You are on page 1of 4

PAGBILAO ACADEMY

Pagbilao, Quezon

Pangalan:_____________________________
Baitang/Pangkat:_______________________

Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik Sa Wika at Kulturang Filipino


Unang Panahunan: Unang Linggo
Bilang ng araw: 5 araw

I. INTRODUKSYON :
Ang modyul na ito ay naglalayong mabigyan ng kaalaman ang mga mag-aaral sa tatalakaying mga aralin
sa loob ng limang araw. Inaasahang makabubuo ng isang mahusay at makabuluhang tula na may kaugnayan
sa pagpapahalaga sa wika ang bawat mag-aaral. Gayundin, ang modyul na ito ay may mga gawaing
kinakailangang masagutan ng mag-aaral sa itinakdang panahon.

II. LAYUNIN/ KASANAYANG PAMPAGKATUTO


 Natutukoy an gang kahulugan, kahalagahan at kalikasan ng wika
 Nakikilala ang dalwang opisyal na wika ng Pilipinas
 Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa wika

III. ARALIN:
 UNANG ARALIN
masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos
sa paraang arbitraryo upang magamit sa isang lipunan. (Henry
Gleason)
WIKA Pitong hiram na titik sa Ingles- c, f, j, q, v, x, z
Hiram na titik sa Espanyol- ñ
Bilang ng ponema sa Wikang Filipino- 21
Katinig (Consonant)- 16 Patinig (Vowel)- 5

TANDAAN:
May walong pangunahing
wika ang Pilipinas ito ay ang
PAALALA:
mga; Hiligaynon, Ilokano,
Basahin ang iba Tagalog, Sebuwano,
pang Bicolano, Pangasinense,
IV. Aktibidad impormasyon sa Kapampangan, Waray
inyong aklat na
Gawain 1. Pag-alam sa natutuhan
nasa pahina 3-9 
PANUTO: Isulat sa loob ng bilohaba kung ano ang wika para sayo. Kopyahin at sagutan sa inyong papel.

Midyum ng
komunikasyon

Wik
a
Gawain 2. Pag-alam sa natutuhan
PANUTO: Gumuhit ng masayang mukha () sa patlang na nasa unahan ng bilang kung tama ang
sinasabi ng pahayag at malungkot na mukha () naman kung mali ang pahayag.

_____1. Walang malinaw na konseptong nag-uugnay sa Wika at Kultura.


_____2. Tagalog ang unang pambansang wika ng Pilpinas
_____3. May masistemang balangkas ang wika.
_____4. Unique o natatangi ang bawat wika,
_____5. May mga wikang mas makapangyarihan kaysa sa iba pang wika.
_____6. Ang opisyal na wika ng bansa ang dapat na maging pambansang wika.
_____7. Namamatay ang wika kapag namatay ang taong gumagamit o nagsasalita nito.
_____8. Filipino ang tawag sa kasalukuyang pambansang wika ng Pilipinas.
_____9. Ginagamit natin ang wika para makamit natin an gating mga kagustuhan.
____10.Binubuo ng tunog at mga sagisag ang wika.

