You are on page 1of 11

Pagpapaunlad ng Tiwala sa Sarili at Talento Mo, Ating Tuklasin …1

Title: Paaralang Panghimpapawid sa Grade 7 ESP


Topic: Pagpapaunlad ng Tiwala sa Sarili at Talento Mo, Ating Tuklasin
Format: School on the Air
Length: 30 minuto
Scriptwriter: Eriza Faye S. Sapalo
Objectives:
1. Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at
kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay
nakatutulong sa:
a. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang
inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng
pagdadalaga/ pagbibinata (EsP7PS-Ib-1.4), at
b. natutukoy ang kanyang mga talento at kakayahan (EsP7PS-Ic-2.1)

1. BIZ: BACKGROUND MUSIC/STATION ID/PROGRAM ID

2. Magandang araw sa mga ginigiliw naming mag-aaral ng ika-pitong baitang!

3. Isang bagong araw nanaman na puno ng mga karunungan ang ating pagsasaluhan dito

4. sa Edukaradyo 101.2 ng New Guinlo National High School.

5. Ako si Teacher Faye, ang inyong guro sa radyo, Edukasyon sa Pagpapakatao.

6. Ihanda ang inyong ballpen, papel at self-learning modules para sa linggong ito na may

7. paksang “Pagpapaunlad ng Tiwala sa Sarili at Talento Mo, Ating Tuklasin”.

8. Sama-sama nating lakbayin ang daan tungo sa paghubog ng ating pagpapakatao.

9. BIZ: MUSIC UP FOR 5 SECONDS AND UNDER

10. Ikaw, kanino ka sumasangguni kapag nagpapasiya ka?

11. Narinig mon a ba ang kantang “Batang-Bata Ka Pa”?

12. Kung hindi pa, halina’t pakinggan natin ang awiting ito.

13. BIZ: MUSIC UP (BATANG-BATA KA PA) FOR 60 SECONDS AND UNDER

14. Ano sa palagay ninyo ang nais ipakahulugan ng kantang “Batang-Bata Ka Pa”?

15. Tama! Ang lyrics ng kanta ay kadalasang nangyayari sa buhay ng nagdadalaga o

16. nagbibinata. Totoong marami pang kailangang malaman ang isang kabataang tulad

mo.

17. Hindi masama na kilalanin ang iyong pagkatao sa pamamagitan ng pagsubok ng mga

18. bagay-bagay na sa tingin mo ay magpapaunlad ng iyong sarili.

- MORE -
Pagpapaunlad ng Tiwala sa Sarili at Talento Mo, Ating Tuklasin …2

19. Ngunit kailangang isaalang-alang ang epekto at pananagutan na nakapaloob dito.

20. Ang yugtong kinabibilangan mo ay pagtatatag ng sariling pagkakakilanlan at

21. paghahanda sa karampatang gulang o adulthood. Kaya naman dala-dala ng

pagdadalaga

22. at pagbibinata ang mga bagay na inaasahan sa iyo tulad ng maingat na pagpapasiya,

23. malawak na pag-iisip at maagang paghahanda. Gaano man kaliit o kalaki ang mga

24. hamong ito ay kailangan mo itong harapin nang buong puso.

25. BIZ: MUSIC UP FOR 5 SECONDS AND UNDER

26. Makatutulong sa iyo ang pagtataglay ng kaalaman upang maging handa at matatag

ka

27. sa pagharap sa hamon ng pagdadalaga at pagbibinata.

28. Ang isang nagdadalaga o nagbibinata na katulad mo ay kailangang magkaroon ng

29. positibong pananaw at damdamin upang mapaghandaan at mapaglabanan ang

hamong

30. kakaharapin sa buhay.

31. Makakatulong ang sumusunod upang magkaroon ng positibong pananaw at

damdamin

32. sa iyong sariling kakayahan.

33. BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECONDS AND UNDER

34. Una (HINTO) Hayaang mangibabaw ang iyong mga kalakasan.

35. Mag-isip ng positibo sa lahat ng iyong mga ginagawa at purihin ang sarili dahil sa

iyong

36. pagsisikap. Hindi ito nangangahulugan na hindi mo na bibigyan ng tuon ang iyong

37. kahinaan, ngunit hindi nararapat na malimitahan ng iyong mga kahinaan ang iyong

mga

38. kalakasan. Gumawa ng mga paraan upang mas mapaunlad ang iyong kalakasan at

39. malampasan ang iyong mga kahinaan.

- MORE -
Pagpapaunlad ng Tiwala sa Sarili at Talento Mo, Ating Tuklasin …3

40. BIZ: MUSIC UP FOR 5 SECONDS AND UNDER

41. Ikalawa (HINTO) Huwag matakot na harapin ang mga bagong hamon.

42. Ang mga bagong hamon ay pagkakataon upang iyong mapataas ang tiwala sa sarili.

43. Hindi mo nararapat isipin ang takot ng pagkabigo o ang tagumpay ng pagwawagi.

Isipin

44. mo na lamang na sa tuwing may gagawin kang bago nabibigyan ka ng pagkakataon

na

45. magsikap upang matamo ang tagumpay, napatataas mo ang iyong tiwala sa sarili, at

46. mas nakikilala at natatanggap mo ang iyong sarili.

47. BIZ: MUSIC UP FOR 5 SECONDS AND UNDER

48. Ikatlo (HINTO) Palaging maging positibo sa iyong mga pag-iisip.

49. Lahat ng mga karanasan, positibo man o hindi, ay may mabuting ibubunga tungo sa

50. pag-unlad ng iyong pagkatao. Palaging ipaalala sa sarili na hindi mo man kayang

gawin

51. ang lahat ng bagay nang perpekto, makatutulong naman ang mga ito upang unti-

unting

52. umunlad ang iyong pananaw sa bawat araw.

53. BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECONDS AND UNDER

54. Panghuli (HINTO) Isipin mo ang iyong mga kakayahan para sa iyong sarili: huwag

55. palaging umasa sa opinyon ng ibang tao, lalo na ang pagtataya sa iyong mga

kabiguan

56. at tagumpay.

57. Makatutulong sa pagpapataas ng iyong tiwala sa sarili ang pagsusuri ng iyong

58. personalidad, talento, hilig, kakayahan at kahinaan upang mas higit mong makilala

ang

59. mga aspekto na dapat mong paunlarin.

60. BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECONDS AND UNDER

61. Tulad ng mensahe sa awiting “Batang-Bata Ka Pa”, ang yugtong ito ay tunay na

- MORE -
Pagpapaunlad ng Tiwala sa Sarili at Talento Mo, Ating Tuklasin …4

62. nagbubukas sa inyo ng pinto ng pagkilala sa sarili. Ang yugtong ito ay

63. napakagandang tuklasin upang mas makilala mo nang lubos ang iyong sarili at

64. malinang ang mga angkop at inaasahang kakayahan at kilos.

65. Ang matagumpay na paglampas sa yugtong ito ay makakatulong sap ag-unlad ng

66. isang nagdadadalaga o nagbibinata na may malinaw na ugnayan sa sarili.

67. Mahalaga ang gabay ng magulang, guro at taong may mabuting pamumuhay dahil

68. nagbibigay-linaw ito sa nakalilitong isip at damdamin ng kabataang tulad mo.

69. Tunay nga na ang iyong kinabukasan ay nakasalalay sa iyong mga kamay, kaya

70. naman ang matalinong pagpapasiya ay kritikal lalong-lalo na sa mga pagkakataong

71. ang mga nagdadalaga at nagbibinata ay sumusubok ng maraming papel at karanasan.

