You are on page 1of 10

Title: (TALAPAWID) Talakayang Panghimpapawid para sa Grade 6 Filipino

Topic: Tekstong Pang-Impormasyon

Format: School-on-the-Air

Length: 30 minutes

Scriptwriter: Prof. Arnulfo A. Obias, LPT, MAEd

Objective:

Nakasusulat ng balitang pangradyo.

1. BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2. BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

3. Host 1: Magandang araw sa lahat ng ating mga tagapakinig saan mang sulok ng himpapawid,

Ako si Teacher ____ng (Paaralan) ang makakasama niyong sasahimpapawid para sa klaseng

kapanapanabik.

4. Host 2: Ako naman si Teacher _____ ng paaralang… ang inyong kakwentuhan sa talakayang

panghimpapawid na kasamang maghahatid sa inyo ng mga araling siksik at liglig.

5. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

6. Host 1: Handa na ba kayong samahan kami para sa bagong talakayan sa himpapawid ngayong

araw?

7. Host 2: Tara na at makiisa na sa talakayang magbibigay sa inyo ng kaalamang may saysay at

sigla, ito ang:

1. Host 1&2: TALAPAWID ang Talakayan sa Himpapawid

2. BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

- MORE -
3. Host 1: Alam mo ba teacher______ kanina naalimpungatan ako sa pagkakahimbing ng tulog.

4. Host 2: ahh ganun ba teacher __________, bakit ano ba ang nangyari?

5. Host 1: Hindi kasi nag-alarm ang aking alarm clock, nakalimutan ko kasing i-charge ang aking

cellphone kagabi. Pagkakatanda ko ay ginising ako ni nanay kanina pero natulog ako ulit dahil

madilim pa naman ang paligid.

6. Music: FLASHBACK

7. Nanay: Anak gumising ka na! mahuhuli ka na sa klase mo ngayong araw.

8. Teacher: Nay maaga pa naman, madilim pa ang paligid matutulog na ulit ako.

9. Nanay: Anong maaga pa? Alasiyete na mahuhuli ka sa klase mo kung hindi ka pa babangon

10. Music: End of Flash Back

11. Host 1: Ganun nga ang nangyari teacher ____ kaya naalimpungatan ako mula sa mahimbing na

pagkakatulog.

12. Host 2: e bakit ba madilim pa ang paligid teacher ___ e alasiyete na ng umaga.

13. Host 1: Ayun nga teacher ____ meron pa lang malaking bilbord na naglalaman ng anunsyo na

nakaharang sa bintana namin kaya hindi pumapasok ang liwanag.

14. Host 2: e ano naman teacher ___ ang nakasulat sa anunsyo?

15. Host 1: Ang anunsyo ay tungkol sa tigil pasada ng mga tricycle ngayong araw. Kaya dali-dali

akong kumilos dahil mahuhuli na ako sa klase ko ngayong araw at magkakaroon pa ng tigil

pasada.

16. Host 2: Pero bakit hindi ka nahuli sa klase mo ngayong araw teacher _______.

17. Host 1: Dahil sa anunsyo na nabasa ko, nagmadali akong kumilos para makasabay akong

pumasok kay Tatay papunta sa paaralan teacher _____.

1. Host 2: Mabuti naman teacher ____ kung ganun ang nangyari. Alam mo ba teacher ______

kanina habang papunta ako sa aming paaralan may nadaanan akong kumpulan ng maraming tao

- MORE -
, naglabas daw kasi ang pamahalaang lungsod ng gabay sa pamamahagi ng ayuda ngayong

panahon ng pandemya.

2. Host 1: Mabuti naman kung ganun teacher ______. Mahalaga ang anunsyo na iyan para sa

hinahanap na impormasyon ng mga taong nag-aabang ng ayuda mula sa pamahalaan.

