You are on page 1of 5

COLEGIO DE DAGUPAN

Arellano St. Dagupan City


SCHOOL OF TEACHER EDUCATION

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Mahal naming mga Mag-aaral,

Mabuhay!

Maligayang pagbabalik, ito ang iyong kurso sa online para sa panuruang taon 2021-2022. Ako’y nagagalak na
sa kabila ng krisis na kinahaharap natin sa mga panahong ito ay pinili mong maging produktibo at gugulin ang
oras upang ituloy ang iyong pagpapakadalubhasa bilang guro ng mga susunod na henerasyon. Pinatunayan
mo na hindi kailanman magiging hadlang ang anomang sitwasyong kinasasadlakan sa pag-abot ng iyong mga
pangarap. Naipamalas mo ang determinasyon at kagandahang asal sa aspeto ng edukasyon, at nararapat
lamang na ito’y pamarisan ng kapwa mag-aaral at ng mga mag-aaral na iyong tuturuan kapag ika’y naging
isang ganap na guro. Alam kong bago para sa ating lahat ang uri ng pormat na ito sa proseso ng pagtuturo at
pagkatuto. Ngunit, naniniwala ako na sa pamamagitan ng pagtutulungan ay mapagtatagumpayan natin itong
panibagong yugtong ating tatahakin. Makakaasa ka na sisikapin naming maibigay sa iyo lahat ng iyong
pangangailangan para sa kursong ito sa abot ng aming makakaya bilang iyong guro. Sabay nating linangin
ang iyong kaisipan, karunungan at kasanayan sa makabagong panahon. Muli, kami’y nagagalak sa iyong
pagbabalik.

Buong Pusong Nagagalak,

STE Family

GABAY SA KURSO

Ang gabay na ito ay sadyang sinulat para sa iyo, mag-aaral ng asignaturang Filipino! Matatagpuan mo rito ang
mga batayang kaalaman at konseptong kailangang taglayin pagkayapos ng kursong ito. May balik-tanaw rin
sa mga kasanayang mahalaga sa pang-araw-araw na gawain sa konteksto ng pagkatuto. Inaasahan kong
maibigay at magampanan mo lahat ang mga kahingian ng kursong ito sa oras at panahon na aking itinakda.
Pakatatandaan na ang magiging bunga nito ay nakasalalay sa iyong mga kamay. Huwag tamarin, panahon ay
COLEGIO DE DAGUPAN
Arellano St. Dagupan City
SCHOOL OF TEACHER EDUCATION

samantalahin, sapagkat ginto ang kahambing. Para sa mas maayos at masayang pag-aaral narito ang iba
pang mga tagubilin na aking inihanda para sa kursong ito. Basahin at unawain nang mabuti.

1. “Hiwaga ng Karunungan ay Matutuklasan, Kung ang Pagbabasa ay Pahahalagahan.”


a. Ugaliin ang pagbabasa. Basahin at unawain LAHAT ng impormasyon na aking inihanda at ini-upload
sa lahat ng uri ng online platform na ating gagamitin upang maiwasan na rin ang paulit-ulit at
palagiang pagtatanong sa mga bagay na sa umpisa pa lamang ay naibigay na ang mga kasagutan.

b. Anumang katanungan tungkol sa kursong ito, mangyari lamang na basahin muna at unawain ang
silabus na aking inihanda at ini-upload. Sumanguni lamang sa akin kung mayroong hindi naunawaan
o kung may mga karagdagan pang katanungan.

2. Dumalo sa Tamang Oras


a. Bago mag-umpisa ang klase, maglaan ng labinlimang minuto para sa paghahanda ng mga kagamitan
na kakailanganin sa pag-aaral na isasagawa sa online klasrum.

b. Magsign-in limang minuto bago mag-umpisa ang ating klase upang maiwasan ang mahuli sa ating
talakayan.

c. Lahat ng talakayan, pagtataya, at pagtatasang magaganap sa ating online klasrum ay isasagawa sa


mga platform na ito (GOOGLE CLASSROOM, GOOGLE MEET, ZOOM, MESSENGER CHATROOM)

d. Synchronous at Asynchronous ang pormat ng ating online Klasrum. Ibig sabihin nito ay hindi tayo
palagaing magkakaroon ng face-to-face na interaksyon. Maaring isa o dalawang beses tayo
magkikita sa isang termino.

