You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
DIVISION OF SOUTH COTABATO
TALUFO INTEGRATED SCHOOL
Tboli West III District

Date: JANUARY 29, 2021


Grade Level & Learning Area: GRADE 8-EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Quarter No. /Module No.: IKALAWANG MARKAHAN/MODYUL 4
Format: SCHOOL-ON- THE-AIR
Length: 30 MINUTES/1800 SEC
Scriptwriter/Presenter: AIRINI MAY L. GUEVARRA
School: TALUFO INTEGRATED SCHOOL
Lesson Title: ANG PAKIKIPAGKAIBIGAN
Objectives/Competencies: Nahihinuha na: 1. Ang pakikipagkaibigan ay nakatutulong
sa paghubog ng metatag na pagkakakilanlan at
pakikisalamuha sa lipunan.
2. Maraming kabutihang naidudulot ang pagpapanatili ng
mabuting pakikipagkaibigan: ang pagpapaunlad ng
pagkatao at pakikipagkapwa at pagtatamo ng
mapayapang lipunan/pamayanan.
3. Ang pagpapatawad ay palatandaan ng
pakikipagkaibigang batay sa kabutihan at pagmamahal.
Nakatutulong ito sa pagtamo ng integrasyong pansarili at
pagpapaunlad ng pakikipagkapwa.
Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad
ang pakikipagkaibigan (hal. Pagpapatawad)

TECNHINCIAN SPIELS ETA (1800


INSTRUCTION SEC)
INSERT MSC 142 sec
PROGRAM ID
MSC UP, 20 sec
SUSTAIN
OBB… MSC Magandang araw sa mga ginigiliw naming mag-aaral sa 22 sec
FADE UNDER
ikawalong baitang. Ito ang inyong paaralang
panghimpapawid sa Edukasyon sa Pagpapakatao.
Nagagalak ako na makasama kayo sa ating pag-aaral sa

1
pamamagitan nang radyo. Ako ang inyong lingkod AIRINI
MAY L GUEVARRA mula sa TALUFO INTEGRATED SCHOOL.
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
Siguraduhin ninyong nasa isang lugar kayo ngayon na 22 sec
komportable at maayos na naririnig ang ating broadcast.
Matanong ko lang…. kamusta na ba kayo? (PAUSE) Mabuti
kung may laman ang inyong mga tiyan upang maging
alerto ang inyong mga pag-iisip at maayos na maunawaan
ang ating aralin ngayong araw.
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
Sa puntong ito, nais kung kuhanin ninyo ang inyong 17 sec
modyul bilang (4) apat, para sa leksyon ukol sa ang
karugtong na paksa noong nakaraang linggo, ANG
PAKIKIPAGKAIBIGAN. Inuulit ko ang leksyon natin ngayon
ay tungkol sa ANG PAKIKIPAGKAIBIGAN. Sige, kunin nyo
na ang inyong modyul.
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
Bago natin simulan ang bago nating leksyon, nais ko 136 sec
munang ipaalala sa inyo ang inaral natin noong nakaraan.
Handa ka na ba? Tingnan nga natin kung ano ang iyong
natutunan sa huling paksang tinalakay.
 Naranasan ninyo na bang magkaproblema at ang
una ninyong nilapitan ay ang malapit ninyong
kaibigan?
Kung, oo, ang sagot ninyo, magbigay ng tatlong dahilan
kung bakit ninyo siya/sila naging kaibigan. Ako muna ang
magbibigay ng dahilan.
1. Masaya siyang kasama, kapag may problema,
pinapatawa niya ako at nakakalimutan ko ang aking

2
problema.
Oh, ikaw naman ang sumagot…
Tumpak! Ang kaibigan nagbibigay ng payo at tutulungan
ka sa kung ano ang dapat mong gawin para maayos mo
ang iyong problema.
1. Ano ba ang tunay na kahulugan ng
pakikipagkaibigan?
2. Bakit mahalaga ang pakikipagkaibigan sa ating
pagkatao?
3. Paano makabubuo ng tunay at malalim na
pagkakaibigan?
Ang pagkakaibigan ay bunga ng pagbibigay at pagtanggap.
Hindi makabubuo nang malalim na ugnayan kung hindi
matuto ang tao na maglaan ng panahon, pagmamahal,
sakripisyo at isa buhay ang pagpapahalaga nito. Dahil dito,
natututo siyang magbigay para sa kaniyang kapwa. Ito ang
simula ng pakikipagkapwa, ang tanggapin na may ibang
tao maliban sa iyong sarili at ang maging bukas ang mata
na mayroong ibang tao na maaari mong unahin kaysa sa
iyong sarili para sa kabutihan. Ang tunay na kaibigan ay
isang tao ng mamahalin ka nang walang pag-aalinlangan.
Anuman ang katayuan mo sa buhay, nandiyan siya palagi
at handang umalalay. Ang tunay na kaibigan ay hindi
nagkukunsinti ng kamalian. Kaya kahit masakit kung
minsan ang maparangalan, ang mahalaga ay tinuruan ka
kung alin ang tama o mali at dapat manaig ang
katotohanan. Siya ay inspirasyon sa paggawa ng tama at
kabutihan.
Magaling! Mabuti naman at naalala nyo pa ang nakaraang

