You are on page 1of 6

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO

Kabacan, Cotabato
Philippines

MASUSING BANGHAY ARALIN SA EPP 4

I. Layunin

Pagkatapos ng 45 minutong talakayan at 75% antas ng kasanayan, ang mga mag-aaral ay


inaasahang;
a. Makilala ang mga halamang gulay na may bunga.
b. Makasulat ng halamang gulay na may bunga; at
c. Maiuugnay ang kahalagahan ng halamang gulay na may bunga sa pang-araw-araw na
buhay.

PAGPAPAHALAGA SA MGA GULAY

II. Paksang Aralin


Paksa: Halamang may Bunga (Gulay)
Sanggunian: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
Kagamitan: visual aids, flash cards, bidyu, mga larawan

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
- Tumayo ang lahat para sa ating panalangin (ang mga mag-aaral ay mananalangin)
na pangungunahan ni Ali para sa muslim
prayer at si Dona naman para sa Christain
prayer.

b. Pagbati
- Magandang araw sa inyong lahat. - magandang araw din po.
- Kamusta naman kayo? - maayos naman po kami.
- Kumain ba ang lahat bago pumasok sa - opo teacher
paaralan?

c. Pagtatakda ng Lumiban sa Klase


- Sa ating sekretarya, paki-markahan ng ekis
ang mga lumiban sa klase.

d. Pagtatakda ng Pamantayan sa Klase


- Siguro naman ay pamilyar na kayo sa ating - opo teacher
pamantayan sa loob ng ating klase?
- Pag inyong nakita na aking itinaas (ang mga
sumusunod), ito ay nagpapahiwatig na kayo
ay?
-Itaas ang kanang kamay kung gustong
sumagot.
- Huwag magingay kung hindi naman
kailangan
- Umupo ng tuwid.
- Opo teacher
- Maasahan ko ba ito sa ating talakayan?

e. Takdang Aralin at Pagbabalik- aral


- Pakipasa muna ang inyong mga ginawang (ipapasa ng mga mag-aaral ang
takdang- aralin sa harapan ng wala akong asignatura)
nakikitang tumatayo.
- Kahapon, ating pinag-aralan ang mga bahagi - opo teacher
ng isang halaman. Natatandaan ninyo pa ba?
- Ngayon, ibigay ang mga bahagi ng isang
halaman na inyong nakikita sa pisara. Sino ang (sasagutin ng mag-aaral)
gustong sumagot?
- Tama ba ang sagot ng inyong mga kaklase? - opo teacher

B. Paglinang na Gawain
a. Pagganyak
- Kani- kanina lamang ay tinanong ko kayo
kung sino ba ang kumain bago pumasok sa
paaralan, ano nga ba ang inyong inulam?
- Kayo ba ay kumakain ng gulay?
- Sino sino ang may hardin sa kanilang bahay?
- Salamat.

- Kayo ba ay pamilyar sa awiting bahay kubo?


- Kung gayon, tayo ay magkakaroon ng - opo teacher
aktibidad at dahil kayo ay pamilyar din naman
sa awiting bahay kubo ay inyo itong isusulat.
Salungguhitan ang mga gulay na inyong
makikita sa awiting bahay kubo. Hahatiin ko
ang klase sa dalawang grupo. Bibigyan ko
kayo ng limang minuto upang gawin ang
inyong aktibidad.

- Tama ba ang mga nasalungguhitang mga - opo teacher


halamang gulay sa unang grupo?
- Sa ikalawang grupo naman, tama ba ang - opo teacher
kanilang mga nasalungguhitang mga
halamang gulay?
- Salamat, sa inyong palagay, ano ang
magiging paksa natin sa araw na ito? - (ang mga mag- aaral ay sasagot)
- Ang paksa natin sa araw na ito ay patungkol
sa gulay.
- Bago natin simulang ang ating klase,
babasahin muna natin ang ating layunin sa (babasahin ang layunin)
araw na ito.
1. Pagsusuri

- GULAY
- Kung naririnig ninyo ang salitang gulay, ano - mga gulay na itinatanim
ang unang pumapasok sa inyong isipan? - masusustansyang pagkain

- Sino sa inyo ang mahilig kumain ng gulay?


- Ano ang paborito mong gulay? (ang mag- aaral ay sasagot)
- Masarap ba ang iyong paboritong gulay?

- Dahil riyan, may inihanda akong video,


pakinggan o panoorin ang video na aking
ipepresenta.

Tandaan:
- Sa panonood ng video, maging mapanuri at
makinig ng mabuti upang maunawaan nainyo - opo teacher
ang ipapahiwatig ng nasa video.

(ipapakita ang video)

- Ano ang mga halamang gulay na may bunga


ang napanood ninyo?

