You are on page 1of 4

Class Proper-Video Lesson Script (MTB Modyul 16)

A. Preparatory Activities
Class Process Teacher Script
ATTENDANCE Magandang umaga mga bata.

Manalangin muna tayo para sa araw na ito. Basahin ang panalangin ng


taimtim.

Panginoon, maraming salamat po sa ibinigay ninyong panibagong


pagkakataon upang kami ay matuto. Patawarin niyo po kami sa aming
mga kasalanan. Gawaran mo kami ng isang bukas na isip at puso upang
maipasok namin ang bawat itinuturo sa amin at maunawaan ang mga
aralin na makatutulong sa amin sa ikatatagumpay ng aming
kinabukasan. Amen.

Bago tayo magsimula, alamin muna natin kung kumpleto na tayo. Mag
react ng 👍 kung ikaw ay present.

[Wait for student to react]


(Teacher checks whether complete attendance or not]

If all are present


Magaling kumpleto na ang lahat.

If the student is late!


Alalahanin natin na dapat bago mag ika-8 ng umaga ay nasa classroom
messenger na tayo.

 If a student is absent, the teacher will send a personal message


to the parent to check the reason for being absent and to know
what support can be provided.
● Magandang umaga po, Nanay. Kamusta po si (NAME OF
STUDENT). Nais ko pong malaman kung bakit po siya absent sa klase
ngayon at kung paano ko po siya matutulungan?
CLASS Narito ang ilan sa mga dapat nating tandaan sa paggamit ng classroom
REMINDERS messenger.
✅ Siguraduhin na nasa inyo ang video lesson at worksheets.
✅ Dapat may lapis, papel o notebook.
✅ Dapat na nasa lugar na walng sagabal tulad ng tv, radio o
ingay.
✅I Isulat ang inyong chat nang buo at wastong spelling.
✅ Remember when teacher send 🤐 (zip up), it means you
should stop sending messages.
✅ Laging gamitin ang ating class signals.

 Nauunawaan ko = 👍
 Magtataas ng kamay = ✋
 Tumigil sa pagpapadala ng mensahe = 🤐
 Nangangailangan ng tulong = ❗
 Maaari din kayong magbigay ng reaksyon sa sagot ng
kamag-aral gamit ang reaction emoji.

Mag react (👍) sa mensaheng ito kung nauunawaan ninyo ang ating mga
alituntunin.

 Magsisimula na tayo sa ating aralin.


B. Lesson Proper
PREPARING Ang ating aralin ngayong araw ay tungkol sa Pagsunod sa Pamamaraan
FOR LESSON ng Pagsulat ng Liham.
PROPER Ano- ano ang mga bahagi ng liham?

Upang malaman natin ang mga kasagutan sa tanong tunghayan natin ang
ating aralin sa MTB modyul 16.
VIDEO CLASS Buksan ang inyong Video Lesson MTB 2-Q1-VL 16.
(15 MINUTES)
Bibigyan ko kayo ng 15 minutes upang panuorin, pag-aralan at sagutan
ang mga Gawain sa video lesson.

Pakinggang mabuti ang mga panuto at gawin ito ng tama sa inyong


kuwaderno.

Magsimula na!

Kung kayo ay tapos na mag react ng like sa mensaheng ito.


DIGITAL
WORKSHEETS Buksan ang inyong MTB 2-Q1-DW 16.
(15 MINUTES)
Bibigyan ko kayo ng 15 minutes para sagutan ang worksheet.

Basahing mabuti ang mga panuto ang sagutin ng wasto.

Pagkatapos sagutan ang worksheet, iwasto ang inyong mga sagot gamit
ang Susi sa Pagwawasto sa dulo ng worksheet.
Magpatulong sa magulang sa pagwawasto.

Magsimula na!

(After 15 minutes the Teacher will ask the learners.)

Mag react ng kung kayo ay tapos na sa pagsagot at pagwawasto ng


activity sheet.
Iwasto na natin.

Pagsasanay 1
1. Blk. 8 Malinis Street
2. Hulyo 8,2019
3. Mahal kong Soledad
4. Kamusta ka na
5. Ang iyong kaibigan

Pagsasanay 2
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Mali
5. Mali

Panapos na Pagsusulit
1. Pamuhatan
2. Bating Panimula
3. Katawan ng Liham
4. Bating Pangwakas
5. Lagda

Tignan ang inyong score.


Kung ang score ninyo ay 4 or 5, react 👍 sa mensaheng ito.
Kung kayo ay nakakuha ng of 3, react ❤ sa mensaheng ito.

TEXT-BASED Mag react ng 👍 sa mensaheng ito kung naintindihan ang ating aralin at
PLATFORM ✋ kung gustong magtanong tungkol sa ating aralin.
TEACHING
(30 MINUTES) (The Teacher will wait for the learner’s reactions and questions to
be answered.)

Sagutin ang tanong, ilagay ang inyong sagot sa chat box o magsend ng
voice clip sa pagsagot.

Ano ang natutunan mo sa araw na ito?

Ibigay ang mga bahagi ng liham.

(The Teacher will react ❤ in the learner’s message if their answer is


correct.)
CLOSURE Bago ako magpaalam nais kong ipabatid sa inyo na ako ay nagagalak at
nagpapasalamat nanauwaan ninyong ang ating aralin ngayon.

Maraming salamat ulit sa ating mga magulang na gumagabay at mga


bata sa pagiging aktibo sa ating klase ngayong araw! Kita-kita ulit tayo
mamaya para sa bagong aralin natin. Kung ikaw ay nahihirapan sa ating
lesson ngayong araw, maaaring magmensahe kay teacher. Salamat!

You might also like