3
leksyon nating tungkol sa ANG PAKIKIPAGKAIBIGAN .
(REVIEW OF PREVIOUS LESSON)
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
Ngayon ay handa na tayo para sa panibagong aralin! Game 13 sec
na ba kayo? (PAUSE) Kung kailangan ninyong mag banyo,
gawin nyo na ngayon dahil sa ilang saglit lang ay ihahatid
ko na sa iyo ang bago nating leksyon.
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
Gaya ng nabanggit ko kanina, ang ating leksyon ngayong 61 sec
araw ay ang karugtong na paksa noong nakaraang linggo
tungkol sa ANG PAKIKIPAGKAIBIGAN. Pagkatapos natin,
lakbayin ang modyul na ito, inaasahan kong masasagot
ninyo ang mga mahalagang tanong na:
• Paano napapaunlad ng pakikipagkaibigan ang iyong
pagkatao?
• Gaano kalaki ang papel ng pakikipagkaibigan sa
iyong pagiging panlipunang nilalang?
Bago natin simulan ang ating leksyon buksan ang inyong
modyul sa pahina dalawa (2) at subukin sagutin ang
paunang pagtataya upang matukoy ang lawak ng iyong
kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin natin.
Bigyang-pansin ang mga tanong na hindi masasagutan ng
wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang aralin sa
modyul na ito. Bibigyan ko kayo ng limang (5) minuto para
sagutin ang mga sumusunod na tanong? Handa ka na ba?
Umpisahan mo na!
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
Tapos na ang limang (5) minuto para sagutin ang paunang 100 sec
pagtataya. Ngayon ay isa isa nating sasagutin ang mga

4
tanong at bigyang-pansin ang mga tanong na hindi
masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t
ibang aralin sa modyul na ito.
UNANG PANUTO: Isulat ang Totoo kung ang mga hinuha
ay nagsasaad na ang pakikipagkaibigan ay nakatutulong sa
paghubog ng matatag na pagkakakilanlan at
pakikisalamuha sa lipunan at Di Totoo kung hindi at
ipaliwanag.
1. Nagiging miserable ang inyong buhay kung palaging
nasa tabi ninyo ang inyong mga kaibigan.
Magaling! Ang tamang sagot ay DI TOTOO, dahil ang tunay
na kaibigan ay laging nandyan para magsuporta sa iyo sa
lahat ng oras/bagay.
2. Sa pagkakaibigan nahuhubog ang kasanayang
interpersonal na pakikipag-ugnayan.
Wow! Mahusay! TOTOO ang tamang sagot.
3. Sa pagkakaibigan mas naging bukas ang isipan sa pag-
unawa ng mga napakinggan at naging mabuting
nagapakinig
Tama! Ang tamang sagot ay TOTOO.
4. Natutuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa
pakikipagkaibigan sa kabila ng ilang di pagkakaintindihan.
Tumpak! Magaling! TOTOO ang tamang sagot.
5. Ang pagkakaibigan ay nabubuo dahil sa sariling
kagustuhan at materyal na bagay.
Mahusay! Ang tamang sagot ay DI TOTOO, dahil ang
pagkakaibigan ay nabubuo sa pamamagitan ng isang
malalim na ugnayan ng dalawa o mahigit pang tao na hindi
nakabatay sa kanilang mga katangian kundi sa mas

