You are on page 1of 5

SCRIPT - AP SLK KOMUNIDAD

INTRODUCTION:
RUBY – Maganda umaga mga bata, ako si teacher ruby ang inyong guro ngayong araw na ito sa
asignaturang Araling Panlipunan Baitang 2. Kamusta kayo? Ako ay lubos na natutuwa dahil tayo ay
muling nagkita sa araw na ito.
Handa na ba kayong muling matuto sa ating bagong aralin? Kaya naman samahan nyo ako sa pag-
aaralan natin sa umagang ito.

REMINDERS:
RUBY: Bago tayo mag simula, narito ang ilang paalala ni Teacher Ruby.
Una, ang lahat ay inaanyayahan na hanggat maari ay buksan ang kanilang mga video o camera
para makita ni teacher ang magaganda at nagggwapuhang mga mukha ng aking mga mag-aaral.
Kung tayo naman ay may hindi inaasahang paghina ng ating internet connection, ay maari rin
naman natin itong i-turn off.
Pangalawa naman, kung tayo ay may nais na ibahagi o sabihin sa klase, maari nating buksan ang
ating mga mic, upang marinig ni teacher ang magaganda nyong boses, at kung wala naman
tayong nais sabihin or ibahagi sa klase ay panatilihin nating naka MUTE or naka OFF upang
maiwasan natin ang mga hindi inaasahang ingay sa ating paligid na maaring makagambala sa
ating pag-aaral.
Pangatlo, ay maari nating gamitin ang RAISE HAND BUTTON, kung tayo ay may nais ibahagi
sa ating talakayan.

Hawak nyo na ba ang inyong lapis, papel at ang inyong localized material?
Kung gayon tayo ay handang handa na sa bagong aralin.

SONG:
RUBY: Handa na ba kayo grade 2?
Simulan natin ang ating aralin sa isang masayang awitin? Alam ko, alam na alam nyo
ang awiting ito. Sabay-sabay nating awitin ang “Ako, Ikaw Tayo ay Isang Komunidad”

RUBY: Alam kong nasiyahan kayo matapos nating awitin ang “Ako, Ikaw, Tayo ay Isang
Komunidad”

RUBY: Sa inyong palagay, sino-sino ang bumubuo sa isang komunidad?


- Ikaw ako tayo ay isa sa mga bumubuo/kabilang sa komunidad.

RUBY: Very Good!


RUBY: Tama, ikaw ako tayong lahat ay isa sa mga bumubo sa komunidad at ang tawag sa atin ay
mamamayan.
RUBY: At iyan, ang pag-aaralan natin ngayong araw na ito.

(Pagpapakita ng larawan.)

MOTIVATION:
RUBY: Pamilyar ka ba sa larong “4PICS ONE WORD?” kung gayon, tiyak na magiging madali sa iyo
ang ating susunod na gawain.
Panuto:
1. Suriing mabuti ang apat na larawan sa bawat kahon.
2. Tukuyin ang mga larawan na tumutugon sa bawat larawan. May ibibigay na clue sa bawat bilang
upang mapadali ang iyong pagsagot.

PAARALAN: Namimiss nyo ba ang ating paaralan? Sige nga ano nga ulit ang pangalan ng ating
paaralan?

Mahusay! Dumako na tayong sa susunod na larawan.

HEALTH CENTER: Alam nyo ba kung bakit tayo may health?


Sa health center dito tayo nagpapatingin at humihingi ng mga gamot at sila rin ang tumutulong para
tayo ay magkaroon ng karagdagang kaalaman o magbigay paalala tungkol sa kinakaharap nating
pandemya.

PAMILYA: Magaling! Ito ay pamilya. Nung tayo ay Grade-1 pinag-aralan ang mga bumubuo sa
pamilya. Ito ay binubuo ng tatay nanay ate kuya bunso.

SIMBAHAN: Sa simbahan tayo ay nagdadasal at nagpapasalamat sa biyaya ng Panginoon.

RUBY: Tama ang inyong mga sinagot, ang nasa larawan ay paaralan, health center, pamilya at
simbahan.

