You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN ROQUE, TARLAC CITY, TARLAC

Pamagat: DZTC 828 SHINE TARLACHENYO SA RADYO FILIPINO


Paksa: Sanaysay
MELC: Naiuugnay ang mga kaisipan sa akda sa mga kaganapan sa sarili, lipunan at daigdig
(F8PB-llg-h-27)
Format: School-on-the-Air
Running time: 20 minutes – February 1, 2021 - Monday
Sumulat ng Iskrip: Orlando S. Alejo,Jr.
Layunin: Pagkatapos makapakinig ng episode na ito, ang mga mag-aaral ng Ikawalong
baitang ay inaasahang nabibigyang kahulugan ang mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa
akda.

1. BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2. BIZ: MSC UP AND UNDER

3. Broadcaster: : Ito ang DZTC 828 SHINE TARLACHENYO SA RADYO FILIPINO, … ako po

4. inyong lingkod ,Sir Orly Alejo, Jr. guro sa Filipino ng Ikawalong baitang. Magandang

5. Araw po, Masaya kaming kasama namin kayo ngayon hapon sa pamamagitan ng radyo.

6. (HINTO) Binabati ko ang lahat ng mag-aaral sa Ikawalong Baitang, maging ang kanilang

7. mga magulang, habang kayo ay nagpapahinga at nakikinig ng radyo o nakatutok sa

8. pamamagitan ng inyong mga cellphone thru Facebook live tayo ay matuto at

9. pagyamanin ang ating kaalaman lalo na sa asignaturang Filipino…

10. BIZ: MSC UP AND UNDER

-MAY KASUNOD-
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN ROQUE, TARLAC CITY, TARLAC

11. Broadcaster: Batid kong handang-handa ka na sa isa na namang yugto ng pagkatuto sa


12. asignaturang Filipino..
13. BIZ: MSC UP AND UNDER
14. Broadcaster: Makinig ng mabuti at i-ready na rin ang inyong mga modyul at activity
sheets na ipinadala sa inyo ng inyong guro, maging atentibo upang upang matuto at
maintindihan ang paksa natin ngayong hapon.Kung ikaw ay kumain na, Pakatandaan,
kung may laman ang tiyan, tiyak din ang kaisipan!!!
15. BIZ: MSC UP AND UNDER
16. Broadcaster: Huwag nating kalimutan ang ating nakaraan upang
17. makarating tayo sa ating paroroonang magandang kinabukasan, hindi ba? Ano nga
18. ulit ang ating huling aralin na ating tinalakay (HINTO).
19. BIZ: MSC UP AND UNDER
20. Broadkaster: Tama, ang Sarswela, isang komedya o melodramang may kasamang
21. awit at tugtog na nahihinggil sa mga punong damdamin ng mga tao tulad ng pag-
22. ibig, kapootan,paghihiganti, kasakiman, kalupitan, at iba pa o kaya naman ay
23. tungkol sa mga suliraning panlipunan o pampulitika. (HINTO) O diba? Ang ganda ng
24. ating nakaraang aralin? Ang sarswela!(HINTO)
25. BIZ: MSC UP AND UNDER
26. Broadcaster: Ang atin aralin ngayon ay ang ‘Sanaysay’, isang paglalahad ng
27. sariling opinyon o kuro-kuro ng sumusulat tungkol sa isang bagay o paksa. Ang
28. salitang sanaysay ay hango sa salitang Pranses na essayer na ang ibig sabihin ay
29. “sumubok” o “tangkain, Ito ay nagsimulang yumabong sa mga sulatin ni Michael de
30. Montaigne noong ikalabing-anim na siglo .
31. Bago pa man isilang si Kristo, ay nagsimula na rin sa asya sa pangunguna ni Confucius
32. na sumulat ng Analects at Lao-Tzu na sumulat naman ng Tao Te Ching. Noon namang
33. ika-14 na dantaon, nakilala si Yushida Kenko ng Hapon na may katha ng “Mga
34. Sanaysay sa Katamaran.”
35. BIZ: MSC UP AND UNDER
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN ROQUE, TARLAC CITY, TARLAC