5
malalim na aspekto ng kanilang pagkatao.
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
IKALAWANG PANUTO: Isagawa ang mga angkop na kilos 40 sec
ng mabuting pakikipagkaibigan sa pamamagitan ng
pagbuo ng teksto. Piliin ang mga tamang salita sa loob ng
kahon at isulat sa mga patlang.
Ang mga salita na nasa loob ng kahon ay ang mga
sumusnod
Pagpapatawad, sangkap ng pagkakaibigan, malalim na
ugnayan, kakayahang mag-alaga ng lihim at napapaunlad
ang buong pagkatao.
Bibigyan ko kayo ng limang (5) minuto para lagyan ng
tamang salita o grupo ng mga salita ang mga patlang.
Handa ka na ba? Umpisahan mo na!
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
Tapos na ang limang (5) minuto para lagyan ng salita o 110 sec
grupo ng mga salita ang mga patlang, at bigyang-pansin
ang mga patlang na hindi masasagutan ng wasto at alamin
ang sagot nito sa iba’t ibang aralin sa modyul na ito.
Sisimulan ko nang basahin ang teksto.
Ang pagkakaibigan ay isang: Tama! Ang tamang sagot ay
MALALIM NA UGNAYAN, 6____________sa kapwa, na
nakakalikha ng mabuting pagtingin sa sarili. Maraming
positibong naidudulot ang pagkakaibigan naging matibay
ang pundasyon ng pagkakakilanlan at: Magaling! Ang
sagot ay NAPAPAUNLAD ANG SARILI, 7______________.
Sa pagkakaibigan, makikilala ang tunay na ugali o
pagkatao ng isang indibidwal. Sa loob ng pagkakaibigan di
maiiwasan ang di pagkakaintindihan at bangayan, sa

6
pagpababa ng loob at: Mahusay! Ang tamang sagot ay
PAGPAPATAWAD, 8_____________ mas napalalim pa ang
ugnayan, mas naging bukas at tanggap ang bawat
kahinaan at kalakasan ng bawat isa. Isa sa mga: Tama! Ang
sagot ay SANGKAP NG PAGKAKAIBIGAN,
9_______________ ay ang: Mahusay! Ang tamang sagot ay
KAKAYAHANG MAG-ALAGA NG LIHIM,
10_______________ na mahalagang dapat ikintal sa isipan
na kahit gaano pa kalalim ang inyong relasyon kailangang
alagaan at respetuhin ang mga sekreto o bagay na
binabahagi sa iyo ng iyong kaibigan para sa matatag,
maayos at mabuting ugnayan sa iyong tinuturing na
matalik na kaibigan.
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
IKATLONG PANUTO: Isulat ang tsek ( ) kung ang pahayag 23 sec
ay nagsasaad ng paghihinuha ng katangian ng isang
mabuti at tunay na kaibigan at ekis (X) naman kung hindi
at ipaliwanag. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
Bibigyan ko kayo ng limang (5) minuto para lagyan ng
tamang sagot ang mga patlang. Handa ka na ba?
Umpisahan mo na!
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
Tapos na ang limang (5) minuto para lagyan ng tamang 118 sec
sagot ang mga patlang, at bigyang-pansin ang mga patlang
na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa
iba’t ibang aralin sa modyul na ito. Unang pahayag:
11. Nagtataglay ng katangian na nakapagpapasaya sa atin,
lalong- lalo na sa oras ng kapighatian.
Mahusay! Ang tamang sagot ay TSEK.

7
12. Mahirap maglaan ng panahon at pasensya na makinig
sa mga hinaing o suliranin ng kaibigan.
Magaling! EKIS ang tamang sagot, dahil ang tunay na
kaibigan ay maglalaan ng panahon at pasensya na makinig
sa mga hinaing o suliranin ng kaibigan.
13. May tiwala, pagsasakripisyo at pagmamahal na inialay
sa kanyang kaibigan.
Tama! Ang tamang sagot ay TSEK.
14. Bukas ang kababaang loob at pagpapatawad sa oras ng
di pagkakaintindihan at mga suliranin.
Mahusay! TSEK ang tamang sagot.
15. Nabubuo ang pagkakaibigan na may pagbibigay at
pagtanggap sa kahinaan at kakayahan ng bawat indibiwal.
Magaling! Ang tamang sagot ay TSEK.
Natapos mo ang unang pagsubok sa araling ito. Huwag
kang mag-alala kung tama man o mali ang iyong naging
kasagutan. Sa pagpapatuloy mo sa pag-aaral ng paksang
ito mapagtitibay mo ang iyong tamang sagot at
maiwawasto ang maling konseptong nabuo.
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
Sa araling ito ay mahihinuha mo na ang pakikipagkaibigan 46 sec
ay nakatutulong sa paghubog ng matatag na
pagkakakilanlan at pakikisalamuha sa lipunan. Maraming
kabutihang naidudulot ang pagpapanatili ng mabuting
pakikipagkaibigan: ang pagpapaunlad ng pagkatao at
pakikipagkapwa at pagtatamo ng mapayapang
lipunan/pamayanan. Ang pagpapatawad ay palatandaan
ng pakikipagkaibigang batay sa kabutihan at pagmamahal.
Nakatutulong ito sa pagtamo ng integrasyong pansarili at