3. Host 2: E kayo mga bata? Nakakuha na ba ng ayuda mula sa pamahalaang lungsod?

4. Host 1: Nabasa niyo na rin baa ng mga anunsyo tungkol sa pamamahagi ng ayuda sa lahat ng

pamilya sa ating bayan?

5. Host 2: Buti na lamang may mga anunsyo na gumagabay at nagbibigay ng impormasyon Teacher

___ no?

6. Host 1: Tama ka Teacher ____ Malaki ang tulong ng anunsyo bilang uri ng teksto na nagbibigay

ng impormasyon. Alam niyo ba mga bata kung ano ang uri ng teksto na nagbibigay ng

impormasyon?

7. PAUSE

8. Host 2: Yan ba yung Tekstong Pang-impormasyon teacher _____.

9. Host 1: Tama ka teacher ______. Tekstong Pang-impormasyon. Ito ay ang uri ng pagpapahayag

na ang layunin ay makapagbigay ng Impormasyon.

10. Host 2: Ibig bang sabihin teacher ___ ang mga Ulat o Balita, Poster, Dokumento, Manwal atbp ay

mga uri ng Tekstong Pang-impormasyon?

11. Host 1: Tama ka Teacher ______. Lahat ng nabanggit mo ay mga halimbawa ng Tekstong Pang-

impormasyon. Kayo mga bata may alam pa ba kayo na mga halimbawa ng tekstong pang-

impormasyon?

12. Host 2: Tingin ko teacher ____ maraming ideya ang ating mga tagapakinig ngayong araw. Para

mas maging malinaw pa ang ating kaalaman tungkol sa tekstong pang-impormasyon pakinggan

natin ang ating bisitang guro ngayong araw.

- MORE -
13. Host 1: Ayan mga bata ipapakilala ko sa inyo ang ating bisitang guro na tatalakay sa ating aralin

ngayong araw. Samahan natin siya para sa isang mabungang talakayan. Ipinapakilala ko sa inyo

si Teacher ______.

- MORE -
1. RADIO TEACHER: Magandang araw mga bata ng ikaanim na baiting! Ako ang inyong guro

Teacher _____, marami ba kayong nababasang mga Tekstong Pang-impormasyon sa inyong

paligid? Mahusay! Pero ano nga ba ang tekstong pang-impormasyon? Yan ang pag-uusapan

natin ngayong araw.

2. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

3. RADIO TEACHER: Kanina napag-usapan nina teacher ___ at teacher ____ ang tungkol sa mga

halimbawa ng tekstong pang-impormasyon at napakinggan ko na alam na alam niyo na ang

paksang pinag-uusapan natin.

4. HOST 1: Tama ka nga teacher ____, pero ano ng ba ang tekstong pang-impormasyon teacher.

5. RADIO TEACHER: Magandang tanong yan teacher ______. Ang tekstong pang-impormasyon ay

uri ng teksto na nagpapahayag ng mga makatotohanang kaalaman na nakabatay sa datos. Ito ay

nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa. Ang mga halimbawa nito ay ulat,

brochure, libro/aklat, talambuhay, anunsyo, patalastas at Impormatibong Sanaysay.

6. HOST 2: Tama pala kami teacher _____, sa pinagkukwentuhan naming kanina ni teacher _____

kasama an gating mga tagapakinig. May mga baon po ba kayong halimbawa pa ng tekstong

pang-impormasyon?

7. RADIO TEACHER: Siyempre naman meron teacher ____. May ilang mga halimbawa ng teksto

akong babasahin sa inyo at pagkatapos ay sasabihin niyo sa akin kung ano kaya ang

impormasyong nais ibahagi ng tekstong iyon sa atin. Handa na ba kayo mga bata? simulan na

natin!

8. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

9. RADIO TEACHER: Unang Teksto, ang Covid 19 ay isang virus na nakakamatay. Ito ay delikado sa

kalusugan ng mga tao partikukar sa mga bata at matatanda. Pinahihina ng virus ang immune

- MORE -
system ng katawan ng isang tao. Ang virus na ito ay mabilis na kumakalat kung hindi

nalilimitahan ang kontak sa ibang tao.