36. Broadcaster: Isaisip mabuti klas, ang pangunahing katangian ng sanaysay ay ang
37. pagkasarili nito ng may-akda, naipahahayag ng sumulat ang kanyang sariling
37 pananaw, kuro-kuro, at damdamin sa kanyang sariling estilo o pamamaraan.
38 Karaniwang hinahati ang kabuoan ng sanaysay sa tatlo; panimula, katawan. At
39 wakas. (HINTO) Ang galing, hindi ba?
40 BIZ: MSC UP AND UNDER
41 Broadcaster: Katulad ng ibang akdang pampanitikan, Sa pagsulat ng simula,
42 kinakailangang ito’y nakatatawag ng pansin o nakapupukaw ng damdamin ng mga
43 mambabasa. Samantalang ang katawan o ang pinakanilalaman ng akda ay
44 kinakailangang maging mayaman sa kaisipan at marapat na nagtataglay ng kaisahan
45 ang mga detalye nito at sa wakas ng sanaysay, dito karaniwangnababasa ang
46 pangkalahatang impresyon ng may-akda. Maaaring ilahad sa bahaging ito ang buod o
47 kongklusyon ng sumulat.
48 BIZ: MSC UP AND UNDER
49 Broadcaster: Ayon kay Alejandro Abadilla ang salitang sanaysay ay
50 nangangahulugang “nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay, Ito’y
51 isang akdang pampanitikang nasa anyong paglalahad o tekstong pasalaysay. Ang
52 pangunahing katangian ay ang pagkasarili nito ng may akda. Ipinahahayag niya ang
53 sarili niyang pangmalas, kuro-kuro, at damdamin. Ang pagiging malinaw, mabisa, at
54 kawili-wili ng paglalahad ay makakamtan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga
55 tuntunin ng kaisahan, kaugnayan, at diin. Kailangan din dito ang pagpili ng angkop
56 na pananalita at sariling estilo o pamamaran ng may-akda. Ang akdang
57 Amerikanisasyon ng isang Pilipino” ay isang sanaysay na didaktiko o nangangaral. Ito
58 ay naglalayong himukin ang mga mambabasa tungo sa pagkakaroon ng kaisipang
59 liberal sa pamamagitan ng pagkikintal ng damdamin at pananaw na makabago.
60 BIZ: MSC UP AND UNDER
61 Broadcaster: Hep..hep..hep! Nandyan pa ba? (HINTO) Samahan ako hanggang sa
-MAY SUSUNOD-
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN ROQUE, TARLAC CITY, TARLAC

62 huli, dahil tinitiyak kong hindi ka magsisisi.


63 BIZ: MSC UP AND UNDER
64 Broadcaster: Ayan…alam mo na ang kahulugan ng Sanaysay (HINTO) Hindi ba’t
65 nakatutuwang may bago kang natutuhan?
66 BIZ: MSC UP AND UNDER
67 Broadcaster: Dumako na tayo, klas, sa kapanapanabik na bahagi ng ating aralin.
68 Ating matutunghayan ngayon ang isang uri at kung paano ang paraan ng Sanaysay
69 (HINTO) Huwag na nating patagalin pa.. Tayo’y makinig at matuto.. at natitiyak akong
70 kapag natapos ang araling ito’y may sarili ka ng sanaysay .
71 “AMERIKANISASYON NG ISANG PILIPINO”
72 Ponciano B.P. Pineda
73 Ang de-amerikanisasyon ng isang Pilipino ay isa sa pinakamalaking tungkuling dapat
74 nating gampanan sa ating kasalukuyan. Ang Amerikanisasyon ay isang sakit na
75 tumalamak na sa katawan ng ating lipunan. Bunga nito ang maraming kapansanan ng
76 bayan. Isang simulaing cardinal, katotohanan palibhasa, na ang isang Pilipino’y
77 mahalagang sangkap ng buong pamayanang Pilipino. At ang pinagsama-samang
78 indibidwal, ang katipunan ng lahat ng mga mamamayan ng bansang ito, ang
79 bumubuo ng Sangkapilipinuhan. Habang mahina, habang ‘di ganap ang pagka-
80 Pilipino ng kabuuang ito ay ‘di tayo makapagtatayo ng isang lipunang tunay na
81 Pilipino, ni ng pamahalaan at pangasiwaang tunay na Pilipino. Ang ugat ng dahilan ay
82 nasa uri ng edukasyon ng isang Pilipino. Tignan natin ang isang pangyayari bilang
83 halimbawa. Ipalagay nating heto ang isang batang Pilipino. Ang kanyang pamilya’y
84 kabilang sa mga may kaunting pribilehiyo sa buhay. Bagay na isinisiwalat ng kanilang
85 katayuang ekonomiko. Ang batang paksa ng kwento’y nakarinig sa unang
86 pagkakataon at nanggaya sa unang pagkakataon, sa pabulol na pamamaraan, ng mga
87 salita ng kanyang ina’t ama. “That’s the light,” sasabihin ng ina, sabay turo sa
88 bumbilyang nagliliyab sa kisame ng bahay. “Now,” sasabihin ng bata, “where’s the
89 light.” Ituturo ng bata. “There!” sasabihin ng ina. Paulit-ulit. “That’s your Mommy”,
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN ROQUE, TARLAC CITY, TARLAC