8
pagpapaunlad ng pakikipagkapwa. Tatalakayin din sa
araling ito ang mga angkop na kilos upang mapaulad ang
malalim na pakikipag-ugnayan sa iyong kapwa.
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
Sa puntong ito, nais kung buksan ninyo ang inyong modyul 262 sec
sa pahina lima (5) babasahin ko ang tekstong
pinamagatang KAIBIGAN KO at sagutan natin ang mga
sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
2. Ano ang pinakamagandang bagay na naibigay ng inyong
kaibigan? Bakit?
3. Paano mo masasabi na ang iyong kaibigan ay tunay?
Ngayon, bago ko babasahin ang teksto, babasahin ko
muna ang Rubriks na dapat sundin para makakuha ng
mataas na puntos sa pagsagot ng mga tanong.
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos. KAALAMAN -
Makakuha ka ng anim (6) na puntos kung Naipapaliwanag
mo nang maayos ang naisaad sa larawan at naiuugnay ito
sa saliring karanasan– at PARAAN NG PAGLALAHAD -
makakuha ka nang apat (4) na puntos kung Malikhain
mong nailahad ang hinuha tungkol sa pagkakaibigan at
ang kabuuan ay sampung (10) puntos. Sisimulan ko na ang
pagbasa ng teksto, sundan ninyo ako.
KAIBIGAN KO
Ang kaibigan ay tinuturing na karamay, kakampi, kasangga
at kapatid. Hindi man magkapatid sa dugo, magkapatid
naman sa hangarin at kabutihan sa isa’t isa. Kailanman ang
kaibigan ay tinuturing ng pamilya. Kung ang paaralan ang
pangalawang tahanan ng mga mag-aaral, ang kaibigan

9
naman ang itinuturing na pangalawang pamilya. Sa
pamamagitan ng mga kaibigan natin nakakalimutan natin
minsan ang mga problema. Ang tunay na pagkakaibigan ay
hindi nasusukat sa estado ng buhay, mga magagarang
damit at gamit, maging sa paniniwala at kulturang
pinaniniwalaan.
Ang pagkakaibigan ay pinagbuklod ng kabutihan,
katapatan, sakripisyo, pag-unawa at pagpapahalaga.
Ngunit minsan sa pagkakaibigan nasusubukan ang
katapatan at katatagan dahil sa suliranin at hindi
pagkakaunawaan. Nakasalalay sa tiwala at respeto ang
ikakapanatili nito.
Ito ay nagsusuri ng kaalaman ng mga mag-aaral sa
nakaraang talakayan at sa panibagong paksang
tatalakayin.
Ayon kay Aristotle, “Ang pakikipagkaibigan ay maaari
lamang mangyari sa pagitan ng mabubuting tao”. Dahil
ang tunay na kaibigan ay naghahangad nang ikabubuti ng
kaibigan sapagkat sila ay may malasakit dito.
Kahit kalianman ang pagiging Kristyano, Muslim, Ilocano o
anupamang pangkat Etniko ang kinabibilangan mo ay
hindi balakid sa pakikipagkaibigan o pagkakaroon ng tunay
na kaibigan. Walang basehan, walang pamantayan ang
pagkikipagkaibigan nasa damdamin at magandang
hangarin sa bawat isa ang layunin nito.
Balikan natin ang mga tanong.
1. Ano ang nakikita ninyo sa larawan sa pahina lima (5)
Wow! Magaling! Ang masayang magkakaibigan ang
makikita sa larawan.

