You are on page 1of 3

ST CLARE COMMUNITY FOUNDATION SCHOOL

LEARNING PLAN
TEACHER : JESSALIE D. NATANAUAN Date: SEPTEMBER 12, 2022

YEAR LEVEL: 7 Duration: 1 HOUR

SUBJECT : EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Grade Level : 7

TOPIC : ANG TEORYA NG MULTIPLE INTELLIGENCES

OBJECTIVES
Sa loob ng 60 minutong aralin sa ESP 7 , ang mga mag-aaral ay inaasahang:
COGNITIVE:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa talento at kakayahan.

PSYCHOMOTOR:
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng kanyang mga talento at kakayahan.

AFFECTIVE :
Napatunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at kakayahan ay mahalaga.

RESOURCES

K TO 12 GRADE 7 LEARNING MATERIAL ESP


Page 50-56

ASSESSMENT
Panuto: Isulat ang TAMA kung sang-ayon ka sa bawat pahayag, at MALI kung hindi ka sang-ayon.

_____1. Mahalagang matuklasan ang kahinaan upang maging matagumpay ang tao.
_____2. Sa pagpapaunlad ng sarili, huwag magtiwala sa iba. Sarilinin mo lang ito.
_____3. Magkahawig, subalit iba ang talento sa kakayahan.
_____4. Maaaring magtagumpay sa anumang kahinaan.
_____5. Ang tiwala sa sarili ay namamana.
_____6. Bihira lamang ang mga taong pinagkakalooban ng Diyos ng talento.
_____7. Kailangang tuklasin ang sariling talento at paunlarin ito.
_____8. Dapat tuklasin at paunlarin ang talento at kakayahan upang magamit ang mga ito sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili.
_____9.Kailangan ang gabay upang higit na maging matagumpay ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili.
_____10. Maaaring magkaroon ng magkakaugnay na talino ang tao ayon sa teorya ng multiple intelligences.

DIFERENTIATION: WHAT PLAN WILL BE DONE IF THE STUDENTS HAVE DIFFERENT LEVEL
OF ABILITIES?

SKILL TO BE DEVELOPED

Malikhain na pag-iisip na kasanayan.

