

Dahil hindi siya nag-aaral. Tama!!!! Ang tamang sagot sa unang parirala ay Bunga

at ang pangalawa naman ay Sanhi.

More
Pagsulat ng Talata …

3. May sugat si Andi.

Kaya iyak siya ng iyak. Tama!!!! Ang tamang sagot sa uang parirala ay Sanhi at ang

pangalawa naman ay Bunga.

4. Bumaha sa Edsa.

Dahil sa malakas na ulan. Magaling !!!! Ang tamang sagot sa unang parirala ay

Sanhi at ang pangalawa naman ay Bunga.

5. Nasa ospital si Carlo

Dahil mataas ang lagnat. Tama!!! Ang tamang sagot sa unang parirala ay Sanhi at

ang pangalawa naman ay Bunga.

RADIO TEACHER: Alam kong naintindihan n’yo agad ang ating leksyon dahil sa

inyong aktibong pakikinig at partisipasyon. Kung ganoon! Ibig sabihin ay handa na

kayo para sa ating maikling pagsusulit ngayong araw. Halina’t sagutin ang ating

maiksing pagsusulit

BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

RADIO TEACHER: Handa na ba ang lahat? Sige, narito aking basahin ang panuto.

Panuto: Sa inyong sagutang papel pag-ugnayin ang sanhi at bunga na makikita sa


hanay A at hanay B.

Hanay A Hanay B
1. Si Lea ay huli sa klase a. kasi gutom siya.
2. Umiyak ng malakas ang sanggol b. kaya hindi siya pumasok ng
paaralan.
3. Madasaling bata si Renato c. kaya mahal siya ng maraming tao.
4. Galit si Nanay d. kasi kaarawan niya.
5. Maraming natanggap na regalo si Mia e. dahil sa mababang iskor ni Hector.

BIZ:MSC UP AND UNDER FOR 3 SECONDS AND UNDER

HOST: Ngayon naman, dadako na tayo sa ating ikalawang aralin Ang ating ikalawang

layunin ngayong araw ay tungkol sa Pagsunod-sunod ng mga pangyayari gamit ang

Una, Pangalawa at pang huli.

BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER


More
Pagsulat ng Talata …

HOST: Ngayon ay handa na tayo para sa ating bagong aralin. Narito na ang inyong

guro sa radyo na si _______________________________________.

RADIO TEACHER: Bago natin sisimulan ang ating ikalawang aralin ngayong araw,

Matanong ko lang,,. Naranasan nyo na bang magbasa o makinig ng isang teksto o

talata na matapos mabasa o makinig mailahad ninyo ang wastong pagkakasunod-

sunod sa mga pangyayari na inyong nabasa o napakinggan? Yan ang ating tatalakayin

ngayong araw sa bago nating aralin.Yan ang dapat malinang ng isang mag-aaral, ang

kakayahang maibigay ang tamang pagkakasunod-sunod sa mga pangyayari sa

teksto/talatang nabasa o napakinggan.

BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

RADIO TEACHER: Ngayon mga bata ay aking ilalahad sa inyo ang Pagsusunod-

sunod sa mga mga pangyayari sa binasang teksto o talata.

Ang pangyayari o hakbang ay inaayos nang may pagkakasunod-sunod

ayon sa panahon. Sumusunod ang kahalagahan ng isang ideya, Gawain o pangyayari

sa isang kwento, isang resipi sa paggawa ng lutuin o sa isang hulwaran ng

pagsasaayos.

Ang mga haimbawa ng mga salitang nagpapahiwatig ng isang hulwaran ng

pagkakasunod-sunod ay:

Una, pangalawa nang malaunan sa wakas

Sumunod nagsimula ang pinakahuli

Pagkatapos unang-una pinakamahalaga

RADIO TEACHER *Upang lubos ninyong nauunawaan ang ating leksyon ay

makikinig kayo sa babasahin kong teksto at pagsusunud-sunurin ang mga pangyayari

sa tekstong aking binasa.(Makinig nang mabuti sa babasahing kong teksto.)

More
Pagsulat ng Talata …

Nagpaalam ang magkakaibigang Eric, Rico at Thomas sa kanilang mga magulang.

Nagpunta ang magkaibigan sa parke. Nadapa ang batang pulubi.Tinawagan ni Eric ang

kanyang tiyahin sa telepono upang humingi ng tulong.Iniuwi ng magkaibigan ang

sugatang bata.

BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

RADIO TEACHER: Naunawaan nyo ba ang binasa nating teksto? Mabuti naman…

Ang tamang pagkakasunod-sunod sa mga pangyayari ay.. Una … Nagpaalam ang

magkakaibigan sa kanilang mga magulang na pumunta sila sa

parke..Pangalawa ... May nakita silang batang pulubi na nadapa at tinulungan ito

At ang pinakahuli.. Tinawagan ni Eric ang kanyang tiyahin sa telepono para

humingi ng tulong at iniuwi nila ang batang pulubi para magamot.

RADIO TEACHER: Tama ba ang inyong sagot mga bata? Mahusay..!!! Ibig sabihin ay

naintindihan at naunawaan ninyo ng mabuti ang ating talakayan.

BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

RADIO TEACHER: Magaling kung ganoon! Ibig sabihin ay handa na kayo para sa ating

maikling pagsusulit ngayong araw...

Panuto: Basahin nang maigi ang maikling talata sa ibaba. Isulat sa papel ang wastong

pagkakasunod-sunod nito gamit ang salitang una, pangalawa at pinakahuli.

Napag-utusan si Margie na hugasan ang mga plato at lahat ng


ginamit sa pagkain at pinaglutuan nito. Sinalansan ni Margie ang mga baso at
pitsel. Pinagsama-sama niya ang mga kutsara. Sinalansan niya ang mga plato at
platito ayon sa laki . Pagkatapos ay inihanay niya ang mga kaldero at kawali. Sa
wakas ay inilagay niya ang mga ito sa kani-kanilang lalagyan, matapos sabunin,
banlawan, at patuyuin, ayon sa ayos nito.

BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

RADIO TEACHER: Dito nagtatapos ang ating maikling pagsusulit... Ipagpatuloy lamang

ninyo ang inyong pagkatuto sa tulong ng inyong mga guro. Sa muli ako ang inyong guro

sa Filipino Teacher _________________________________________.

More
Pagsulat ng Talata …

BIZ: PLAY SONG (CUE IN: XXXXXX THEN CUE OUT: XXXXXX)

HOST: Isang leksyon na naman ang inyong natapos sa araw na ito. Ating iwawasto

ang inyong maikling pagsusulit sa susunod nating pagkikita gamit ang ating mga

pampaaralang panghimpapawid.

BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

HOST: Hanggang sa susunod natin aralin mga bata, ako si Teacher

_________________________na laging nagpapaalala sa inyong lahat na

“Ang batang masipag mag-aral ay ikararangal ng magulang”

HOST: Paalam!!!!!!!!!

1. BIZ: MSC UP THEN OUT

2. BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

-END-

More

You might also like