10
2. Ano ang pinakamagandang bagay na naibigay ng inyong
kaibigan? Bakit?
Wow! Magaling…Isang bagay na pinapahalagahan mo
dahil nigay sayo ng tunay mo na kaibigan.
3. Paano mo masasabi na ang iyong kaibigan ay tunay?
Tumpak! Ang tunay na kaibigan ay may kakayahang
mapalago ang ating pagkatao. Ang pagkakaibigan ay
bunga ng pagbibigay at pagtanggap. Hindi mabubuo ang
ugnayan kung walang pagmamahal, sakripisyo at
pagpapahalaga. Ito ay ang pagtanggap ng kapwa maliban
sa sarili at maging bukas ang mata para makitang mong
may tao na uunahin kaysa sa iyong sarili. Ito ay
ekspresyong panlipunan na kung saan pinapaliwanag na
tayo bilang tao ay likas na panlipunang nilalang,
naniniwalang hindi maganda ang takbo ng buhay kung
wala ang malalim na pagkakaibigan. Ang tao pag nag-iisa
ay nahihirapang tugunan ang sariling pangangailangan sa
buhay.
Magaling, nasagutan mo ng tama ang mga tanong.
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
Ayon sa Kawikaan, “Ang nagpaparami ng mga kaibigan ay 119 sec
sa kanyang sariling kapahamakan: ngunit may kaibigan na
mahigit kay sa isang kapatid”. Ang mga kaibigan ay may
malaking impluwensya sa ating pagkatao lalong lalo na sa
ating pagkilos at pag-iisip. Kaya na pakahalaga na piliin
nang maayos ang kakaibiganin upang mapalayo tayo sa
kapahamahakan. Ang pagkakaroon ng mabuti at tunay na
kaibigan ay nakatutulong sa atin upang mapaunlad ang
ating pagkatao lalong lalo na aspektong pisikal, mental at

11
ispiritwal.
Hindi natin kailangan ng maraming kaibigan para mabuo
at makilala natin ang ating sarili. Ang isa/dalawang
kaibigan ay sapat na para matuklasan ang sariling
kakayahan at kahinaan, ang kabuluhan natin sa lipunan.
Sa pakikipagkaibigan binibigkis nito ang kaisahang kilos at
damdamin ng tao sa anumang ugnayan tulad ng ugnayan
ng magulang sa anak, ng magkakapatid, magkatrabaho,
magkapitbahay at iba pa. Ang suportang ibinibigay ng
kaibigan ay isang inspirasyon sa panlipunang aspekto ng
tao. Napataas ang pagpapahalaga sa sarili dahil sa mga
kaibigang tumatanggap at nagtitiwala sa potensyal at
kakayahan ng isang tao. Sa pamamagitan ng mga kaibigan
mas madaling maisakatuparan ang pangarap at layunin sa
buhay dahil suportang handog ng mga kaibigan.
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
Sa puntong ito buksan ang inyong modyul sa pahina walo 50 sec
(8), gagawa tayo ng MENU na Pangmatagalang
Pagkakaibigan, gamit ang mga sangkap ng
pakikipagkaibigan. Uumpisahan ko!
 Isang kapat na tasa ng presensya
 Dalawat tatlong tasa ng pag-aalaga
 Isang kutsarang paggawa ng bagay nang
magkasama
 Dalawang kutsarang katapatan
 Tatlong kutsarang pangangalaga ng pribadong
buhay
 Isang basong pag-unawa sa isip at damdamin
 Paghalu-haluin nang mabuti ang lahat ng mga

12
sangkap at gamitin nang panghabambuhay sa lahat
ng mga makakasama.
Nagawa ko na ang mga sangkap sa pangmatagalang
pagkakaibigan na menu…
Ngayon ikaw naman… bibigyan ko kayo ng limang (5)
minuto para gumawa ng sarili nyong sangkap.
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
1. Ano-ano ang mga sangkap na inyo ginamit? 114 sec
Wow! Magaling!
2. Paano nakatutulong ang mga sangkap na ito sa
pangmatagalang pagkakaibigan.
Tama! Mahusay! Mahalagang pagsikapan ng lahat na
maisabuhay ang mga sangkap ng pagkakaibigan kung
tunay na ninanais na magkaroon ng malalim at
pangmatagalanag pagkakaibigan. Ang pagbuo ng
pagkakaibigan ay hindi madaling proseso, maraming
pagsubok ang daraan, maraming mga suliranin ang
kailangang harapin at maraming sakit na mararamdaman.
3. Mahalaga ba ang pagpapatawad sa pagbuo ng tunay at
malalim na pagkakaibigan? Pangatwiranan?
Isa pang mahalagang sangkap ang kinakailangan upang
ganap na makamit ang tunay at wagas na pagkakaibigan,
ito ay ang PAGPAPATAWAD.
Minsan, kahit iniingatan ang magandang ugnayan ng
pagkakaibigan dumadating sa punto ng hindi
pagkakaunawaan. Sumasang-ayon ka ba dito? Sabi nga ni
George Washington, “Ang tunay na pagkakaibigan ay
dumadaan muna sa ilang matitinding pagsubok bago ito
ganap na malinang sa malalim na antas ng pakikipag-

