You are on page 1of 7

MODYUL 1: ANG KONSEPTO NG KONTEMPORARYONG ISYU

SESSION 1

STATION ID: HIMPILAN SA SUGBO!

“Kay sa SUGBO, Bata ang Sentro sa Panerbisyo!”


Dasig Sugbo!

PROGRAM TITLE: Kaalam sa Kahanginan

“Mga gipasayon nga giya sa pagkat-on sa modyul, nga


gibasi sa Kurikulum sa K to 12, nga gi hatud kaninyo sa
Deped Cebu Province Division”

SLOGAN: “Basta JUGAN, sa Kaalam, Kasaligan!”

HOST: Ginoong Eldie Matbagon Jr.

TOPIC: Baitang Sampu – Konsepto ng Kontemporaryong Isyu

OBJECTIVE: Nabibigyang kahulugan ang kontemporaryong isyu

Natutukoy ang mga uri ng kontemporaryong isyu

TRT: 30 MINUTO

HOST:Maayong adlaw Sugbo! Kumusta na ang ating mga


masisipag na mag-aaral sa baitang sampu na
naka antabay sa ating programa, lalo na sa mga mag -aaral
ng Jugan National High School at sa mga mag-aaral mula sa
kalapit na barangay ng munisipalidad ng Consolacion.
Nagagalak kaming makasama kayo sa ating pag-aaral sa
pamamagitan ng radyo.

MUSIC:

HOST: Ako po ang inyong lingkod sa araw na ito, ang Teacher DJ ng


Jugan National High School, si Ginoong Eldie Matbagon Jr, at
kayo ay nakikinig ngayon sa HIMPILAN SA SUGBO!

Ako po ang inyong Teacher DJ sa araw na ito, si Ginoong Eldie


Matbagon Jr, at kayo ay nakikinig ngayon sa HIMPILAN SA SUGBO!
na sumasahimpapawid “Kay sa SUGBO, Bata ang Sentro sa
Panerbisyo!” Dasig Sugbo!

MUSIC:

HOST: Sa araw na ito ay pag-aaralan natin ang


paksa tungkol sa Konsepto ng Kontemporaryong
isyu. Bago tayo magsimula ay tiyakin lamang na komportable
kayo sa inyong puwesto habang nakikinig sa ating talakayan.
Nais kong kunin ninyo ang inyong modyul sa Araling
Panlipunan,ballpen,notebook at papel. Ihanda na ang inyong
mga sarili, para sa dagdag na kaalaman ngayong umaga.

MUSIC:

HOST:Simulan natin sa Paunang Pagsubok na matatagpuan sa ikalawa


hanggang ikatlong pahina ng inyong mga modyul. Handa na ba
kayo? Mayroon lamang kayong limang minuto para sagutan ang
mga katanungan, at huwag kalimutan na isulat sa
hiwalay na papel ang inyong mga sagot, dahil bawal sulatan
ang modyul.Pagkatapos magsagot ay i-wasto ang inyong sariling
mga sagot gamit ang susi sa pagwawasto na matatagpuan
sa huling pahina ng inyong modyul.Tandaan “Ang katapatan
ang pinaka mahusay na panuntunan”.

MUSIC:

HOST: Kumusta? Madali ba o mahirap ang mga katanungan? Kung


nakuha mo ang mga tamang sagot. MAHUSAY! Kung mababa
naman ang iyong nakuhang marka, aba’y huwag mag-alala
dahil mayroon pa tayong sapat na panahon upang matuto.Sa
puntong ito, tingnan natin kung ano ang iyong naaalala
tungkol sa nakalipas na aralin.

MUSIC:

HOST:Ngayon naman ay buklatin ang inyong modyul sa ikalimang


pahina at makikita mo rito ang Gawain 2:Headline -Suri :

( REVIEW) Pumili lamang ng isa sa mga larawan ng headline


at sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba.Sige na at
magsagot ka na, alam kong kayang-kaya mo yan!

MUSIC:

HOST: Tapos na ba kayong magsagot? Halika’t alamin natin kung


ano ang inyong mga naging kasagutan.

MUSIC:

HOST: Para sa unang larawan ito ay tungkol sa paghalal sa unang


trasgender woman sa kongreso,ang ikalawang larawan
naman ay pagtanggal sa kontraktuwalisasyon. Ang inyong mga
kasagutan ay nakadepende sa inyong opinyon at pag-unawa sa
larawan.Paalala,walang maling sagot sa gawaing ito.

MUSIC:

HOST:Magaling!Isa itong patunay na may alam ka na sa mga isyung


nangyayari sa ating lipunan.Alam mo rin na may bahagi kang
dapat gampanan sa pagharap ng mga isyung ito. Bilang
paghahanda sa susunod na aralin, iyong pagtuunan ng
pansin ang susunod na gawain na mas magpapalalim pa sa iyong
kaalaman tungkol sa paksang ito.

MUSIC:

HOST: Dumako naman tayo sa pahina anim Gawain 3: Halo- Letra.


Pamilyar ka ba sa gawaing ito? Gamit ang mga
pinaghahalo-halong letra, ay tukuyin mo ang mga konsepto at
salitang inilalarawan ng sumusunod na pahayag.

