You are on page 1of 2

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon VII, Sentral Visayas


Sangay ng Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao
UNANG MARKAHAN

Quarter 1 Week : 3 Day : 1 Activity No. : 5


Pamagat ng Gawain Mga Talento at Kakayahan
Kompetensi Natutukoy ang kanyang talento at kakayahan. (EsP7PSIc-2.1)
Layunin Naipaliliwanag ang kahulugan ng talento at kakayahan.
Sanggunian
DepEd. Edukasyon sa Pagpapakatao. Manila, 2013.

Copyright For classroom use only


DepEd Owned Materials
Konsepto

Ayon sa Webster Dictionary, ang talento ay ginagamit na kasingkahulugan ng biyaya at kakayahan.


Ito ay isang likas na kakayahan na kailangang tuklasin at paunlarin. Tulad ng isang biyaya, dapat itong ibahagi
sa iba.

Ayon naman kina Thorndike at Barnhart, ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan.
Samantala, ang kakayahan ay kalakasang intelektuwal (intellectual power) upang makagawa ng isang
pambihirang bagay tulad ng kakayahan sa musika o sining.

Madalas sinasabi ng mga sikolohista na ang talento ay may kinalaman sa genetics o mga pambihira ng
katangiang minana sa magulang. Ang kakayahan naman ay likas o tinataglay ng tao dahil na rin sa kaniyang
inSagutintellect o kakayahang mag-isip. Sa gayon, ang kahusayan sa isang larangan ay ayon sa kaniyang
kakayahang intelektuwal.

Ayon kay Gardner, bagama’t lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino o
talento ng mga tao. Ang mga ito ay:
1. Visual Spatial - Ang taong may talinong ito ay mabilis matututo sa pamamagitan
ng paningin at pag-aayos ng mga ideya.
2. Verbal/Linguistic - Ito ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita. Kadalasan ang
mga taong may taglay na talinong ito ay mahusay sa pagbasa,
pagsulat, pagkukuwento, at pagmememorya ng mga salita at
mahahalagang petsa
3. Mathematical/Logical - Taglay ng taong may talino nito ang mabilis na pagkatuto sa
pamamagitan ng pangangatuwiran at paglutas ng suliranin
(problem solving).
4. Bodily/Kinesthetic - Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng
mga kongkretong karanasan o interaksiyon sa kapaligiran. Mas
natututo siya sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang katawan,
tulad halimbawa sa pagsasayaw o paglalaro.
5. Musical/Rhythmic - Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa
pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o musika
6. Intrapersonal - Sa talinong ito, natututo ang tao sa pamamagitan ng damdamin,
halaga, at pananaw. Ito ay talino na kaugnay ng kakayahan na
magnilay at masalamin ang kalooban
7. Interpersonal - Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
8. Naturalist - Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan.
9. Existential - Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig.

Activity: 1
1. Ipaliwanag ang kaibahan ng talento at kakayahan.
2. Anong talento at kakayahan ang taglay mo, batay sa teorya ni Gardner?

You might also like