-More-
90 sasabihin ng ama. “Say, Mommy.” Gagayahin ng bata. “He’s your Daddy,” sasabihin
91 ng ina. “Say, Daddy.” Gagayahin ng bata. Ganyan ang simula. Ang batang ito,
92 pagsapit ng isang panahon, ay ipapasok sa kindergarten. Doon ay maririnig din niya
93 ang wikang naririnig sa kanyang Daddy at Mommy. Bibigyan siya ng manipis na aklat
94 na may malalaking drowing at nandidilat na mga letra. Ituturo sa kanya ng titser.
95 “Apple”. “Epol,” wika ng bata. “Snow” sasabihin ng guro. “Isno,” wika ng bata.
96 “Eagle,” ang wika ng titser. “Igel,” gagad ng bata. Ang paaralang ito, nais kong
97 idugtong ay eksklusibo. Para lamang sa may kayang magbayad ng malaki. Ari ng
98 dayuhan at pinamumunuan ng mga relihiyoso. Papasok ang bata sa regular na grado,
99 sa paaralang ito rin: ari ng mga dayuhan; pinamumunuan ng mga relihiyoso.
100 Mababasa na niya ang mga librong bumabanggit ng mga daan sa New York at sa
101 Washington, D.C. Mamamasid niya ang Central Park at Times Square. Ang batang ito
102 na nagsisimula pa lamang ay may guniguni nang lumipad sa lupalop na malayo sa
103 kanyang tinubuan.Ang batang paksa natin ay lumalaki, mangyari pa at nagkakaisip.
104 Tuwing kakausapin siya ng kanyang Daddy at Mommy ay sa wikang Amerikano.
105 Ngunit may mga ibang tao sa kanilang tahanan: ang mga taong iyon ay alila o utusan
106 kung tawagin ng kanyang Mommy at Daddy. Nakikita niyang ang mga ito’y
107 tagapaglinis ng bahay, tagapagluto sa kusina, tagapamili sa palengke, tagapagpaligo
108 niya, at malimit na inaalimura ng kanyang mga magulang. Ang mga taong ito, kung
109 kausapin ng kanyang Daddy at Mommy ay sa Tagalog. Hindi siya kinakausap sa
110 wikang iyon ng kanyang Daddy at Mommy. Kaya, sa kanyang batang puso at utak ay
111 tila mandin napagbubukod niya ang kagamitan ng dalawang wika: Ingles ang
112 ginagamit ng kanyang mga magulang sa pakikipag-usap sa kanya; Tagalog sa
113 pakikipag-usap sa mga alila o utusan. Ito’y kanyang mapagkakalakhan at kahit na
114 tumanda’y iisipin niya, ipamamansag niya sa katunayan, na ang wikang Tagalog ay
115 ginagamit lamang sa mga alila. Ang isang Pilipino, lalo na ang kabilang sa pamilyang
116 ginawa kong halimbawa sa simula ng komentaryong ito, ay madaling maging
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN ROQUE, TARLAC CITY, TARLAC

-More-
117 Amerikano. Kaawa-awa ang bayang ito! Ang lahat ng ating pagsisikap na maging
118 tunay na Republikang Pilipino ay mabibigo habang dayuhan ang sistema ng ating
119 paturuang pambansa. Tunay na kailangan ang pagbabago, ang rebolusyon sa
120 laranang ito. Ngayon ay may isang Komisyong nilikha ang Pangulo upang pag-aralan
121 ang sitwasyon ng edukasyon sa ating bayan. Sana’y maging tunay na Pilipino ang
122 ibubunga ng Komisyon. Huwag sanang kaligtaan nito ang kahalagahan ng wikang
123 panturo. Nababatid kong nasa kamay na ng komisyon ang maraming pag-aaral ng
124 Kawanihan ng Paaralang Bayan tungkol sa bagay na ito. Nababatid na rin nito
125 marahil ang tagubilin ng Lupon sa kurikulum, pati na ang paninindigan ng Lupon sa
126 Implementasyon. Hindi ako isang manghuhula, ngunit masasabi ko nang walang
127 alinlangan; na habang nabibidbid ang ating paturuang pambansa sa sistemang
128 Amerikano, at habang tinatagikawan tayo ng wikang Amerikano, mananatili tayong
129 second rater lamang sa edukasyon, mangagagaya at bayang walang bait sa sarili. Ang
130 Wikang Filipino’y handa upang gamitin sa deamerikanisasyon ng isang
131 amerikanisadong mamamayang Pilipino.
132 BIZ: MSC UP AND UNDER
133 BROADCASTER: Ang inyong narinig ay isang halimbawa ng sanaysay na sumasalamin
134 sa lipunang ating ginagalawan.
135 BIZ: MSC UP AND UNDER
136 Ating sagutan ang ilang mga katanungan sa inyong hawak na activity sheet ng inyong
137 Modyul. Piliin ang titik ng tamang sagot.
138 1) Ang de-Amerikanisasyon ng mga Pilipino ay isa sa pinakamalaking tungkuling
139 dapat nating gampanan sa
140 a. Hinaharap b. darating na taon c. kasalukuyan d. lalong madaling
141 panahon
142 2) Laganap ang Amerikanisasyon sa bansa sapagkat ang pangunahing ugat o dahilan
143 nito ay ang Sistema ng Ating
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN ROQUE, TARLAC CITY, TARLAC