MUSIC:

HOST: Tingnan natin ang inyong mga naging sagot sa Gawain. Ang
sagot sa unang tanong ay rasismo. TAMA! Ang ikalawa
naman ay terorismo,ang ikatlo ay malnutrisyon. MAHUSAY!
At ang ikaapat naman ay climate change. MAGALING!
Talagang handa kana sa pagtalakay sa ating aralin.

MUSIC:

HOST: Sa ilang saglit lamang ay ihahatid na ng inyong guro ang


talakayan tungkol sa konsepto ng kontemporaryong isyu.

MUSIC:

HOST: Narito na ang inyong gurong si Teacher _____, ang radio


teacher sa araw ito upang magbahagi at magpapalawak pa
ng inyong kaalaman.

RADIO TEACHER: Magandang umaga mga mag-aaral mula sa baitang


sampu ng Jugan National High School at mga kalapit
paaralan. Ako si Teacher _____, ang inyong guro sa araw na
ito.

RADIO TEACHER: Matapos matiyak ang iyong inisyal na kaalaman


tungkol sa aralin, ngayon naman ay lilinangin at
palalawakin pa natin ang kaalamang ito, sa tulong ng
mga teksto na inihanda upang maging batayan mo ng mga
impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging
ito,ay matutunan mo ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga
kontemporaryong isyu.Simulan mo na ang iyong paglalakbay
tungo sa iyong pagkatuto, patunayan ang iyong
kahusayan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga Gawaing
inilaan para sa inyo.

MUSIC:

RADIO TEACHER: Sa pagkakataong ito, nais kong basahin ninyo ang


Paksa 1: Konsepto ng Kontemporaryong Isyu mayroon lamang
kayong walong minuto upang basahin ang teksto.Sige,
simulan mo ng magbasa.

MUSIC:

RADIO TEACHER: Ngayong alam mo na ang ibat-ibang uri ng


kontemporaryong isyu subukan mong sagutin ang Gawain 4:
Tapat-tapat – Dapat Ikaw naman ngayon ay maglilista ng
mga isyu na iyong napapansin na nangyayari sa iyong
komunidad at itapat ang mga ito ayon sa tamang uri.
Umpisahan mo na! Kaya mo yan!

MUSIC:

RADIO TEACHER: Sa iyong mga nailista, alin sa mga ito ang dapat
mong bigyan ng pansin?Bakit?May alam ka bang batas na
ipinapatupad dito?Paano mo nasabing ito ay kontemporaryong
isyu?

MUSIC:

RADIO TEACHER: Upang mas lalong maunawaan ang pag-aaral sa


kontemporaryong isyu,basahin mo ang apat na bagay na dapat
mong tandaan at dapat taglayin sa pag-aaral ng
kontemporaryong isyu na matatagpuan sa pahina sampu ng
inyong modyul.

MUSIC:

RADIO TEACHER: Ngayong tapos mo ng basahin ang mga dapat mong


tandaan at taglayin sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu,
ay iyo namang sagutan ang Gawain 5: Timbangin Mo,
Kontemporaryong Isyu ba ito? Suriin mo ang bawat pahayag at
sabihin kung ito ay kontemporaryong isyu o hindi at
ipaliwanag ang iyong sagot.

MUSIC

RADIO TEACHER: Bilang panghuling Gawain,inyong sagutin ang


Gawain 6: Maging Mapanuri. Magtala ng mga Kontemporaryong
isyu sa inyong lugar at suriin ito gamit ang
talahanayan na makikita sa pahina labing-isa.Mahusay ka!
Nagawa mong suriin ang katayuan ng iyong lugar natukoy mo na ang
mga isyung bumabagabag dito. Handang-handa ka nang
isakatuparan ang susunod pang gawain. Magpatuloy at galingan
mo!

MUSIC:

RADIO TEACHER: At dito nagtatapos ang ating talakayan para sa


araw na ito. Nawa’y marami kayong natutunan na iyong
maisasabuhay. Maraming Salamat sa pakikinig mga minamahal
kong mag-aaral sa baitang sampu.

MUSIC:

RADIO TEACHER: PAALALA: Nais kong basahin ninyo ang mga balita
sa pahina labing-dalawa hanggang labing-anim ito ay ang
mga sumusunod : a.Pagresolba sa Kahirapan, b. Kaso
HIV/AIDS sa bansa, patuloy ba dumarami DOH, c. Climate
Change may ambag sa paglobo ng Dengue Cases sa bansa, d.
DTI: Pilipinas, umaangar sa export products, at e.
Corruption,bilang paghahanda sa ating pagpapatuloy sa
talakayan bukas. Paalam!

MUSIC:

HOST: Maraming salamat Teacher ________. O, kumusta ang unang


paksa sa Araling Panlipunan? Alam niyo na ba ang konsepto
ng kontemporaryong isyu? Kung nag-aalangan pa rin kayo,
tutok lang sa aming programa bukas upang mas maintindihan
ninyo ang aralin.

MUSIC:

HOST: At dahil wala tayong sapat na oras, hanggang dito na


lamang muna tayo. Ito pong muli ang inyong Teacher DJ sa
araw na ito, Ginoong Eldie Matbagon Jr. na nagsasabing
“Basta JUGAN, sa Kaalam,Kasaligan!” Hanggang sa muli,
paalam.

MUSIC:

You might also like