You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa EPP V

AGRIKULTURA

I. Layunin:

 Natutukoy ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang gulay sa sarili,


pamilya at pamayanan.
 Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang gulay sa sarili,
pamilya at pamayanan.
 Napapahalagahan ang pagtatanim ng mga halamang gulay.

II. Paksang Aralin:

A. Paksa: Pakinabang sa Pagtatanim ng Gulay


B. Sanggunian: Batayang Aklat sa EPP pahina 59-66
C. Kagamitan: Larawan, Biswal Eyd

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


I. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang Umaga din po teacher oppa
Magandang Umaga mga Bata!!

2. Panalangin

Bago natin simulan ang ating Magandang umaga po sir oppa at sa kapwa ko
tatalakayin ngayong umaga ay mag-aaral, tumayo po tayo at manalangin.
manalangin muna tayo klas.
Ok Carla, pamunuan mo ang ating Mahal na0ming panginoon maraming salamat
panalangin. po sa ibinigay nyong panibagong araw upang
kami ay matuto. Gabayan nyo po kami sa
aming pag-aaral. Amen.

3. Pagsasaayos sa Silid-Aralan

Ok klas, bago tayo umupo tingnan


at pulutin muna ang kalat sa inyong Opo teacher Oppa.
upuan at itapon sa tamang
basurahan.

4. Pagtatala ng mga lumiban sa klase

Ok klas, sino ang lumiban sa klase


ngayong araw? Wala po teacher Oppa.

Wow! Magaling mga bata!

II. Pagbabalik Aral:

Ok klas, sa ating nakaraang aralin


Tungkol po sa pakinabang ng pagtatanim ng
tungkol saan ang ating tinalakay?
Gulay teacher..
Magaling!!

Katanungan
A. Ano-ano ang pakinabang na - Nakakatulong po teacher sa ating kalusugan
matatamo sa pagtatanim ng gulay? dahil nagsisilbi itong libangan at ehersisyo sa
ating katawan at nakakatulong rin sa
kapaligiran at hanapbuhay ng mga tao.
B. Bakit mahalaga ang pagtatanim ng
- Mahalaga po teacher ang pagtatanim ng mga
ibat ibang halaman sa ating
halamang gulay dahil napapanatili nito ang
kapaligiran?
kalinisan ng kapaligiran at nababawasan ang
polusyon.
Magaling mga bata!

III. Paganyak:

Bago tayo tumungo sa ating


tatalakayin. Magkakaroon muna tayo Opo teacher oppa…
ng maikling gawain. Maliwanag ba mga
Bata?

SUBUKIN ITO!

Tingnan ang nasa larawan.


1.
2.

a) Ok klas, ano ang napansin nyo sa


dalawang larawan?

Ok russel?

Magaling russel! Ang napansin ko po sa unang larawan ay


nagtatanim ng mga halamang gulay at sa
b) Base sa larawang aking ipinakita alin ang ikalawang larawan kumakain ng mga junk
may mabuting maidudulot sa ating foods.
kalusugan at katawan ?

Sinong gustong sumagot itaas lamang ang


mga kamay!

Ok Blesslyn!
Sir, sir ako po sir!!
Magaling !! Base sa larawang inyong pinakita mas may
mabuting maidudulot sa ating kalusugan ang
unang larawan dahil nagtatanim ito ng mga
IV. Paglalahad: halamang gulay kumpara sa ikalawang
larawan.
Batay sa Gawaing ito, ano sa palagay
nyo ang paksang tatalakayin natin
ngayon?

Magaling Klas!
-Patungkol po sa pakinabang ng pagtatanim ng
Napakagandang pag-aralan natin at gulay teacher…
matutunan ang pagtatanim ng gulay.
Nakakagiliw ngunit higit pa dyan, isa
itong kapaki-pakinabang na gawain.
Hindi naman kailangan ng
napakaluwang na lupain para
makapagtanim ng gulay. Kahit sa isang
(Nakikinig ang mga bata)
maliit na bakuran ay makakapagtanim
na tayo.

V. Pagtatalakay:

Talakayin ang mga pakinabang sa


pagtatanim ng halamang gulay sa sarili,
pamilya at pamayanan. Ipakita ito sa
pamamagitan ng video presentation.
( Ang mga Bata ay nakikinig sa tinatalakay)
Ok klas nag enjoy ba kayo sa ating
pinanood?
Opo teacher oppa!!
VI. Paglinang ng Aralin:

Pangkatin ang klase sa tatlong grupo at


magkakaroon ng dula-dulaan patungkol Isasagawa ng mga mag aaral ang maikling
sa mga pakinabang ng pagtatanim ng dula-dulaan.
halamang gulay. Ang bawat pangkat ay
bibigyan ng kaukulang eksena upang
kanilang gagampanan ang isang dula-
dulaan.

VII. Paglalahat:

1. Ano-ano ang mga pakinabang Nagsisilbing libangan at ehersisyo sa katawan


na makukuha sa pagtatanim ng at nagbibigay hanapbuhay sa pamilya.
halamang gulay? Nagpapaganda din po ito sa ating kapaligiran.

2. Paano nakakatulong sa ating


katawan ang pagtatanim at Nagbibigay sa atin ng resistensya at bitamina
pagkain ng halamang gulay? para sa malusog at masiglang pangangatawan.

Magaling Klas!

IV. Pagtataya:
Isulat ang Tama kung ang isinasaad ng kaisipan ay wasto; Mali kung hindi wasto.
________1. Mahusay sa kalusugan ang pagtatanim ng halamang gulay.
________2. Ang mag-anak ay nagtatanim upang may mapagkunan ng pagkain.
________3. Ang pagtatanim ay kapaki-pakinabang at nakatutulong na mapaunlad ang buhay ng
isang mag-anak.
________4. Nagpapaganda ng pamayanan at kapaligiran ang mga halamang gulay.
________5. Sa isang malaking lupa lamang maaring magtanim.
________6. Nagbibigay ng bitamina lamang na kailangan ng katawan ang pagkain ng gulay.
________7. Nagdudulot ng lilim at lamig sa paligid at oxygen na kailangan ng tao.

V. Takdang Aralin:

(Isulat sa inyong kwaderno)


Magbigay ng walong uri ng halamang gulay na angkop na itanim sa inyong lugar.

Inihanda ni:
Paul John S. Jacob
II BEED 20

You might also like