You are on page 1of 4

DAILY LESSON LOG Paaralan: CURUAN NATIONAL HIGH SCHOOL Antas: 7

(Pang-araw-araw na Tala sa
Pagtuturo) Guro: JOYCE FAITH J. MARINÕ Asignatura: ESP
Petsa: September 21-22 Markahan: UNA
I. LAYUNIN UNANG ARAW

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa talento, kakayahan at kahinaan.
A.Pamantayang Pangnilalaman

Naisasagawa ang mga kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga talento at kakayahan at paglampas sa mga kahinaan.
B. Pamantayang Pagganap

1. Natutukoy ang kanyang mga talento, kakayahan gamit ang Multiple Intelligences Survey Form ni Walter Mckenzie. EsP7PS-Ic-2.1
2. Nakikilala ang teorya ng Multiple Intelligence ayon kay Howard Gardner.
3. Nakapagbabahagi ng sariling pamamaraan upang mapaunlad ang talento.
C Kasanayan sa Pagkatuto
4. Nakapagsusulat ng sanaysay tungkol sa sariling talento.

II. NILALAMAN Modyul 2: Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin!


KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Kagamitang
Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 16-27
Pang- Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 35-64
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning http://lrmds.deped.gov.ph/detail/23/5332
Resources o ibang website
III. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa nakaraang 1. Gamit ang fish bowl, pabunutin ang mga mag-aaral ng mga salitang may kaugnayan sa
aralin at/o kahalagahan ng talento at ipaliwanag ang salitang nabunot. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
pagsisimula ng bagong aralin Talento
Kakayahan
Talino
Pagpapahalaga
B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin 1. Natutukoy ang kanyang mga talento, kakayahan gamit ang Multiple Intelligences Survey Form ni Walter Mckenzie.
2. Nakikilala ang teorya ng Multiple Intelligence ayon kay Howard Gardner.
3. Nakapagbabahagi ng sariling pamamaraan upang mapaunlad ang talento.
4. Nakapagsusulat ng sanaysay tungkol sa sariling talento.
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa
bagong aralin