INFORMATION TECHNOLOGY – IS THERE A RELATED ICT TO BE INCLUDED IN YOUR


LESSON, IF YES WHAT IS IT?
Opo, Video Presentation

OUTLINE OF CONTENT AND TEACHER ACTIVITY –

MGA DAPAT TANDAAN


Ang teorya ng Multiple Intelligences- Dr. Howard Gardner 1983
Ayon sa teoryang ito, ang mas angkop na tanong ay “Ano ang iyong talino?” at hindi, “Gaano ka katalino?” Ayon
kay Gardner, bagama’t lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino o talento. Ang mga ito ay:
Visual/Spatial - Ang taong may talinong visual/spatial ay mabilis matututo sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng
mga ideya. Nakagagawa siya nang mahusay na paglalarawan ng mga ideya na kailangan din niyang makita ang paglalarawan
upang maunawaan ito. Ang larangan na angkop sa talinong ito ay sining, arkitektura at inhinyero.
Verbal/Linguistic- Ito ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita. Kadalasan ang mga taong may taglay na talinong ito ay
mahusay sa pagbasa, pagsulat, pagkukuwento, at pagmememorya ng mga salita at mahahalagang petsa. Mas madali siyang
matuto kung nagbabasa, nagsusulat, nakikinig, o nakikipagdebate. Ang larangan na nababagay sa talinong ito ay pagsulat,
abogasya, pamamahayag (journalism), politika, pagtula at pagtuturo.
Mathematical/Logical- Taglay ng taong may talino nito ang mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatuwiran at
paglutas ng suliranin (problem solving). Ito ay talinong kaugnay ng lohika, paghahalaw at numero. Gaya ng inaasahan, ang
talinong ito ay may kinalaman sa kahusayan sa matematika, chess, computer programming, at iba. Ang larangan na kaugnay
nito ay ang pagiging scientist, mathematician, inhinyero, doctor at ekonomista.
Bodily/Kinesthetic- Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o
interaksiyon sa kapaligiran. Mas natututo siya sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang katawan, tulad halimbawa sa
pagsasayaw o paglalaro. Ang larangang karaniwang kaniyang tinatahak ay ang pagsasayaw, isports, pagiging musikero, pag-
aartista, pagiging doctor (lalo na sa pag-oopera), konstruksyon, pagpupulis at pagsusundalo.
Musical/Rhythmic- Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o musika. Hindi
lamang ito pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit ng isang karanasan. Likas na nagtatagumpay sa larangan
ng musika ang taong may ganitong talino. Magiging masaya sila kung magiging isang mucisian, kompositor o disk jockey.
Intrapersonal- Sa talinong ito, natututo ang tao sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at pananaw. Ito ay talino na kaugnay
ng kakayahan na magnilay at masalamin ang kalooban. Karaniwang ang taong may ganitong talino ay malihim at mapag-isa
o introvert. Mabilis niyang nauunawaan at natutugunan ang kaniyang nararamdaman at motibasyon. Malalim ang pagkilala
niya sa kaniyang angking mga talento, kakayahan at kahinaan. Ang larangang kaugnay nito ay pagiging isang researcher,
manunulat ng mga nobela o negosyante.
Interpersonal- Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ito ang kakayahan na makipagtulungan at
makiisa sa isang pangkat. Ang taong may mataas na interpersonal intelligence ay kadalasang bukas sa kaniyang
pakikipagkapwa o extrovert. Siya ay sensitibo at mabilis na nakatutugon sa pagbabago ng damdamin, motibasyon, at
disposisyon ng kapwa. Kadalasan siya ay nagiging tagumpay sa larangan ng kalakalan, politika, pamamahala, pagtuturo o
edukasyon at social work.
Naturalist- Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan. Madali niyang makilala ang mumunti mang kaibahan
sa kahulugan (definition). Hindi lamang ito angkop sa pag-aaral ng kalikasan kundi sa lahat ng larangan. Kadalasan ang
taong mayroong ganitong talino ay nagiging environmentalist, magsasaka o botanist.
Existential- Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig. “Bakit ako nilikha?” “Ano ang papel na
gagampanan ko sa mundo?” “Saan ang lugar ko sa aking pamilya, sa paaralan, sa lipunan?” Ang talinong ito ay naghahanap
ng paglalapat at makatotohanang pag-unawa ng mga bagong kaalaman sa mundong ating ginagalawan. Kadalasan ang taong
mayroong ganitong talino ay masaya sa pagiging philosopher o theorist.
Kailangang paunlarin ang ating mga talento at kakayahan.
Likas ang mga talento at kakayahan ngunit kailangang paunlarin ang mga ito sa pamamagitan ng pagsasanay
(practice). Si Profesor Ericsson at kaniyang grupo ay nagsagawa ng mahabang pag-aaral ng mga sikat at matagumpay na
personalidad sa iba’t ibang larangan: sa sining, siyensiya, matematika, palakasan o isports, negosyo at iba pa. Sinuri ng
kaniyang pangkat ang naipong istatistika, iba’t ibang datos at talambuhay. Sinuri rin nila ang nakalap na resulta ng ilang
taong pageeksperimento sa mga eksperto at matagumpay na tao. Dalawang mahalagang bagay ang natuklasan nila.
Una, kadalasan di sapat ang likas na kakayahan upang maging bihasa at matagumpay sa anumang larangan. Ang
kanilang pagtatagumpay at kahusayan ay bunga ng masusi at matamang pagsasanay. Wika nga sa Ingles “Practice makes
perfect”.
Ikalawa, bukod sa talento o kakayahan, mahalaga rin na tayo ay may interes o hilig sa ating larangang pinasok. Dapat
na tayo ay masaya sa ating ginagawa upang magkaroon tayo ng inspirasyon at motibasyon na lampasan o higitan pa ang ating
natural na kakayahan. Ito ay upang maging angat tayo sa iba tungo sa paglilingkod sa kapwa at pakikibahagi sa pamayanan.
Kailangang malampasan ang ating mga kahinaan.
Ang tiwala sa sarili ay ang paniniwala sa sariling kakayahan. Ito ay tiwala sa sariling kakayahan na matatapos ang
isang gawain nang may kahusayan. Dahil sa kawalan ng kumpiyansa sa sarili ay maraming pagkakataon o oportunidad ang
pinalalampas ng marami. Dahil din dito, natutuon ang ating pansin sa ating mga kahinaan at hindi sa ating mga talento at
kakayahan. Ilan sa mga bagay na dapat nating malaman tungkol sa tiwala sa sarili ay ang sumusunod:
a. Ang tiwala sa sarili ay hindi namamana, ito ay natututuhan.
b. Hindi ito pangkalahatan, bagkus ay may iba’t ibang antas tayo ng tiwala sa ating sarili sa iba’t ibang sitwasiyon at
gawain. Halimbawa, maaaring mataas ang ating tiwala sa sarili sa pagtutuos (mathematical computation) ngunit mahina ang
loob sa pagsasalita sa publiko.
c. Nagbabago ito sa paglipas ng panahon. Maaari itong tumaas o bumababa ayon sa ating mga karanasan sa buhay.
d. Hindi ito nakasalalay sa mga bagay na labas sa ating sarili gaya halimbawa ng pagiging mayaman o pagkakaroon
ng mga taong nagmamahal sa atin.
Isang mabisang paraan upang masimulan ang daan sa pagpapaunlad ng sarili ay ang paggawa ng plano o mga
hakbang sa pagkakamit nito. Sabi nga ni Covey, “Begin with the end in mind.” Isang halimbawa ay ang paggawa ng Plano sa
Pagpapaunlad ng Sarili o Personal Development Plan. Ito ay tulad ng isang mapa na gabay sa paglalakbay tungo sa pag-unlad
ng sarili. Ito ay pagtatakda rin ng tunguhin (goal) tungo sa pagpapaunlad ng sarili. Dapat na taglay nito ang mga bahagi ng
ating sarili na dapat nating paunlarin o kahinaang kailangang malampasan, kasanayang kailangang matutuhan at mga talento
o kakayahang kailangang paunlarin.
Simple lamang ang paggawa ng Plano sa Pagpapaunlad ng Sarili.
Una, dapat nating tukuyin kung nasaan na tayo ngayon: Ano-ano ang ating mga kalakasan at kahinaan.
Ikalawa, tukuyin kung saan natin nais o kailangang tumungo. Anong aspeto ang kailangang paunlarin, alin ang dapat unahin.
At sa huli, kailangang lapatan ito ng mga paraan kung paano isasagawa ang mga pagbabago. Maaaring ang pinakamahirap na
bahagi nito ay ang pagtukoy at pagtanggap sa ating mga kahinaan. Kung magagawa natin ito, mas magiging madali na ang
iba pang bahagi.
VALUE INTEGRATION/GOALS OF SCHOOLS INTEGRATION
kadalubhasaan- ay ang kakayahan, karunungan at karanasan sa isang tiyak na paksa.
ASSIGNMENT
Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili matapos ang aralin? Pumili ng isa (1) sa mga multiple Intelligences na namumukod
tangi sa iyo at ipaliwanag mo kung paano mo ito nasabi.

You might also like