13
ugnayan. “Hindi nga natin makikilala nang lubos ang mga
kaibigan kung hindi natin mararanasan ang ilang krisis
kaugnay sa pakikipagkaibigan. Lahat ay nagkakamali. Ang
paghingi ng kapatawaran ay hindi kahinaan kundi
kalakasan ng isang tao. Kailangan ang lakas ng loob sa pag-
amin ng kamalian. Ang mabuting pagkakaibigan ay
marunong tumanggap sa katotohanan, handang ipakita
ang kababaang-loob at magpatawad.
Binabati kita dahil sa puntong ito malinaw na sa iyo ang
ating leksyon tungkol sa ANG PAKIKIPAGKAIBIGAN.
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
Ngayon, upang mas- lalo mo pang mapagnilayan ang 59 sec
konsepto ng aralin. Gumawa ng isang scrapbook na may
mga larawan ng iyong kaibigan at ibahagi kung ano-ano
ang mga naiambag nito sa iyong pagkilanlan. Mas mainam
na gamitin ang mga recyclable materials para sa
pagdisensyo ng scrap book.
May mga PAMANTAYAN para makakuha ng mataas na
puntos sa paggawa ng scrapbook. Ito ay ang mga:
NILALAMAN NG SCRAPBOOK – makakuha ka ng limang (5)
puntos kung naipapakita mo ang pagkaka-ugnay ng mga
larawan sa kaalaman at karanasan.
PAGKAMALIKHAIN – makakuha ka ng tatlong (3) puntos
kung maganda at kaakit-akit ang ginawang mong
scrapbook gamit ang mga recyclable na material at
PRESENTASYON – makakuha ka ng dalawang (2) puntos
kung maayos at malinis ang bawat larawang ipinadikit. Ito
ay may kabuuang sampung puntos.
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN

14
“No man is an island” iyan ang kasabihan ng karamihan. 109 sec
Hindi maaring mabubuhay ang isang tao kung wala siyang
kaibigan. Naway nagging makabuluhan ang ating
talakayan ngayong araw. Ating isapuso at isasip ang
kahalagan ng PAKIKIPAGKAIBIGAN at pag-aaral sa
panahon ng pandemya. Nais kong magpasalamat sa mga
taong naging bahagi ng ating talakayan gamit ang radyo.
Sa ating minamahal na magulang na naging gabay ng mga
bata tungo sa pagkatuto.
Sa ating station Manager MAAM ROSEDANE STA. MARIA,
sa ating program manager na si SIR JOHNARY ORELLA, sa
ating chief technician na si SIR RONILO MAGSAEL, at sa
ating radio technician ngayong araw na si SIR MELCHARD
BING, Division of South Cotabato sa pamumuno ni DR.
RUTH ESTACIO, Division Superintendent, Tboli West 3
District Supervisor MAAM MARGARITA LAPASTORA, at sa
aming Punong Guro na si SIR WILSON B. FRANCISCO na
nagbigay sa akin ng oportunidad na ibahagi sa inyo ang
aking kaalaman.
Maraming Salamat sa pagbibigay halaga sa edukasyon sa
gitna ng pandemyang kinakaharap ng buong mundo.
Serbisyong pang-edukasyon, para sa bata, para sa bayan.
Sama sama sa pagsulong sa Edukalidad
Tboli Shine, Tboli Knoon.
Muli ito ang inyong guro sa himpapawid AIRINI MAY L.
GUEVARRA ng TALUFO INTEGRATED SCHOOL na nag-iiwan
sa inyo ng isang kasabihan na “HINDI SA TAAS NG
EDUKASYON NASUSUKAT ANG PAGKATAO,MABABA MAN
ANG PINAG-ARALAN MO PERO KUNG MARUNONG KANG

15
RUMISPETO SA KAPWA MO, DAIG MO PA ANG EDUKADO”
Hanggang sa muli…. Paalam.
INSERT MSC 142 sec
PROGRAM ID
TOTAL AIRING 1800 sec
TIME

Prepared by:

AIRINI MAY L. GUEVARRA


Teacher II

NOTED:

WILSON B. FRANCISCO
Principal I

APPROVED:

MARGARITA M. LAPASTORA
Principal II/PIC

16

You might also like