- Ang inyong napanood sa video ay iilan -(ang mga mag- aaral ay sasagot)
lamang sa mga halamang gulay na may
bunga.

- Ano ang napansin ninyo sa awitin at video na - tungkol sa halamang gulay


aking ipinakita?
- Tama, ang awiting bahay kubo at video kani-
kanina lamang ay naglalaman ng mga
halamang gulay na may bunga.
Kilalanin ang iba pang halamang gulay na may
bunga.

- Ano nga ba ang ibig ipakahulugan ng salitang


halamang gulay na may bunga?

- Ang halamang gulay na may bunga ay


masusustansyang gulay na mayroong
bunga. Ang halamang ito ay pagkaing
pwede nating kainin sa pang- araw-
araw na buhay. Ang mga halamang
gulay ay makikita natin sa bunga nito
o kinakailangan pang bungkalin sa
ilalim ng lupa.
Mga halimbawa ng mga halamang
gulay na may bunga ay ampalaya,
kamatis, talong, okra, pipino, karot,
- opo teacher
sitaw at marami pang iba.

- Mayroon pa ba kayong alam na


halamang gulay na may bunga?
- Ang mga gulay ay nagbibigay
sustansiya sa ating katawan at
malaking tulong ito upang makamit
natin ang malusog at masaganang
pangangatawan.
- At bukod rito, ang mga halamang
gulay na may bunga ay malaking
tulong din sa ating buhay dahil
puwede natin itong pagkakuhanan ng
pera sa pamamaraan ng pagbenta at
tayo rin ay nakakatipid para di na
tayo makabili sa palengke kung
mayroon tayong mga itinanim na
gulay sa hardin

2. Paglalahat
- Ngayon naman ay may inihanda akong
katanungan at nais ninyo itong sagutin.
- Bubunutin sa kahon ang syang sasagot sa
katanungan inihanda.
(ang mga mag-aaral ay sasagot)
- Ano ang halamang gulay na may bunga?
- Magbigay ng 5 halimbawa ng halamang gulay (ang mag-aaral ay sasagot)
na may bunga.
- Ano ang madalas at paborito mong gulay?
- Masarap ba ito?
- Ano ang naitutulong ng halamang gulay na
iyon sa iyo?
- Bakit kailangan nating kumain ng mga
halamang gulay?
- Paano mo mapahahalagahan ang mga
halamang gulay na may bunga?

3. Paglalapat (Pangkatang Gawain)


- Ngayon naman, magkakaroon tayo ng
pangkatang gawain. Hahatiin ko ang klase sa
dalawang grupo.
Pangkatang Gawain

Group 1- gagawa ng maikling tula na


naglalaman ng;
- 5- 10 na halamang gulay na may bunga
- kahalagahan ng halamang gulay
- at papaano nakakatulong ang halamang
gulay na may bunga.
- isulat ang tula sa manila paper.

Group 2- gagawa ng awit na naglalaman:


- 5- 10 na halamang gulay na may bunga
- kahalagahan ng halamang gulay
- at papaano nakakatulong ang halamang
gulay na may bunga sa ating pang- araw- araw
na buhay.
- isulat sa manila paper ang awit na inyong
nagawa.
- Bibigyan ko kayo ng 7 minuto upang tapusin
ang inyong aktibidad.

- ipresenta ang inyong nagawang tula o awitin


sa harapan.

- bago ang lahat, akin munang ipepresenta ang


pamantayan sa inyong aktibidad. (presentasyon ng awtput)

Rubriks G1 G2

Kawastuhan

Presentasyon

Kooperasyon

- Mahalaga ang halamang gulay na may


bunga dahil nakakatulong ito sa ating
buhay upang mayroon tayong makain at
(pagbibigay ng iskur) nagbibigay ng sustansiya sa ating
katawan.
- Umupo ang lahat - Nagkakaroon din tayo ng napagkukunang
hanapbuhay.
Karagdagang katanungan:
1. Bakit mahalaga ang halamaang gulay na
may bunga? - Nagpapahiwatig ito nang pagpapahalaga
sa mga halamang gulay dahil ito’y
malakaing tulong sa ating pang- araw-
araw na buhay.
2. Ano ang nais ipahiwatig sa atin ng ating
paksa ngayon?

IV. Pagtataya
Panuto: Kumuha ng isang malinis papel at
isulat ang mga sagot. Piliin sa kahon ang mga
halamang gulay namay bunga.

V. Takdang- Aralin
Panuto: Humanap ng video patungkol kung
papaano inaalagaan ang mga halamang gulay at
ang mga ginagamit rito upang ito ay maging
malusog. Sa susunod na klase ay magtatanong
ako kung ano ang inyong mga napanood.

JEHAINA MANTAWIL
3 BEED-A

EZRA IVAN REY ABALOS


Professor

You might also like