You are on page 1of 4

ANDOQUE, NESCHEL M.

PAGTATASA 1

Sa malawakang pagtatalakay, ilahad ang kahulugan, kalikasan, konsepto at kahalagahan ng Wikang


Filipino.

Ang wikang Filipino ay mabisang kasangkapan sa pakikipagkomunikasyon. Ito ay wikang dinadaluyan ng


lahat ng maganda, mabuti, makatao, makabayan, at maka-Diyos na mga kaisipan at saloobin ng ating
lahi. Ito ang wikang behikulo ng kulturang sarili at siyang inaasahang magbubuklod sa bansa. Sa
pamamagitan nito’y maaabot ang masa, maaarok ang kanilang saloobin, hangarin, at mithiin. Malaki ang
maitutulong nito sa pagpapaunlad ng pamayanan, sa paghahatid sa bayan ng mga karunungan at
kaalaman, at sa pagpapaliwanag sa sambayanan ng mga ginagawang pagbabago sa lipunan at sa
pamahalaan.

Paanong nakaaapekto ang wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo?

Kung ating mapapansin ang ginagamit na midyum na pagtuturo sa ibang asignatura dito sa ating bansa
ay ingles katulad asignaturang Matematika at Agham. Maraming nagsasabi mga mga pananaliksik na
malaking tulong ang wikang ingles sa pagtuturo ng ibang asignatura katulad ng matematika at agham na
siyang nakakatuling upang mas lalo pang maintindihan ang pagtatalakay ng mga ito, dito nakasalalay ang
pag katututo ng mga mag aaral sa pag-gamit ng wikang ingles, ngunit may malaking epekto ito sa ating
wika na siyang ating dapat gamitin, dahil sa pag gamit ng ibang wika unti-unting nakakaligtaan ng
karamihan na gamiting ang sariling wika, hamggang sa ngayon hindi natin magamit ang sarili nating wika
sa pakikipagtalastasan sa ibang bansa.

Isa-isahin at talakayin ang Multiple Intelligences ni Howard Gardner.

1. Visual/Spatial

Ang taong may talinong ito ay mabilis na natututo sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng mga
ideya. Nakagagawa siya ng mahusay na paglalarawan ng mga ideya at kailangan din niyang makita ang
paglalarawan nito upang maunawaan ito. Siya’y may
kakayahannamakitasakanyangisipangmgabagayupangmakalikhangisangprodukto o makalutas ng
suliranin. May kaugnayan din ang talinong ito sa kakayahan sa matematika. Ang mga larangan na angkop
sa talinong ito ay sining, arkitektura, at inhinyera.

2. Verbal/Linguistic

Ito ang talino sa binibigkas o isinusulat na salita. Kadalasan ang mga taong may taglay na talinong ito ay
mahusay sa pagbasa, pagsulat, pagkukwento, at pagmememorya ng mga salita at mga petsa. Mas
madali siyang matuto kung nagbabasa, nagsusulat, nakikinigsapagtuturo o nakikipagdebate. Mahusay
siyas sa pagpapaliwanag, pagtuturo, pagtatalumpati o pagganyak sa pamamagitan ngpananalita. Madali
para sakanya ang matuto ng ibangwika. Ang mga larangan nanababagay satalinong ito ay pagsulat,
abugasya, journalism, polítika, pagtula at pagtuturo.

3. Mathematical/Logical- Ang taong may talinong ito ay mabilis natututo sa pamamagitan ng


pangangatwiran at paglutas ng suliranin o “problem solving”. Ito ay talinong kaugnay nglohika,
paghahalaw at bilang. Gaya ng inaasahan, ang talinong ito ay may kinalaman sa kahusayan sa
matematika, chess, computer programming, at iba pang kaugnay na gawain. Gayunpaman mas malapit
ang kaugnayan nito sa kakayahan sa siyentipikong pag-iisip at pagsisiyasat, pagkilalang abstract patterns,
at kakayahang magsagawa ng mga komplikadong pagtutuos. Ang mga larangan na kaugnay nito ay
angpagigingscientist, mathematician, inhinyero, duktor at ekonomista.

4. Bodily/Kinesthetic

Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga konkretong karanasan o
interaksyon sa kapaligiran. Mas natuto siya sa pamamagitan ng pagamit ng kanyang katawan, tulad
halimbawa sapagsasayaw o paglalaro. Sa kabuuan mahusay siya sa pagbubuo at paggawa ng mga bagay
gaya ng pagkakarpintero. Mataas ang tinatawag na muscle memory ng taong may ganitong talino. Ang
mga larangang karaniwang kanyang tinatahak ay ang pagsasayaw, sports, pagiging musikero, pag-
aartista, pagiging duktor – lalo na sa pag-oopera, konstruksyon, pagpupulis, at pagsusundalo.