72. Samakatuwid, ang pagdadalaga at pagbibinata ay isang yugto ng makulay na

73. pagtuklas ng iyong pagkakakilanlan tungo sa makabuluhang buhay at daang

74. matagumpay.

75. BIZ: MUSIC UP FOR 5 SECONDS AND UNDER

76. Mahirap ang pinagdaraanan mo, ngunit tandaan na hindi ka nag-iisa. Lahat ng

77. nagdadalaga o nagbibinata ay may katulad na pinagdaraanan.

78. Maiiba lamang ito ayon sa kung paano mo isinabuhay ang mga kakayahan at kilos na

79. kinakailangan upang mas mapaunlad mo ang iyong sarili at ang iyong pagkatao.

80. BIZ: MUSIC UP FOR 60 SECONDS AND UNDER

81. Kung tanungin ka, “May talento ka ba?”, marahil agad kang sasagot ng “Oo”.

82. Ngunit kung sundan ito ng tanong na “Ano-ano ang mga talento mo?” marahil

83. matitigilan ka at pag-iisipan mo pa nang matatgal bago sagutin ito.

84. Sa mga kabataang lagging sumasali sa mga patimpalak o kasama sa mga programa sa

85. paaralan, madali nilang matutukoy ang kanilang talento.

86. Dahil paulit-ulit nilang naipamamalas ang talentong ito, natatak na sa kanilang isip na

87. iyon talaga ang talento nila. Sa pagbubuo ng iyong sariling pagkakakilanlan (identity)

88. sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata, tatanggapin mon a lang ba ang iyong mga

89. “alam” na talento mo ngayon? O susubok ka pa sa ibang larangan at baka mayroon ka

- MORE -
Pagpapaunlad ng Tiwala sa Sarili at Talento Mo, Ating Tuklasin …5

90. pang ibang talento na tunay na nagpapabukod-tangi sa iyo?

91. BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECONDS AND UNDER

92. Ang talento ay ginagamit na kasingkahulugan ng biyaya at kakayahan.

93. Ayon kina Thorndike at Barnhant, mga sikolohista, ang talento ay isang pambihirang

94. kakayahan. Sa kabilang dako, ang kakayahan ay kalakasang intelektuwal (intellectual

95. power) upang makagawa ng isang pambihirang bagay tulad ng kakayahan sa musika

96. kakayahan sa sining. Madalas sinasabi ng mga sikolohista na ang talento ay may

97. kinalaman sa genetics o mga pambihirang katangiang minana sa magulang.

98. Ayon kay Brian Green, mas mahalagang bigyan ng tuon ang kakayahan magsanay

99. araw-araw at magkaroon ng komitment sa pagpapahusay sa taglay ng talento. Ang

100. kakayahang intelektuwal ay nasusukat sa pamamagitan ng mga pamantayang

101. pagsusulit. Ayon sa kaniya, mahirap sukatin ang talento, madalas nasasabi lamang

102. nating may talento ang isang tao batay sa nasasaksihan natin o naitalang tagumpay

nito.

103. Walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento.

104. Ang bawat tao ay may kani-kaniyang panahon ng pagsibol, lalo na ang mga tinedyer.

105. Ang iba ay may tinatawag na late bloomer.

106. Isang napakahalagang teorya ang binuo ni Dr. Howard Gardner noong 1983 ang

teorya

107. ng Multiple Intellegences. Sinasabi niya na ang tao ay may isa, dalawa o higit pang

108. angking talino. Ayon sa teoryang ito, ang mas angkop na tanong ay “Ano ang iyong

109. talino?’ at hindi, “Gaano ka katalino?” Ayon kay Gardner, bagamat lahat ng tao ay

may

110. angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino o talento.

