You are on page 1of 5

Paaralan TAGUIG INTEGRATED SCHOOL Baitang/Antas 7

Guro GERALDINE M. BARANAL Asignatura ESP/VALUES

Petsa/Oras September 12-15, 2022 Markahan Una


MY DAILY LESSON PLAN
6:30am-11:00am

DAY: MONDAY-THURSDAY

GRADE & SECTION: 7-


SUMAKWEL, TUPAS, BANKAW,
I. MGA LAYUNIN TIME: 6:30am-11:00am ROOM:
PAIBURONG, SULAYMAN, SULTAN
KUDARAT

UNANG MARKAHAN: Pagkilala at Pamamahala sa mga Pagbabago sa Sarili

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa


A. Pamantayang Nilalaman panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan, hilig, at mga tungkulin sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.

B. Pamantayan sa Pagganap Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa talento at kakayahan.

2.1. Natutukoy ang kanyang mga talento at kakayahan

2.2. Natutukoy ang mga aspekto ng sarili kung saan kulang siya ng tiwala sa sarili at
nakikilala ang mga paraan kung paano lalampasan ang mga ito

2.3. Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at


C. Mga kasanayan sa Pagkatuto kakayahan ay mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung pauunlarin ay

makahuhubog ng sarili tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paglampas sa mga


kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin, at paglilingkod sa pamayanan

2.4. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng sariling mga talento at
kakayahan

II. NILALAMAN
Modyul 2

III. LEARNING RESOURCES

A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang (Mga Modyul para sa Mag-aaral)
Pang-Mag-aaral pp. 25-56

3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula


sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo Panturong Biswal: Tv

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin Ipapakita sa pamamagitan ng mga larawan ang apat na angkop na mga inaasahang
at pagsisimula ng bagong kilos at kakayahan sa pagdadalaga at pagbibinata at ipapaalala ang kahalagahan ng
aralin pagpapaunlad ng mga ito.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Magpapakita ng isang video na nagpapakita ng halimbawa ng talento at isang video
at pagganyak na nagpapakita ng halimbawa ng kakayahan.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa
sa bagong aralin

D. Pagtalakay ng bagong Talento


konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1 - isang pambihira at likas na kakayahan (Edward Lee Thorndike at Clarence
Barnhart (1968
E. Pagtalakay ng bagong - biyaya
konsepto at paglalahad ng
- nararapat tuklasin, paunlarin, at ibahagi sa iba’t-ibang paraan ng pagbabalik
bagong kasanayan #2
sa Diyos
- may kinalaman sa genetics o mga pambihirang katangian minana sa
magulang
- mahirap sukatin

Kakayahan

- kapangyarihang intelektwal
- tinataglay ng isang tao dahil sa kanyang intellect o kakayahang mag-isip
- nasusukat sa pamamagitan ng mga pamantayang pagsusulit
- Mga mahahalagang kakayahan na madalas hindi napapansin: kakayahang
patawanin ang iba, kakayahang makinig, gumuhit, magsulat ng tula,
magtalumpati, maging mapagbigay, mapagpatawad o maging kaibig-ibig sa
iba

BIG IDEAS:

 Tulad ng isang obra, ang ating mga talent at kakayahan ay taglay na natin
buhat nang tayo’y isilang. Mahalagang tuklasin natin ang mga ito. Lahat ng
sitwasyon ay oportunidad sa pagtuklas.
 Kung sa bawat gawain o pagkakataon na ibibigay sa atin ay magbubuhos
tayo ng ating atensiyon, panahon, lakas, at talion, matutuklasan natin ang
ating mga talento at kakayahan.

Ang Teorya ng Multiple Intelligences ayon kay Howard Garner:

- ang tao ay may isa, dalawa o higit pang angking talion


- “Ano ang iyong talino?” at hindi “Gaano ka katalino?”

Multiple Intelligences:

