You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA E.P.P.

5
Ikalawang Markahan
August 13, 2019
Agriculture

I.Layunin: a. Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng mga halamang gulay sa sarili, pamilya at pamayanan.

b. Naisa-isa ang mga magandang pakinabang sa patatanim ng mga halamang gulay sa sarili,pamilya, at
pamayanan.

c. Napapahalagahan ang mga magandang pakinabang sa patatanim ng mga halamang gulay sa


sarili,pamilya, at pamayanan.

II. Paksang – aralin : Pagtatalakay sa pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Gulay sa Sarili,Pamilya at pamayanan.

Mga Kagamitan: Kartolina, graphic organizer, pentel pen,tape

Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide in EPP 5 – Agriculture – EPP5AG – 0a-1


K to 12 Learner and Teacher’s Guide in EPP 5 Agriculture
Internet / Online Resources

III. Pamamaraan:

Pagganyak:
Magpapakita ng i-ba’t-ibang halamang gulay at ipatutukoy ang pangalan ng bawat isa sa mga mag-aaral.

Paglalahad:
Magpakita ng isang video tungkol sa pakinabang sa pagtatanim ng halamang gulay.
https://www.youtube.com/watch?v=OmI5A7vn6wM

Pakinabang ng Pamilya at pamayanan sa Pagtatanim ng Halamang Gulay

Para sa Sarili:

 Nagsisilbing libangan at ehersisyo


 Nagbibigay ng bitamina at mineral na kailangan para sa malusog at masiglang pangangatawan ang
pagkain ng gulay.
 Nagiging makinis ang balat
 Nakapag-aalis ng tension at suliranin.

Para sa Pamilya:

 Nagbibigay ng pagkain sa pamilya


 Pagkakaroon ng sapat na panustos sa pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya.
 Nakatitipid ang mag-anak na may halamang-gulay.
 Maaaring makadagdag kita ang mag-anak kapag ipinagbibili ang sobrang ani.
Para sa Pamayanan:

 Nagbibigay ng sariwang hangin


 Nagdudulot ng lilim at lamig sa paligid at oksiheno na kailangan ng tao.
 Nagpapaganda sa pamayanan at kapaligiran
 Nakakatulong sa pagsugpo ng polusyon.

Pagtatalakay:

 Ano -ano ang mga pakinabang ng pagtatanim ng halamang gulay sa ating pamilya?
 Paano makakatipid ang pamilya sa pagtatanim ng halamang gulay?
 Paano makadaragdag sa araw-araw na kita ng mag-anak ang pagtatanim ng halamang gulay?
 Ano-ano ang mga pakinabang ng pagtatanim ng halamang gulay sa ating pamayanan?
 Sa iyong palagay kung walang mga halamang gulay sa isang pamayanan, magiging kaaya-aya ba ang
pamayanan sa paningin ? Paano mo nasabi?
 Magiging sariwa kaya ang hangin at magkakaroon ng lilim sa paligid kung walang mga halamang
gulay?Bakit?

Pagpapalalim ng kaalaman:

Pangkatang Gawain:

Punan ang graphic organizer ng hinihingi nitong impormasyon.

Pakinabang para Sarili ; Pamilya at pamayanan.

Ang ibang pangkat magpakita ng senaryo na maaring makatulong mapangalagaan ang ating pamayanan/
kalikasan.

IV. Paglalahat:

 Ang pagtatanim ng halamang gulay ay nakapagbibigay ng karagdagang kita para sa pamilya.


 Ito rin ay makakatulong na makatipid ang pamilya sa araw-araw na gastusin sapagkat hindi na nila
kailangang bumili pa ng mga gulay bilang kanilang pagkain sa palengke.
 Ito rin ay maituturing na bonding sa pamilya kung sama-sama at tulong-tulong na magtatanim ng
halamang gulay.
 Makapagbibigay at mapapanatili ang kagandahan, lilim, at sariwang hangin ang mga halamang gulay sa
pamayanan.
V. Pagtataya:

Isulat ang tama o mali ayon sa isinasaad sa bawat pangungusap.

1. Pagod at hirap lamang ang makukuha sa pagtatanim ng mga halamang gulay.


2. Magdudulot ng kaguluhan sa pamayanan ang pagtatanim ng mga halamang gulay.
3. Makakatipid ang isang pamilya na mayroong halamang gulay sa kanilang bakuran
4. Makadaragdag sa pang-araw-araw na kita ng pamilya ang pagtatanim ng halamang gulay.
5. Maaaring magsilbing bonding sa pamilya ang sama-samang pagtatanim ng mga halamang gulay.

VI . Takdang – aralin:

Isulat sa sagot sa isang buong papel.

Mag-interbyu ng mga kapitbahay na mayroong mga tanim na halamang gulay.

Tukuyin ang pakinabang nito sa kanilang sarili, pamilya, at pamayanan.

Ikumpara ang kanilang sagot sa ating mga natalakay kong mayroon bai tong kaibahan o pareho lang ito.

You might also like