111. Binubuo ng siyam na talino ang teoryang binuo ni Howard Gardner.

112. BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECONDS AND UNDER

113. Una (HINTO) Visual/Spatial

- MORE -
Pagpapaunlad ng Tiwala sa Sarili at Talento Mo, Ating Tuklasin …6

114. Ang taong may talinong visual/spatial ay mabilis matututo sa pamamagitan ng

115. paningin at pag-aayos ng mga ideya. Magaling siya sa paglalarawan at may

116. kakayahan siya na makita sa kanyang isip ang mga bagay upang makalikha ng isang

117. produkto o makalutas ng suliranin. May kakayahan din ang talinong ito sa kakayahan

118. sa matematika.

119. Ang halimbawa ng larangang tinatahak ng mga taong may talinong visual/spatial ay

120. sining, arkitektura at inhenyero.

121. Tulad ng mga enhinyero, magagawa lamang nila ang isang gusali o bahay kapag may

122. tinitignan silang plano kung paano ito gagawin at mga listahan ng kakailanganing

123. mga gamit.

124. BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECONDS AND UNDER

125. Ikalawa (HINTO) Verbal/Linguistic

126. Ito ang talino sapagbigkas o pagsulat ng mga salita.

127. Kadalasan ang taong may taglay na talinong ito ay mahusay sa pagbasa, pagsulat,

128. pagkukuwento, pagmememorya ng mga salita at mahalang petsa.

129. Mas madali siyang matuto kung nagbabasa, nagsusulat, nakikinig o nakikipagdebate.

130.

131. Mahusay siya sa pagpapaliwanag, pagtuturo, pagtatalumpati o pagganyak sa

132. pamamagitan ng pananalita. Madali para sa kanya ang matuto ng ibang wika.

133. Ang larangang nababagay sa mga taong may talinong verbal/linguistic ay abogasya,

134. pamamahayag, politika, pagtula at pagtuturo.

135. Halimbawa nito ay ang mga guro, na may husay sa pagtuturo at humarap sa mga

136. mag-aaral. May sapat na kaalaman sa paksa na kanilang ibinabahagi araw-araw.

137. BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECONDS AND UNDER

138. Ikatlo (HINTO) Logical/Mathematical

139. Taglay ng taong may talinong ito ang mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng

140. pangangatuwiran at paglutas ng suliranin (problem solving).

141. Ito ay talinong kaugnay ng lohika, paghahalaw, at numero.

- MORE -
Pagpapaunlad ng Tiwala sa Sarili at Talento Mo, Ating Tuklasin …7

142. Tulad ng inaasahan, ang talinong ito ay may kinalaman sa kahusayan sa matematika,

143. chess, computer programming, at iba pang may kaugnay na gawain.

144. Gayunpaman, mas malapit ang kaugnayan nito sa kakayahan sa siyentipikong

145. pag-iisip at pagsisiyasat, pagkilala ng mga abstract pattern, at kakayahang

146. magsagawa ng mga nakakalitong pagtutuos.

147. Ang larangang kaugnay nito ay ang pagiging scientist, mathematician, inhinyero,

148. doctor at ekonomista.

149. Tulad ng mga guro natin sa Matematika, may sapat na kaalaman sa pagbibilang at

150. paglutas ng mga suliraning pang-matematika.

151. BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECONDS AND UNDER

152. Ikaapat (HINTO) Bodily/Kinesthetic

153. Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong

154. karanasan o interaksiyon sa kapaligiran. Mas natututo siya sa pamamagitan ng

155. paggamit ng kanyang katawan, tulad ng pagsasayaw o paglalaro. Sa kabuoan,

156. mahusay siya sa pagbubuo at paggaa ng mga bagay tulad ng pagkakarpintero.

157. Mataas ang tinatawag na muscle memory ng taong may ganitong talino.

158. Ang larangang karaniwang tinatahak ng taong may ganitong talino ay ang

159. pagsasayaw, isports, pagiging musikero, pag-aartista, pagiging doctor (lalo na sa

160. pag-oopera), konstruksyon, pagpupulis, at pagsusundalo.

