You are on page 1of 2

BIT International College- Talibon

Basic Education Department


San Jose, Talibon, Bohol

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


Filipino 7
Pangalan:_______________________________________ ____ Petsa:_______________ Iskor:___________

I.Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na mga pahayag o tanong. Isulat ang titik ng
wastong sagot sa sagutang papel.
1. Aling akda ang nagtatalakay sa mga napapanahong pangyayaring nagaganap sa isang
lugar?
A. Alamat B. Balita C. Bugtong
2. Saan natin mababasa ang mga balita sa ating lugar?
A. pahayagan B. radyo C.telebisyon
3. Aling uri ng balita ang tumatalakay sa pangyayaring may kinalaman sa politika?
A. Pantahanan B. Pambansa C. Pampolitika
4. Saan natin mapapanood ang mga balita?
A. Pahayagan B. radyo C. telebisyon
5. Aling uri ng balita tinatalakay ang mga pangyayaring may kinalaman sa mga palaro at
pampalakasan?
A. Pandaigdig B. Pampalakasan C. Panlokal
6. Ano ang tawag sa pamagat ng balita?
A. pamantayan B. pamatnubay C. pamatnugot
7. Aling hugis ang karaniwang ginagamit bilang gabay sa pagsulat ng balita?
A. baligtad na tagilo/pyramid B. tatsulok C. parisukat
8. Ano ang katumbas ng pamatnubay o pamagat ng balita sa salitang ingles?
A. bead B. head C. lead

9. Aling uri ng balita ang tumatalakay sa mahahalagang pangyayaring nagaganap lamaang


sa isang tiyak na bahagi ng bansa (munisipyo, lungsod, lalawigan)
A. Panlibangan B. Panlokal C. Pandaigdig
10. Alin dito ang balitang tumatalakay sa mga pangyayaring may kinalaman sa edukasyon?
A. Pang-edukasyon B. Pandaigdig C. Pambansa

II.Panuto: Tukuyin ang pahayag kung saang bahagi ng pagsasalaysay o pagkukuwento ito
maaaring gamitin. . Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
A. Simula B. Gitna C. Wakas

1. sa huli 6. sa wakas
2. isang araw 7. kasunod
3. pagkatapos 8. maya-maya pa’y
4. noong una 9.sa simula pa lamang
5. sa katapusan 10. sa dakong huli

III.Panuto:Piliin sa loob ng kahon ang salitang pupuno sa pangungusap at isulat ang titik ng
wastong sagot sa sagutang papel.

A. balita E. pamatnubay H. tagilo


B. internet F. pambansa I. telebisyon
C. katawan G. radyo J. simple
D. pahayagan
1. Ang__________________ng balita ang siyang nagbibigay ng mga detalyeng
nagpapaliwanag hingil sa mga datos na binanggit sa pamatnubay.
2. Sa mga ___________________ mababasa natin ang mga balita sa paligid.
3. Sa pagsulat ng balita karaniwang ginagamit ang inverted pyramid o baligtad na
_______________.
4. Ang ___________________ ay mga pangyayaring napapanahon at
makatotohanang nagaganap.
5. Ang mga balita ay maririnig din natin sa kahit saan mang lugar kung may
________________.
6. Sa pagsulat ng balita kailangan gumamit ng _______________ at madaling gamiting
salita.
7. Sa kasalukuyang panahon, mababasa at maririnig na natin ang mga balita sa
______________.
8. Ang pamagat ng balita ay tinatawag na _________________ o “lead” sa ingles.
9. Sa pamamagitan ng programa sa ___________________ mapapanood din ang mga
balita.
10. Ang balitang _______________ ay tumatalakay sa mahahalagang pangyayaring
nagaganap sa buong bansa.

You might also like