D. Pagtalakay ng bagong Gamit ang Multiple Intelligences (MI) Survey Form (McKenzie, 1999), tutuklasin ng mga mag-aaral ang kanilang mga talento at kakayahan.
konsepto at Ipakopya sa notbuk ang kalakip na sagutang papel. Dito nila isusulat ang sagot sa bawat aytem ng MI Survey Form.Pagkatapos nito ay ilipat ang
bagong kasanayan #1 iskor sa bawat aytem sa angkop na kahong nasa kasunod na pahina. (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Reflective Approach)
Multiple Intelligences Survey Form (Walter McKenzie, Copyright 1999)
Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang bilang 1 hanggang 90 sa bandang kaliwa ng iyong notbuk sa Edukasyon sa
Pagpapakatao. Gabay ang legend sa ibaba, isulat sa sagutang papel ang bilang na naglalarawan sa iyong sarili. Maging tapat sa iyong sagot sa bawat
bilang. Huwag kang mahihiya kung Hindi (0) o Bihira (1) ang sagot mo sa ilang bilang.
Legend:
4 - Palagi
3 - Madalas
2 - Paminsan-minsan
1 - Bihira
0 – Hindi
E. Pagtalakay ng bagong Gamit ang PowerPoint presentation, tatalakayin ng guro ang iba’t ibang uri ng Multiple Intelligences ayon kay Howard Gardner. (Gawin sa loob ng
konsepto at 10 minuto) (Integrative Approach)
bagong kasanayan #2 Visual/Spatial. Ang taong may talinong visual/spatial ay mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng mga ideya. Nakagagawa siya
nang mahusay na paglalarawan ng mga ideya na kailangan din niyang makita upang maunawaan ito. May kakayahan siyang makita sa kanyang isip
ang mga bagay upang makalikha ng isang produkto o makalutas ng suliranin. May kaugnayan din ang talinong ito sa kakayahan sa matematika.
Verbal/Linguistic. Ito ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita. Kadalasan, ang mga taong may taglay na talinong ito ay mahusay sa pagbasa,
pagsulat, pagkuwento at pagmemorya ng mga salita at mahahalagang petsa. Mas madali siyang matuto kung nagbabasa, nagsusulat, nakikinig o
nakikipagdebate. Mahusay siya sa pagpapaliwanag, pagtuturo, pagtatalumpati o pagganyak sa pamamagitan ng pananalita. Madali para sa kanya ang
matuto ng ibang wika
Mathematical/Logical. Taglay ng taong may talino nito ang mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatuwiran at paglutas ng suliranin
(problem solving). Ito ay talinong kaugnay ng lohika, paghahalaw at numero. Gaya ng inaasahan, ang talinong ito ay may kinalaman sa kahusayan sa
matematika, chess, computer programming at iba pang kaugnay na gawain. Gayunpaman, mas malapit ang kaugnayan nito sa kakayahan sa
siyentipikong pag-iisip at pagsisiyasat, pagkilala ng abstract patterns at kakayahang magsagawa ng mga nakalilitong pagtutuos.
Bodily/Kinesthetic. Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o interaksiyon sa kapaligiran. Mas
natututo siya sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang katawan, tulad halimbawa sa pagsasayaw o paglalaro. Sa kabuuan, mahusay siya sa pagbubuo
at paggawa ng mga bagay gaya ng pagkakarpintero. Mataas ang tinatawag na muscle memory ng taong may ganitong talino.
Musical/Rhythmic. Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo o musika. Hindi lamang ito pagkatuto sa
pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit ng isang karanasan.
Intrapersonal. Ito ay talino na kaugnay ng kakayahan na magnilay at masalamin ang kalooban. Karaniwang ang taong may ganitong talino ay
malihim at mapag-isa o introvert. Mabilis niyang nauunawaan at natutugunan ang kanyang nararamdaman at motibasyon. Malalim ang pagkilala niya
sa kanyang angking mga talento, kakayahan at kahinaan.
Interpersonal. Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ito ang kakayahang makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat.
Ang taong may mataas na interpersonal intelligence ay kadalasang bukas sa kanyang pakikipagkapwa o extrovert. Siya ay sensitibo at mabilis na
nakatutugon sa pagbabago ng damdamin, motibasyon at disposisyon ng kapwa. Mahusay siya sa pakikipag-ugnayan nang may pagdama at pag-
unawa sa damdamin ng kapwa. Siya ay epektibo bilang pinuno o tagasunod man.
Naturalist. Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan. Madali niyang makilala ang mumunti mang kaibahan sa kahulugan
(definition). Hindi lamang ito angkop sa pag-aaral ng kalikasan kundi sa lahat ng larangan.
Existential. Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig. “Bakit ako nilikha?” “Ano ang papel na gagampanan ko sa mundo?”
“Saan ang lugar ko sa aking pamilya, sa paaralan, sa lipunan?” Ang talinong ito ay naghahanap ng paglalapat at makatotohanang pag-unawa ng mga
bagong kaalaman sa mundong ating ginagalawan.
F. Paglinang sa Kabihasaan Batay sa nakaraang gawain, sagutan ang sumusunod na katanungan. Isulat ang mga sagot sa notbuk. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
(Tungo sa Formative Approach)
Assessment) 1. Ayon sa resulta, ano ang natuklasan mo tungkol sa iyong sarili?
2. Naaayon ba sa iyong inaasahan ang iyong mga natuklasang kakayahan? Ipaliwanag.
3. Nasiyahan ka ba sa iyong natuklasan? Ipaliwanag.
4. Angkop ba sa kursong akademiko o teknikal-bokasyonal na nais mong pag- aralan ang iyong angking kakayahan?

G. Paglalapat ng aralin sa Pangkatin ang klase sa limang grupo. Bigyan ang bawat pangkat ng Manila paper at isulat ang kasagutan sa mga patlang. Pumili ng isang mag-uulat.
pang-araw- (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Collaborative Approach)
araw na buhay Magtala ng mga pansariling pamamaraan ng pagpapaunlad sa talento.
1. ________________________________
2. ________________________________
3. ________________________________
4. ________________________________
5. ________________________________
H. Paglalahat ng aralin Ang Multiple Intelligence Survey na ito ni MCkenzie ay nakabatay sa teorya ni Howard Gardner na “Multiple Intelligences”. Ayon sa
teoryang ito, ang mas angkop na tanong ay “ Ano ang iyong talino?” At hindi, “Gaano ka katalino?”. Ayon kay Gardner, bagama’t lahat
ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang kanilang talino o talento. Ang mga ito ay:
1. Visual Spatial
2. Verbal/Linguistic
3. Mathematical/Logical
4. Bodily/Kinesthetic
5. Musical/Rhythmic
6. Intrapersonal
7. Interpersonal
8. Naturalist
9. Existential
I. Pagtataya ng aralin Sumulat ng sanaysay na binubuo ng lima o higit pang pangungusap tungkol sa Ako at ang Aking Talento. (Gawin sa loob ng 5 minuto.)
(Constructivist Approach)
Kraytirya:
Nilalaman 50 %
Angkop sa Paksa 25%
Orihinalidad 15%
Kalinisan 10%
Kabuuan: 100%

Inihanda ni Iniwasto ni:

JOYCE FAITH J. MARIÑO MA. THERESA V. TARROZA


SST-1 LAC LEADER/ MT-1

You might also like