You are on page 1of 2

SUMMATIVE TEST 1

GRADE III – MTB


GURO AKO CHANNEL

I. Piliin ang tamang panghalip na pananong upang mabuo ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. _________ makikita ang Villa Oro Resort?


A. Ano B. Saan C. Kailan
2.__________ang laman ng bag mo?
A. Ano B. Saan C. Kailan
3. _________ang bago mong kaibigan?
A. Ano B. Sino C. Kailan
4. _________ang gusto mong kainin?
A. Ano B. Sino C. Kailan
5. ________ang kaarawan ng lolo mo?
A. Ano B. Saan C. Kailan

II. A. Basahin ang sumusunod na balita, isyu, impormasyon o propaganda at ibigay ang angkop na
opinion ukol dito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Programa ng DOH na Libreng Bakuna sa mga Pampublikong Paaralan, Patuloy!


A. Sumasang – ayon ako upang maging protektado tayo laban sa sakit.
B. Hindi ako sumasang – ayon dahil hindi tayo ligtas sa sakit.
C. Ewan ko, dahil ayaw kung magpabakuna.

2. Batang Dela Cruz , kampeon sa naganap na Pambansang Paligsahan ng Talino sa Asignaturang


Matematika.
A. Sumasang – ayon ako dahil nakapagaling niyang bata sa asignaturang
Matematika.
B. Hindi ako sumasang – ayon dahil mahirap ang Asignaturang Matematika.
C. Ewan ko, dahil ayaw ko sa Asignaturang Matematika.

3. Sama – sama sa pagsulong ng EduKALIDAD, sa panahon ng pandemya.


A. Sumasang – ayon ako dahil, kahit nasa bahay sila mayroon pa rin silang
matututunan
B. Hindi ako sumasang – ayon dahil ayaw ng mga batang pumasok sa
paaralan.
C. Ewan ko, wala akong pakialam.

4. Pinayagan ang pagdala ng mga gadgets sa oras ng klase.


A. Sumasang – ayon ako upang maipakita nila sa iba ang kanilang mga
gadgets.
B. Hindi ako sumasang – ayon dahil ito hindi ito nakakabuti sa pag –aaral ng
mga bata.
C. Ewan ko, wala akong pakialam.

5. Oplan Kalusugan sa DepEd idadaos sa Hulyo 22 – 26, 2020, suportado ng mga magulang.
A. Sumasang – ayon ako dahil mas matututunan ng mga bata ang tamang
pangangalaga sa katawan.
B. Hindi ako sumasang-ayon dahil abala lang ito sa karamihan.
C. Hindi ako sumasang – ayon dahil ito ay hindi mahalaga.

B. Basahin ang mga sumusunod na impormasyon at piliin ang akmang reaksiyon ukol dito. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Sama-samang pagsulong para masugpo ang pagtaas ng kaso ng pagnanakaw sa Bayan ng Malamote,
ipinatupad!
A. Sumasang-ayon ako para maging matiwasay na ang kanilang lugar.
B. Hindi ako sumasang-ayon dahil magdudulot lang ito ng kaguluhan.
C. Bahala na ang mga namumuno sa lugar nila sa dapat gawin.

2. Proyektong ″ Oplan Kalinisan″ ipatutupad sa Barangay San Lorenzo para masugpo ang pagtambak
ng basura.
A. Ewan!Hindi na siguro kailangan.
B. Tama! Para tuluyan ng masugpo ang pagdami ng basura.
C. Mali! Dahil responsibilidad na nila ito noon pa, hindi na kailangan pa ng dagdag na
proyekto.

3. Pagpayag sa paglabas ng mga bata sa kanilang bakuran sa gitna ng pandemya.


A. Tama! Dahil matagal na silang nakalagi lang sa loob ng kanilang tahanan.
B. Mahigpit akong tumututol dahil madaling mahawaan ang mga bata.
C. Bahala na ang kanilang mga magulang sa dapat gawin.

4. Sa kabila ng banta ng Covid-19, pagpunta sa mga pampublikong pasyalan laganap na.


A. Ewan! Hindi ko alam ang dapat gawin.
B. Hindi ako sumasang-ayon dahil laganap parin ang Covid-19.
C. Tama lang na mamasyal ang mga tao dahil matagal na silang walang
pinupuntahan.

5. Pagbabantay sa presyo ng bilihin ipinag-utos ng aming alkalde.


A. Tama lang ang ginawa ng aming alkalde dahil masyado ng mataas ang mga
bilihin.
B. Hindi ako sumasang-ayon dahil malulugi ang mga negosyo.
C. Ewan! Bahala na ang aming alkalde sa gagawin.
PREPARED BY:
ARCELLE YUAN
GURO AKO CHANNEL

ANSWER KEY:

I. 1. B II.
A.
2. A 1. A
2. A
3. B 3. A
4. A 4. B
5. A
5. C B.
1. A
2. B
3. B
4. B
5. A

You might also like