-More-
144 a. edukasyon b. pamahalaan c. lipunan d. Pagkamamamayan
145 3) Ang lahat ng ating pagsisikap na maging tunay na republikang Pilipino ay
146 mabibigo habang.
147 a. ang sistema ng ating pamahalaan ay demokrasya.
148 b. ang mga Pilipino ay patuloy na pupunta sa Amerika upang magtrabaho
149 c. ang mga Amerikano ay nananatili sa ating bansa
150 d. ang sistema ng ating panturuang pambansa ay dayuhan
151 4) Habang mahina, habang di ganap ang pagka-Pilipino ng sangka-Pilipinuhan ay di
152 Tayo.
153 a. magkakaroon ng sariling wika at kultura
154 b. makapagtatayo ng lipunang tunay na Pilipino
155 c. makikilala sa buong mundo
156 BIZ: MSC UP AND UNDER
157 Broadcaster: Okay, ipasa na ang ang inyong mga kasagutan sa ating google
158 classroom o at maaari ring i-email sa xxxxx.xx@deped.gov.ph(HINTO)
159 BIZ: MSC UP AND UNDER
160 Broadcaster: At kung mayroon kayong mungkahi, mensahe o nais na linawin sa ating
161 mga aralin, mangyari lamang na ipadala din sa ating google classroom o kaya
162 magmessage sa numerong 0939XXXXXXX, ulitin ko manyari ipadala sa ating google
163 classroom o magmessage sa numerong 0939XXXXXXX
164 BIZ: MSC UP AND UNDER
165 BROADCASTER: Okay, Isa na namang leksyon ang ating napag-aralan. (HINTO)
166 BIZ: MSC UP AND UNDER
167 BOADCASTER: Para sa ating susunod na kapana-panabik na aralin, ang ating
168 tatalakayin ay tungkol sa Sanaysay..(HINTO) Ano nga ba ang Sanaysay? (HINTO)
169 Kaya’t siguraduhin lamang na nakasubaybay kayo dito sa ating Radyong
170 panghimpapawid, ito ang TRECCS TNHS 828 Radyo Eskwela- radyo Pilipino para
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN ROQUE, TARLAC CITY, TARLAC

-More-
171 maging Handa ang Isip, Handa ang Bukas.
172 BIZ: MSC UP AND UNDER
173 BROADCASTER: Muli, ako po si________________________, ang inyong
174 Broadcaster sa Filipino Baitang walo at laging isaisip at isapuso… Pag-aaral, unang
175 hakbang upang maging edukado at isang pasilip sa Ambisyon mo!!!! Hanggang sa
176 muli!!! Paalam…
177 BIZ: MSC UP THEN OUT
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN ROQUE, TARLAC CITY, TARLAC

-END-

Prepared by:

ORLANDO S. ALEJO, JR.


Teacher-Broadcaster/Scriptwriter

Noted by:
VILMA O. ESTEBAN
Head Teacher VI

EPIFANIA B. DUNGCA, EdD.


Principal IV

Reviewed & Evaluated by:

ALLAN T. MANALO, Ph.D


Education Program Supervisor I – FILIPINO

BOBBY P. CAOAGDAN, EdD.


Education Program Supervisor, LRMDS

Recommending Approval:

PAULINO D. DE PANO, PhD.


Chief Education Supervisor, Curriculum Implementation Division

MARIA CELINA L. VEGA, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Approved by:

RONALDO A. POZON, PhD CESO V


Schools Division Superintendent
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN ROQUE, TARLAC CITY, TARLAC

You might also like