IKALAWANG ARALIN
Teorya ng
1. Teoryang Biblikal Wika
Teorya Ukol sa Tore ni Babel Binabanggit dito ang nilikhang tore ng mga tao sa Babilonia. Ang
templong nagsilbi ring tore ay sagisag ng walang hanggang pagnanasa ng tao. Ikinagalit ng Diyos
ang ginawang ito ng mga tao kaya ginulo Niya ang kanilang wika.
2. Teoryang Haka-haka
Teoryang bow wow. Nagsimula ang wika mula sa tunog na likha ng mga bahagi ng kalikasan. Maaaring
ito ay buhat sa hayop, halaman, hangin o tubig.
Teoryang Dingdong. Nagmula ang wika sa mga ispesipikong tunog ng mga bagay sa kapaligiran.
Teoryang pooh-pooh. Nagsimula ang wika sa silakbo ng damdamin.
Teoryang Coo Coo. Ang wika ay nagmula sa tunog na nililikha ng sanggol.
Teoryang sing-song. Nagsimula ang wika sa di mawatasang pag-awit ng kauna-unahang tao.
Teoryang yo-he-ho. Ang tao ay nagsimulang magsalita bunga diumano ng kanyang puwersang pisikal.
Teoryang yum-yum. Nagsimula ang wika sa pamamagitan ng paggamit ng bibig.
Teoryang ta-ta. Nagsimula ang wika sa kumpas o galaw ng kamay ng tao.
Teoryang Babble Lucky. Ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao. Sa
pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindi sinasadya at walang kabuluhang
tunog na kanyang nilikha ay naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid na kalaunan ay naging pangalan ng
mga iyon.
Teoryang ta-ra-ra-boom-de-ay. Ang wika raw ay nag-ugat sa mga tunog na nililikha sa mga ritwal.
Teoryang Hocus Pocus- Maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga
mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.
Teoryang oyayi. Nagsimula ang wika sa himig ng mga tao habang nagpapatulog ng kanilang sanggol.
3. Teorya sa Wika ni Haring Psammitichus
Si Haring Psammitichus ay hari ng sinaunang Ehipto. Nagsagawa siya ng isang eksperimento sa
pamamagitan ng pagpapakuha at pagpapaalaga sa dalawang sanggol sa isang lugar na walang maririnig na
usapan ang dalawa. Natuklasan diumano ng hari na ang kauna-unahang salitang nasambit ng bata ay
"bekos" na ang ibig sabihin ay tinapay. Ipinalalagay ng hari na bagama’t walang wikang naririnig ay
natutuunan ng nilalang ang kanyang likas na wika.
Gawain 1. Tukuyin Mo
PANUTO: Ibigay ang teoryang hinahanap na sagot sa bawat pahayag.

1. Tunog na mula sa masidhing damdamin___________


2. Tunog mula sa hayop_______________
3. Tunog mula sa galaw ng dila____________ Maging
matapat sa
4. Mga Sinaunang Ritwal____________ pagsasagot. Alam
5. Puwersang Pisikal______________ ko na maaaring
6. Pagpapatulog ng Bata_________________ tumingin ng sagot
7. Tunog mula sa mga bagay sa paligid_______________ na nasa inyong
8. Wika na nagmula sa Awit________________ papel. Subukang
magsagot nang
9. Salita ng Diyos_________________ walang tinginan
10. Tunog mula sa pagbukas ng bibig_______________ 

Gawain 2. Poster mo, Ipagmalaki mo!


Gamit ang isang pirasong papel, gumawa ng isang poster kung ano ang pakahulugan mo sa
wika. Maging malikhain sa paggawa ng isang poster.

Malinaw ang pagpapakahulugan sa wika 25

Mahusay ang paggawa ng poster 15


RUBRIK Malikhaan _10_

Kabuuan 50

Gawain 3. Sagutin mo 

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Ano-ano ang mga kahlagahan ng wika sa iyo bilang mag-aaral.
Mga kahalagahan ng wika sa sarili bilang mag-aaral
1.
2
3

2. Ano-ano ang naisip mong kahalagahan ng wika sa lipunan.


Mga kahalagahan ng wika sa lipunan
1.
2
3

3. Ano-ano ang naiisip mong kahalagahan ng wika sa inyong magkakaibigan


Mga kahalagahan ng wika sa pagkakaibigan
1.
2
3

Gawain 4.

Kopyahin at Sagutan ang gawain (C) sa pahina 13-14 na nasa inyong aklat. Ilagay ang
kasagutan sa isang papel o maaaring sa likod ng papel na ito.
Gawain 5

May gaganaping patimpalak sa inyong paaralan at isa ka sa napiling lalaban sa pagbuo ng


isang tula para sa Buwan ng Wika. Tiyakin na ang gagawin ay nakabatay sa sumusunod na
pamantayan: Ilagay sa isang buong papel. Maaaring bumuo ng tradisyunal na tula o
pasambit na tula (spoken poetry).

A. Orihinalidad……………...………………………….. 50 puntos
B.Kaayusan ng pagkakabuo ng tula…………………….30 puntos
C. May maayos na paggamit ng mga salita…………….20 puntos
Kabuuan..……….…….…………………….….100 puntos

Gawain 6: Repleksyon

Itala sa bahaging ito ang natutunan sa buong aralin.

Natutunan ko na...
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

Sanggunian:
 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Inihanda ng: Departamento ng Filipino


Itinama ni: G. Elizalde M. Porte

You might also like