RUBY: Sa puntong ito, ating balikan ang paaralan. Ano nga ulit ang pangalan ng ating paaralan?

RUBY: Anong barangay nakasasakop sa Pinagkuartelan Elementary School.

BATA: Brgy. Pinagkuartelan


RUBY: Sa madaling salita, ang Pinagkuartelan ES ay nasasakop ng barangay Pinagkuartelan dito sa
Bayan ng Pandi Bulacan kung saan kayo ay nakatira.

C. Pag- uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin

RUBY: Mga bata, tignan ang nasa larawan, ganito rin ba ang makikita sa inyong lugar?

RUBY: Maaaring HINDI lahat ng mga ito ay matatagpuan sa inyong lugar.

RUBY: Alam nyo ba kung ano ang tawag sa larawang ito?


Ating ayusin ang mga JUMBLED LETTERS, para malaman kung ano ang tinutukoy ng larawan
na ito.
D A D K O M U N I

RUBY: Tama ang tawag dito ay isang KOMUNIDAD. Very good mga bata.

RUBY: Ngayong araw malalaman natin ang KAHULUGAN, ang mga BUMUBUO, at ilalarawan ang
TUNGKULIN ng mga bumubuo sa komunidad.

PRESENTATION: KWENTO

RUBY: Ngayon mga bata ay may ibabahagi sa ating kwento si Ate Allyza, sa tingin ko kilala nyo sya
at nakikita sa ating paaralan. Siya si ate Allyza Marie Jacinto na nasa ika-anim na baitang. Narito sya
upang tayo ay ipasyal sa kanyang kinabibilangang komunidad.
Handa na ba kayong mamasyal? Kung kaya tayo ng umupo ng maayos at makinig ng mabuti. Ating
samahan si Ate Allyza na libutin ang kanyang komunidad.

D. PAGTALAKAY SA BAGONG KASANAYAN


RUBY: Alam kong nasiyahan kayo sa inyong pamamasyal kasama si Mimi.
RUBY: Ating balikan ang tanong ni Ate alyyza : naalala nyo pa ba ito?
RUBY: Magaling! Saan ka nakatira?

RUBY: Ngayon ating balikan ang mga lugar na inyong napuntahan.


1. Ano- anong lugar ang ating napuntahan sa ating komunidad?
2. Anu- anong tungkuling ginagampanan ng bawat bahagi ng komunidad?
At iyan ang tatalayin natin ngayon!

3. Paano mo mapapangalagaan ang ating komunidad?

RUBY: Magaling, kitang kita na talagang nakinig kayong mabuti sa pamamasyal na ginawa ninyo ni
Mimi.

RUBY: Kaya naman may inihanda akong bagong kasanayan sa inyo, upang mas mapalawak pa ang
inyong natutuhan. Mayroon kayong 5 minuto para sagutan ito.
RUBY: Ihanda na ang inyong papel at lapis para sa kasanayang ito.
PAGE 16 – ACTIVITY
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan 2

RUBY: Kuhanin ang inyong SLK, sagutan ang pagsasanay na makikita sa pahina 19. Panuto: Buuin ang hugis
pusong graphic organizer. Isulat ang hinihinging impormasyon at kulayan ito. Mayroon kayong 10 minuto para sagutin
ito.
F. Paglinang sa Kabihasaan
RUBY: Magaling! Narito pa ang isang pagsasanay upang mas lalong malinango mahasa ang inyong kaalaman
patungkol sa ating komunidad. Ihandang muli ang papel at lapis, buksan ang SLK sa pahina 18.
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw- araw na buhay
RUBY: Ngayon naman ay ating basahin ang kwento ng Mario. Halina, tulungan natin siyang makahanap ng solusyon
sa kanyang problema.
H. Paglalahat ng aralin
RUBY: Magaling mga bata!
RUBY: Tayo ay magbalik tanaw sa mga araling ating natutunan.
Ano ang kahulugan ng komunidad?
Anu- ano ang bumubuo sa isang komunidad?
Paano mo mapapangalagaan ang mga bahagi ng komunidad?
I. Pagtataya ng Aralin

J. Takdang Aralin

You might also like