10. RADIO TEACHER: Ano kaya ang impormasyon na ipinapahayag ng teksto? Tama, ang tekstong

ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa Covid 19.

11. RADIO TEACHER: Pangalawa, Ang covid 19 ay maiiwasan sa pamamagitan ng paghuhugas ng

kamay, paggamit ng alcohol, pag-iwas sa paghawak sa bahaging mukha, pagsusuot ng facemask

at faceshield, pagtugon sa social distancing, pageehersisyo, pagkain at pag-inom ng

masusustansyang pagkain at pag-inom ng bitamina.

12. RADIO TEACHER: Paano nga daw maiiwasan ang Covid 19? Tama. Ang covid 19 ay maiiwasan sa

pamamagitan ng paghuhugas ng kamay, paggamit ng alcohol, pag-iwas sa paghawak sa

bahaging mukha, pagsusuot ng facemask at faceshield, pagtugon sa social distancing,

pageehersisyo, pagkain at pag-inom ng masusustansyang pagkain at pag-inom ng bitamina.

13. RADIO TEACHER: Bilang hakbang ng pamahalaan upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng

Covid 19 ay naglabas sila ng mga Quarantine guidelines. Ang quarantine guidelines na ito ay

inilalabas upang malimitahan ang pagkilos o paggalaw ng tao batay sa kaso ng COVID 19 sa

lugar.

14. RADIO TEACHER: Bakit nga ulit naglalabas ng quarantine guidelines ang pamahalaan? Tama,

upang malimitahan ang pagkilos o paggalaw ng tao batay sa kaso ng COVID 19 sa lugar.

15. RADIO TEACHER: Ang mga nabasa at nasagutan nating mga teksto ay mga halimbawa ng

Tekstong pang-imporasyon. Batay sa binasa natin, alam niyo na ba kung ano ang tekstong pang-

impormasyon? Magaling!

16. RADIO TEACHER: Sa pagbabasa ng isang tekstong pang-impormasyon mahalaga na nasasagot

natin ang mga gabay na tanong upang matiyak natin ang pagkaunawa sa tekstong ating

napakinggan o nabasa.

- MORE -
17. Host 1: Ano-ano po ang mga gabay na tanong na iyon teacher _______.

18. RADIO TEACHER: Ayan magandang tanong ‘yan teacher ________. Ito ay ang SINO na nakatuon

sa ngalan ng tao, KAILAN na tumutukoy sa panahon, SAAN, na lugar naman na pinangyarihan,

ANO na sumasagot sa ngalan ng bagay at pangyayari, ITO para sa dami at bilang, BAKIT para sa

kadahilanan ng pangyayari at PAANO para sa pamamaraan ng kilos.

19. RADIO TEACHER: Isa-isahin nga natin ulit ang mga gabay na salita para na tanong kaugnay sa

tekstong pang-impormasyon. Tandaan niyo lang ang salitang SI ASaKaPaBa? SINO, ITO, ANO,

SAAN, KAILAN, PAANO at BAKIT.

20. ANUNSYO: RECORD (Wang-wang sa umpisa)

Pinapabatid ng ating Mahal na Punong Lungsod ng Cabuyao, Laguna na ipapamahagi sa

darating na Abril 18,

21. RADIO TEACHER: Teka, naririnig niyo ba ang naririnig ko? Pakinggan ulit natin.

22. ANUNSYO: RECORD (Wang-wang sa umpisa)

Pinapabatid ng ating Mahal na Punong Lungsod Mayor Mel A. Gecolea na ipamamahagi sa

darating na Abril 18, ika-8nu ang inaasahang ayuda na ibinaba ng pamahalaan. Ang ayuda ay

para sa mga pamilya na naapektuhan dahil sa malaking dagok ng pandemyang ito. Ipapamahagi

ito sa lahat ng pamilya sa bayan ng cabuyao sa pamamagitan ng House to House na

pamamahagi. Ihanda lamang ang mga kaukulang dokumento para makatanggap ng ayuda mula

sa pamahalaan.