3. Maging Handa
a. Gumamit ng GOOGLE CALENDAR upang hindi makaligtaan ang iyong mga gawain sa ating online
klasrum. Gumawa ng TALAORASAN sa GOOGLE CALENDAR upang maging maayos ang iyong
iskedyul.

b. Maghanap ng maayos at komportableng lugar para sa pag-aaral.

c. Magsuot ng malinis at maayos na damit o uniporme pagharap sa klase.

4. Maging Maingat, Magalang at Marespeto


COLEGIO DE DAGUPAN
Arellano St. Dagupan City
SCHOOL OF TEACHER EDUCATION

a. Panatilihin ang paggalang at pagrespeto sa sinumang nagsasalita sa klase.

b. Palagiang makinig at huwag sabayan ang guro sa pagsasalita nito, upang maiwasan na rin natin ang
hindi pagkakaunawaan.

c. Kung mayroon mang katanungan, mangyari lamang na itaas mo muna ang iyong kamay upang
bigyan ng hudyat ang guro bago magsalita o magbahagi ng iyong ideya.

d. Gamitin ang chat box kung may nais sabihin at IWASAN ang magpost ng mga bagay na wala
namang kaugnayan sa ating talakayan o sa ating klase.

e. Maging matalino at magalang sa pakikipagkumbersasyon, pakikipagtalastasan at pakikipagtalakayan


sa ating online klasrum.

f. Gumamit ng PORMAL NA WIKA, WASTONG BALARILA, at WASTONG BAYBAY kapag tayo’y


nakikipagkumbersasyon, nakikipagtalastasan, at nakikipagtalakayan sa ating online klasrum.

5. Mga Kahingian ng Kurso


a. Siguraduhing maipasa lahat ng iyong mga gawain, pagsusulit, demonstrason, aktibiti atbp. sa aking
itinakdang oras at panahon sapagkat, mayroon itong karampatang bawas sa iyong magiging puntos o
baka maging sanhi pa ito upang hindi ka mabigyan ng grado.

b. Mahigpit na ipinagbabawal sa kursong ito ang “PLAGIARISM” o ang pangongopya ng anomang


gawa, ideya, o akda nang walang pahintulot o pagkilala sa orihinal na awtor. Kailanma’y hindi
pahihintulutan at tatanggapin ang uri ng gawaing ito. Ang mga akda, tala, o pasulat na gawain ng
mga mag-aaral na hindi makapapasa sa plagiarism checker ay mapapatawan ng karampatang
kaparusahan.

EVALUATION

Sa katapusan ng kursong ito, inaasahan ko na maisagawa at maipasa mo ang aking mga kahingian sa
itinakdang oras at panahon.
COLEGIO DE DAGUPAN
Arellano St. Dagupan City
SCHOOL OF TEACHER EDUCATION

Prelim
✓ 2 Pagsusulit
✓ Mga Gawain sa Pagtatasa
✓ Prelim Exam

Midterm
✓ 2 Pagsusulit
✓ Mga Gawain sa Pagtatasa
✓ Midterm Exam

Semi-Finals
✓ 2 Pagsusulit
✓ Mga Gawain sa Pagtatasa
✓ Semi-Final Exam

Finals
✓ 2 Pagsusulit
✓ Mga Gawain sa Pagtatasa
✓ Pamanahong Papel
✓ Final Exam

GRADING SYSTEM
PG = (CS x 2) + PE MG = (TMG x 2) + PG
3 3

TFG = CS + SFE + FE FG = (TFG x 2) + MG


3 3

Class Standing:
30% - Pakikibahagi sa talakayan (recitation), mga pag-uulat, mga pasulat na gawain
40% - Mga pangunahing gawain/pangangailangan, mga gawaing pagganap
30% - Mga yunit test (Mahaba at maikling pagsusulit)

PG = Preliminaring Pagmamarka FG = Faynal na Pagmamarka


MG = Midterm na Pagmamarka
TFG = Tentativ na MarkasaFaynal CS = Katayuan sa klase
COLEGIO DE DAGUPAN
Arellano St. Dagupan City
SCHOOL OF TEACHER EDUCATION

PE = Preliminaring Pagsusulit SFE = Semi-Faynal na Pagsusulit


ME= Midterm na Pagsusulit FE = Faynal na Pagsusulit

Inihanda ni:

CHERRIE C. JOANINO
Course Fcilitator
Unang Semestre, Panuruang Taon 2021-2022

You might also like