161. Halimbawa, si Manny Pacquiao ay mula sa simpleng pamilya lamang, ang husay niya

162. sa pagboboksing ang naging dahilan kaya siya tinawag na “PacMan” at umani ng

163. napakaraming panalo para sa bansang Pilipinas at tinagurian siyang “World

164. Champion”.

165. BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECONDS AND UNDER

166. Ikalima (HINTO) Musical/Rhythmic

167. Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit,

168. ritmo, o musika. Hindi lamang ito pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig kundi pag-

- MORE -
Pagpapaunlad ng Tiwala sa Sarili at Talento Mo, Ating Tuklasin …8

169. uulit ng isang karanasan.

170. Likas na nagtatagumpay sa larangan ng musika ang taong may ganitong talino.

171. Magiging masaya siya kung magiging isang musician, komposito o disk jockey.

172. Isa si Lea Salonga sa mahuhusay nating mang-aawit sa bansa na naging sikat din sa

173. ibang bansa. Umawit ng ilang kanta sa Miss Saigon, Les Misérables, Aladdin, Mulan,

174. at Flower Drum Song.

175. BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECONDS AND UNDER

176. Ikaanim (HINTO) Intrapersonal

177. Sa talinong ito, natututo ang tao sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at pananaw.

178. Ito ay talino na kaugnay ng kakayahan na magnilay at masalamin ang kalooban.

179. Karaniwang ang taong may ganitong talino ay malihim at mapag-isa o introvert.

180. Mabilis niyang nauunawaan at natutugunan ang kanyang nararamdamn at

181. motibasyon. Malalim ang pagkilala niya sa kanyang mga talento, kakayahan, at

182. kahinaan. Ang larangang kaugnay nito ay pagiging isang researcher, manunulat ng

183. mga nobela, o negosyante. Tulad ng mga Sikolohista (psychologist) na

184. nagpapakadalubhasa na ang binibigyang-pansin ay ang kilos at asal ng mga tao.

185. BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECONDS AND UNDER

186. Ikapito (HINTO) Interpersonal

187. Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ito ang kakayahan na

188. makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat. Ang taong may mataas na

189. interpersonal intelligence ay kadalasang bukas sa kanyang pakikipagkapwa o

190. extrovert. Siya ay sensitibo at mabilis na nakatutugon sa pagbabago ng damdamin,

191. motibasyon, at disposisyon ng kapwa. Mahusay siya sa pakikipag-ugnayan nang may

192. pagdama at pag-unawa sa damdamin ng kapwa. Siya ay epektibo bilang pinuno o

193. tagasunod man.

194. Kadalasan siya ay nagtatagumpay sa larangan ng kalakalan, politika, pamamahala,

195. pagtuturo o edukasyon, at social work.

196. Si Mother Teresa ay naglaan ng kanyang buhay bilang isang Albanian-Indian

- MORE -
Pagpapaunlad ng Tiwala sa Sarili at Talento Mo, Ating Tuklasin …9

197. misyonera at madre. Binigyang-halaga ang pagtulong sa mga mahihirap, may

198. kapansanan, walang tirahan at walang makain lalo na ang mga may sakit.

199. BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECONDS AND UNDER

200. Ikawalo (HINTO) Existential

201. Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnayng lahat ng daigdig.

202. ” Bakit ako nilikha?” “Ano ang papel na gagampanan ko sa mundo?” “Saan ang

203. lugar ko sa aking pamilya, sa paaralan, sa lipunan?”

204. Ang talinong ito ay naghahanap ng paglalapat at pag-unawa ng mga bagong kaalaman

205. sa mundong ating ginagalawan.

206. Kadalasan ang taong mayroong ganitong talino ay masaya sa pagiging philosopher o

207. theorist.

208. Teorista (Theorist) na ang binibigyang-pansin ay ang pagbibigay ng malinaw na

209. paliwanag tungkol sa mga pinagmumulan ng mga bagay-bagay sa paligid.

210. BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECONDS AND UNDER

211. Ika-siyam (HINTO) Naturalist

212. Ito ang talino sa pag-uuri at pagpapangkat.

213. Madalas niyang makilala ang mumunti mang kaibahan sa kahulugan (definition).

214. Madali niyang natutukoy ang mga bagay na nakikita sa kanyang kapiligiran. May

215. higit siyang pagmamahal sa mga likas na yaman (nature lover).

216. Hindi lamang ito angkop sa pag-aaral ng kalikasan kundi sa lahat ng larangan.

217. Kadalasan ang taong mayroong ganitong talino ay nagiging environmentalist,

218. magsasaka, o botanist.

219. Mga tao na mahilig mag-alaga ng mga halaman, mga nangangalaga sa kalikasan at

220. hayop. Ang mga magsasaka na nagtatanim ng palay at iba’t ibang gulay na

221. magsisilbing pagkain ng mga mamamayan.

222. BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECONDS AND UNDER

223. Binigyang-diin ni Gardner na maaaring magkaroon ng dalawa, tatlo o higit pang

224. talino ang isang tao. Mahalagang alam ng tao ang kanyang mga talino o talento upang

- MORE -
Pagpapaunlad ng Tiwala sa Sarili at Talento Mo, Ating Tuklasin …10

225. mapaunlad niya ang mga ito.

226. BIZ: MUSIC UP FOR 5 SECONDS AND UNDER

227. Isa sa mga magandang kuwento sa Bibliya ay ang “Ang Parabula ng mga Talento”

228. (Parable of the Talents). Sinasabi sa parabula na ito na dapat nating gamitin ang

ating

229. talento nang mapanagutan. ” Sapagkat sa sinumang mayroon nito, bibigyan pa siya

230. at magkakaroon nang sagana; ngunit ang wala, maging ang sa kaniya ay aagawin

231. pa.” Ito ay isang linya sa parabula na binitawan ng amo sa kanyang alipin na

binigyan

232. niya ng talento ngunit ibinaon ito at walang ginawa upang palaguin ito.

233. Ipinapahayag nito na ang mga talento at kakayahan na ipinagkaloob sa atin ay

234. nararapat lamang na pagyamanin at gamitin sa paglilingkod sa kapwa. Bilang mga

235. kaloob ng Diyos sa atin, hindi natin dapat itago ang ating mga talento, kundi dapat

236. gamitin ang mga ito sa paglilingkod. Napauunlad natin ang ating mga talento sa

237. tuwing ginagamit natin ang mga ito sa kabutihan.

238. BIZ: MUSIC UP FOR 5 SECONDS AND UNDER

239. Ngayon, nakahanda ka na ba sa pagtataya ng iyong sarili kaugnay ng mga

240. konseptong natutuhan mo sa modyul na ito?

241. BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECONDS AND UNDER

242. BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECONDS AND UNDER

243. Sa inyong activity sheets, sagutan lamang ang mga gawain na nakapaloob dito.

244. Basahing mabuti ag bawat panuto at pagnilayan ang mga sagot na ilagagay upang

245. magkaroon ng mataas na puntos.

246. Ipasa na lamang ninyo ang inyong sagot sa susunod na linggo at kasabay nito ang

247. pagkuha ng panibangong learning modyul.

248. BIZ: MUSIC UP FOR 3 SECONDS AND UNDER

249. Hanggang sa susunod nating aralin sa paghubog ng iyong pagkatao.

250. Patuloy nating linangin ang inyong isipan, Patuloy nating isabuhay ang kabutihan

- MORE -
Pagpapaunlad ng Tiwala sa Sarili at Talento Mo, Ating Tuklasin …11

251. Patuloy nating ibahagi ang kaalaman at patuloy nating paglingkuran ang Diyos at ang

252. ating bayan.

253. Paalam!

- MORE -

You might also like