You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Character Education 3- 1st Quarter

I. Layunin:

 Napapanatiling malinis, maayos at maganda ang mga gawain

II. Paksang Aralin

Kalinisan sa Paggawa

B.P. : Pisikal

K.P. : Kalinisan

I.P : Nagpapakita ng mga kanais-nais na Pag-uugaling Pangkalusugan at Kaayusan

Sanggunian: EKAWP 3

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain
Bago tayo mag-umpisa sa ating aralin sa araw na ito ay tayo’y tumayo muna at manalangin.
B. Pagganyak
Sa isang buong papel ay gusto kong iguhit ninyo ang inyong nararamdan sa oras na ito, kung kayo
ay masaya ay iguhit ang happy emoji kung kayo naman ay malungkot iguhit ninyo ang sad emoji,
ganun din kung kayo’y galit- angry emoji o kaya naman ay inlove- inlove emoji.

(Pagkatapos ay ipasuri sa mga mag-aaral ang kanilang mga natapos ng gawain.)


Sa tingin ninyo malinis pa ba at presentabli ang inyong natapos na gawain o baka naman gusot na
ang inyong mga papel.?
C. Paglalahad

(Ipababasa ang tula sa mga mag-aaral ng sabay sabay)

Malinis at Maayos

Kailangang maayos, malinis at maganda

Mula sa ulo hanggang sa paa

Gagawin natin tio sa araw-araw

Maging sa isip, sa salita at sa gawa.

D. Pagtalakay
(Sabihin at ibahagi sa klase kung ano ang inyong naintindihan sa maikling tulang ating binasa.)

1. Ano ang gagawin natin upang maging malinis at maayos tayo?

a. Maligo araw-araw

b. Magsipilyo ng ngipin

2. Pinapanatili niyo bang malinis ang inyong katawan araw-araw?

3. Sa papaanong paraan ninyo pinipanatili malinis na katawan?

4. Kailangan bang sa ating katawan at pananamit lang tayo malinis?

(tayo din po ay dapat malinis at maingat sa ating mga kagamitan guro)

5. Magbigay ng iba pang aspeto na tayo’y dapat manatiling malinis?

(Sa isip, salita, at sa gawa din po dapat tayo malinis guro.)


IV. Pagtataya

Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Iguhit sa patlang ang happy emoji () kung sa
palagay mo ay tama ang pahayag at sad emoji () naman kung ang pahayag ay nagpapakita ng maling gawain.

_____ 1. Kailangan magkaiba ng damit na pambahay at damit na pamasok sa paaralan

_____ 2. Magsipilyo ng ngipin minsan lang sa isang linggo.

_____ 3. Maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.

_____ 4. Alagaan nang mabuti ang mga kagamitan.

_____5. Sulatan at guhitan ang uniporme.

_____6. Labhan ang maruruming mga sapatos.

_____7. Murahin ang mga kaklase at kaibigan.

_____8. Magdasal at humingi ng patawad sa mga kasalanan sa Maykapal

_____9. Igalang at respetuhin ang mga nakatatanda akin.

_____10. Magsinungaling sa mga magulang at mga kapwa.

V. Puna

Palaging gumawa ng malinis, maayos at magagandang bagay.

Dapat ay manatili tayong malinis sa ating pangangatawan upang maiwasan natin ang magkasakit.

Hindi lamang dapat tayo sa ating katawan at kagamitan manatiling malinis ngunit pati narin dapat sa
ating pag-iisip, pananalita at sa gawa.

You might also like