23. RADIO TEACHER: Wow, Teacher ___ at Teacher ____ magkakaroon raw ng ayuda ang mga

kababayan natin, magkakaroon rin kaya tayo? Kayo ba mga bata ay nakatanggap na ng ayuda sa

inyong mga tahanan?

24. Host 1: Buti pa sila teacher ___ at teacher ____nakatanggap na ng ayuda.

25. Host 2: Oo nga teacher ___ sanaol talaga nakatanggap na.

- MORE -
26. Host 1: Teka teacher _____ hindi ba ang anunsyo na narinig natin kanina ay isang halimbawa rin

ng tekstong pang-impormasyon?

27. Radio Teacher: Tama ka nga teacher ____ tingin ko napansin rin yan ng mga mag-aaral na

tagapakinig natin ngayong hapon. Suriin nga natin kung naunawaan ng ating mga tagapakinig

ang tekstong ating napakinggan. Tanungin natin sila Teacher _____ at Teacher ______ gamit

ang mga salitang gabay sa pagtatanong.

28. Host 1: Sige subukin natin ang kanilang pang-unawa sa tekstong kanilang napakinggan. Unang

tanong gamit ang SINO, Sino ang nagpapabatid ng anunsyo? Tama. Ang nagpapabatid ng

anunsyo ay si Kgg. Punong Lungsod Mel A. Gecolea.

29. Host 2: gamit naman ang ANO, Ano ang ipamamahagi batay sa anunsyo? Mahusay. Ang

ipamamahagi ay ayuda.

30. Host 1: Para naman sa KAILAN, kailan ipamamahagi ang ayuda? Tama nanaman, sa ika-18 ng

abril, ika-8 nu.

31. Host 2: at gamit ang BAKIT, Bakit ipamamahagi ang ayuda? Napakahusay talaga, dahil sa epekto

ng COvid 19, magkakaroon ng pamamahagi ng ayuda.

32. Host 1: at panghuli, PAANO, Paano ipamamahagi ang ayuda? Magaling, sa pamamagitan ng

House to House na pamamahagi.

33. Radio Teacher: Magaling mga bata, ngayon alam niyo na kung ano ang Tekstong pang-

impormasyon. Hindi lang yan nakasasagot na rin kayo ng mga tanong hinggil sa napakinggang

tekstong pang-impormasyon. Mahuhusay talaga ang ating mga tagapakinig, teacher ___ at

teacher _______. Bilang hamon sa ating mga tagapakinig, magmasid sa mga tekstong pang-

impormasyon na mababasa at mapapakinggan sa paligid. Itala ang lagom ng mga tekstong

mapapakinggan sa inyong mga kwaderno. Ipasuri at ipabasa ito sa inyong mga facilitator.

- MORE -
34. Radio Teacher: Paano ba yan teacher ___ at teacher ______ magpapaalam na ako, sana ay

maimbitahan niyo akong muli na makatalakayan sa himpapawid sa inyong istasyon. Hanggang

sa muli mga bata at maraming salamat sa inyong pakikinig sana ay marami kayong napulot sa

ating Talakayan sa HImpapawid.

35. Host 1: Salamat po teacher ___ marami po kaming natutunan ngayong araw. Alam kong naging

masaya ang ating mga tagapakinig.

36. Host 2: Talaga namang naging mabunga ang talakayan sa himpapawid ngayong araw. Maraming

salamat Teacher _____ hanggang sa muling pagbisita.

37. Host 1: At yan po mga bata ang masayang talakayang inihanda naming para sa inyo ngayong

araw. Muli ako po si Teacher ____ na nagsasabing

- MORE -
-END-

- MORE -

You might also like