1. Visual/Spatial
- mabilis matututo sa pamamagitan ng panginin at pag-aayos ng mga ideya
- magaling sa paglalarawan
- may kakayahan na makita sa isip ang mga bagay upang makalikha ng isang
produkto o makalutas ng suliranin
- mga larangang angkop: sining, arkitektura, at inhinyera
2. Verbal/Linguistic
- talino sa pagbigkas o pagsulat ng mga salita
- mahusay sa pagbasa, pagsulat, pagkukuwento, at pagmememorya ng mga
salita at mahalagang petsa
- mahusay sa pagpapaliwanag, pagtuturo, pagtatalumpati o pagganyak sa
pamamagitan ng pananalita
- madali matuto ng ibang wika
- mga larangang angkop: pagsulat, abogasya, pamamahayag (journalism),
politika, pagtula, at pagtuturo
3. Logical/Mathematical
- mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatwiran at paglutas ng
suliranin (problem solving)
- talinong kaugnay ng lohika, paghahalaw, at numero
- mga larangang angkop: scientist, mathematician, inhinyero, doctor, at
ekonomista
4. Bodily/Kinesthetic
- natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o interaksiyon sa
kapaligiran
- mas natututo sa pamamagitan ng paggamit ng katawan tulad ng
pagsasayaw at paglalaro
- mataas ang tinatawag na muscle memory
- mga larangang angkop: pagsasayaw, isports, pagiging musikero, pag-
aartista, pagiging doctor, konstruksyon, pagpupulis, at pagsusundalo
5. Musical/Rhythmic
- natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o musika
- natututo sa pauli-ulit na karanasan
- mga larangang angkop: musician, composer, disk jockey
6. Intrapersonal
- natututo sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at pananaw
- kaugnay ng kakayahang magnilay at masalamin ang kalooban
- karaniwang malihim at mapag-isa
- mabilis nauunawaan at natutugunan ang nararamdaman at motibasyon
- malalim ang pagkakilala sa mga talent, kakayahan, at kahinaan
- mga larangang angkop: researcher, novelist, businessman/businesswoman
7. Interpersonal
- talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao
- may kakayahan na makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat
- bukas sa pakikipagkapwa o extrovert
- sensitibo at mabilis na nakatutugon sa pagbabago ng damdamin,
motibasyon, at disposisyon ng kapwa.
- mga larangang angkop: kalakalan, politika, pamamahala, pagtuturo o
edukasyon, social work
8. Naturalist
- talino sa pag-uuri at pagpapangkat
- madaling natutukoy ang mga bagay na nakikita sa kapaligiran
- may higit na pagmamahal sa mga likas na yaman (nature-lover)
- mga larangang angkop: environmentalist, magsasaka, botanist
9. Existential
- talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig
- naghahanap ng paglalapat at pag-unawa sa mga bagong kaalaman sa
mundong ating ginagalawan
- mga larangang angkop: philosopher o theorist

BIG IDEA/TAKEAWAY: Bilang mga kaloob ng Diyos sa atin, hindi natin dapat itago
ang ating mga talent, kundi dapat gamitin ang mga ito sa paglilingkod. Napauunlad
natin ang ating mga talent sa tuwing ginagamit natin ang mga ito sa kabutihan.
F. Paglinang sa Kabihasahan
(Tungo sa Formative
Assessment)

G. Paglalapat sa aralin sa pang- A Letter to Myself


araw-araw na buhay
Write a letter to yourself HUMBLY and HONESTLY acknowledging to yourself
H. Paglalahat sa aralin
your strengths and weaknesses. Include encouragement or a challenge to

yourself to pursue ways to maximize your strengths and minimize your

weaknesses. Specify each one. Write your letter on a short bond paper (don’t

forget to include your name and section).

Your letter will be graded by the following criteria:

Content (30) – was able to sincerely identify one’s own strengths and

weaknesses; was able to include and specify ways to maximize one’s strength

and minimize personal weaknesses.

Structure (20) – was able to observe proper grammar, diction, punctuation,

and capitalization

Total points = 50

I. Pagtataya ng Aralin Multiple Intelligences (Takdang Aralin/Assignment):

Kumuha ng Multiple Intelligences Test upang matuklasan o matukoy ang

iyong mga talento at kakayahan.

1. Pumunta sa site na ito: https://acts-tensive-wealthacademy.com/test/multiple-


intelligences/.

2. I-download ang free multiple intelligences test.

3. Sundin ang directions o panuto at sagutan ito nang buong katapatan.

4. I-print ang result ng iyong multiple intelligences test at ang

intelligences descriptions. Idikit ang mga ito sa inyong notebook o

kwaderno.

J. Karagdagang gawain para sa Pangkatang Gawain:


takdang-aralin at remediation
Alamin ang intelligence na nakuha ng bawat miyembro ng inyong grupo. Magsaliksik
tungkol sa isang tao o mga taong naging matagumpay sa

mga larangangang ginagamitan ng talento o kakayahan na taglay ng karamihan o ng


majority sa inyong grupo o pangkat. Pagkatapos ay i-presenta o i-report sa klase ang
inyong masasaliksik. Gumamit ng cartolina o manila paper sa pag-presenta ng
inyong output. Pumili ng representative na mag-uulat ng inyong nakalap na
impormasyon.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba 9 pang
gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng mag - aaral na
nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag -aaral na


magpapatuloy sa remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nanang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punongguro at
superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang


aking nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

SUBMITTED BY: SUBMITTED TO:

GERALDINE M. BARANAL JOSE JEBBIE L. SANTOS


ESP Teacher ESP Department Coordinator

NOTED BY:

IRIS C. SERVANDA DR. JOSELITO F. MATAAC


Grade 7 Chairman Principal IV

You might also like