5. Musical/Rhythmic

Ang taong nagtataglay ng talinongito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o musika. Hindi
lamang ito pagkatuto sa pamamagitanngpandinigkundipag-uulit ng isang karanasan. Natural na
nagtatagumpay sa larangan ngmusika ang taong may ganitong talino.

6. Intrapersonal- Ang taong may talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at
pananaw. Ito ay talino nakaugnay ng kakayahan na mag nilay at masalamin ang kalooban. Karaniwang
ang taong may ganitong talino ay malihim at mapag-isa o introvert. Mabilis niyang nauunawaan at
natutugunan ang kanyang nararamdaman at motibasyon. Malalim ang pagkilala niya sa kanyang angking
mga kakayahan at kahinaan. Ang mga larangang kaugnay nito ay pilosopiya, sikolohiya, teolohiya,
marine biology, abogasya, at pagsulat.

7. Interpersonal- Ito ang talino sa interaksyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ito ang kakayahan na
makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat. Ang taong may mataas na interpersonal intelligence ay
kadalasang bukas sa kanyang pakikipagkapwa o extrovert. Siya ay sensitibo at mabilis na nakatutugon sa
pagbabagong damdamin, motibasyon, at disposisyon ng kapwa. Mahusay siya sa pakikipag-ugnayan at
may kakayahang mailagay ang sarili sa sitwasyon ng iba o may empathy sa kapwa. Siya ay epektibo
bilang pinuno o tagasunod man. Kadalasan siya’y nagiging tagumpay sa larangan ng kalakalan, politika,
pamamahala, pagtuturo o edukasyon at social work.

8. Naturalist

Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan. Madali niyang makilala ang mumunting
kaibahan sa kahulugan (definition). Hindi lamang ito angkop sa pag-aaral ng kalikasan kundi lahat ng
larangan.

9. Existentialist

Ito ay talino sa pag kilala sa pagkakaugnay ng lahat sa san sinukob. “Bakit ako naririto?” “Ano ang papel
na ginagampanan ko sa mundo?” “Saan ang lugar ko saaking pamilya, sa paaralan, sa lipunan?” Ang
talinong ito ay naghahanap ng paglalapat at makatotohanang pag-unawang mga bagong kaalaman sa
mundong ating ginagalawan.

Bakit kailangang isaalang-alang ang Multiple Intelligences sa pagtuturo at pagtataya sa mga mag-aaral?

Napakahalagang isaalang-alang ang Multiple Intelligences sa pagtuturosa mga mag aaral, Upang
Magabayan ang mga mag aaral sa mga sumusunod na paksa, Tulungan ang mga mag aaral na ma
diskubre ang kanilang mga talento at iba't-ibang Talino, sa tulong ng guro mas mapapaunlad nito ang
pagkatuto ng mag aaral gamit ang multiple intelligences.

Ano-ano ang Limang Makrong Kasanayang Pangwika? Suriin kung alin ang pinakamahirap matamo ng
mga mag-aaral.

1. PAKIKINIG

Ang pakikinig ay proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pakikinig at pag-


iisip.Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais iparating ng taong nagdadala ng mensahe.
Ang pandinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa.

2. PAGSASALITA
ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maipahayag ang kanyang ideya,pinaniniwalaan at
nararamdaman sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.

3. PAGBASA

Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo. Pagbibigay ito ng kahulugan sa mga
sagisag/simbolo sa iyong kaisipan.ito ay pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng
damdamin at kaisipan sa mga simbolo (titik) na nakalimbag sa pahina.

4. PAGSULAT

Isang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan ng tao sa pamamagitan ng mga simbolo (titik).

5. PANONOOD

Ito ay isang proseso ng pagmamasid ng isang tao sa palabas o iba pang visual media upang magkaroon
ng pang-unawa sa mensaheng ipinaparating nito.

Ang pinaka mahirap na natamo ng mag aaral ang pag-sulat sapagkat ito ang pinakahuling kasanayang
pang wika, at ito rin ang huling itinuturo sa mag-aaral sapagkat inuuna ang apat na makrong kasayan
kaysa sa pag-sulat at ito na marahil ang dahilan kung bakit nahihirapan ang karamihan sa pag susulat.

Bakit mahalagang tayahin ang mga Makrong Kasanayan ng mag-aaral?

Mahalaga ang pagbibigay pansin at pagtuturo ng makrong kasanayan sa mga mag-aaral sapagkat ang
mga guro ang siyang tutulong o magtuturo ng mga makrong kasanayan sa magaaral ng sa gayon ay
malinang ito sa kasanayang pangwika.

You might also like