You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa


College of Teacher Education
Bachelor of Elementary Education
Brgy. Marawoy, Lipa City

Banghay Aralin sa Health 3

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natutukoy kung paano alagaan ang sarili


b. naisasagawa ang iba’t ibang pangangalaga sa sarili;
c. magpahalaga sa gamit ng pangangalaga sa sarili sa pang araw-araw

II. NILALAMAN AT KAGAMITAN


a. Paksa: Pangangalaga sa Sarili
b. Kagamitan: mga biswal ng pangangalaga sa sarili, speaker, laptop
c. Sanggunian: MELC MAPEH- Health Quarter 2 Module Week 6

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Paunang Gawain

1. Panalangin
Bago tayo magsimula ay magsitayo muna
ang lahat at tayo ay mananalangin.

Panginoon po naming Diyos, hindi po


magiging madali para sa amin ang araw na
ito kung wala kayo sa aming tabi. Gabayan
ninyo kaming lahat na mag-aaral upang
malinang ang aming isipan at maunawaan
ng lubos ang anumang leksiyon na itinuturo
sa amin. Amen.

2. Pagbati
Isang mapagpalang araw sa inyong lahat,
bati mula sa inyong tagapag turo ngayong
araw. Ako nga pala si Bb. Nerie, ang inyong
magiging guro.

3. Pagsasaayos ng Silid-Aralan
Bago tayo mag-umpisa, mangyaring ayusin
ninyo ang inyong mga upuan at damputin
ang mga kalat nang sa ganoon ay
makakinig kayo ng maayos.

4. Pagtatala ng liban sa klase


Sekretarya ng klase, maaari mo bang itala
ang mga liban ngayong araw at ibigay mo
sa akin mamaya.

5. Balitaan/Balik-aral
Bago tayo dumako sa ating panibagong
aralin, sino sa inyo ang nakatatanda pa ng
ating tinalakaya noong nakaraan?

B. PANGGAYAK

Para sa ating pasimulang gawain, ito ay


tatawagin nating “BUUIN MO HULAAN MO!”
Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo,
kailangan nyo lamang buuin ang mga
puzzle na nasa loob ng envelope at
pagkatapos sasabihin nyo sa akin kung ano
ang nabuo ninyong mga larawan.
PANGKAT 1

PANGKAT 2

Maliwanag ba mga bata?

Opo, Bb.
Ngayon naman mga bata ay may ipapanood
akong video sa inyo patungkol sa ating
tatalakyin ngayong araw.
C. PAGLALAHAD
Ang ating tatalakayin ngayong araw ay
tungkol sa Pangangalaga sa Sarili.

Ang pangangalaga sa sarili ay isa sa


mahalagang tungkulin sa ating katawan. Ito
aya ang pagkakakaroon ng proper hygiene
at pagpapalakas ng ating resisitensya
upang maiwasan ang mga karamdaman.
Palagi mo bang naririnig sa iyong ina ang
mga salitang ito?

Ito naman ang ilan sa mga halimbawa ng


pangangalaga sa sarili:

 Maligo araw-araw
Linisin nag katawan at buhok sa
pamamagitan ng pagsasabon ng buong
katawan at paggamit ng shampoo sa buhok
upang matanggal ang dumi.

 Magsuot ng malinis na damit


Magsuot ng malinis na damit upang maging
mapresko ang pakiramdam.

 Magsuklay ng buhok
Magsuklay palagi ng buhok upang maging
malinis at maayos ito. Maiwasan din ang
pagbubuhol-buhol ng buhok at pagkakaroon
ng balakubak.

 Mag-gupit ngkuko
Ang pagpapanatiling malinis at maiksi ang
mga kuko sa kamay at paa ay maiiwasan
ang pagsuksok ng mga dumi sa kuko at
magiging malusog din ang mga kuko.

 Magsipilyo ng ngipin
Magsipilyo ng ngipin palagi pagkatapos
kumain. Hangga’t maaari ay magsipilyo ng
ngipin dalawang beses sa isang araw.

 Maghugas ng kamay
Maghugas ng kamay bago maghanda at
kumain, maghugas rin ng kamay
pagkatapos magbanyo at pag humawak ng
maruruming bagay tulad ng basura upang
maiwasan ang anumang mikrobyo.

 Matulog ng tama sa oras


Matulog ng walo hanggang sampung oras
sa gabi upang maging maganda at masigla
ang iyong araw knabukasan. Kapag kulang
sa tulog, hindi masigla ang katawan at
inaantok.

D. PAGLALAHAT
Kung talagang kayo ay nakinig sa ating
talakayan kanina, may mga sumusunod na
katanungan ako para sa inyo.
1. Ano ang pangangalaga sa katawan?
2. Magbigay ng halimbawa ng
pangangalaga sa katawan.
3. Bakit mahalaga na pangalagaan naten
ang ating katawan?
Napakahuhusay! Palakpakan ninyo ang
inyong mga sarili. Talagang naunawaan
ninyo ang ating talakayan ngayong araw.

E. PAGLALAPAT
Ngayon naman, may naihanda akong
aktibitad para sa inyong lahat. Ngunit bago
tayo dumako sa inyong gagawin nais ko
muna kayong pangkatin sa tatlo.
Pangkat I - Gumawa ng isang kanta tungkol
sa pangangalaga ng katawan.
Pangkat II – Gumuhit ng larawan na
nagpapakita ng pangangalaga ng katawan.
Pangkat III – Isadula ang mga ilang
halimbawa ng pangnagalaga sa katawan.
RUBRIKS:
Paglalahad: 30 %
Partisipasyon: 30%
Pagkamalikhain: 20 %
Kalinisan: 20 %
Kabuuan: 100 %

IV. Ebalwasyon
Panuto: Basahin at unawain ang mga
pangungusap. Isulat ang TAMA kung ito ay
nagpapakita ng pangnagalaga sa katawan
at MALI naman kung hindi.
_______1. Kumakain si Rhen Mark ng
masusustansiyang pagkain.
_______2. Naliligo araw-araw si John Rey.
_______3. Hindi naghuhugas ng kamay si
Jezel bago kumain.
_______4. Nagsisipilyo si Daniela tatlong
beses sa isang araw.
_______5. Nag-eehersisyo si Nicole sa
umaga.
SUSI SA PAGWAWASTO:
1. TAMA
2. TAMA
3. MALI
4. TAMA
5. TAMA

V. TAKDANG ARALIN
Gumuhit o gumupit ng mga larawan na
nagpapakita ng pangangalaga sa katawan.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Inihanda ni:
NERIE JOY B. STO. TOMAS
Gurong Nagsasanay

Binigyang-pansin ni:
Sir Anthony Llanes
Gurong Tagapagsanay

You might also like